Ang pinakamaraming inihula sa loob ng Kasulatan ay ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Binabanggit sa Kasulatan ang paglalapat ng paghatol ng Diyos sa may halos dalawang daang lugar; maaaring sabihin na hinulaan nilang lahat na isasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw. Dito, gamit ang kakaunti lamang na bahagi ng mga kasulatan ay sapat na upang patunayan na ang paglalapat ng Diyos ng Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo ay isang hindi mapipigilang hakbang ng Kanyang gawain sa mga huling araw.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paghatol sa mga Huling Araw. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paghatol sa mga Huling Araw. Ipakita ang lahat ng mga post
Hun 26, 2019
Hun 12, 2019
Paghatol sa mga Huling Araw | Ang Kahihinatnan at Ibubunga ng Pagtanggi sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw
Ang lahat ng mga tao na nakaranas ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maaaring malinaw na makita na kapag ang lubos na natiwaling sangkatauhan ay nakararanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ay makakakuha sila ng tunay na kaalaman tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at magtatamo ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Tanging sa paraang ito lamang makakasunod ang sangkatauhan sa kalooban ng Ama sa langit, ibigay ang lahat ng kanilang pagsisikap para sa sukdulang pagpapalawak ng ebanghelyo ng kaharian, at magkaroon ng bahagi sa mga kahirapan, kaharian at katiyagaan ni Cristo.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)