Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kapangyarihan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kapangyarihan. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 28, 2018

Makapangyarihang Diyos | Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ikaapat na bahagi)


Makapangyarihang Diyos | Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ikaapat na bahagi)


        Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Hindi Mapipigilan ang Awtoridad ng Maylalang sa pamamagitan ng Oras, Espasyo, Heograpiya, at ang Awtoridad ng Maylalang ay Hindi Masusukat Ang Katotohanan ng Kontrol at Kapangyarihan ng Maylalang sa Lahat ng mga Bagay at mga Buhay na Nilalang ay Naghahayag ng Tunay na Pag-iral ng Awtoridad ng Maylalang Di-Nagbabago at Di-Nasasaktan ang Awtoridad ng Maylalang

Dis 13, 2018

Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)



Tagalog church songs | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)


I
Alam mo ba ang pasanin,
ang tungkulin at ang komisyon sa iyong balikat?
Nasaan ang iyong makasaysayang diwa ng misyon?
Paano ka magiging isang mabuting panginoon
sa susunod na kapanahunan?
Matatag ba ang 'yong diwa ng pagka-puno?
Paano mo maipapaliwanag ang panginoon ng lahat?
Ito ba ang talagang 
panginoon ng lahat ng nabubuhay,
o panginoon ng lahat ng materyal na mundo?
Anong plano mo sa sunod na hakbang ng gawa?
Gaano karami ang naghihintay sa iyo na iyong papastulan?
Hindi ka ba nabibigatan sa iyong gawain?

Dis 26, 2017

Pelikulang Kristiano | Pananalig sa Diyos | Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pelikulang Kristiano | Pananalig sa Diyos | Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?

Sa Biblia, sabi ni Pablo, “Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios. Kaya nga’t ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. (Roma 13: 1-2). Paano ang pagtrato nating mga mananampalataya sa yaong nasa kapangyarihan? Ang pagsunod ba sa yaong nasa kapangyarihan ay talagang pareho sa pagsunod sa Diyos?
Rekomendasyon
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Dis 3, 2017

Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

lahat ng bagay, kapangyarihan, Langit, katotohanan, buhay

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

    Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng mga magagandang araw at gabi kasama siya. Dito lamang sa puntong ito na kaunti ang pakiramdam ng tao sa Aking pagiging madaling lapitan, at ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Akin ay nagiging madalas, nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—at bilang bunga, nakakakuha siya ng kaunting pagkakakilala sa Akin. Sa lahat ng mga tao, itinataas Ko ang Aking ulo at nagmamasid, at lahat sila ay nakikita Ako. Ngunit kapag ang sakuna ay sinapit na ng mundo, agad silang nagiging balisa, at ang Aking imahe ay naglalaho sa kanilang mga puso; tinamaan ng sindak sa pagdating ng sakuna, hindi nila iniintindi ang Aking mga paghihikayat. Maraming taon nang Ako ay nagdaan sa tao, ngunit lagi siyang nananatiling walang kamalayan, at hindi Ako kailanman nakilala. Ngayon, winiwika Ko sa kanya mula sa Aking mismong bibig, at hikayatin ang lahat ng tao na humarap sa Akin para tumanggap ng mga bagay mula sa Akin, ngunit pinapanatili pa rin nila ang kanilang pagitan mula sa Akin, at kaya naman hindi nila Ako kilala. Noong ang Aking mga yapak ay papunta tungo sa mga dulo ng sansinukob, ang tao ay magsisimulang magnilay sa kanyang sarili, at ang lahat ng tao ay pupunta sa Akin at yuyuko sa Aking harapan at Ako ay sasambahin. Ito ang magiging araw ng Aking kaluwalhatian, ang Aking pagbabalik, at gayundin ang araw ng Aking pag-alis. Ngayon, Ako ay nagsimula na ng Aking gawa kasama ng buong sangkatauhan, pormal nang nagsimula, sa buong sansinukob, sa katapusan ng Aking plano sa pamamahala. Magmula sa sandaling ito at sa hinaharap, ang sinuman na hindi maingat ay may pananagutang sumailalim sa walang-awang pagkastigo sa kahit na anong sandali. Hindi dahil sa Ako ay walang puso, ngunit ito ay isang hakbang ng Aking plano sa pamamahala; lahat ay dapat sumailalim ayon sa mga hakbangin ng Aking plano, at walang sinuman ang makapagbabago nito. Kapag opisyal na akong nagsimula sa Aking gawa, ang lahat ng tao ay kikilos kagaya ng Aking kilos, gayon din ang mga tao sa buong sansinukob ay sasakupin ang kani-kanilang sarili bilang hakbang kasama Ako, mayroong “kagalakan” sa buong sansinukob, at ang tao ay Akin pang uudyukan. Ang kahihinatnan, ang malaking pulang dragon mismo ay pipilantikin sa isang estado ng diliryo at pagkalito dulot Ko, at nagsisilbing Aking gawa, at, sa kabila ng pagtanggi, ay hindi kayang sumunod sa mga sarili nitong pagnanais, na siyang iniiwan nang walang pagpipilian maliban sa magpasakop sa Aking kapangyarihan. Sa lahat ng Aking mga plano, ang malaking pulang dragon ay ang Aking kasalungat, Aking kaaway, at Akin ding alipin; dahil dito, hindi Ako kailanman nagpaluwag sa Aking “mga kautusan” ukol dito. Samakatuwid, ang huling yugto ng gawa ng Aking pagkakatawang-tao ay nakumpleto sa sarili nitong sambahayan. Sa ganitong paraan, ang malaking pulang dragon ay mas higit na kayang maglingkod sa Akin nang maayos, kung saan sa pamamagitan nito ay lulupigin Ko ito at kukumpletuhin ang Aking plano. Habang Ako ay gumagawa, ang lahat ng anghel ay papasok sa isang tiyak na digmaan kasama Ako at lulutasin ito para isakatuparan ang Aking mga hiling sa huling yugto, nang sa gayon ang mga tao sa daigdig ay susuko sa Aking harapan gaya ng mga anghel, at walang pagnanais na Ako ay tutulan, at walang ibang gagawin na paghihimagsik laban sa Akin. Ang mga ito ay mga pagbabago sa Aking gawa sa buong sansinukob.

Nob 30, 2017

Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas

Kaharian, Kaalaman, kapalaran, lahat ng bagay,kapangyarihan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas

    Lumilipas ang oras, at sa isang kisap-mata ang araw na ito ay dumating. Sa ilalim ng paggabay ng Aking Espiritu, ang lahat ng tao ay namumuhay sa gitna ng Aking liwanag, at walang sinuman ang nag-iisip ng nakalipas o pag-iintindi sa kahapon. Sino ang hindi kailanman nabuhay sa kasalukuyan? Sino ang hindi gumugol ng mga kahanga-hangang araw at buwan sa kaharian? Sino ang hindi nabuhay sa ilalim ng araw? Bagaman ang kaharian ay bumaba sa sangkatauhan, walang sinuman ang totoong nakaranas ng kasiglahan nito; ang mga tao ay itinuturing ito mula sa labas lamang, di-nakauunawa ng substansya nito. Sa panahon nang mabuo ang Aking kaharian, sino ang hindi nagagalak dahil dito? Maaari ba na ang mga bansa sa daigdig ay makatakas? Talaga nga ba na ang malaking pulang dragon ay may kakayahang makatakas salamat sa kanyang katusuhan? Ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa buong sansinukob, itinatatag nila ang Aking awtoridad sa lahat ng mga tao at gumagana sa buong kosmos; gayon pa man, ang tao ay hindi tunay na batid ito. Nang ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa sansinukob ay gayun din kapag ang Aking gawa sa lupa ay malapit nang maging ganap. Kapag Ako ay namuno at humawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga tao at kapag Ako ay kinilala bilang ang isang Diyos Mismo, ang Aking kaharian ay lubos nang mananaog sa lupa. Ngayon, lahat ng tao ay may bagong simula sa pamamagitan ng bagong landas. Sinimulan nila ang isang bagong buhay, gayon pa man walang sinuman ang tunay na nakaranas ng isang buhay sa lupa katulad ng sa langit. Kayo ba ay tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking liwanag? Kayo ba ay tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking mga salita? Sino ang hindi nagbigay paglingap sa kanilang mga sariling inaasam? Sino ang hindi namimighati sa kanilang sariling kapalaran? Sino ang hindi nagpupumiglas sa gitna ng dagat ng kadalamhatian? Sino ang hindi nais na palayain ang kanilang mga sarili? Ang mga pagpapala ng kaharian ba ang kapalit ng hirap sa trabaho ng mga tao sa lupa? Maaari nga ba na ang lahat ng mga hinahangad ng tao ay matupad ayon sa kanyang mga pagnanais? Minsan Ko nang iniharap ang magandang tanawin ng kaharian sa harap ng tao, gayon pa man siya lamang ay tinitigan ito nang may mga sakim na mata at walang sinuman ang naghangad na pasukin ito. Minsan Ko nang “iniulat” ang tunay na sitwasyon sa lupa para sa tao, ngunit siya ay nakinig lamang, at siya ay hindi hinarap nang may puso ang mga salitang nagmula sa Aking bibig; Minsan Ko nang sinabi sa sangkatauhan ang mga kalagayan sa langit, gayon pa man ang Aking mga salita ay itinuring niya bilang mga kahanga-hangang kwento, at hindi talagang tinanggap ang inilarawan ng Aking bibig. Ngayon, ang mga tagpo ng kaharian ay sumalimbay sa sangkatauhan, ngunit meron ba na “tumawid sa rurok at kapatagan” sa paghahanap nito? Kung wala ang Aking panghihimok, ang tao ay hindi pa rin magigising mula sa kanyang mga panaginip. Siya nga ba kaya ay tunay na nabighani sa kanyang buhay sa lupa? Wala nga bang mataas na pamantayan sa kanyang puso?