Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 11, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito"


I
Tanging ang Lumikha ang may matibay na awa't pag-ibig.
Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha,
sa Kanyang mga nilikha.
Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao.
Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao.

Hul 4, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan

pag-ibig, Diyos, langit, Cristo

🎻 🎶 .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ 🎶 🎻





I
Maging sa pagpapakita ng pagkamatuwid N'ya,
kamahalan N'ya o poot,
isinasagawa ng D'yos ang pamamahala N'ya't
inililigtas ang tao dahil sa pag-ibig N'ya.
Gaano kalaking pag-ibig? Ila'y nagtanong.
Hindi ito konting pag-ibig,
isangdaang pors'yento pag-ibig ng D'yos.
Dahil kung ang pag-ibig ng Diyos
ay medyo mas kaunti lamang,
ang mga tao ay hindi maliligtas.
Para sa sangkatauhan lahat ng pag-ibig N'ya,
ibinibigay ng D'yos.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya
sa sangkatauhan,
Ibinibigay N'ya lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay N'ya pag-ibig N'ya.

May 29, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikapitong Pagbigkas

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikapitong Pagbigkas

      Ang lahat ng mga sangay sa kanluran ay dapat makinig sa Aking tinig:
     Sa nakaraan, naging tapat ba kayo sa Akin? Sinunod ba ninyo ang Aking napakahusay na mga salita ng payo? May mga pag-asa ba kayong makatotohanan at hindi malabo at walang katiyakan? Ang katapatan, pag-ibig, at pananampalataya ng tao—walang iba maliban sa nagmumula sa Akin, maliban sa mga ipinagkaloob Ko. Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … alam ba ninyo?

May 11, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Kanta | 'Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos


.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸

'Pag ang Diyos ay 'di mo batid, at likas Niya'y di mo tanto,
puso mo'y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos.
'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos,
ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo,
at ito'y daranasin mong lubusan ng
may buong pananampalataya.
'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti-unti,
sa bawat araw,
'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos,
pagbubuksan Siya ng iyong puso.
'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,
'pag tunay na bukas ang 'yong puso,
iyong makikitang suklam
at kahihiyang mapaglustay't makasariling hiling.
'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,
'pag tunay na bukas ang 'yong puso.
Makikita sa puso Niya'y mundong walang-hanggan,
tungo sa kahariang walang katulad.
Sa kaharia'y walang pandaraya,
walang panlilinlang, walang kadiliman, at walang kasamaan.
Tanging kataimtiman at katapatan;
tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob.
Siya'y pag-ibig, Siya'y mapag-aruga,
walang hanggang kahabagan.
Sa iyong buhay, saya'y nadarama,
kung buksan ang puso mo sa Diyos.
Sa dunong Niya't lakas napupuspos ang kaharian,
maging ng awtoridad Niya't pag-ibig.
Makikita mo kung anong mayroon at sino Siya, 
kung ano ang nagdudulot sa Kanya ng saya,
ng hapis, ng lungkot at galit,
nariyang makita ng lahat.
'Pag binuksan ang puso mo sa Diyos 
at anyayahan Siyang tumuloy.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-taopag-ibig



。・゚゚・。。゚ 🎀 🎻 Rekomendasyon: 🎻 🎀 。・゚゚・。。゚

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw


Abr 22, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis


Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin, dalisay na walang dungis. Gamitin ang iyong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Ang pag-ibig ay 'di nagtatakda ng mga kondisyon o mga hadlang o agwat. Gamitin ang 'yong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Kung ikaw ay nagmamahal, 'di ka manlilinlang, magrereklamo at tatalikod, naghihintay ng kapalit. Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka, tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon. Sa pag-ibig walang hinala, walang tuso, walang daya. Gamitin ang iyong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Sa pag-ibig walang agwat at walang hindi dalisay. Gamitin ang 'yong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Kung ikaw ay nagmamahal, 'di ka manlilinlang, magrereklamo at tatalikod, naghihintay ng kapalit. Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka, tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon. Ibibigay mo iyong pamilya, kabataa't hinaharap na makikita mo, ibigay 'yong buhay-asawa para sa Diyos; ibibigay mo iyong lahat para sa Kanya. O ang pagmamahal mo'y 'di pagmamahal, kundi pandaraya, kataksilan sa Diyos. Gamitin ang 'yong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Ang pag-ibig ay hindi nagtatakda ng mga kondisyon o mga hadlang o agwat. Gamitin ang 'yong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin, dalisay na walang dungis.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:

Ang ikalawang pagdating ni Jesus

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan


Mar 13, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos

Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos

Hong Wei, Beijing
August 15, 2012
    Noong Hulyo 21, 2012, isang napakalakas na ulan ang nagpasimulang bumuhos. Nang araw na iyon, nagkataong mayroon akong tungkuling gagampanan, kaya pagkatapos ng aming pagpupulong at nakita kong tumila ang ulan, nagmadali akong umuwi sakay ng aking bisikleta. Pagkarating ko lamang sa lansangang bayan saka ko natuklasang ang tubig ay rumaragasa mula sa bundok na gaya ng isang talon, at ang kalsada ay nakalubog sa umaagos na tubig ulan na anupa’t hindi na ito makita pa. Nahintakutan ako sa aking nakita, kaya sa puso ko ay walang-lubay akong nanawagan, “Diyos! Nagsusumamo ako Sa’yo na dagdagan ang aking pananampalataya at lakas ng loob. Ngayon ang panahon na ibig Mong manindigan akong saksi. Kung hahayaan Mo akong matangay ng tubig, sa gayon ay naroon din ang Iyong mabuting layunin para rito. Handa akong pasakop sa iyong pangangasiwa at pagsasaayos.” Pagkatapos kong manalanging gaya nito, napanatag ako; hindi na ako ganoon katakot, at patuloy na hinarap ang bagyo pauwi sa bahay. Sinong nakaaalam na higit pang malaking panganib ang naghihintay sa akin? Sa daan pauwi sa aking bahay ay may matarik na dalisdis. Dahil sa bagong lagay na aspalto at sa tubig ulan na umaagos mula sa dalisdis, ang dalawang preno ng bike sa unahan ay di gumagana habang palusong ako. Sa paanan ng burol na ito ay may isang kalsadang patungo sa Pambansang Ruta 108, at sa kabilang bahagi nito ay hilera ng mga puno. Sa ibayo noon ay ang agos ng ilog; kung hindi ko mapababagalan ang aking takbo, sa gayo’y wala akong mapagpipilian kundi sumalpok sa mga punong iyon, at posible pang mahulog ako sa ilog. Ang mga kahihinatnan noon…. naisip ko, Ngayon, mapapahamak ako! Habang iniisip ko ito, may kung anong lakas na nanggaling kung saan ang biglang nagpabagsak sa akin mula sa aking bisikleta. Ang bugso ng bisikleta ay tinangay ako, at nadala ako hanggang sa interseksyon sa paanan ng burol. Sa tagpong iyon, dalawang kotse ang nagkataong dumaang magkasabay sa mismong harap ko. Muntik na! Buti na lang, sa gitna ng kagipitang ito, iniligtas ako ng Diyos.

Peb 21, 2018

Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito

I
Tanging ang Lumikha ang may matibay na awa’t pag-ibig.
Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha,
sa Kanyang mga nilikha.
Bawa’t isipin Niya’y para sa kabutihan ng tao.
Bawa’t damdamin Niya’y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao.

Ene 26, 2018

Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

katotohanan, pag-ibig, paniniwala, buhay, Kaalaman

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

    Ang gawain ng Diyos sa mga tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Kanya. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang gawain ay hindi mapaghihiwalay mula sa Diyos, at pinamamahalaan ng mga kamay Niya, at maaari ring masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos. Walang maaaring tumanggi rito, dahil ito ay katotohanan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at nakatuon sa mga pakana ni Satanas. Ang lahat ng kailangan ng tao ay nanggagaling sa Diyos, at ang Diyos ang pinaggagalingan ng buhay ng tao. Kaya, ang tao ay hindi maaaring humiwalay sa Diyos. Ang Diyos, higit sa lahat, ay walang layuning humiwalay sa tao. Ang gawain na isinasagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at ang saloobin Niya ay laging mabuti. Ang gawain ng Diyos at ang mga saloobin Niya (iyon ay, ang kalooban ng Diyos) aykapwa “mga pangitain” na kailangang malaman ng tao. Ang mga ganoong pangitain ay pamamahala rin ng Diyos, at gawain na hindi kayang isagawa ng tao. Ang mga atas ng Diyos sa tao sa gawain Niya ay tinatawag na “pagsasagawa” ng tao. Ang mga pangitain ay ang sariling gawain ng Diyos Mismo, o ang kalooban Niya para sa sangkatauhan o ang mga layunin at kahalagahan ng gawain Niya. Ang mga pangitain ay maaari ring sabihin na bahagi ng pamamahala, dahil ang pamamahalang ito ay gawain ng Diyos, at ito ay nakatuon sa tao, na nangangahulugang ito ang gawain na isinasagawa ng Diyos sa mga tao. Ang gawaing ito ay ang patunay at ang daan kung saan makikilala ng tao ang Diyos, at ito ay mahalagang-mahalaga para sa tao. Kung, sa halip na magbigay-pansin sa kaalaman na gawain ng Diyos, nagbibigay-pansin lamang ang mga tao sa mga aral ng paniniwala sa Diyos, o sa mga mabababaw at hindi makabuluhangsalaysayin, hindi nila makikilala ang Diyos, at, higit pa rito, sila’y hindi makasusunod sa puso ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay lubhang makatutulong sa kaalaman ng tao patungkol sa Diyos, at ito ay tinatawag na mga pangitain. Ang mga pangitain ay ang gawain ng Diyos, ang kalooban Niya, at ang layunin at kahalagahan ng gawain ng Diyos; ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng tao. Ang pagsasagawa ay tumutukoy sa kung ano ang dapat isagawa ng tao, kung ano ang dapat gawin ng mga nilalang na sumusunod sa Diyos. Ito ay tungkulin din ng tao. Ang dapat gawin ng tao ay hindi isang bagay na madaling maunawaan ng tao sa simula, ngunit mga atas na ginawa ng Diyos para sa tao sa gawain Niya. Ang mga atas na ito ay unti-unting naging mas malalim at mataas sa paggawa ng Diyos. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, kailangang sundin ng tao ang utos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, kailangang pasanin ng tao ang kanilang krus. Iba ang Kapanahunan ng Kaharian: Ang mga atas sa tao ay mas matataas kaysa sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Habang ang mga pananaw ay mas nagiging mataas, ang mga atas sa tao ay mas nagiging mataas, at nagiging mas malinaw at mas makatotohanan. Gayon din, ang mga pangitain ay mas nagiging makatotohanan. Ang maraming totoong pangitaing ito ay hindi lamang kapaki-pakinabang sa pagsunod ng tao sa Diyos, ngunit, higit dito, ay kapaki-pakinabang sa kanyang kaalaman tungkol sa Diyos.

Ene 25, 2018

Salita ng Diyos | Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

pag-ibig, Jesus, Langit, buhay, tumalima

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

    Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo; datapwat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay parehong may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain ng laman, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagpapatupad sa mga gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapahinuhod sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay ang Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi rin Siya gagawa ng bagay na makasisira sa Kanyang sariling gawain. Sa makatuwid, ang Diyos na nagkatawang-tao ay siguradong hindi gagawa ng kahit anong gawain na makagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang sangkap ng gawain ng Banal na Espiritu ay ang pagligtas sa tao at dahil sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Tulad nito, ang gawain ni Cristo ay ang iligtas ang tao alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang naisasakatuparan ang Kanyang sangkap sa loob ng Kanyang laman, nang sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay maging sapat upang maisagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay napapalitan ng gawain ni Cristo sa oras ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang sentro ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa mga gawain ng kahit anong panahon. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang din lamang na Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa pagiging tao ang mga gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang ministeryo na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

Ene 23, 2018

Salita ng Diyos | Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama

Pananampalataya, paniniwala, katotohanan, buhay, kapalaran

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama

    Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa ibabaw ng lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lamang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala sa sandaling umiral ang sangkatauhan at sa sandaling ang sangkatauhan ay naging tiwali. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing okupado ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa katiwalian ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at iligtas ang sangkatauhan, na naging tiwali, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Kung ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay yaong walang digmaan, walang dumi, walang patuloy na kalikuan. Ito ang sinasabi na kulang ang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa salungat na mga puwersa), katiwalian ni Satanas, pati na rin sa pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng paglikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matahimik na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala nang kalikuan ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala nang pagsalakay ng anumang salungat na mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong kaharian; sila ay hindi na maging isang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas, ngunit sa halip ay isang sangkatauhan na iniligtas pagkatapos ng pagiging tiwali sa pamamagitan ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Naiwala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalan ng kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati nang hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa pag-galaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pagbuo, o ang ibig sabihin na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay katulad ng gayon: Si Satanas ay nawasak; ang mga masamang tao na sumapi kay Satanas sa kanyang masamang gawain ay naparusahan at naalis na; lahat ng mga puwersa laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya gagawin ang Kanyang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang lahat ng sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; wala ang katiwalian ni Satanas, o hindi mangyayari ang anumang bagay na liko. Ang sangkatauhan ay mabubuhay nang normal sa lupa, at tatahan sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay pumasok na sa kapahingahan na magkasama, ito ay nangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at na si Satanas ay nawasak, na ang gawain ng Diyos sa tao ay ganap na natapos. Hindi na magpapatuloy na gagawa ang Diyos sa mga tao, at ang tao ay hindi na tatahan sa ilalim ng sakop ni Satanas. Samakatuwid, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawat tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na ang Diyos at ang tao ay buong galang na maninirahan sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa lahat ng sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mananahan kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi magagawang manahan kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong kaharian; sa halip, kapwa ay may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Siyang gumagabay sa lahat ng sangkatauhan, habang ang lahat ng sangkatauhan ay ang pagbubuo-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay inakay; sa pagsasaalang-alang ng kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi katulad ng Diyos. Ang ibig-sabihin ng pagpapahinga ay ang bumalik sa isang orihinal na lugar. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mananahan sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na nilalang ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging mga suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang mga kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingaan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos sa pagkumpleto ng Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at ang pasukan sa kapahingahan din ay hindi maiiwasang pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mananahan din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay ang Espiritu pa rin, habang ang tao ay laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at magpapakita sa tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay aakayin ng Diyos upang bisitahin ang langit at upang masiyahan din sa buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, ang mga taong masasama ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong mga masasamang mga indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga suwail sa Kanya sa lupa ay nawasak na; sila ay nawasak na sa pamamagitan ng dakilang mga kalamidad ng mga huling araw. Pagkatapos ang mga masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling malalaman ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan.

Ene 19, 2018

Awit ng Pagsamba | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng Pagsamba | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan

I
Ako’y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.
Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.
Ngayon sa’Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo,
payapang-payapa ako.
Pinagpapala Mo ako, humahatol ay salita Mo.
Nguni’t bigo pa rin akong pahalagahan biyaya Mo.
Malimit nagrerebelde, sa paanuma’y sinasaktan Iyong puso.
Nguni’t ‘di Mo alintana sala ko
kundi gumagawa para sa ‘king kaligtasan.
Pag ako’y malayo, pabalik mula sa panganib ay tinatawag Mo.
Pag nagrerebelde, mukha Mo’y itinatago,
kadilima’y bumabalot sa akin.
Pagbalik ko sa ‘Yo, naaawa Ka, ngumingiti upang yumakap.
Pag hinahagupit ni Satanas,
hinihilom Mo aking sugat, puso’y nagagalak.
Pag sinasaktan ng diyablo, kasama kita pagdaan sa pagsubok.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita’y asul pa ring sisikat,
pag naro’n Kang kasama ko.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita’y asul pa ring sisikat,
pag naro’n Kang kasama ko.

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

I
Ngayon ako'y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko'y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita'y pinupuno ako ng kalugura't kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

Ene 12, 2018

Kristianong Awitin | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kristianong Awitin | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos

I
Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa, sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao’y walang alitan; hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.

Ene 7, 2018

Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (6)

pag-ibig, karunungan, paniniwala, Langit, buhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (6)

    Dahil sa gawain ng Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan. Nguni’t sa pangkalahatan, ang grupo nating ito ay naitalaga ng Diyos, at Ako ay patuloy na naniniwala na ang Diyos ay may ibang gawain sa atin. Nawa tayong lahat ay magsumamo sa Langit na: “Nawa ang Iyong kalooban ay matupad at nawa Ikaw ay minsan pang magpakita sa amin at huwag takpan ang Iyong Sarili upang makita namin ang Iyong kaluwalhatian at ang Iyong mukha nang mas malinaw.” Lagi Kong nadarama na ang landas kung saan ginagabayan tayo ng Diyos ay hindi tumatakbo nang tuwid, kundi ito ay isang paliku-likong daan na punô ng mga lubák, at sinasabi ng Diyos na habang mas mabátó ang landas mas maibubunyag nito ang ating puso ng pag-ibig, nguni’t walang isa man sa atin ang makapagbubukas ng ganitong uri ng landas. Sa Aking karanasan, Ako ay nakalakad sa maraming mabátó at mapanganib na mga landas at Ako ay nakapagtiis ng matinding pagdurusa; may mga sandali na Ako ay lubos na nagdalamhati hanggang sa punto na parang gusto kong umiyak nang malakas, nguni’t nakalakad Ako sa landas na ito hanggang sa araw na ito. Ako ay naniniwala na ito ang landas na pinangungunahan ng Diyos, kaya Aking tinitiis ang paghihirap sa lahat ng pagdurusa at nagpapatuloy na sumulong dahil ito ang naitalaga ng Diyos, kaya sinong makatatakas dito? Hindi Ko hinihingi na makatanggap ng anumang mga pagpapala; ang hinihingi Ko lamang ay makaya Kong lumakad sa landas na dapat Kong lakaran ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi Ako naghahanap na gayahin ang iba o lumakad sa landas na kanilang nilalakaran—ang hinahanap Ko lamang ay matupad Ko ang Aking panata na lumakad sa Aking itinakdang landas hanggang sa katapusan. Hindi Ko hinihingi ang tulong ng iba; sa prangkahan, hindi Ko rin matutulungan ang sinuman. Ako ay tila labis na napakaselan sa bagay na ito. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng ibang tao. Ito ay dahil lagi Akong naniniwala na gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at gaano man kalayo ang dapat nilang lakarin sa kanilang landas ay itinakda ng Diyos at walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman. Marahil ang ilan sa ating maiinit na mga kapatirang lalaki at babae ay magsasabi na Ako ay walang pag-ibig. Nguni’t ito lamang ang Aking paniniwala. Ang mga tao ay lumalakad sa kanilang mga landas na nananalig sa paggabay ng Diyos, at Ako ay naniniwala na karamihan sa Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mauunawaan ang Aking puso. Umaasa rin Ako na pinagkakalooban tayo ng Diyos ng napakatinding pagliliwanag sa aspetong ito upang ang ating pag-ibig ay magiging mas dalisay at ang ating pagkakaibigan ay magiging mas mahalaga. Nawa ay hindi tayo malító sa paksang ito, kundi maging mas malinaw upang ang mga pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao ay maitatag batay sa pangunguna ng Diyos.

Ene 5, 2018

Kristianong Awitin – Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

Diyos, buhay, pag-ibig, Jesus, ebanghelyo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

I
Noo’y ‘di malinaw sa layon ng buhay, ngayo’y alam ko na. Hinanap ko’y estado at kasikatan. Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa ‘kin lamang. Sa dasal sambit dati’y magagandang salita, pero ang buhay ko ay hindi akma. Pananampalataya ko’y sa bukas ipinagbahala, katotohana’t realidad sa akin ay wala. Pananampalataya’y kulong sa ritwal at patakaran; ako’y naiwang walang saysay. Bigong mabuhay at di karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos. Puso ay nagising ng Diyos ng pagsinta, nagsasabi sa’kin na mahalin ko rin Siya, Aking napagtanto nasaktan ko ang Kanyang puso, ngayo’y iisa lang ang nais ko Oh Diyos, ang mabuhay para sa’Yo.

Salita ng Diyos – Ang Landas… (5)

Pag-asa, pag-ibig, karunungan, Kaharian, buhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Salita ng Diyos – Ang Landas… (5)

   Dati ay walang nakakakilala sa Banal na Espiritu, at partikular na hindi nila nalalaman kung ano ang landas ng Banal na Espiritu. Kaya laging dinadaya ng mga tao ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Maaaring masabi na halos lahat ng mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi nakakakilala sa Espiritu, kundi mayroon lamang isang litóng uri ng paniniwala. Maliwanag mula rito na hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, at kahit sinasabi nila na sila ay naniniwala sa Kanya, sa mga tuntunin ng diwa nito, batay sa kanilang mga pagkilos sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili, hindi sa Diyos. Mula sa Aking pansariling tunay na karanasan, nakikita Ko na sumasaksi ang Diyos sa Diyos na katawang-tao, at mula sa labas, lahat ng mga tao ay napipilitang kilalanin ang Kanyang pagsaksi, at halos hindi masabi na sila ay naniniwala na ang Espiritu ng Diyos ay lubos na walang mali. Gayunpaman, Aking sinasabi na ang pinaniniwalaan ng mga tao ay hindi ang personang ito at ito ay partikular na hindi Espiritu ng Diyos, kundi sila ay naniniwala sa kanilang sariling pakiramdam. Hindi ba’t iyan ay paniniwala lamang sa kanilang mga sarili? Ang mga salitang ito na Aking sinasabi ay totoong lahat. Ito ay hindi pagtatatak sa mga tao, nguni’t kailangan Ko na liwanagin ang isang bagay—na ang mga tao ay madadala sa araw na ito, kung sila man ay malinaw o sila ay litó, ang lahat ng ito ay ginagawa ng Banal na Espiritu at ito ay hindi isang bagay na maaaring idikta ng mga tao. Ito ay isang halimbawa ng Aking binanggit noong una tungkol sa Banal na Espiritu na pinipilit ang paniniwala ng mga tao. Ito ang paraan na ang Banal na Espiritu ay gumagawa, at ito ay isang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Kahit na sino ang pinaniniwalaan ng mga tao sa diwa ng nilalaman, pinipilit bigyan ng Banal na Espiritu ang mga tao ng isang uri ng pakiramdam upang sila ay maniwala sa Diyos sa kanilang sariling puso. Hindi ba ito ang uri ng paniniwala na taglay mo? Hindi mo ba nadarama na ang iyong paniniwala sa Diyos ay isang kakatwang bagay? Hindi mo ba iniisip na ito ay isang kakatwang bagay na ikaw ay hindi makatakas mula sa daloy na ito? Hindi mo ba pinagsikapang bulay-bulayin ito? Hindi ba’t ito ang pinakadakilang tanda at himala? Kahit na ikaw ay nagkaroon ng pag-uudyok na tumakas nang maraming ulit, laging mayroong malakas na pwersa ng buhay na umaakit sa iyo at ginagawa kang atubiling lumayo. At sa tuwing makakatagpo mo ito ikaw ay laging nasasakal at humahagulgol, at hindi mo alam kung ano ang gagawin. At mayroong ilang mga tao na sinusubukang lumisan. Subali’t kapag sinusubukan mong umalis, ito ay parang patalim sa iyong puso, at ito ay parang ang iyong kaluluwa ay kinuha sa iyo ng isang multo sa lupa kaya’t ang iyong puso ay bagabag at walang kapayapaan. Matapos iyon, wala kang magáwâ kundi patatagin ang iyong sarili at bumalik sa Diyos…. Hindi ka ba nagkaroon ng ganitong karanasan? Ako ay naniniwala na ang mga batang kapatirang lalaki at babae na nakakapagbukas ng kanilang mga puso ay magsasabing: “Oo! Napakarami ko nang naging mga karanasang ganito; hiyang-hiya akong isipin ang mga iyon!” Sa Aking sariling pang-araw-araw na buhay Ako ay laging masaya na makita ang Aking mga batang kapatirang lalaki at babae bilang Aking mga kaniig sapagka’t sila ay punô ng kawalang-malay—sila ay dalisay at lubhang kaibig-ibig. Parang sila ay Aking sariling mga kasama. Ito ang kung bakit Ako ay laging naghahanap ng pagkakataon na dalhin ang lahat ng Aking mga kaniig na sama-sama, upang pag-usapan ang tungkol sa aming mga simulain at mga plano. Nawa ang kalooban ng Diyos ay maisakatuparan sa atin upang lahat tayo ay tulad ng laman at dugo, walang mga hadlang at walang pagkakalayo. Nawa ay manalangin tayong lahat sa Diyos: “O Diyos! Kung ito ay Iyong kalooban, sumasamo kami sa Iyo na pagkalooban kami ng akmang kapaligiran upang matanto naming lahat ang mga inaasam ng aming mga puso. Nawa ay mahabag Ka sa mga kasama namin na bata at kulang sa katwiran, upang magugol namin ang bawa’t patak ng kalakasan sa aming mga puso!”Ako ay naniniwala na ito dapat ang kalooban ng Diyos dahil noong matagal na, ginawa Ko ang sumusunod na pagsamo sa harapan ng Diyos: “Ama! Kaming mga nasa lupa ay tumatawag sa Iyo sa lahat ng sandali, at umaasa na ang Iyong kalooban ay matatapos sa lalong madaling panahon sa lupa. Ako ay handang hanapin ang Iyong kalooban. Nawa ay gawin Mo ang nais Mo, at tapusin ang ipinagkatiwala Mo sa Akin sa lalong madaling panahon. Hangga’t ang Iyong kalooban ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon, handa kahit Ako para Ikaw ay magbukas ng isang bagong landas sa gitna namin. Ang tangi Kong pag-asa ay na ang Iyong gawain ay matatapos sa lalong madaling panahon. Ako ay naniniwala na walang mga panuntunan ang makapipigil sa Iyong gawain!” Ito ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon. Hindi mo ba nakita ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu? Kapag Aking nakakatagpo ang nakatatandang mga kapatirang lalaki at babae, palaging may damdamin ng kaapihan na hindi Ko matukoy. Kapag kasama Ko lamang sila Aking nakikita na sila ay umaalingasaw sa lipunan, at ang kanilang relihiyosong mga paniwala, mga karanasan sa pagtangan sa mga bagay-bagay, ang kanilang mga paraan ng pagsasalita, ang mga salitang kanilang ginagamit, atbp., ay nakakainis lahat. Para bang sila ay punô ng karunungan at Ako ay laging nananatiling malayo sa kanila sapagka’t sa Aking sarili, ang Aking pilosopiya sa buhay ay kulang na kulang. Kapag kasama nila Ako pakiramdam Ko ay lagi Akong pagód at pinahihirapan, at kung minsan ito ay nagiging masyadong seryoso, masyadong mapang-api na halos hindi Ako makahinga. Kaya sa mapanganib na mga sandaling ito, binibigyan Ako ng Diyos ng pinakamahusay na paraan na makalabas. Marahil ito ay sarili Kong maling kuru-kuro. Ang pinahahalagahan Ko lamang ay kung ano ang pakinabang sa Diyos; ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos ang pinakamahalaga. Nananatili Akong malayo sa mga taong ito, at kung kinakailangan ng Diyos na pakitunguhan Ko sila, sa gayon, Ako’y susunod. Hindi naman na sila ay kasuklam-suklam, kundi dahil sa ang kanilang “karunungan”, mga paniwala, at mga pilosopiya sa buhay ay masyadong nakakainis. Ako ay narito upang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa Akin, hindi para matuto sa kanilang mga karanasan sa pagtangan ng mga pangyayari. Natatandaan Ko na minsan ay sinabi ng Diyos sa Akin ang sumusunod: “Sa lupa, hanapin Mo ang kalooban ng Ama at tapusin kung ano ang ipinagkatiwala Niya sa Iyo. Lahat ng iba pa ay walang kinalaman sa Iyo.” Kapag iniisip Ko ito nakakaramdam Ako ng bahagyang kapayapaan. Ito ay sapagka’t lagi Kong nararamdaman na ang mga makalupang mga bagay ay masyadong masalimuot at hindi Ko lubos na malirip ang mga iyon—kailanman hindi Ko alam kung ano ang gagawin. Kaya hindi Ko alam kung ilang ulit Akong masyadong naguluhan dahil dito at kinamuhian ang sangkatauhan—bakit ang mga tao ay masyadong kumplikado? Anong mali sa pagiging mas simple? Nagpupumilit na maging marunong—bakit nag-aabala? Kapag nakikitungo Ako sa mga tao kalimitan ito ay batay sa pagsusugo ng Diyos sa Akin, at kahit na may ilang ulit na hindi ito ang kaso, sinong maaaring makaalam kung ano ang natatago sa kaibuturan ng Aking puso?