Maging matapang. Palagi Akong maglalakad kasama ka, nabubuhay kasama ka, kinakausap ka at kumikilos kasama ka. Huwag matakot. Huwag mag-atubiling magsalita. Palagi kayong maramdamin, mahiyain, at matatakutin. Dapat alisin yaong mga walang pakinabang sa pagtatayo ng iglesia. Nabibilang dito yaong mga nasa iglesia na ang mga kalagayan ay hindi maayos at yaong mga hindi makakilos ayon sa Aking mga salita, bukod pa sa inyong mga di—naniniwalang ina at ama. Ayaw Ko sa mga bagay na iyon. Dapat silang puksain, walang dapat matira. Pakawalan lang ang mga gapos na nasa iyong mga kamay at mga paa. Hanggat sinisiyat mo ang iyong sariling mga layunin at hindi isinasaalang-alang ng mga ito ang mga pakinabang at kalugihan, ni sa kasikatan o kayamanan, ni pansariling mga ugnayan, kung gayon sasama Ako sa’yo, itinatawag-pansin ang mga bagay sa’yo at binibigyan ka ng malinaw na paggabay sa lahat ng oras. Mga anak! Ano ang dapat Kong sabihin? Bagaman sinasabi Ko ang mga bagay na ito, hindi pa rin ninyo isinasaalang-alang ang Aking puso at napakahina pa rin ng loob. Ano ang kinatatakutan ninyo? Bakit nakagapos pa rin kayo ng mga batas at ng mga alintuntunin? Napakawalan Ko na kayo, pero wala pa rin kayong kalayaan. Bakit ganito? Higit na makipag-usap sa Akin at sasabihin Ko sa’yo. Huwag Akong subukin. Tunay Ako. Wala Akong pagkukunwari, at tunay ang lahat! Totoo ang sinasabi Ko at kailanma’y hindi Ako sumisira sa Aking salita.
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento