Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Nob 2, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (1)

buhay, Panalangin, maghanap, Jesus, pag-ibig


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos  | Pagsasagawa (1) 

  Noong una, napakaraming paglihis sa paraan ng pagdanas ng mga tao, at ito ay maaari pang nakayayamot. Sapagkat hindi nila talaga naintindihan ang mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos, maraming mga lugar kung saan ang karanasan ng mga tao ay napipilipit. Ang hinihingi ng Diyos sa tao ay para sa kanila na magawang maisabuhay ang isang normal na pagkatao. Ang mga paraan ng tao na may kaugnayan sa pagkain at pananamit, halimbawa. Maaari silang magsuot ng amerikana at maaari nilang matutuhan ang ilan tungkol sa makabagong sining, at sa kanilang libreng oras maaari silang magkaroon ng isang medyo pampanitikan at nakawiwiling buhay. Maaari silang kumuha ng mga larawan na hindi malilimutan at maaari silang magbasa at magkamit ng ilang kaalaman at magkaroon ng isang medyo magandang kapaligiran para mabuhay. Ito ang buhay na angkop sa isang normal na katauhan, ngunit itinuturing ito ng mga tao bilang isang bagay na kinamumuhian ng Diyos. Ang kanilang pagsasagawa ay susundin lamang nila ang ilang mga patakaran, at ito ay aakay sa kanila upang maisabuhay ang isang buhay na kasimpangit ng pusali, nang walang kahulugang anuman. Sa totoo lang, hindi kailanman hiniling ng Diyos sa tao na gawin ang gayon. Inaasam ng mga tao na bawasan ang kanilang sariling mga disposisyon, nananalangin nang walang tigil sa kanilang mga espiritu na maging malapit sa Diyos, ang kanilang mga pag-iisip ay palaging naookupahan ng pag-iisip ng maka-diyos na mga bagay, lubhang ikinatatakot na ang kanilang kaugnayan sa Diyos ay mahihiwalay kahit paano. Ang mga ito ang lahat ng mga bagay na nabuod ng tao para sa kanilang mga sarili; ang mga ito ay ang mga patakarang itinakda para sa tao ng kanilang mga sarili. Kung hindi mo naiintindihan ang sarili mong diwa o kung anong antas ang maaabot ng iyong sarili, kung gayon wala kang magiging paraan para makamit ang isang maaasahang pagkaunawa sa kung ano ba talaga ang mga pamantayan ng kung ano ang kinakailangan ng Diyos sa iyo, at sa gayon ay wala kang magiging paraan na matamo ang isang pagsasagawa na isinasagawa sa isang angkop na sukat. Ang iyong isip ay palaging bumabaling sa gawing ito at doon, iniisip mo ang bawat posibleng paraan upang makapag-aral at makapa kung paanong sa lupa ay maaari kang makilos at liwanagan ng Banal na Espiritu, sa resulta ikaw ay nagbubuod ng isang kalipunan ng mga paraan ng pagsasagawa na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong makamit ang pagpasok. Kapag nagsasagawa ka sa ganitong paraan, hindi mo talaga alam kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo; nagsasagawa ka lamang sa iyong sariling paraan, nakadarama ng lubos na kaluwagan, hindi nag-aalala tungkol sa kalalabasan at lalong hindi nag-aalala tungkol sa kung naroon ang paglihis at mga pagkakamali. Habang ikaw ay nagpapatuloy sa ganitong paraan, ang iyong pagsasagawa ay nagkukulang sa napakaraming mga bagay, gaya ng pagpuri ng Diyos, pakikipagtulungan ng Banal na Espiritu at ang kalalabasan na natamo sa pamamagitan ng mga kinakailangan ng Diyos. Ni wala man itong anumang normal na katauhan o diwa ng katwiran ng isang normal na tao. Ang iyong pagsasagawa ay pagsunod mo lamang sa mga patakaran, o kusa mong dinadagdagan ang iyong pasanin upang higpitan ang iyong sarili, upang makontrol ang iyong sarili. Ngunit iyong iniisip na gawing perpekto ang iyong pagsasagawa, nang hindi alam na karamihan sa iyong pagsasagawa ay isang proseso o pangingilin na hindi na kinakailangan. Marami ang nagsasagawa na kagaya nito sa loob ng maraming mga taon na wala talagang pagbabago sa kanilang mga disposisyon, walang bagong pagkaunawa, at walang bagong pagpasok. Hindi nila sinasadyang gamitin sa kanilang malupit na mga kalikasan, maging hanggang sa yugto na maraming beses na silang gumagawa nang hindi makatuwiran, hindi makataong mga bagay at maraming beses na sila ay gumagawa ng mga bagay na nagpapatigil sumandali sa mga tao at kung saan ay hindi maintindihan. Ang ganitong uri ba ng tao ay isa na nagbago?



  Ngayon, kung paghahambingin, ang mga tao ay mas madalang manalangin kaysa noong una sapagkat ngayon ay hindi kapanahunan ng paghahanap at pangangapa nang pasulong. Ngayon ay ang kapanahunan ng pagbubunyag, ang Kapanahunan ng Kaharian, ito ang buhay ng mga pananaw kung saan ang lahat ng mga bagay ay malinaw na sinasabi sa tao, at ang tao ay hindi na nangangapa sa buhay. Tungkol sa mga aspeto ng kasal, mga gawaing panlupa, buhay, pagkain, pananamit at masisilungan, mga pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao, paano makapaglilingkod ang isa sa isang paraan na napalulugod ang kalooban ng Diyos, paano pababayaan ng isa ang laman…, alin sa mga ito ang hindi nasabi sa inyo? Kailangan pa ba ninyong maghanap? Kailangan pa ba ninyong manalangin? Hindi na talaga kailangan! Kung ginagawa mo pa rin ang mga bagay na ito, hindi ka lang ba nagdadagdag ng isa pang patong ng pormalidad? Hindi na ito kinakailangan! Ang susi ay kung mayroon kang paninindigan o wala. Ang ilang mga tao ay sinasadyang makagawa ng pagkakasala, at nalalaman nila nang malinaw na ang paglakad sa makamundong landas ay hindi maganda, na nagdadala ito ng kawalan sa buhay ng tao at inaantala ang kanilang pag-unlad sa buhay, ngunit nagpipilit sila sa paggawa nito, at ginagawa nila ito pagkatapos ng pananalangin at paghahanap. Hindi ba ito sadyang paggawa ng pagkakasala? Kagaya nilang mga nagnanasa sa mga kasiyahan ng laman at nangungunyapit sa mga kayamanan, na pagkakatapos ay nananalangin sa Diyos na nagsasabing: “Diyos! Pahihintulutan Mo ba ako na mangunyapit sa mga kasiyahan ng laman at mangunyapit sa mga kayamanan? Ito ba ay kalooban Mo sa akin na kumita ng salapi sa ganitong paraan?” Ito ba ay isang angkop na paraan para manalangin? Kung talagang alam nila na ang Diyos ay hindi nagagalak sa mga bagay na ito kung gayon sila ay dapat na iwanan, ngunit ang mga bagay na ito ay nakapirmi sa kanilang mga puso at sila ay nananalangin at naghahanap nang upang pwersahin ang Diyos na sumuko sa kanila at magawang sagutin sila ng Diyos. Pagkatapos ay mayroon yaong mga nagdadala sa mga kapatid sa simbahan sa kanilang panig at nagtatayo ng kanilang sariling malayang mga kaharian. Lubos mong nalalaman na ang ganitong mga pagkilos ay sumasalungat sa Diyos, subalit patuloy ka pa ring nananalangin at naghahanap. Masyadong matapang ang iyong hiya at, kapag gumagawa ka ng mga bagay kagaya nito, nagagawa mo pang magpakitang matapang at tahimik na mananalangin sa Diyos. Ikaw ay talagang walang kahihiyan! Tungkol sa paglalakad sa makamundong landas, ito ay matagal nang ipinangaral noong una. Ito ay kinasusuklaman ng Diyos, ngunit nananalangin ka pa rin, na sinasabing: “Oh Diyos! Tutulutan Mo ba akong lakaran ang makamundong landas? Mapalulugod ko ba ang Iyong kalooban sa ganitong paraan? Sa totoo lang, ang aking mga layunin ay tama. Hindi ko ginagawa ito para sa laman; ginagawa ko lamang ito nang upang ang Iyong pangalan ay hindi mapahiya, ginagawa ko ito para sa Iyong kaluwalhatian, nang upang makita ng mga makamundong tao ang Iyong kaluwalhatian sa akin.” Hindi ba ang ganitong uri ng pananalangin ay isa lamang pasan na walang katuturan? Hindi ka ba nahihiya? At hindi ka ba magiging pinakahangal upang isipin na ito ay isang mahalagang bagay? Ayaw mong maranasan ang liwanag ng buhay, sa halip sasadyain na matikman yaong buhay sa kadiliman at pagdurusa. Kaya hindi ka lamang ba humihiling upang magdusa? Nasabi na sa iyo kung paano isabuhay ang isang espiritwal na buhay, isang buhay ng normal na pagkatao at nasabi na sa iyo ang lahat ng mga aspeto ng katotohanan. Kung hindi mo maintindihan ang isang bagay kung gayon tingan mo ito nang tuwiran. Kailangan mo pa bang isara ang iyong mga mata at manalangin? Kung magpapatuloy ka pa rin sa paghahanap sa pamamagitan ng pagtingin sa inyong mga mata sa langit, hindi ba naniniwala ka pa rin sa isang malabong Diyos? Nakita mo na ang mga resulta noong nakaraan mula sa iyong paghahanap at pananalangin at medyo kinilos ng Banal na Espiritu ang iyong espiritu sapagkat noong panahong iyon ay Kapanahunan ng Biyaya. Hindi mo makita ang Diyos kaya walang mapagpipilian kundi mangapa sa dilim nang pasulong o maghanap sa gayong paraan. Ngayon ang Diyos ay dumating sa gitna ng mga tao at ang nagsalita ay nagpakita sa laman. Nakikita mo na ngayon ang Diyos, at kaya ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa kagaya ng Kanyang ginawa noong una. Ang kapanahunan ay nagbago at gayundin ang paraan kung saan gumagawa ang Banal na Espiritu. Bagamat ang panalangin ay maaaring isagawa nang mas madalang kaysa noong una, sapagkat ang Diyos ay nasa lupa mayroon ng isang pagkakataon ang tao ngayon na ibigin ang Diyos. Napasok na ng sangkatauhan ang kapanahunan ng pag-ibig sa Diyos at mayroon sa loob nila ng isang marapat na pagiging malapit sa Diyos: “Oh Diyos! Ikaw ay talagang napakabuti, at ako ay nakahandang ibigin Ka!” Kakaunti at simpleng mga salita lamang ay makapagbibigay ng tinig sa pag-ibig ng Diyos sa loob ng iyong puso ito lamang ay upang palalimin ang pag-ibig sa pagitan mo at ng Diyos. Kung minsan nakikita mo ang iyong sarili na nagpapahayag ng ilang pagiging rebelyoso, na nagsasabi: “Oh Diyos! Bakit masyado akong tiwali?” Gusto mo talagang saktan ang iyong sarili, na may mga luha sa iyong mga mata. Sa panahong ito, ang iyong puso ay nakadadama ng pagsisisi at nagdadalamhati ngunit wala kang paraan upang ipahayag ito. Ito ang kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ito ay isang bagay na yaong lamang mga naghahangad ng buhay ang makatatamo. Nararamdaman mo na ang Diyos ay mayroong dakilang pag-ibig para sa iyo at nagkikimkim ka ng isang natatanging damdamin, ngunit hindi mo taglay ang mga salita upang manalangin nang malinaw. Palagi mong nararamdaman, gayunman, na ang pag-ibig ng Diyos ay kasinglalim ng dagat ngunit wala kang paraan upang ipahayag ang kalagayang ito, palagi mo itong nararamdaman sa iyong puso ngunit hindi kailanman nagkaroon ng tamang mga salita upang ipahayag ito. Ito ay isang kalagayan na madalas bumabangon sa espiritu. Ang ganitong uri ng panalangin at pagsasamahan sa loob ng iyong puso na naglalayon na mapalapit sa Diyos ay normal.

  Bagamat masasabi natin ngayon na ang buhay ng pangangapa sa dilim nang pasulong at paghahanap ay tapos na, ito ay hindi upang sabihin na hindi na dapat manalangin ang mga tao, ni ito ay upang sabihin na hindi na kailangan ng mga tao na maghintay para sa kalooban ng Diyos na ibunyag ang sarili nito bago magpatuloy sa gawain, sapagkat ang mga ito ay haka-haka lamang ng tao. Ang Diyos ay dumating sa mga tao upang mamuhay kasama nila at maging liwanag ng tao, ang buhay ng tao at ang paraan ng tao, at ito ay katotohanan. Mangyari pa, sa pagdating ng Diyos sa lupa kinakailangan para sa kanya na dalhan ang tao ng isang praktikal na paraan na angkop sa kanilang mga kalagayan at buhay na kanilang matatamasa—hindi Siya dumating upang wasakin ang lahat ng mga paraan ng pagsasagawa ng tao. Ang tao ay hindi na nabubuhay sa pangangapa sa dilim nang pasulong at paghahanap sapagkat ito ay pinalitan na sa pagdating ng Diyos sa lupa upang gumawa at upang sabihin ang Kanyang mga salita. Siya ay dumating upang palayain ang tao mula sa nakakubling madilim na buhay at upang bigyan sila ang isang buhay na may liwanag. Ang kasalukuyang gawain ay upang makita nang malinaw ang mga bagay, salitain nang malinaw, sabihin sa tao nang tuwiran at ipaliwanag ang mga bagay nang malinaw, nang upang maisagawa ng mga tao ang mga bagay na ito ng tao. Kagaya lamang nang pangunahan ni Jehovah ang mga tao sa Israel, sinasabi sa kanila kung paano magsakripisyo at kung paano itayo ang templo, nang upang hindi mo na kailangang isabuhay ang isang buhay ng paghahanap gaya ng iyong ginawa pagkatapos umalis ng Panginoong Jesus. Kailangan pa ba ninyong mangapa sa dilim para sa hinaharap na gawain ng pagpapalaganap ng aral? Kailangan pa ba ninyong mangapa sa dilim para malaman ninyo kung paano kayo dapat mabuhay? Kailangan pa ba ninyong mangapa sa dilim para malaman ninyo kung paano gampanan ang inyong mga tungkulin? Kailangan pa bang ipatirapa ang inyong mga sarili sa lupa at humayong maghanap para malaman ninyo kung paano kayo dapat sumaksi? Kailangan pa ba ninyong mag-ayuno at manalangin upang malaman kung paano kayo dapat magdamit at mabuhay? Kailangan pa ba ninyong magtiyaga sa inyong mga panalangin sa Diyos upang malaman kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagiging nalupig? Kailangan pa bang manalangin kayo nang walang tigil buong araw at gabi upang malaman kung paano kayo dapat sumunod? Marami sa gitna ninyo ang nagsasabi na hindi sila nakapagsasagawa dahil hindi ninyo naiintindihan. Hindi talaga kayo nagbibigay-pansin sa gawain sa kasalukuyan! Marami sa mga bagay na ito ay matagal na panahon Ko nang nasabi, hindi lamang talaga kayo nakikinig, kaya hindi nakapagtataka na hindi ninyo alam. Mangyari pa, sa kasalukuyang kapanahunan kinikilos ng Banal na Espiritu ang mga tao upang tulutan silang makadama ng kasiyahan, at Siya ay namumuhay kasama ng tao. Ang mga ito ay ilan lamang sa natatangi at nakasisiyang mga damdamin na madalas mangyari sa iyong buhay. Paminsan-minsan dumarating ang isang araw na kung saan ay nadadama mo na ang Diyos ay kaibig-ibig at wala kang magawa kundi manalangin sa Diyos: “Oh Diyos! Napakaganda ng Iyong pag-ibig at ang Iyong larawan ay napakadakila. Nais kong ibigin Ka nang mas malalim. Nais kong ilaan ang lahat na gugugulin ko ang aking buong buhay. Hangga’t ito ay para sa Iyong kapakanan, inaasam ko na ilaan ang lahat sa Iyo, para lamang upang mahalin Ka….” Ito ay isang damdamin ng kasiyahan na ibinigay sa iyo ng Banal na Espiritu. Hindi ito pagliliwanag, ni ito ay pagpapalinaw; ito ay isang pagpapakilos. Ang ganitong uri ng karanasan ay mangyayari paminsan-minsan, kagaya ng papunta ka sa iyong gampanin. Mananalangin ka at madadama ang pagiging malapit sa Diyos, na anupa’t ang iyong mga luha ay babasain ang iyong mukha, nakilos nang husto na hindi mo makontrol ang iyong sarili at mababalisa ka na maghanap ng angkop na mga kapaligiran kung saan mo maihahayag ang lahat ng alab sa loob ng iyong puso …. Paminsan-minsan ikaw ay nasa isang pampublikong pagdiriwang at madadama mo na ang pag-ibig na iyong tinatamasa ay masyadong marami, na ang iyong kapalaran ay karaniwan lamang, at higit mong mararamdaman na ikaw ay mas karapat-dapat kaysa sa kaninuman. Lubos mong malalaman na itinataas ka ng Diyos, na ito ang dakilang pag-ibig ng Diyos para sa iyo. Sa kaibuturan ng iyong puso madadama mo na mayroong isang uri ng pag-ibig tungkol sa Diyos na hindi mabigkas at hindi mabasa; parang alam mo ito ngunit walang paraan para ito ipahayag, palagi kang bibigyan ng palaisipan ngunit iiwan kang hindi ito maipahayag nang lubos. Sa mga panahong kagaya nito, makalilimutan mo pa kung nasaan ka, hanggang sa punto kung saan makapagsasalita ka: “Oh Diyos! Napakahirap Mong maintindihan, subalit ikaw ay kaibig-ibig!” Kung minsan maaari ka pang gumawa ng ilang kakaiba at kataka-takang mga pagkilos na sa tingin ng mga tao ay hindi maipaliliwanag, at ang mga ito ay mga bagay lahat na maaaring mangyari nang madalas …. Ang ganitong uri ng buhay ay malabis sa inyong karanasan at ang mga bagay na ito ay ang buhay na ibinigay sa iyo ng Banal na Espritu sa araw na ito, at ang buhay na dapat mo ngayong isabuhay. Ito ay hindi upang pigilan ka mula sa pagsasabuhay ng buhay, ngunit sa halip ang paraan ng iyong pagsasabuhay ay binago. Ito ay isang damdamin na hindi maipaliliwanag o maipahahayag. Ito rin ang tunay na damdamin ng tao at higit sa lahat ito ang gawain ng Banal na Espiritu. Maipauunawa nito sa iyo sa iyong puso, ngunit wala ka talagang paraan na ipahayag ito nang malinaw sa sinuman. Hindi dahil sa ikaw ay mabagal magsalita o sa ikaw ay nauumid, ngunit dahil ito ay isang uri ng damdamin na hindi maipaliliwanag sa mga salita. Hinahayaan Ka niyang matamasa ang mga bagay na ito sa kasalukuyan sapagkat ito ang buhay na dapat isabuhay. Mangyari pa, ang iyong isa pang buhay ay hindi hungkag, ang makilos lamang sa ganitong paraan ay nagiging isang uri ng kagalakan sa iyong buhay na gagawin kang palaging nagnanais tamasahin ang mga pagpukaw ng Banal na Espiritu. Ngunit dapat mong malaman na ang makilos sa ganitong paraan ay hindi upang ihiwalay ang iyong sarili mula sa laman at mapunta sa ikatlong langit, o libutin ang mundo, ngunit sa halip ito ay upang maranasan mo ang pag-ibig ng Diyos sa araw na ito, upang maranasan ang kabuluhan ng gawain ng Diyos sa araw na ito, upang sariwain ang pagmamalasakit ng Diyos at pangangalaga. Ang lahat ng mga bagay na ito ay upang magkaroon ka ng isang mas dakilang kaalaman ng gawain na ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan at upang magawang maranasan ang higit pa sa pag-ibig ng Diyos na iyong tinatamasa sa kasalukuyan—ito ang layunin ng gawaing ito.

  Ang buhay ng paghahanap at pangangapa sa dilim ay nang ang Diyos ay hindi pa nagkakatawang-tao. Sa panahong iyon hindi nakikita ng mga tao ang Diyos at kaya wala silang pagpipilian kundi ang maghanap at kapain sa dilim ang kanilang daan. Sa kasalukuyan nakikita mo ang Diyos at sinasabi Niya sa iyo nang tuwiran kung paano ka dapat magsagawa kaya hindi mo na kailangan pang mangapa sa dilim o maghanap pa. Ang landas na pinatatahak Niya sa iyo ay ang daan ng katotohanan at kung ano ang Kanyang sinasabi sa tao, ang tinatanggap ng tao ay buhay at katotohanan. Inilahad na ang daan para sa iyo at taglay mo ang katotohanan ng buhay, kaya bakit pa kailangang maghanap kung saan-saan? Ang dalawang yugto ng gawain ay hindi magagawa ng Banal na Espiritu nang sabay. Kung, matapos Kong sabihin ang Aking salita, kailangan mo pa ring manalangin at maghanap, hindi ba ito mangangahulugan na ang yugto ng gawaing ito ay ginagawa nang walang kabuluhan? Bagamat maaaring matapos Kong salitain ang Aking salita, hindi pa rin lubos na maintindihan ng mga tao, at ito ay dahil sila ay nagkukulang sa katangian. Ang suliraning ito ay maaaring malutas sa pamamgitan ng buhay sa simbahan at sa pamamagitan ng pagsasamahan sa isa’t-isa. Noong una, hindi sinimulan ng laman ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain, kaya gumawa sa gayong paraan ang Banal na Espiritu sa panahong iyon at pinanatili ang gawain. Sa panahong iyon ang Banal na Espiritu ang gumawa ng gawain, ngunit ngayon ang nagkatawang-taong Diyos Sarili Niya yaong gumagawa nito. Kapag nananalangin ang mga tao noong una, nararanasan nila ang kapayapaan, kagalakan, pagsisisi at disiplina at ito ay tumutukoy lahat sa gawain ng Banal na Espiritu. Ngayon ang mga kalagayang ito ay kaunti at magkakalayo. Bakit nang nananalangin si Pedro nagkaroon ba siya ng mga damdamin ng kapayapaan o nang kadustaaan, at bakit gayundin ang naramdaman ni Pablo at ng iba pa nang sila ay manalangin? Ito ay dahil noong panahong iyon ang pagpapakita ng Diyos ay hindi pa nasisilayan, at higit pa rito ito ay sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya nang ang Diyos ay gumagawa sa ibang paraan. Ang Banal na Espiritu ay maaari lamang gumawa ng isang uri ng gawain sa anumang isang kapanahunan. Kung ginawa Niya ang dalawang uri ng gawain nang magkasabay ginagawa ng laman ang isang uri at ginagawa ng Banal na Espiritu ang iba pang uri sa mga tao, at kung ang sinasabi ng laman ay hindi totoo at kung ano ang ginawa ng Espiritu ay totoo, kung gayon si Kristo ay hindi magkakaroon ng anumang katotohanan, paraan o buhay na sasabihin pa. Ito ay magiging pagsalungat sa sarili, at magiging isang pagkakamali sa mismong pinagmulan.

  Ang mga tao ay lumihis na nang husto at gumawa ng napakaraming mali sa kanilang nakaraang karanasan. Mayroong ilang mga bagay na dati nang nilalayong mataglay ng mga taong may normal na katauhan, at nilalayong gawin, o mayroong mga mga pagkakamali na mahirap iwasan na nilalayong makita sa buhay ng tao, at kapag pangit ang pagkakagawa ng mga bagay na ito, inilalagay nila ang pananagutan para rito sa Diyos. Mayroong isang kapatid na babae na nagkaroon ng mga panauhin sa kanyang tahanan. Ang kanyang pinainit na tinapay ay hindi napainit nang tama, kaya inisip niyang: “Maaaring ito ay disiplina ng Diyos. Ang Diyos ay nakikitungo sa aking pusong palalo. Ako ay masyadong walang kabuluhan.” Sa totoo lang, kung ang tatanungin ay ang normal na paraan ng pag-iisip ng tao, kapag dumarating ang iyong mga panauhin ay natutuwa ka at nagmamadali, hindi malalaman kung ano ang unang gagawin at hindi mabuo kung ano ang iyong ginagawa, sa resulta na kung hindi ang kanin ay masusunog, kung gayon ang iyong mga ulam ay maalat. Karaniwan na, kung walang mga panauhin maayos ka lang, ngunit kapag nagpupunta ang mga tao hindi maganda ang nangyayari. Ang kalagayang ito ay likha ng mga damdamin ng katuwaan, ngunit nauuwi ang mga tao sa paggawa nito sa “disipilina ng Diyos.” Ang totoo, ito ay tumutukoy sa mga pagkakamali sa buhay ng tao. Hindi mo rin ba masasagupa ang ganitong uri ng bagay kung hindi ka naniniwala sa Diyos? Ang ganitong uri ba ng bagay ay hindi isang madalas na pangyayari? Maraming mga bagay ang tumutukoy sa mga pagkakamali ng mga tao, ngunit ang mga ito ay hindi ginagawa ng Banal na Espiritu at wala silang kinalaman sa Diyos. Kagaya lamang kapag nakakagat mo ang iyong labi habang kumakain—ito ba ay disiplina ng Diyos? Ang disiplina ng Diyos ay may panuntunan at karaniwang nakikita kapag sinasadya mong gumawa ng pagkakasala. Dinidisiplina ng Diyos ang tao sa mga bagay na may kaugnayan sa Kanyang pangalan, o kapag may kinalaman ito sa Kanyang patotoo o Kanyang gawain. Sapat ang naiintindihan ng mga tao sa katotohanan ngayon upang magkaroon ng panloob na kaalaman sa mga bagay na kanilang ginagawa, halimbawa: Wala ka bang mararamdaman kung lulustayin mo ang salapi ng simbahan o gugugulin ito nang basta-basta na lamang? Makadarama ka ng isang bagay kapag ginawa mo iyon. Hindi possible na gumawa ng isang bagay at sa gayon ay magsimulang makadama ng isang bagay pagkatapos. Malinaw ka sa iyong puso tungkol sa panunumbat ng budhi na iyong nadarama para sa iyong nagawa. Bagamat maaari nilang malaman ang katotohanan nang malinaw, sapagkat ang bawat isa ay may sariling mga kagustuhan, binibigyang-lugod na lamang nila ang kanilang mga sarili, kaya pagkatapos nilang gumawa ng isang bagay wala silang malinaw na damdamin ng pagsisisi. Kung hindi sila didisiplinahin sa panahon na nakagawa sila ng mali, ano pa ang magiging disiplina pagkatapos? Ano pa ang magiging disiplina pagkatapos na ang pera ay nalustay na? Lubos nilang nalalaman kung ano ang kanilang ginagawa kapag ginagawa nila ito at sila ay nakadarama ng pagsisisi. Kung hindi ka nakikinig kung gayon ang Diyos ay hindi magbibigay-pansin sa iyo. Pagdating ng panahon kapag ang matuwid na paghatol ay sumapit sa iyo, ang kagantihan ay ipagkakaloob alinsunod sa iyong mga pagkilos. Bilang isang normal na tao na may diwa ng katwiran, isa na may budhi, nalalaman mo ang lahat ng bagay na iyong ginagawa, lalo na kapag gumagawa ka ng isang bagay na mali. Mayroon pa bang ilang mga tao sa simbahan na lumulustay ng salapi? Mayroon pa bang ilang mga tao na hindi nagpapanatili ng malinaw na hangganan sa pagitan ng mga lalaki at mga babae? Mayroon pa bang ilang mga tao na humahatol, sumasalungat at nagtatangka na gibain ang mga bagay nang lihim? Bakit ang lahat ay hindi pa maayos sa inyo? Lahat kayo ay mayroong kaalaman, mga damdamin at pagsisisi sa inyong mga puso at kung minsan ay nagdadanas kayo ng pagkastigo at pagpipino. Ang mga tao ay talaga lamang masyadong walang kahihiyan! Kung ang kaparusahan ay talagang ipagkakaloob sa iyo, mangangahas ka pa rin bang magsagawa sa ganitong paraan? Kapag gumagawa ng mga bagay ang mga taong may budhi, nakadarama sila ng kaligaligan kapag ang kanilang budhi ay sinundot nang bahagya, at kaya nagagawa nilang pabayaan ang kanilang laman. Kagaya nilang mga nakagagawa ng mga kasalanan sa pagitan ng mga lalaki at mga babae. Nalalaman nila kung ano ang kanilang ginagawa sa panahong iyon, ngunit ang kanilang kahalayan ay masyadong malala at hindi nila makontrol ang kanilang mga sarili. Kahit na disiplinahin sila ng Banal na Espiritu, ito ay magiging walang kabuluhan, kaya ang Banal na Espiritu ay hindi na mag-aabala sa mga taong ito. Sa oras na iyon, kung hindi ka dinisiplina ng Banal na Espiritu, o hindi gumawa ng anumang bagay sa iyong laman, anong pagsisisi pa ang mayroon pagkatapos? Anong disiplina ang mayroon pa pagkatapos gawin ang ginawa? Pinatutunayan lamang nito na ikaw ay masyadong walang kahihiyan at mababang-uri. Ikaw ay isang walang halagang sawing-palad! Ang Banal na Espiritu ay hindi maaaring hindi gumawa. Kung nalalaman mo ang katotohanan nang maigi at hindi nakipagtulungan at may kakayahang hindi gumawa ng kahit anuman, kung gayon maaari ka lamang maghintay hanggang sa dumating ang araw kapag ikaw ay parurusahan kasama ng masama. Ito ang pinakamainam na katapusan para sa iyo! Paulit-ulit Ko na ngayong ipinangangaral ang tungkol sa budhi, sapagkat ito ang pinakamababang pamantayan. Kung walang budhi, mawawala din ng mga tao ang disiplina ng Banal na Espiritu, at gagawin nila ang anumang maibigan. Kung ang isang tao ay talagang mayroong budhi, pagkatapos kapag sinisisi sila ng Banal na Espiritu sila ay dumadaan sa isang panloob na digmaan, at sila sa gayon ay malamang ay hindi gagawa ng anumang bagay na masyadong seryoso. Hindi alintana kung paano nagdidisiplina at nagkakastigo ang Banal na Espiritu, sa pangkalahatang pananalita ang mga tao ay magkakaroon lahat ng ilang pakiramdam kapag sila ay gumagawa ng isang bagay na mali. Kaya naiintindihan na ngayon ng mga tao ang lahat ng uri ng mga katotohanan at kung hindi nila isasagawa ito kung gayon yaon ay kanilang sariling buhay. Hindi Ako tumutugon sa mga taong kagaya nito, ni hindi manghahawak ng anumang pag-asa para sa kanila. Gawin mo kung ano ang iyong maibigan!

  Nagkakatipon ang ilang mga tao at inilalagay ang salita ng Diyos sa isang tabi, palaging pinag-uusapan kung ano ang kagaya ng ganitong tao o ganoong tao. Sabihin pang mas maganda na kaunti lang ang nauunawaan, dahil saan ka man magpunta hindi ka kaagad-agad malilinlang, ni hindi ka madaling dayain o linlangin; ito ay isa ding aspeto na dapat taglayin ng mga tao. Ngunit hindi mo kailangang magtuon lamang sa aspetong ito sapagkat ito ay tumutukoy sa mga bagay na negatibo. Ang iyong mga mata ay hindi kailangang palaging nakatuon sa mga tao. Ang iyong kaalaman sa kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu ay napakakaunti sa ngayon, ang iyong paniniwala sa Diyos ay napakababaw, at nagtataglay ka nang masyadong kakaunting mga bagay na positibo. Ang Isa na pinaniniwalaan mo ay ang Diyos, ang Isa na kailangan mong maintindihan ay ang Diyos, hindi si Satanas. Kung naiintindihan mo lamang kung paano gumagawa si Satanas at mayroong kaalaman sa lahat ng mga paraan kung paano gumagawa ang mga masasamang espiritu, ngunit walang kaalaman ukol sa Diyos o anupaman, anong kahulugan ang magiging taglay nito? Hindi ba ang Diyos ang pinaniniwalaan mo sa kasalukuyan? Bakit hindi nakasama sa iyong kaalaman ang mga positibong bagay na ito? Hindi mo lamang binibigyang-pansin ang positibong aspeto ng pagpasok at wala kang nauunawaan rito, kaya ano ba talaga ang gusto mong makamit? Hindi mo ba alam kung paano ka dapat maghangad? Ikaw ay mayroong masyadong maraming negatibong “mga kagamitan sa pagtuturo” ngunit wala kang natatandaan sa positibong aspeto ng pagpasok, kaya paano kailanman uunlad ang iyong tayog? Kung ang sinuman ay magsasalita lamang ukol sa digmaan kay Satanas, anong mga pag-asa para sa pag-unlad sa hinaharap ang tataglayin ng taong iyon? Hindi ba masyadong makaluma ang iyong pagpasok? Anong mga bagay ang makakamit mo mula sa kasalukuyang gawain kung magpapatuloy ka sa ganitong paraan? Ang susi ngayon ay para maintindihan mo kung ano ang nais gawin ng Diyos ngayon, kung paano dapat makikipagtulungan ang tao, kung paano nila dapat ibigin ang Diyos, paano nila dapat unawain ang gawain ng Banal na Espiritu, kung paano sila dapat pumasok sa lahat ng mga salita na sinasabi ng Diyos sa kasalukuyan, kung paano nila dapat makita ang mga ito, unawain ang mga ito at maranasan ang mga ito, kung paano nila dapat mapalugod ang kalooban ng Diyos, lubusang malupig ng Diyos at sumunod sa harap ng Diyos …. Dapat kang magtuon sa mga bagay na ito sapagkat ito ang mga bagay na dapat pasukin ngayon. Naiintindihan mo ba? Anong halaga kung magtutuon lamang sa pagkaunawa ng mga tao? Maaari mong maunawaan si Satanas dito, maunawaan ang mga masasamang espiritu doon, maaari mong maunawaan ang maraming mga bagay, magkaroon ng isang ganap na pagkaunawa sa mga masasamang espiritu at makilala sa sandaling makakita ng isa. Ngunit kung hindi mo magagawang magsalita ng anuman tungkol sa gawain ng Diyos, mapapalitan ba ng iyong pagkaunawa ang iyong pagkaunawa sa Diyos? Akin nang natalakay noong nakaraan ang may kinalaman sa mga pagpapahayag ng gawain ng mga masasamang espiritu, ngunit ito ay hindi isang malaking bagay. Mangyari pang ang mga tao ay dapat magkaroon din ng kaunting pagkaunawa sapagkat ito ay isang aspeto na dapat taglayin nilang mga naglilingkod sa Diyos nang upang makaiwas sa paggawa ng mga kahangalang bagay at pag-aantala sa gawain ng Diyos. Ngunit nananatili pa rin na ang pinakamahalagang bagay ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa gawain ng Diyos at pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Anong kaalaman mayroon ka ukol sa yugtong ito ng gawain ng Diyos? Masasabi mo ba kung ano ang ginagawa ng Diyos, kung ano ang kalooban ng Diyos, at masasabi mo ba kung ano ang iyong mga pagkukulang at kung ano ang dapat mong isangkap sa iyong sarili? Masasabi mo ba kung ano ang iyong pinakabagong pagpasok? Dapat mong maintindihan kung alin sa iyong nakaraang mga pagpasok ang mga paglihis at mga pagkakamali, at aling mga pagpasok ang lipas na sa panahon. Dapat kang magkamit ng mga gantimpala at pagkaunawa sa iyong bagong mga pagpasok. Huwag kang magkunwaring mangmang; kailangan mong gumawa ng mas maraming pagsisiskap sa iyong bagong mga pagpasok upang laliman ang iyong sariling karanasan at kaalaman, at higit pang maging kalmado lalo na sa iyong bagong mga pagpasok at ang pinakatamang paraan ng pagdanas. Kailangan mo ring malaman kung paano itakwil ang iyong mga paraan ng pagsasagawa na lipas na at pumasok sa isang bagong karanasan. At higit pang lalo mong dapat maunawaan ang iyong nakaraang makaluma at lihis na mga pagsasagawa mula sa bagong gawain at pagpasok. Ito ang mga bagay na kailangan na kailangan mong maintindihan at mapasok. Kailangan mong maintindihan ang mga pagkakaiba at mga kaugnayan sa pagitan ng iyong dati at bagong mga pagpasok. Kung wala kang pagkaunawa sa mga bagay na ito, hindi ka magkakaroon ng pag-asang sumulong, sapagkat hindi ka makasasabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Marami sa iyong nakaraang pagpasok at karanasan ay iniuugnay sa isang lihis at maling paraan ng pagsasagawa, at marami rito ay isang paraan ng pagdanas na kabilang sa nakalipas na panahon; kailangan mong maintindihan kung paano dapat harapin ang mga bagay na ito. Sa pamamagitan ng wastong pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos at sa pamamagitan ng wastong pagsasamahan, kailangan mong mabago ang iyong nakaraan at lipas nang mga paraan ng pagsasagawa at ang iyong kinaugaliang mga pagkaintindi, nang upang makapasok ka sa bagong pagsasagawa, at makapasok sa bagong gawain. Ito ang mga bagay na kailangan mong makamtan. Hindi Ko hinihingi sa iyo na unawain ang inyong mga sarili hanggang sa pinakamaliit na antas; hindi ko hinhingi sa iyo na seryosohin ito nang husto.

  Sa halip hinihingi ko sa iyo na seryosohin ang iyong pagpasok at pagkaunawa sa positibong aspeto. Bagamat maaari mong “makilala ang iyong sarili,” hindi ito nangangahulugan na ito ang iyong tunay na kalagayan. Ngunit kung mararanasan mo ang pagsasagawa at pagpasok sa bagong gawain, hanggang sa puntong mauunawaan mo kung alin ang iyong nakaraang pansariling mga pagkaintindi o mga hindi pagkakaunawaan, kung gayon ito ang iyong tunay na kalagayan at ito ay isang bagay na dapat mong taglayin. Ito ay ang mga bagay na dapat matamo ng bawat isa sa gitna ninyo.

  Maraming mga bagay kung saan hindi ninyo talaga alam kung paano magsagawa, lalong mas hindi nalalaman kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu. Kung minsan gumagawa ka ng isang bagay na malinaw na pagiging hindi masunurin sa Banal na Espiritu. Mayroon ka na ng isang pagkaunawa sa panuntunan sa bagay habang sumasailalim ka sa pagkain at pag-inom nito, kaya dinadanas mo sa loob ang isang pakiramdam ng pagsisisi at nababalisa at sabihin pang ito ay isang damdamin na mararamdaman ng isa sa batayan ng pagkilala sa katotohanan. Ang hindi pakikipagtulungan at ang hindi paggawa ng mga bagay alinsunod sa kasalukuyang salita ay humahadlang sa gawain ng Banal na Espiritu at hindi mo kailangang makadama ng kakutyaan sa loob. Naiintindihan mo ang mga panuntunan ng aspetong ito ngunit hindi ka nagsasagawa ayon dito, kaya nagbabata ka ng isang damdamin ng kadustahan sa loob. Ngunit kung hindi mo naiintindihan ang panuntunang ito, at hindi talaga kinain o ininom ang aspetong ito ng katotohanan, kung hindi mo ito talaga alam, kung gayon hindi mo kailangang makadama ng isang diwa ng kadustahan. Ang paglikha ng pagkutya ng Banal na Espiritu ay may pasubali. Iniisip mo ang gayon sapagkat hindi ka pa nananalangin, hindi ka pa nakikipagtulungan sa Banal na Espiritu, hindi mo pa pinakakawalan ang pasan na iyong kinakarga sa loob mo, inantala mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa totoo lang hindi ito maaaring maantala, at kung hindi ka magsasabi ng anumang bagay pagkatapos, kikilusin ng Banal na Espiritu ang ibang tao upang sabihin ito; ang Banal na Espiritu ay hindi papipigil sa iyo. Nalulungkot ka sa Diyos at ito ay isang bagay na dapat mong madama. Ngunit walang iniisip ang Diyos ukol rito at pagkatapos ito ay nakalipas na. Kung makapagkakamit ka ng anuman o hindi ay sarili mong gawain. Kung minsan ang iyong budhi ay nakararamdam na parang nagdaranas ito ng mga pag-aakusa, ngunit ito ay hindi sa pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, ni ito ay sa pagdusta ng Banal na Espiritu. Sa halip isa itong damdamin sa iyong budhi. Kung may kinalaman ito sa pangalan ng Diyos, ang pagpapatotoo sa Diyos o sa gawain ng Diyos, at ikaw ay magwawala, kung gayon hindi ka Niya pakakawalan. Ngunit mayroon itong hangganan, at sa mga bagay na mahirap banggitin , hindi ka Niya papansinin, at kaya ito ay isang bagay na dapat mong madama sa iyong budhi. Ang ilang mga bagay ay ang dapat na gawin ng mga tao na may normal na pagkatao at ang ilan ay ang mga bagay ng normal na buhay ng tao. Halimbawa, hindi mo napasingawan nang tama ang iyong tinapay at sasabihing dinidisiplina ka ng Diyos—ito ay isang lubos na hindi makatwirang bagay na sabihin. Bago ka pa naniniwala sa Diyos, hindi ba madalas mangyari ang ganitong uri ng bagay? Si Satanas ba ang nagdidisiplina sa iyo noon? Ang totoo kung mas lalo kang magsasagawa sa bagay na ito, malamang na hindi ka na makagagawa ng mga kamalian; ang utak mo lamang ang gumagawa ng kamalian. Nararamdaman mo na ang Banal na Espiritu ang nagdidisiplina sa iyo samantalang hindi naman ito nangyayari (maliban sa ilang bukod-tanging mga pangyayari), sapagkat ang gawaing ito ng Banal na Espiritu ay hindi pa ganap na nagagawa, ngunit sa halip sila ay mga damdamin lamang na mayroon ang mga tao. Ngunit ang pag-iisip katulad ng mga ito ay ang dapat gawin nilang mga mayroong wastong paniniwala sa Diyos. Maaaring hindi ka nakapag-iisip nang ganito kung nang hindi ka naniniwala sa Diyos. Kapag naniniwala ka na sa Diyos, ang iyong puso ay gumugol ng pagsisikap sa bagay na ito at nasimulan mo nang hindi namamalayang mag-isip sa mga bagay na kagaya nito. Ang ganitong pag-iisip ay bumabangon mula sa normal na mga tao at ito ay tumutukoy din sa epekto ng kanilang sariling pag-iisip. Ngunit sinasabi Ko sa iyo, ito ay hindi isang bagay na nabibilang sa saklaw ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang aspetong ito ay tumutukoy sa isang normal na tugon na ibinibigay sa tao ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng kanilang sariling pag-iisip; ngunit kailangan mong maintindihan na ang ganitong tugon ay hindi ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng “kaalaman” ay hindi nagpapatunay na taglay mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang iyong kaalaman ay hindi tumutukoy sa pagliliwanag ng Banal na Espiritu, mas lalong hindi ito gawain ng Banal na Espiritu. Itto ay isang tugon lamang ng normal na pag-iisip ng mga tao at ito ay wala talagang kinalaman sa pagliliwanag o pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Sila ay dalawang lubos na magkaibang mga bagay at ito ay hindi pa lubos na ginagawa ng Banal na Espiritu. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa upang liwanagan ang mga tao, karaniwan nang binibigyan Niya sila ng isang kaalaman sa gawain ng Diyos, at ng kanilang tunay na pagpasok at tunay na kalagayan, at binibigyan din Niya sila ng paninindigan, pinahihintulutan silang maintindihan ang masugid na layunin ng Diyos at ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao sa kasalukuyan, binibigyan Niya sila ng paninindigan upang maging bukas sa bawat paraan. Maging kapag ang mga tao ay sasailalaim sa pagdanak ng dugo at sakripisyo dapat silang kumilos para sa Diyos, at maging kapag nakasasagupa sila ng pag-uusig at kahirapan, kailangan pa rin nilang ibigin ang Diyos, at huwag magkaroon ng mga pagsisisi, at kailangang maging patotoo para sa Diyos. Ang gayong paninindigan ay ang mga pagpapakilos ng Banal na Espiritu, at ang gawain ng Banal na Espiritu—ngunit alam mong hindi ka magmamay-ari ng gayong mga pagpapakilos sa bawat pagdaan ng sandali. Kung minsan sa mga pagtitipon nararamdaman mo na lubhang nakilos at kinasihan at nagbibigay ka ng matinding pagpupuri at ikaw ay sumasayaw. Nadarama mo na mayroon kang nakakagulat na pagkaunawa sa kung ano ang pinagsasamahan ng iba, bagung-bago ang iyong nararamdaman sa loob, at ang iyong puso ay lubos na malinaw nang walang anumang pakiramdam ng kahungkagan—ang lahat ng ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang tao na nangunguna, at binigyan ka ng Banal na Espiritu ng di-karaniwang pagliliwanag at pagpapalinaw kapag ikaw ay nagpupunta sa simbahan upang gumawa, gagawin kang sobrang masigasig, responsable at seryoso sa iyong paggawa, ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento