Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Espirituwal na Laban. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Espirituwal na Laban. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 31, 2019

Nang malaman ng pastor at elder na tinanggap namin ang Makapangyarihang Diyos, walang-tigil ang panggugulo nila sa amin, walang-tigil ang paliwanag nila sa amin sa Biblia. Kahit pabulaanan namin sila, at tanggihan sila, ayaw nila kaming tantanan. Matinding panliligalig ‘yan sa mga mamamayan. Noong araw, kapag nanghihina o negatibo kami, hindi sila ganito kasigasig. Pero ngayon, nang tanggapin na namin ang Makapangyarihang Diyos, galit na galit sila, sa pagbibigay ng pabuya at parusa, panay ang pang-iinis nila sa amin. Parang hindi sila titigil sa kasamaan nila hangga’t hindi nila kami naihuhulog sa impiyerno na kasama nila! Hindi ko lang maintindihan. Ang pastor at elder, bilang mga taong naglilingkod sa Panginoon, at madalas magsalita tungkol sa Biblia, dapat nilang makita na lahat ng salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan. Bakit hindi nila hanapin ang katotohanan? Bakit hindi nila siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa halip na mabangis na tuligsain, kalabanin, at lapastanganin ang Makapangyarihang Diyos? Ginagawa ng pastor at elder ang lahat para hadlangan ang pagtanggap namin sa Makapangyarihang Diyos. Nahihirapan kaming makita ang likas na katangian ng bagay na ito. Pakipaliwanag ito nang kaunti sa amin.

Sagot: Puwede bang hindi mag-alala ang pastor at elder sa pagtanggap n’yo sa Makapangyarihang Diyos? Sa mga mata ng pastor at elder, kayo ang kanilang mga tupa. Naakit kayo ng iba—masakit ito sa pastor at elder. Kung gayo’y kailangan nilang gawin ang lahat para makawala kayo, at pabalikin kayo. Gunitain ang mga pagkakataon na nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus. Ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseong Judio ay walang-pakundangang siniraan, tinuligsa, at nilapastangan ang Panginoong Jesus; ipinako pa nila ang Panginoong Jesus sa krus. Noong panahong iyon siguradong maraming Judiong gustong tumanggap sa Panginoong Jesus. Bakit hindi sila nangahas na tanggapin ang Panginoong Jesus? At hindi rin sila nangahas na sundin ang Panginoong Jesus? Palagay ko madalas na tinakot ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseong Judio ng nananalig na mga Judio, at gumamit pa ng iba’t ibang pamamaraan para hadlangan ang mga tao sa pagtanggap sa Panginoong Jesus. Noong panahong iyon may isang taong nagngangalang Nicodemo. Bakit gabi siya nakikipagkita sa Panginoong Jesus? Siguradong may kaugnayan ‘yon sa sitwasyong ito. Malinaw na nakatala ang mga ito sa Biblia. Sa kasamaang-palad iilang tao lang sa iba’t ibang relihiyon ang nakaunawa sa dahilan ng pagkalaban ng mga Fariseo sa Panginoon. Wala ring nakaunawa sa mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon batay sa mga sinabi ng Panginoong Jesus para hatulan, ilantad, at isumpa ang mga Fariseo. Hindi ba ganito nga ang sitwasyon? Dumating na ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at inilantad na ang dahilan at tunay na sitwasyon ng pagkalaban ng relihiyosong mga Fariseo, pastor, at elder sa Diyos. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.