Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na simbahan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na simbahan. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 8, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos |  Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos |  Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos


  Batas ito ng langit at panuntunan ng lupa na maniwala sa Diyos at kilalanin ang Diyos, at ngayon—personal Niyang gagawin ang Kanyang gawain sa panahon na nagkatawang tao ang Diyos—isang tiyak na magandang pagkakataon upang makilala ang Diyos. Nakakamit ang pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at ang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kinakailangan na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ng Diyos ay ang pananaw na dapat magkaroon ang isang mananampalataya; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kung walang ganitong kaalaman ang tao, sa gayon malabo ang kanyang paniniwala sa Diyos, at nasa walang laman na teorya. Kahit na ito ay kapasiyahan ng mga tao na tulad nito na sundin ang Diyos, wala silang nakamit. Ang mga aalisin ay ang lahat ng mga walang nakamit sa daloy na ito, at sila ang mga tao na gumagawa lamang nang pinaka mababa. Alinmang hakbang ng gawain ng Diyos ang iyong maranasan, dapat kang samahan ng isang makapangyarihang pananaw. Kung walang katulad ng ganitong pananaw, magiging mahirap para sa iyo na tanggapin ang bawat hakbang ng mga bagong gawain, dahil hindi kaya ng tao na ilarawan sa diwa ang mga bagong gawa ng Diyos, lampas ito sa pagkaintindi ng tao. At kaya kung walang pastol na gagabay sa tao, kung walang pastol na nagsama ng tungkol sa mga pananaw, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang bagong gawain na ito. Kung hindi kayang tanggapin ng tao itong mga pananaw, sa gayon hindi niya matatanggap ang mga bagong gawain ng Diyos, at kung hindi kayang sundin ng tao ang bagong gawain ng Diyos, sa gayon hindi kayang intindihin ng tao ang kalooban ng Diyos, at pati ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay mawawalan ng halaga. Bago tuparin ng tao ang mga salita ng Diyos, dapat niyang malaman ang mga salita ng Diyos, iyon ay, ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring matupad ng tiyak ang mga salita ng Diyos at ayon sa puso ng Diyos. Dapat itong taglayin ng lahat ng mga taong naghahanap ng katotohanan, at ang proseso na dapat maranasan ng lahat ng mga taong sinusubukang kilalanin ang Diyos. Ang proseso ng pagkilala ng mga salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso rin ng pag-alam ng gawain ng Diyos. At sa gayon, hindi lamang tumutukoy sa pag-alam ng pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ang pag-alam ng mga pananaw, ngunit kabilang din ang pagkilala sa mga salita at gawa ng Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay dumating upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos dumating sila upang malaman ang disposisyon ng Diyos at katauhan ng Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwala sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso ng pagdama sa gawa ng Diyos. Kung ikaw ay naniniwala lamang sa Diyos alang-alang sa paniniwala sa Diyos, at hindi naniniwala sa Diyos upang makilala ang Diyos, sa gayon ay walang katotohanan sa iyong paniniwala, at hindi ito maaaring maging dalisay—at gayon ito ay walang duda. Kung, sa oras ng proseso na kung saan nadarama niya ang Diyos, unti-unting nakikilala ng tao ang Diyos, at ang kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago, at ang kanyang paniniwala ay unti-unting magiging totoo. Sa ganitong paraan, kapag nakakamit ng tao ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, ganap niyang makakamit ang Diyos. Malayo ang pinagdaan ng Diyos upang maging nagkatawang-tao para sa ikalawang pagkakataon at personal na gawin ang Kanyang gawa upang magawa Siyang kilalanin ng tao, at upang makita Siya. Ang pagkilala sa Diyos[a] ay ang huling epekto na makakamit sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito para sa kapakanan ng Kanyang huling pagpapatotoo, at upang sa wakas at ganap ng makabalik ang tao sa Kanya. Magagawa lamang ng tao na mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para ibigin ang Diyos dapat niyang makilala ang Diyos. Hindi mahalaga kung paano siya naghahanap, o kung ano ang kanyang hinahangad na makamit, dapat niyang makamit ang pagkilala sa Diyos. Tanging sa paraan lamang na ito makakapagbigay ang tao ng kasiyahan sa puso ng Diyos. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay na maniniwala ang tao sa Diyos, at tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay niyang igagalang at susundin ang Diyos. Hindi kailanman tunay na susunod at igagalang ang Diyos ng mga hindi nakakakilala sa Diyos. Kabilang sa pagkilala sa Diyos ang pagkilala sa disposisyon ng Diyos, pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagkilala sa katauhan ng Diyos. Ngunit kung ano man itong aspeto ng pagkilala sa Diyos, kinakailangan ng bawat tao na magbayad ng halaga, at kinakailangan ng kalooban na sumunod, na wala kung saan walang makasusunod hanggang sa katapusan. Sadyang salungat sa mga pagkaintindi ng tao ang gawa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos at sadyang mahirap para sa tao na malaman ang katauhan ng Diyos, at lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay sadyang hindi maunawaan ng tao; kung ninanais ng tao na sumunod sa Diyos, ngunit hindi nais tumupad sa Diyos, sa gayon walang makakamit ang tao. Simula nang lalangin ang sanglibutan hanggang ngayon, marami ng tinupad na mga gawain ang Diyos na hindi kayang unawain ng tao at kung saan nahirapan ang tao na tanggapin, at maraming nasabi ang Diyos na nagpapahirap sa paglunas ng mga pagkaintindi ng tao. Ngunit hindi Siya kailanman tumigil sa Kanyang gawain dahil ang tao ay maraming kahirapan; ipinagpatuloy Niya ang pagtatrabaho at pagsasalita, at kahit na maraming bilang ng mga “mandirigma” ang bumagsak sa gilid ng daan, ginagawa pa rin Niya ang Kanyang gawain, at nagpapatuloy sa pagpili ng grupo ng mga tao na nais sumunod sa Kanyang bagong gawain. Hindi Siya nahahabag sa mga bumagsak na mga “bayani,” ngunit sa halip ay pinapahalagahan ang mga taong tumanggap ng Kanyang bagong gawain at mga salita. Ngunit hanggang saan Siya gagawa sa ganitong paraan, baitang-baitang? Bakit palagi Siyang nagtatanggal at pumipili ng mga tao? Bakit palagi Niyang ginagawa ang ganitong kaparaanan? Ang makilala Siya ng mga tao ang layunin ng Kanyang gawain, at sa gayon makamit Niya. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay upang gumawa sa mga kayang sumunod sa Kanyang mga gawaing ginagawa Niya ngayon, at hindi gumawa sa mga sumusunod sa Kanyang nakaraang gawain, ngunit sumasalungat sa Kanyang gawain ngayon. Ito ang tunay na dahilan kung bakit Niya inalis ang napakaraming tao.

Set 25, 2017

Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos 

  Sa maraming taon ang Espiritu ng Diyos ay masusing gumagawa sa lupa. Sa paglipas ng panahon, gumamit ang Diyos ng maraming tao upang isagawa ang Kanyang gawain. Ngunit ang Espiritu ng Diyos ay wala pa ring angkop na lugar na mapagpapahingahan. Kaya’t kumilos ang Diyos sa iba’t-ibang tao sa pagsasagawa ng gawain Niya at higit sa lahat Siya ay gumamit ng mga tao upang isagawa ito. Iyon ay dahil, sa loob ng maraming taon, hindi huminto ang gawain ng Diyos. Nagpatuloy itong sumulong sa pamamagitan ng mga tao, hanggang sa kasalukuyan. Kahit na marami na ang sinabi at ginawa ng Diyos, hindi pa rin kilala ng tao ang Diyos, dahil hindi kailanman nagpakita ang Diyos sa tao, at Siya ay walang anyo. Kaya kailangang tuparin ng Diyos ang gawaing ito—ang pagpapahayag sa lahat ng tao ng tunay na kahalagahan ng praktikal na Diyos. Sa hangaring ito, dapat ipakita ng Diyos ang Kanyang Espiritu, tunay at nahahawakan, sa mga tao at kumilos sa kanilang kalagitnaan. Tanging kapag nagkaanyo ang Espiritu ng Diyos, at nagkaroon ng laman at mga buto, at nakikitang lumakad sa gitna ng mga tao, sinasamahan sila sa kanilang mga buhay, minsan ay nagpapakita at minsan ay ikinukubli ang Sarili Niya, ang mga tao ay mas mauunawaan Siya. Kapag nanatili sa laman ang Diyos, hindi Niya lubos na matatapos ang Kanyang gawain. Pagkatapos gumawa sa laman ng ilang panahon, isinasagawa ang ministeryo na kailangang gawin sa laman, dapat lisanin ng Diyos ang laman at gumawa sa espirituwal na dako sa anyo ng laman katulad ng ginawa ni Jesus matapos gumawa sa isang panahon sa normal na pagkatao at kinukumpleto ang lahat ng gawaing kailangang tapusin. Maaaring naaalala ninyo ito mula Sa Landas … (5): “Naaalala Ko ang Aking Ama na sinasabi sa Akin, ‘Sa lupa, isagawa Mo lamang ang Aking kalooban at tapusin ang Aking atas. Wala Ka nang ibang aalalahanin.’” Ano ang nakikita mo sa mga siping ito? Nang ang Diyos ay pumarito sa lupa, ginawa Niya lamang ang gawain ng pagka-Diyos. Ito ang komisyon ng makalangit na Espiritu sa Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay pumarito lamang upang pumunta sa lahat ng dako at mangusap, upang ihayag ang Kanyang tinig sa iba’t-ibang paraan at mula sa iba’t-ibang pananaw. Ang Kanyang pangunahing layunin at simulain sa paggawa ay ang tustusan ang tao at turuan sila. Hindi Niya inaalala ang mga bagay na katulad ng magkaakibat na panaong relasyon o ang mga salaysayin sa buhay ng tao. Ang Kanyang pangunahing ministeryo ay ang mangusap para sa Espiritu. Nang nagpakita sa laman ang Espiritu ng Diyos nang actuwal, nagbibigay lamang Siya para sa buhay ng tao at inihahayag ang katotohanan. Hindi Siya nakikialam sa mga suliranin ng tao, iyon ay, hindi Siya nakikisali sa gawain ng pagkatao. Hindi maaaring gumawa ang tao ng maka-Diyos na gawain, at hindi nakikisali ang Diyos sa gawain ng tao. Sa loob ng ilang taong gumawa ang Diyos sa lupa, gumamit Siya ng mga tao upang isagawa ang mga gawain Niya. Ngunit ang mga taong ito ay hindi maituturing na Diyos na nagkatawang-tao; maituturing lamang silang mga taong ginamit ng Diyos. Ngunit ang Diyos ng ngayon ay maaaring tuwirang mangusap mula sa pananaw na pagka-Diyos, isugo ang tinig ng Espiritu, at gumawa sa ngalan ng Espiritu. Ang lahat ng mga tao na ginamit ng Diyos sa paglipas ng panahon ay nagtataglay din ng Espiritu ng Diyos sa kanilang mga katawan, ngunit bakit hindi sila maaaring tawaging Diyos? Ang Diyos ngayon ay Espiritu ng Diyos na tuwirang gumagawa sa laman, si Jesus rin ay Espiritu ng Diyos na gumagawa sa laman. Ang panghuling dalawang ito ay tinatawag na Diyos. Kaya’t ano ang pagkakaiba? Sa paglipas ng panahon, ang mga taong ginamit ng Diyos ay may mga karaniwang pag-iisip at katuwiran. Alam nilang lahat kung paano kumilos at pangasiwaan ang mga pangyayari sa buhay. Nagtataglay sila ng payak na kaisipan at mga karaniwang bagay na nararapat mayroon ang mga tao. Ang karamihan sa kanila ay mayroong mga bukod-tanging kakayahan at likas na talino. Sa paggawa sa pamamagitan ng mga taong ito, ginagamit ng Espiritu ng Diyos ang mga kakayahan nila, na ibinigay ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ang kumikilos upang gumana ang mga kakayahan nila, at ginagamit ang kanilang lakas upang paglingkuran ang Diyos. Ngunit, ang katangian ng Diyos ay malaya mula sa kaisipan at malaya mula sa diwa. Hindi nito isinasama ang mga kuro-kuro ng tao at mayroong kakulangan sa kung ano angkaraniwang tinataglay ng tao. Iyon ay dahil, hindi nauunawaan ng Diyos ang mga simulain ng pag-uugali ng tao. Ito ang mangyayari kapag ang Diyos ngayon ay bumaba sa lupa. Siya ay gumagawa at nangungusap na hindi isinasama ang mga makataong palagay at makataong kaisipan, ngunit tuwirang inihahayag ang orihinal na kahulugan ng Espiritu at tuwirang gumagawa sa ngalan ng Diyos. Ito ay nangangahulugang ang Espiritu ay lumalabas upang gumawa, na hindi rin nagsasama ng kahit na kaunting pag-iisip ng tao. Iyon ay, ang Diyos na nagkatawang-tao na kumakatawan sa tuwirang pagka-Diyos, ay walang kaisipang pantao o ideolohiya, walang pagkakaunawa sa mga simulain ng pag-uugali ng tao. Kung mayroon lamang pagka-Diyos na gawain (nangangahulugan na kung ang Diyos Mismo lamang ang nagsasagawa ng gawain), ang gawain ng Diyos ay hindi maisasagawa sa lupa. Kaya kapag pumarito sa lupa ang Diyos, kailangan Niyang magkaroon ng ilang tao na magagamit Niya upang gumawa sa sangkatauhan na kaugnay sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos. Sa ibang salita, gumagamit Siya ng mga gawain ng tao upang alalayan ang Kanyang pagka-Diyos na gawain. Kung hindi, ang tao ay mahihirapang tuwirang makisama sa gawaing pagka-Diyos. Ganito ang nangyari kay Jesus at sa Kanyang mga alagad. Sa panahon ng Kanyang buhay, binuwag ni Jesus ang mga lumang kautusan at nagtatag ng mga bago. Siya rin ay madalas na nangusap. Ang lahat ng ito ay ginawa sa pagka-Diyos. Ang ilan, katulad nina Pedro, Pablo at Juan, lahat sila ay nanalig sa mga salita ni Jesus bilang kanilang saligan. Iyon ay dahil, nagsasagawa ang Diyos sa panahon ng gawain sa paglulunsad, at inihahatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Nagdala Siya ng bagong panahon at binuwag ang luma, at tinupad ang mga salitang “Ang Diyos ang Simula at ang Katapusan”. Sa madaling salita, dapat magsagawa ang tao ng gawain ng tao bilang saligan sa pagka-Diyos na gawain. Matapos sabihin ni Jesus ang mga nais Niyang sabihin at tinapos ang Kanyang gawain sa lupa, iniwan Niya ang tao. At ang mga tao ay gumawa ayon sa simulain ng Kanyang mga salita at gumawa ayon sa mga katotohanang sinabi Niya. Ang lahat ng mga taong ito ay gumagawa para kay Jesus. Kung si Jesus lamang ang nagsasagawa ng mga gawain, kahit gaano karaming ulit Siya mangusap, hindi pa rin mauunawaan ng mga tao ang mga salita Niya, dahil Siya ay gumagawa sa pagka-Diyos at maaari lamang mangusap nang maka-Diyos. Mahirap para sa Kanya ang magpaliwanag ng mga bagay na maiintindihan ng mga karaniwang tao. Kaya’t kinailangan Niya ang mga apostol at mga propetang sumunod sa Kanya upang punan ang gawain Niya. Ito ang simulain kung paano gumawa ang Diyos na nagkatawang-tao—ginagamit ang katawang-tao upang mangusap at kumilos upang matapos ang gawaing pagka-Diyos, at ginagamit ang ilan pang mga tao na sumusunod sa puso ng Diyos na punan ang mga gawain ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng mga tao na nagawang sumunod sa Kanyang puso upang magpastol at diligan ang sangkatauhan sa gayon ay makatanggap ng katotohanan ang bawat tao.

Set 3, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Musical Drama | Every Nation Worships the Practical God!

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama, simbahan, tinig


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Musical Drama | Every Nation Worships the Practical God!

  “We give you thanks, O LORD God Almighty, which are, and were, and are to come; because you have taken to you your great power, and have reigned” (Revelation 11:17). “… in the end every nation shall worship this ordinary man, as well as give thanks to and obey this insignificant man. Because it is He who has brought the truth, the life, and the way to save all mankind, ease the conflict between God and man, bring God and man closer together, and communicate thoughts between God and man. It is also He who has brought even greater glory to God. Is not an ordinary man such as this worthy of your trust and adoration?” (The Word Appears in the Flesh). Please stay tuned for the musical drama of the Church of Almighty God—Every Nation Worships the Practical God!

Set 2, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosPara Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

Noo’y ‘di malinaw sa layon ng buhay, ngayo’y alam ko na.
Hinanap ko’y estado at kasikatan.
Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa ‘kin lamang.
Sa dasal sambit dati’y magagandang salita,
pero ang buhay ko ay hindi akma.
Pananampalataya ko’y sa bukas ipinagbahala,
katotohana’t realidad sa akin ay wala.
Pananampalataya’y kulong sa ritwal at patakaran;
ako’y naiwang walang saysay.
Bigong mabuhay at di karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos.