Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maghanap. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maghanap. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 6, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano—Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalinga

Lungsod ng Xiaojing Heze, Lalawigan ng Shandong


    Sa bawat pagkakataong nakita ko ang mga salita ng Diyos na tumatawag sa atin upang maging matatapat na tao at magsalita nang tumpak, naisip ko, "Wala akong problema sa tumpak na pagsasalita. Hindi ba't ito ay pagtawag lamang sa isang ispada na ispada at pagsasabi sa mga bagay bilang sa kung ano ang mga ito? Hindi ba’t madali iyan? Ang laging pinaka-nagpagalit sa akin sa mundong ito ay ang mga taong mapagpaganda kapag nagsalita sila." Dahil dito, nadama ko ang sobrang kumpiyansa, na nag-iisip na wala akong problema sa bagay na ito. Ngunit sa pamamagitan lamang ng pagbubunyag ng Diyos na natuklasan ko na, ang isa ay hindi maaaring magsalita ng tumpak nang hindi pumapasok sa katotohanan o nagbabago ng disposisyon.

Okt 26, 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos"


Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos"


Kapag nahaharap sa kalungkutan ng mga iglesia at kadiliman sa espiritu, paano natin hahanapin ang mga yapak ng Panginoon? Mula sa mga sinaunang panahon inusig na ang totoong daan, at ang pagpapakita at gawain ng totoong Diyos ay palaging sasalubungin ng pinakamalupit na pagpigil at pag-uusig at ng pinakamalupit na pagtutol at pagkokondena ng mundo ng relihiyon at mga ateistang pamahalaan.

Okt 14, 2018

Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?


Ttagalog Dubbed Movies | Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?


Alam ng maraming tao ang tungkol sa insidente ng Zhaoyuan sa Shandong ng gumulantang sa Tsina at sa buong mundo, at nagbunga ng maraming hinala tungkol sa insidente.

Nob 19, 2017

Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos

Yamang hinahanap natin bakás ng Diyos,
dapat hanapin kalooban N’ya,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos.
Dahil kung nasa’n bagong salita N’ya,
naroon din ang tinig, ang tinig ng Diyos;
kung nasaan bakás ng Diyos,
naro’n gawa N’ya, naro’n gawa N’ya.
Kung nasaan pahayag ng Diyos,
naro’n pagpapakita, pagpapakita ng Diyos,
at kung nasaan pagpapakita ng Diyos,
naroon ang katotohanan, daan, buhay.

Nob 2, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (1)

buhay, Panalangin, maghanap, Jesus, pag-ibig


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos  | Pagsasagawa (1) 

  Noong una, napakaraming paglihis sa paraan ng pagdanas ng mga tao, at ito ay maaari pang nakayayamot. Sapagkat hindi nila talaga naintindihan ang mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos, maraming mga lugar kung saan ang karanasan ng mga tao ay napipilipit. Ang hinihingi ng Diyos sa tao ay para sa kanila na magawang maisabuhay ang isang normal na pagkatao. Ang mga paraan ng tao na may kaugnayan sa pagkain at pananamit, halimbawa. Maaari silang magsuot ng amerikana at maaari nilang matutuhan ang ilan tungkol sa makabagong sining, at sa kanilang libreng oras maaari silang magkaroon ng isang medyo pampanitikan at nakawiwiling buhay. Maaari silang kumuha ng mga larawan na hindi malilimutan at maaari silang magbasa at magkamit ng ilang kaalaman at magkaroon ng isang medyo magandang kapaligiran para mabuhay. Ito ang buhay na angkop sa isang normal na katauhan, ngunit itinuturing ito ng mga tao bilang isang bagay na kinamumuhian ng Diyos. Ang kanilang pagsasagawa ay susundin lamang nila ang ilang mga patakaran, at ito ay aakay sa kanila upang maisabuhay ang isang buhay na kasimpangit ng pusali, nang walang kahulugang anuman. Sa totoo lang, hindi kailanman hiniling ng Diyos sa tao na gawin ang gayon. Inaasam ng mga tao na bawasan ang kanilang sariling mga disposisyon, nananalangin nang walang tigil sa kanilang mga espiritu na maging malapit sa Diyos, ang kanilang mga pag-iisip ay palaging naookupahan ng pag-iisip ng maka-diyos na mga bagay, lubhang ikinatatakot na ang kanilang kaugnayan sa Diyos ay mahihiwalay kahit paano. Ang mga ito ang lahat ng mga bagay na nabuod ng tao para sa kanilang mga sarili; ang mga ito ay ang mga patakarang itinakda para sa tao ng kanilang mga sarili. Kung hindi mo naiintindihan ang sarili mong diwa o kung anong antas ang maaabot ng iyong sarili, kung gayon wala kang magiging paraan para makamit ang isang maaasahang pagkaunawa sa kung ano ba talaga ang mga pamantayan ng kung ano ang kinakailangan ng Diyos sa iyo, at sa gayon ay wala kang magiging paraan na matamo ang isang pagsasagawa na isinasagawa sa isang angkop na sukat. Ang iyong isip ay palaging bumabaling sa gawing ito at doon, iniisip mo ang bawat posibleng paraan upang makapag-aral at makapa kung paanong sa lupa ay maaari kang makilos at liwanagan ng Banal na Espiritu, sa resulta ikaw ay nagbubuod ng isang kalipunan ng mga paraan ng pagsasagawa na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong makamit ang pagpasok. Kapag nagsasagawa ka sa ganitong paraan, hindi mo talaga alam kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo; nagsasagawa ka lamang sa iyong sariling paraan, nakadarama ng lubos na kaluwagan, hindi nag-aalala tungkol sa kalalabasan at lalong hindi nag-aalala tungkol sa kung naroon ang paglihis at mga pagkakamali. Habang ikaw ay nagpapatuloy sa ganitong paraan, ang iyong pagsasagawa ay nagkukulang sa napakaraming mga bagay, gaya ng pagpuri ng Diyos, pakikipagtulungan ng Banal na Espiritu at ang kalalabasan na natamo sa pamamagitan ng mga kinakailangan ng Diyos. Ni wala man itong anumang normal na katauhan o diwa ng katwiran ng isang normal na tao. Ang iyong pagsasagawa ay pagsunod mo lamang sa mga patakaran, o kusa mong dinadagdagan ang iyong pasanin upang higpitan ang iyong sarili, upang makontrol ang iyong sarili. Ngunit iyong iniisip na gawing perpekto ang iyong pagsasagawa, nang hindi alam na karamihan sa iyong pagsasagawa ay isang proseso o pangingilin na hindi na kinakailangan. Marami ang nagsasagawa na kagaya nito sa loob ng maraming mga taon na wala talagang pagbabago sa kanilang mga disposisyon, walang bagong pagkaunawa, at walang bagong pagpasok. Hindi nila sinasadyang gamitin sa kanilang malupit na mga kalikasan, maging hanggang sa yugto na maraming beses na silang gumagawa nang hindi makatuwiran, hindi makataong mga bagay at maraming beses na sila ay gumagawa ng mga bagay na nagpapatigil sumandali sa mga tao at kung saan ay hindi maintindihan. Ang ganitong uri ba ng tao ay isa na nagbago?