Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Nob 30, 2017

Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas

Kaharian, Kaalaman, kapalaran, lahat ng bagay,kapangyarihan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas

    Lumilipas ang oras, at sa isang kisap-mata ang araw na ito ay dumating. Sa ilalim ng paggabay ng Aking Espiritu, ang lahat ng tao ay namumuhay sa gitna ng Aking liwanag, at walang sinuman ang nag-iisip ng nakalipas o pag-iintindi sa kahapon. Sino ang hindi kailanman nabuhay sa kasalukuyan? Sino ang hindi gumugol ng mga kahanga-hangang araw at buwan sa kaharian? Sino ang hindi nabuhay sa ilalim ng araw? Bagaman ang kaharian ay bumaba sa sangkatauhan, walang sinuman ang totoong nakaranas ng kasiglahan nito; ang mga tao ay itinuturing ito mula sa labas lamang, di-nakauunawa ng substansya nito. Sa panahon nang mabuo ang Aking kaharian, sino ang hindi nagagalak dahil dito? Maaari ba na ang mga bansa sa daigdig ay makatakas? Talaga nga ba na ang malaking pulang dragon ay may kakayahang makatakas salamat sa kanyang katusuhan? Ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa buong sansinukob, itinatatag nila ang Aking awtoridad sa lahat ng mga tao at gumagana sa buong kosmos; gayon pa man, ang tao ay hindi tunay na batid ito. Nang ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa sansinukob ay gayun din kapag ang Aking gawa sa lupa ay malapit nang maging ganap. Kapag Ako ay namuno at humawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga tao at kapag Ako ay kinilala bilang ang isang Diyos Mismo, ang Aking kaharian ay lubos nang mananaog sa lupa. Ngayon, lahat ng tao ay may bagong simula sa pamamagitan ng bagong landas. Sinimulan nila ang isang bagong buhay, gayon pa man walang sinuman ang tunay na nakaranas ng isang buhay sa lupa katulad ng sa langit. Kayo ba ay tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking liwanag? Kayo ba ay tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking mga salita? Sino ang hindi nagbigay paglingap sa kanilang mga sariling inaasam? Sino ang hindi namimighati sa kanilang sariling kapalaran? Sino ang hindi nagpupumiglas sa gitna ng dagat ng kadalamhatian? Sino ang hindi nais na palayain ang kanilang mga sarili? Ang mga pagpapala ng kaharian ba ang kapalit ng hirap sa trabaho ng mga tao sa lupa? Maaari nga ba na ang lahat ng mga hinahangad ng tao ay matupad ayon sa kanyang mga pagnanais? Minsan Ko nang iniharap ang magandang tanawin ng kaharian sa harap ng tao, gayon pa man siya lamang ay tinitigan ito nang may mga sakim na mata at walang sinuman ang naghangad na pasukin ito. Minsan Ko nang “iniulat” ang tunay na sitwasyon sa lupa para sa tao, ngunit siya ay nakinig lamang, at siya ay hindi hinarap nang may puso ang mga salitang nagmula sa Aking bibig; Minsan Ko nang sinabi sa sangkatauhan ang mga kalagayan sa langit, gayon pa man ang Aking mga salita ay itinuring niya bilang mga kahanga-hangang kwento, at hindi talagang tinanggap ang inilarawan ng Aking bibig. Ngayon, ang mga tagpo ng kaharian ay sumalimbay sa sangkatauhan, ngunit meron ba na “tumawid sa rurok at kapatagan” sa paghahanap nito? Kung wala ang Aking panghihimok, ang tao ay hindi pa rin magigising mula sa kanyang mga panaginip. Siya nga ba kaya ay tunay na nabighani sa kanyang buhay sa lupa? Wala nga bang mataas na pamantayan sa kanyang puso?


    Yaong Aking itinalaga bilang Aking bayan ay magagawang ialay ang kanilang sarili sa Akin at manirahan sa pagkakaisa sa Akin. Sila ay mahalaga sa Aking paningin, at nagniningning nang may pagmamahal para sa Akin sa Aking kaharian. Kabilang sa mga tao ng araw na ito, sino ang tutupad sa ganyang mga kondisyon? Sino ang may kakayahang gumawa ng antas ayon sa Aking mga kinakailangan? Ang Akin bang mga kinakailangan ay talagang sanhi ng paghihirap sa tao? Ako ba ang sadyang nagiging sanhi sa kanya upang makagawa ng mga pagkakamali? Ako ay maawain tungo sa lahat ng tao, at binibigyan sila ng katig sa pagtrato. Gayunman, ito lamang ay patungo sa Aking bayan sa Tsina. Ito ay hindi upang kayo ay maliitin, ni hindi rin tumingin sa inyo nang paayon, ngunit Ako ay praktikal at makatotohanan patungo sa inyo. Ang mga tao ay tiyak na nakatagpo ng dagok sa kanilang mga buhay, maging ukol sa kanilang mga pamilya o sa mas malawak na mundo. Gayon pa man kaninong paghihirap ang isinaayos sa pamamagitan ng kanilang mga sariling kamay? Ang tao ay walang kakayahang Ako ay kilalanin. Siya ay may ilang kaalaman ng Aking panlabas na anyo, ngunit siya ay walang nalalaman sa Aking substansya; hindi niya alam ang mga sangkap ng pagkaing kanyang kinakain. Sino ang may kakayahang dahan-dahang maramdaman ang Aking puso? Sino ang may kakayahang tunay na maunawaan ang Aking kalooban sa harap Ko? Sa Aking pagdating sa mundo, ito ay nakukubli ng kadiliman at ang sangkatauhan ay “mahimbing na natutulog.” Lumalakad Ako sa lahat ng dako, at ang lahat ng Aking nakita ay punit-punit at sira-sira at hindi mapagtitiisang tingnan. Ito ay parang pumayag lamang ang tao upang tamasahin, at walang pagnanais na intindihin ang “mga bagay mula sa labas ng mundo.” Lingid sa kaalaman ng lahat ng tao, sa Aking pagsisiyasat sa buong daigdig, ni wala saanman Akong nakita na puno ng buhay. Kagya’t, Aking pinakinang pasulong ang liwanag at init at tumingin sa lupa mula sa ikatlong langit. Bagama’t ang liwanag ay lumalatag sa ibabaw ng lupa at ang init ay kumakalat sa ibayo nito, tanging ang liwanag at init ang tila nagagalak; walang napupukaw sa tao, na ikinatutuwa nang labis ang ginhawa. Nang makita ito, kaagad Ko na ipinagkaloob sa tao ang “pamalo” na Aking inihanda. Sa paglagpak ng pamalo, ang liwanag at ang init ay unti-unting humawi at ang mundo ay kaagad nagiging mapanglaw at madilim—at dahil sa karimlan, ang sangkatauhan ay sumunggab sa pagkakataon upang isagawa ang tinatamasa. Ang sangkatauhan ay may bahagyang pakiramdam ng pagdating ng Aking pamalo, ngunit hindi siya tumugon, at nagpatuloy sa pagtamasa ng kanyang mga pagpapala sa lupa. Kasunod, ang Aking bibig ay nagpapahayag ng pagkastigo sa lahat ng sangkatauhan, at mga tao sa buong sansinukob ay ipinako sa krus nang patiwarik. Kapag dumating ang Aking pagkastigo, ang sangkatauhan ay yayanigin ng ingay ng mga bundok na bumabagsak at ang lupa na ginugutay-gutay. Sa pagulantang na pag-gising, siya ay nagtaka at nasindak, at nais tumakbo palayo, ngunit ito ay huli na. Sa paglagapak ng Aking pagkastigo, ang Aking kaharian ay pumanaog sa lupa at lahat ng mga bansa ay nadurog nang pira-piraso, nawala nang walang bakas at walang natira.

    Bawat araw ay Aking pinagmamasdan ang mukha ng sansinukob, at bawat araw ay Aking ginagawa ang bagong gawa sa sangkatauhan. Ngunit ang mga tao ay lahat “gumagawa nang walang pag-iimbot,” at walang sinuman ang nagbibigay-pansin sa mga dinamika ng Aking gawain o pumapansin sa estado ng mga bagay lagpas sa kanilang mga sarili. Ang mga tao ay nanirahan na parang sa isang bagong paraiso at isang bagong daigdig ng kanilang sariling gawa, at hindi nais ang sinuman na manghimasok. Lahat sila ay okupado sa gawain ng pagpapakasaya ng kanilang mga sarili, ang lahat ay hanga sa kanilang mga sarili habang ginagawa nila ang kanilang mga “pisikal na pagsasanay.” Wala nga ba Akong lugar sa puso ng tao? Ako nga ba ay walang kakayahang maging Pinuno ng puso ng tao? Ang espiritu ng tao ay tunay nga bang iniwan na siya? Sino ang kailanman maingat na nagnilay-nilay sa mga salita sa Aking bibig? Sino nga ba ang nakaramdam ng hangarin ng Aking puso? Talaga nga bang ang puso ng tao ay napalitan na ng ilang iba pang bagay? Maraming beses nang Ako ay umiyak sa tao, gayon pa man mayroon ba na nakadama ng pagkahabag? Mayroon bang sinuman na nabuhay sa sangkatauhan? Ang tao ay maaaring mabuhay sa katawang-tao, ngunit siya ay walang pagkatao. Siya ba ay ipinanganak sa kaharian ng hayop? O siya ba ay ipinanganak sa langit, at nagmamayari ng pagka-Diyos? Gumawa Ako ng mga kinakailangan ng tao, gayon pa man hindi niya tila maunawaan ang Aking mga salita, na parang Ako ay isang di-malapitang halimaw na dayuhan sa kanya. Maraming beses na Akong binigo ng tao, maraming beses na Akong galit na galit sa kanyang mahinang pagganap, at maraming beses na Akong naghinanakit sa kanyang kahinaan. Bakit hindi Ko mapukaw ang espirituwal na damdamin sa puso ng tao? Bakit hindi Ko mabigyan ng inspirasyon ang pag-ibig sa puso ng tao? Bakit ayaw ng mga tao na Ako ay tratuhing pinakamamahal sa kanyang mga mata? Hindi ba niya pag-aari ang kanyang puso? Ang kanyang espiritu ba ay pinaninirahan ng iba pang mga bagay? Bakit nananaghoy ang tao nang walang tigil? Bakit siya malungkot? Bakit, kapag siya ay nalulungkot, ipinagsasawalang-bahala niya ang Aking pag-iral? Sasaksakin ko ba siya? Sinadya Ko ba siyang iniwan?

    Sa Aking mga mata, ang tao ay ang namumuno sa lahat ng bagay. Hindi Ko siya binigyan ng maliit na awtoridad, na nagpapahintulot sa kanya upang pamahalaan ang lahat ng bagay sa lupa—damo sa mga bundok, ang mga hayop sa gitna ng mga gubat, at ang mga isda sa tubig. Ngunit sa halip ng pagiging masaya dahil sa mga ito, ang tao ay naliligid ng pagkabalisa. Ang kanyang buong buhay ay isang dalamhati, at nagmamadali, at ang saya ay idinagdag sa kahungkagan, at sa kanyang buong buhay ay walang mga bagong imbensyon at mga paglikha. Walang sinuman ang may kakayahang palayain ang kanilang mga sarili mula sa guwang na buhay, walang sinuman ang nakatuklas ng isang buhay ng kahulugan, at walang sinuman ang kailanman nakaranas ng isang tunay na buhay. Bagaman ang lahat ng tao ay naninirahan sa ilalim ng Aking nagniningning na liwanag, wala silang alam sa buhay sa langit. Kung hindi Ako maawain sa tao at hindi iligtas ang sangkatauhan, gayon ang lahat ng mga tao ay walang kabuluhan, ang kanilang mga buhay sa lupa ay walang kahulugan, at sila ay umalis nang walang kabuluhan, na walang anumang ipagmamalaki. Ang mga tao ng bawat sekta, globo ng lipunan, bansa, at denominasyon lahat alam ang kahungkagan sa lupa, at lahat sila ay naghahanap sa Akin at hinihintay ang Aking pagbabalik—gayon pa man sino ang may kakayahang kumilala sa Aking pagdating? Ginawa ko ang lahat ng mga bagay, nilikha Ko ang sangkatauhan, at ngayon Ako ay pumanaog sa mga tao. Ang tao, gayunpaman, ay lumalaban sa Akin, at may hangarin ng paghihiganti sa Akin. Ang Aking mga gawa ba ay walang pakinabang sa kanya? Ako nga ba ay walang kakayahang magbigay-kasiyahan sa tao? Bakit nila Ako tinatanggihan? Bakit malamig ang tao at walang malasakit tungo sa Akin? Bakit ang mundo ay balot ng mga bangkay? Ito nga ba talaga ang estado ng mundo na Aking ginawa para sa tao? Bakit Ko binigyan ang tao ng walang kapantay na kayamanan, ngunit siya ay naghandog sa Akin nang walang dala bilang kapalit? Bakit hindi Ako tunay na minamahal ng tao? Bakit hindi siya kailanman pumupunta sa harap Ko? Lahat ba ng Aking mga salita ay talagang naging para sa walang saysay? Ang Akin bang mga salita ay naglaho na tulad ng init mula sa tubig? Bakit ayaw makipagtulungan sa Akin ng tao? Ang pagdating ba ng Aking araw ay talaga nga bang sandali ng kamatayan ng tao? Maaari Ko nga bang sirain ang tao sa panahon ng pagkabuo ng Aking kaharian? Bakit, sa panahon ng Aking buong plano sa pamamahala, ay walang sinuman ang nakaiintindi ng Aking mga intensyon? Bakit, sa halip na mahalin ang mga binibigkas ng Aking bibig, kinasusuklaman at tinatanggihan ang mga ito ng tao? Walang sinuman ang Aking parurusahan, ngunit maging sanhi lamang ng pagtahimik at isakatuparan ang mga gawain ng sariling pagmuni-muni ng mga tao.
Marso 27, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento