Ang lahat ng mga tao na nakaranas ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maaaring malinaw na makita na kapag ang lubos na natiwaling sangkatauhan ay nakararanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ay makakakuha sila ng tunay na kaalaman tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at magtatamo ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Tanging sa paraang ito lamang makakasunod ang sangkatauhan sa kalooban ng Ama sa langit, ibigay ang lahat ng kanilang pagsisikap para sa sukdulang pagpapalawak ng ebanghelyo ng kaharian, at magkaroon ng bahagi sa mga kahirapan, kaharian at katiyagaan ni Cristo.
Tanging sa paraang ito lamang maaaring maging karapat-dapat ang sangkatauhan sa pagpasok sa kaharian ng langit. Ang kabiguan at katiwalian ng lahat ng mga mananampalataya sa Panginoong Jesus na hindi tumanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw at nananatili sa Kapanahunan ng Biyaya ay pangunahing ipinahayag sa sumusunod sa sampung aspeto:
1. Bagama’t naniniwala sila sa kanilang puso na mayroong Diyos, umaamin na ang lahat ng tao ay nagkakasala, at laging nananalangin at nagpapahayag ng kanilang kasalanan, wala silang tunay na pagsisisi o pagbabago.
2. Pinagtutuunan lamang nila ang pag-ibig sa mga tao ngunit walang prinsipyo ng katotohanan, at dumadating pa sa punto na iniibig ang mga demonyo, si Satanas, at ang mga masamang espiritu. Ang kanilang pag-ibig ay isang litong pag-ibig.
3. Hindi nila alam ang tunay na kalagayan ng kanilang katiwalian at ang diwa ng kanilang kalikasan, kinikilala lamang ang kasalanan ngunit hindi malinaw na nakikita ang diwa; hindi nila magawang tunay na makilala ang kanilang sarili.
4. Hindi nila makita ng malinaw ang diwa ng kadiliman at ng kasamaan ng kapanahunan, at sinusunod maging ang takbo ng kasamaan ng sanlibutan; wala silang paraan upang makawala sa impluwensya ni Satanas.
5. Naniniwala sila sa Diyos at sinasamba ang mga pari at mga sikat na tao, naturingan silang naniniwala sa Diyos ngunit aktwal na sumusunod sa mga tao at nasa ilalim ng kontrol ng mga tao; matigas ang kanilang ulo at bulag na naniniwala sa Biblia at lumalakad sa landas ng mga antikristo.
6. Iniisip nila na ang Diyos ay mahabagin at mapagmahal lamang, na kahit gaano karami ang kasalanang ginagawa ng tao ay papatawarin sila ng Diyos; hindi nila alam na ang disposisyon ng Diyos ay mayroon ding pagkamatuwid, paghatol, at poot.
7. Nauunawaan lamang nila ang mga letra at mga pangungusap sa Biblia, ngunit hindi nila nauunawaan ang kalooban ng Diyos; iniibig nila na sumunod sa mga alituntunin, at kaya ding mangopya ng mga salita at mga pangungusap sa Biblia ng walang kamalian.
8. Hindi nila kayang tratuhin ang Biblia ng tama ayon sa makasaysayang katunayan, itinuturing nila ang mga salita ng mga apostol bilang mga salita ng Diyos, na nagiging sanhi ng paglabas ng magkakahiwalay na mga sekta at nagdadala ng lubos na kaguluhan.
9. Hindi nila kilala ang gawain ng Banal na Espiritu, at itinuturing kahit na ang gawain ng mga masamang espiritu bilang gawain ng Banal na Espiritu, kaya ang mga masamang espiritu ay ginugulo at sinisira ang Iglesia at inililigaw ang mga tao.
10. Sinasamba nila ang Biblia na parang ito ay Diyos, ginagamit ang Biblia upang limitahan ang Diyos, hatulan ang Diyos, at labanan ang Diyos, hindi hangarin ang katotohanan, at higit sa rito ay hindi nila hinahangad ang pagpapakita ng Diyos.
Ang sampung pagpapahayag sa itaas ay sapat upang ipaliwanag na ang mga mananampalataya ng Panginoong Jesus na nananatili sa Kapanahuan ng Biyaya ay malaon ng naiwanan ng bilis ng gawain ng Diyos. Wala silang kahit ni katiting na paglago sa buhay, at nananatili sa mga unang yugto ng paniniwala sa Diyos. Naniniwala sila sa Diyos ngunit hindi nila nakikilala ang Diyos, lumalaban pa rin sila at pinagtataksilan ang Diyos, hanggang sa punto na maging isang kaaway ng Diyos. Hindi sila tunay na nakalaya sa impluwensya ni Satanas at naabot ang pamantayan ng kaligtasan. Ito ay isang kahabag-habag na trahedya! Think about the Age of Grace, when deeply corrupted humankind nailed the Lord Jesus to the cross. What exactly was the nature of their action? To be able to turn the Lord Jesus, who spread the way of the kingdom of heaven, over to the devil, and on top of that to say also that it was necessary to nail the Lord Jesus to the cross, that they would rather free a robber and crucify the Lord Jesus: Was such a corrupt humankind not demonic? Only demons could hate God so much that they are at deadly feud with God. The chief priests, scribes, and so many followers—who at that time shouted in unison that the Lord Jesus must be crucified—could only have been a crowd of demons that hated God, isn’t that so? Now don’t most pastors and leaders in the religious community, along with many believers, also condemn Almighty God with one voice? Are these not demons that are opposing God? Especially now, when the great red dragon madly resists and condemns God’s work, the religious community also takes the side of the great red dragon, and even joins hands together with it to resist God, condemn God, and blaspheme God. The human race is thus witnessing the religious community and the great red dragon are united together in Satan’s camp. The religious community has long turned into an accomplice of Satan, which thoroughly reveals that the essence of the religious community’s “serving God” is, in fact, resisting God, which completely proves the words of the Lord Jesus that revealed and judged the Pharisees. This is precisely the essence of the corruption and evil of the religious community today. The resistance to God of the religious community today equals or surpasses that of the religious community at the time of the Lord Jesus. They are a demonic group opposing Christ that God has rejected and condemned, and they belong completely to the evil forces of Satan. From this it is evident that the corruption of the human race has reached an extreme where it can actually once again crucify Christ, who in the last days is delivering truth and passing judgment. This is enough to show that the human race has been so corrupted by Satan that it has turned into demons. Ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay upang baguhin ang mga taong ito na ginawang tiwali ni Satanas at ang mga taong ginawang demonyo; ito ay isang napakahirap na gawain. Kaya, ang paggamit ng Diyos sa pamamaraan ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw upang iligtas ang sangkatauhan na tunay na naaangkop. Nararapat lamang ang tiwaling sangkatauhan para sa kaligtasan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ang makasalanang sangkatauhan ay hindi lamang simpleng nagrerebelde at lumalaban sa Diyos, sa halip ay naging isang galit na puwersa laban sa Diyos, naging mga kaaway ng Diyos at mga inapo ni Satanas na lumalaban sa Diyos. Kaya, ang makasalanang sangkatauhan, lalo na ang relihiyosong mundo, ay kaya lamang kilalanin si Cristo, na nagpapahayag ng katotohanan upang iligtas ang mga tao, bilang isang ganap na hindi makakasundong kaaway, at hindi makapaghintay upang muli Siyang ipako sa krus, saka lamang huhupa ang kanilang galit. Ang kawalan ba ng paghatol at pagkastigo para sa ganitong makasalanang sangkatauhan ay katanggap-tanggap? Ito ay ganap na hindi katanggap-tanggap. Dahil ang sangkatauhan ay napakalupit, at lubhang makamandag, ito ay naging mga inapo ni Satanas at isang sutil, at masamang puwersa na napopoot sa Diyos. Kaya, ang sabihin na ang makasalanang sangkatauhan ay ang diyablo ay nararapat ng walang kahit kaunting bahid ng pagmamalabis. Sa katunayan, ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng pagdadala sa katapusan ng tadhana ni Satanas. Maaari kaya na ang Diyos ay magpakita ng kaluwagan dito sa mga malademonyong anticristo ng relihiyosong komunidad na hindi magbabahagi ng parehong langit sa tunay na nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw? Maaaring maghintay at makita ng lahat kung anong magiging tanawin nito kapag ang mga bansa at mga tao ng mundo ay masaksihan ang pagpapakita ng Diyos sa publiko. Bakit mananaghoy ang mga tao? Pagkatapos, ang katotohanan ay dadalhin sa liwanag!
…………
Matapos nating maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, makikita natin ang katunayan na ang pinagmumulan ng katotohanan ay ang Diyos, at ang pinagmumulan ng lahat ng bagay na positibo ay ang Diyos. Kung saanmang may paghadlang at katiwalian ni Satanas at pagkakasala sa pagtutol sa Diyos, tiyak na susunod doon ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kung saanman may paghatol ang Diyos, magkakaroon ng pagpapakita ng katotohanan at ang pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos. Ang katotohanan at disposisyon ng Diyos ay ibinunyag sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kung saan lamang may katotohanan ay naroon ang paghatol at pagkastigo; kung saan lamang may paghatol at pagkastigo ay naroon ang pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Samakatuwid, kung saan may paghatol at pagkastigo ng Diyos, doon natin makikita ang mga yapak ng gawain ng Diyos, at iyon ang pinakatotoong daan para mahanap ang pagpapakita ng Diyos. Tanging Diyos lang ang may awtoridad na magbigay ng paghatol, at tanging si Cristo lang ang may kapangyarihan na hatulan ang tiwaling sangkatauhan. Kinukumpirma nito at ipinapakita na ang Anak ng tao—si Cristo—ay ang Panginoon ng paghatol. Kung wala ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, walang kaparaanan ang mga tao na makuha ang katotohanan, at ang paghatol at pagkastigo ay ang nagbubunyag sa matuwid na disposisyon ng Diyos, nagbibigay sa mga tao ng pagkakataon para makilala ang Diyos. Ang proseso kung saan ang mga tao ay naiintindihan ang katotohanan ay ang proseso kung saan nakikilala nila ang Diyos. Ang katotohanan para sa tiwaling sangkatauhan ay paghatol, pagmatyag, at pagkastigo. Kung ano ang ibinubunyag ng katotohanan ay mismong pagkamatuwid, kadakilaan, at poot ng Diyos. Ang mga taong nakakaunawa ng katotohanan ay kayang itapon ang katiwalian at nakakawala sa impluwensya ni Satanas. Ito’y lubos na nakasalalay sa kapangyarihan at pagkamakapangyarihan ng mga salita ng Diyos. Inililigtas ng Diyos ang mga tao at pineperpekto ang mga tao para ipaunawa sa mga tao ang katotohanan, upang makamit ang katotohanan. Habang mas nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, mas lalo rin nilang nakikilala ang Diyos. Sa ganitong paraan maaaring alisin ng mga tao ang katiwalian at maging banal. Kapag namuhay ang mga tao para sa katotohanan at pumasok sa realidad ng katotohanan, ito ay pamumuhay sa liwanag, pamumuhay sa pag-ibig, at pamumuhay sa harapan ng Diyos. Ito ang resulta na nakamtan ni Cristo sa pamamagitan ng paghatid ng katotohanan at pagbibigay ng paghatol. Sa katunayan, ang lahat ng mga salita ng Diyos ay ang katotohanan at mga paghatol sa sangkatauhan. Kahit sa anong panahon man, ang mga salita na sinabi ng Diyos ay may epekto ng paghatol. Sa Kapanahunan ng Kautusan ang mga salita ng Diyos na Jehovah ay mga paghatol sa tiwaling sangkatauhan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga salita na sinabi ng Panginoong Jesus ay mga paghatol sa tiwaling sangkatauhan. Ngayong Kapanahunan ng Kaharian, sa mga huling araw na isinasagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo, ang lahat ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos ay paghatol at pagkastigo, pagpupungos, pakikitungo, pagsubok at pagpipino, sa huli’y para makita ng sangkatauhan na ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan ay ang pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang inihahatid ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa sangkatauhan ay kaligtasan, ay pagka-perpekto. Tanging sa pamamagitan ng pagtanggap at pagsunod sa paghatol at pagkastigo ng Diyos nakukuha ng isang tao ang tunay na pag-ibig ng Diyos at lubos na kaligtasan. Lahat niyaong mga taong tumatanggi na matanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay sasailalim sa pagpaparusa ng Diyos at lulubog sa pagkawasak. Gaya ng sinasabi ng Salita ng Diyos:“Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Silang mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay ay mananatiling bangkay magpakailanman, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan”)
“Ang gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang umaalimbukay na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakahirap na kalamidad at karapat-dapat sa kaparusahan.” (mula sa “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan”)
mula sa “Paano Malalaman ang Gawain ng Paghatol at Pagkastigo ng Diyos sa mga Huling Araw” sa Koleksyon ng mga Sermon—Panustos para sa Buhay
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento