Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na umasa sa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na umasa sa. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 22, 2019

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Ika-apatnapu’t tatlong Pagbigkas

Hindi ba’t napaalalahanan Ko na kayo? Huwag nangangamba; hindi lang kayo nakikinig sa Akin, mga gayong walang pakundangang tao! Kailan ninyo makakayang maunawaan ang Aking puso? Araw-araw mayroong bagong kaliwanagan, araw-araw mayroong bagong liwanag. Ilang beses na ninyong naunawaan ito para sa inyong mga sarili? Hindi ba’t Ako mismo ang nagsabi sa inyo? Wala pa rin kayong kibo tulad ng mga kulisap na gagalaw lang kapag sinundot, pero hindi ninyo makayang magkusang makipagtulungan sa Akin, magpakita ng pagsaalang-alang sa Aking pasanin. Nais Kong makita lahat ng inyong masisigla at magagandang ngiti, makita ang masugid at masiglang ugali ng Aking mga anak, pero hindi Ko magawa. Sa halip, kayo ay mahina ang isip, mangmang, at hangal. Dapat magkusa kayong maghanap. Matapang na magtaguyod! Buksan lang ang inyong mga puso at hayaan Akong mabuhay sa loob ninyo. Maging maingat at mapagbantay! Manlilinlang ang ilang tao sa iglesia at dapat masyado ninyong binibigyang diin palagi ang mga salitang ito, baka maapektuhan ang mga buhay ninyo o dumanas ng ilang kalugihan. Makatitiyak kayo, hanggat mayroon kayong katapangang manindigan at magsalita para sa Akin, papasanin Ko ang lahat ng pasaning ito at palalakasin ka! Hanggat pinalulugod mo ang puso Ko, palaging ipakikita Ko sa’yo ang Aking ngiti at Aking kalooban. Hanggat mayroon kang matibay na gulugod at isinasabuhay ang disposisyon ng anak na lalaki, Ako’y susuporta sa’yo at ilalagay ka sa isang mahalagang katayuan.

Ene 6, 2019

Tagalog Christian Crosstalk | "Mga Mata sa Lahat ng Dako" | The Status Quo of Christians in China


Filipino Variety Show | "Mga Mata sa Lahat ng Dako" | The Status Quo of Christians in China


Inilalarawan ng crosstalk na Mga Mata Sa Lahat ng Dako kung paano tinatangka ng Partido Komunista ng Tsina na itaboy ang relihiyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malawakang paghahanap sa buong bansa, pati na rin ang paggamit sa mga tao mula sa bawat uri at antas ng buhay bilang mga mata para mag-imbestiga, magbantay, at magmanman sa mga Kristiyano. Sa pamamagitan ng nakakatawa at malinaw na pagtatanghal, ipinakikita ng komedyang pangdalawahan na ito sa ating lahat ang mga kasuklam-suklam na pamamaraan at mga karumaldumal na intensyon kung saan inaaresto ng CCP ang mga Kristiyano,

Dis 30, 2018

Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?


Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?


Sa kasalukuyan, ang pagpapahirap ng ateistang gobyerno ng CCP sa mga Kristiyano ay tumitindi araw-araw. Ang mga mananampalataya ay nahaharap sa mga pagbabawal na isagawa ang kanilang pananalig sa lahat ng oras; ni hindi sila makahanap ng lugar para makapagtipon nang payapa. Dahil wala nang pagpipilian, sa kamalig na lamang ni Liu Xiumin ginanap ang pagtitipon nila ng kanyang mga kapatid. Ngunit habang sila'y nagtitipon-tipon, isa isang dumarating ang mga pinuno ng nayon upang tumingin sa paligid, gumagawa ng kung ano- anong dahilan at dinala pa ang kapulisan ng CCP....

Nob 25, 2018

True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God


Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon. Tatlong ulit siyang dinala ng mga pulis sa presinto upang tanungin, at binalaan na huwag nang manalig pa sa Diyos.

Dis 7, 2017

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Debate Tungkol Lahat sa “Kung ang Biblia ay Kinasihan ng Diyos”

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon – Debate Tungkol Lahat sa “Kung ang Biblia ay Kinasihan ng Diyos

Sa dalawang libong taon, ang relihiyosong mundo ay umasa sa kung ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa Biblia na kinasihan ng Diyos at laging naniwala na “Ang Biblia ay mga salita ng Diyos,” at “Ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon.” Tama ba ang mga ideyang ito? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!
Rekomendasyon
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?