Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay magawang malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Sa mga huling araw, ganap na ililigtas ng Diyos ang tao mula sa impluwensiya ni Satanas, pahihintulutan ang tao na bumalik talaga sa Diyos at maging akma kay Cristo, at maging mga banal na tao na gumagalang at sumusunod sa Diyos. Ang tanging paraan para makamit ito ay sa pamamagitan ng gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan lamang ng paghatol at mga pagbubunyag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na malalaman ng mga tao sa wakas ang katotohanan kung paano sila pinasama ni Satanas, at ang diwa ng kanilang kalikasan, at malalaman ang matuwid at maringal na disposisyon ng Diyos na hindi nagpaparaya sa pagkakasala. Sa ganitong paraan lamang magkakaroon ang mga tao ng totoong pagsisisi, mga kaloobang namumuhi sa laman at nagrerebelde laban kay Satanas, at mga pusong natatakot sa Diyos, talagang makawala sa madilim na impluwensiya ni Satanas, bumalik sa Diyos, at makamit ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang maililigtas ang sangkatauhan sa wakas at makapasok sa kaharian ng langit.
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento