Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post

May 27, 2019

Mga Movie Clip | Talaga bang Pases sa Kaharian ng Langit ang Kapatawaran ng Ating mga Kasalanan?


Tagalog Christian Movie Clips 2018 | Napakagandang Tinig | "Talaga bang Pases sa Kaharian ng Langit ang Kapatawaran ng Ating mga Kasalanan?"


Maraming tao sa relihiyon ang nag-iisip na inamin na nila ang kanilang mga kasalanan at pinagsisihan na ang mga ito matapos manalig sa Panginoon, kaya natubos na sila, at naligtas sa pamamagitan ng biyaya. Pagdating ng Panginoon, direkta Niya silang iaangat sa kaharian ng langit, at marahil ay hindi na Niya gagawin ang pagdadalisay at pagliligtas.

Mar 28, 2019

Bakit Tinawag ng Diyos na Kapanahunan ng Biyaya ang Pangalawang Kapanahunan?


Siya ay ipinako sa krus upang tapusin ang gawain ng pagtubos, upang wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Pinuno”, ang “Alay para sa Kasalanan”, ang “Manunubos”.

Ene 27, 2019

Tanong 7: Pag di natin tinanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, magagawa ba talaga natin ang kalooban ng Ama sa langit? Makakapasok ba tayo talaga sa kaharian ng langit?

Sagot: Pag ang tinatanggap lang ng mga tao ay ang pagtubos ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, pero hindi nila tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Hindi sila makakalaya mula sa kasalanan, hindi nila magagawa ang kalooban ng Ama sa langit, at hindi sila makakapasok sa kaharian ng Diyos. Walang duda ‘yan! Kasi noong Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang pagtubos. Dahil sa katayuan ng mga tao noon, binigyan lang sila ng Panginoong Jesus ng paraan para makapagsisi, at inutusan ang mga tao na unawain ang ilang panimulang katotohanan at mga paraan para maisabuhay ang mga ‘yon. Halimbawa: inutusan Niya ang mga tao na aminin ang kanilang mga sala at magsisi at magpasan ng krus. Tinuruan Niya sila na magpakumbaba, magtitiis, magmahal, mag-ayuno, magpabinyag, atbp. Ito ang ilang napakalimitadong katotohanan na mauunawaan at matatamo ng mga tao noon. Hinding-hindi nagpahayag ang Panginoong Jesus ng mas malalalim na katotohanan na may kinalaman sa pagbabago ng disposisyon sa buhay, maligtas, malinis, magawang perpekto, atbp., dahil noon, wala sa katayuan ang mga tao para kayanin ang mga katotohanang ‘yon. Kailangan nilang hintaying magbalik ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Ipagkakaloob Niya sa tiwaling sangkatauhan ang lahat ng katotohanang kailangan para maligtas sila at maging perpekto ayon sa plano sa pamamahala ng Diyos na iligtas ang tiwaling sangkatauhan at mga pangangailangan nila. Katulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Napakalinaw ng mga salita ng Panginoong Jesus.

Ene 23, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?" (Tagalog Dubbed)



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?" (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Judio ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man Ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas Ko. Itinuring nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinaka-dakilang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, naguusap-usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing Ako si Elias, Ako si Moises, na Ako ang pinaka-sinauna sa lahat ng mga propeta, na Ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking katauhan o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin Ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao.

Ene 12, 2019

Tanong 2: Ipinako ang Panginoong Jesus bilang alay sa kasalanan para tubusin ang sangkatauhan. Tinanggap na natin ang Panginoon, at nakamit ang kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. Bakit kailangan pa nating tanggapin ang gawaing paghatol at pagdadalisay ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?

Sagot: Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos. Hindi gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw na iligtas ang sangkatauhan. Ang nakamit ng gawaing pagtubos ay nagsilbi ang Panginoong Jesus ilang alay sa kasalanan para sa ating lahat, at tinubos Niya tayo mula sa mga kamay ni Satanas, pinagsisi tayo sa ating mga kasalanan, at tinanggap ang pagliligtas ng Diyos. Ginawa Niya tayong karapat-dapat na humarap sa Diyos at tamasahin ang biyaya at pagpapala ng Diyos. Iyan ang tunay na kahulugan ng gawain ng pagtubos. Pero maraming tao ang hindi nakakaintindi. Palagi nilang iniisip na ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus ang nagkaloob ng ganap na kaligtasan sa sangkatauhan, at pinahintulutan tayong pumasok sa kaharian ng langit. Ang ideya na ‘yan ay ganap na nagmula sa imahinasyon ng tao. Binigyan tayo ng Panginoong Jesus ng kaligtasan, totoo ‘yan, pero binago ba nito ang mga makasalanang kalikasan natin? Talaga bang naging banal tayo dahil pinatawad ng Diyos ang mga kasalanan natin? Kung gayon, bakit madalas pa rin tayong nagkakasala? Talaga bang aaprubahan ng Panginoon ang mga madalas na nagkakasala? Kakaunting tao ang nag-isip tungkol sa problemang ito, at wala pa tayong nakitang kahit sino na talagang nakakaintindi sa problemang ito. Tinubos tayo ng Panginoong Jesus mula sa katayuan ng kasalanan. Napatawad ang ating mga kasalanan, nabigyan tayo ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya, katotohanan ito. Pero habang naniniwala tayo sa Panginoon at sinusunod at Panginoon, madalas din nating pinagtataksilan ang mga turo ng Panginoon, at nagpapaubaya sa mga kagustuhan ng laman na magkasala.

Set 30, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Makakapasok ba sa Kaharian ng Langit ang mga Naligtas?"


Tagalog Christian Movie Clips | "Makakapasok ba sa Kaharian ng Langit ang mga Naligtas?"


Sa Panahon ng Biyaya, isinagawa ng Panginoong Hesus ang gawain ng pagtubos na nagpatawad sa lahat ng ating mga kasalanan. Hangga't tinatanggap natin ang Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas at ipinagdasal at ikinumpisal natin ang ating mga kasalanan sa Panginoon, mapapatawad ang ating mga kasalanan at maliligtas tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya.

Hul 29, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampung Pagbigkas

kaharian, kapalaran, Langit, Biyaya

Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mga yaong tinitingnan Ko, wala kahit isa ang kailanma’y kusa at direktang naghanap sa Akin. Lumalapit silang lahat sa harap Ko sa panghihikayat ng iba, sumusunod sa karamihan, at ayaw nilang bayaran ang halaga o gumugol ng oras para pagyamanin ang kanilang mga buhay. Samakatuwid, walang sinuman sa gitna ng tao ang namuhay kailanman sa katotohanan, at namumuhay ang lahat ng mga tao ng mga buhay na walang kahulugan. Dahil sa mga gawi at kaugalian ng tao na matagal nang umiiral, umalingasaw ang amoy ng lupa sa mga katawan ng lahat ng mga tao. Bilang resulta, naging manhid ang tao, walang pandama sa kalagiman ng mundo, at sa halip ay nagpapakaabala siya sa gawain ng pagtatamasa sa sarili sa malamig na mundong ito. Walang kahit kaunting init ang buhay ng tao, at walang kahit anong pantaong lasa o liwanag—gayunma’y sinanay niya ang kanyang sarili dito, nanatili siya sa habambuhay na kawalan ng halaga kung saan nagmamadali siyang gumagawa nang walang anumang napapala. Sa isang kisapmata, lumalapit ang araw ng kamatayan, at namamatay ang tao ng isang mapait na kamatayan. Kailanman, wala siyang natupad na anuman, o napalang anuman sa mundong ito—nagmamadali lamang siyang dumarating, at nagmamadaling umaalis. Sa Aking paningin wala sa mga yaon ang nakapagdala kailanman ng anuman, o nakakuha ng anuman, kung kaya nararamdaman ng tao na hindi patas ang mundo. Gayunman walang may gustong magmadali. Hinihintay lamang nila ang araw kung kailan ang Aking pangako mula sa langit ay biglang darating sa gitna ng tao, magpapahintulot sa kanila, sa panahon kung kailan sila ay naligaw, na minsan pa ay makita ang daan ng walang-hanggang buhay. Kaya, nakatutok ang tao sa bawat gawa at kilos Ko upang tingnan kung talagang natupad Ko ang pangako Ko sa kanya. Kapag siya ay nasa kalagitnaan ng hirap, o sa matinding sakit, o pinalilibutan ng mga pagsubok at malapit nang mahulog, isinusumpa ng tao ang araw ng kanyang kapanganakan upang mas mabilis niyang matakasan ang mga problema niya at makalipat sa mas magandang lugar. Ngunit kapag lumipas na ang mga pagsubok, napupuno ng kagalakan ang tao. Ipinagdiriwang niya ang araw ng kapanganakan niya sa mundo at hinihiling na pagpalain Ko ang araw ng kanyang kapanganakan; sa panahong ito, hindi na binabanggit ng tao ang mga pangako ng nakaraan, malalim ang takot niya na sa ikalawang pagkakataon darating muli sa kanya ang kamatayan. Kapag itinataas ng mga kamay Ko ang mundo, sumasayaw sa kagalakan ang mga tao, hindi na sila nalulungkot, at umaasa silang lahat sa Akin. Kapag tinatakpan Ko ng Aking mga kamay ang Aking mukha, at itinutulak ang mga tao sa ilalim ng lupa, agad silang nahihirapan sa paghinga, at bahagya na silang makapanatiling buhay. Lahat sila ay sumisigaw sa Akin, takot na lilipulin Ko sila, sapagka’t gusto nilang lahat na makita ang araw kung kailan Ako ay maluluwalhati. Itinuturing ng tao ang araw Ko bilang pangunahin ng kanyang pag-iral, at ito ay dahil lamang sa mahigpit na pagnanais ng mga tao para sa araw kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay darating kaya nakapanatiling buhay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Ang pagpapalang ipinahayag ng Aking bibig ay na yaong mga ipinanganganak sa panahon ng mga huling araw ay napakapalad na makita ang buo Kong kaluwalhatian.

Hun 8, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap at magpakita sa tao. ...At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw."

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw




Mar 30, 2018

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang susi sa pagtalima sa Diyos ay ang pagpapahalaga sa bagong liwanag, at makayang tanggapin ito at maisagawa. Ito lamang ang tunay na pagtalima. … Ang hindi pagiging kuntento sa pamumuhay sa gitna ng mga biyaya ng Diyos, pagiging laging nauuhaw para sa katotohanan, at paghahanap para sa katotohanan, at paghahabol na maging pag-aari ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng maingat na pagtalima sa Diyos: ito ang eksaktong uri ng pananampalatayang gusto ng Diyos.”
Rekomendasyon
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Mar 17, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Latest Tagalog Christian Worship Songs 2018 | Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos

Latest Tagalog Christian Worship Songs 2018 | Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos

I
Ngayon ako’y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko’y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.

Biyaya Niyang Salita’y pinupuno ako ng kalugura’t kaligayahan.

Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili’t dumilig sa’king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa’kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo’y umaawit sa Iyo
nang dahil sa’Yong pagpapala.
Kami ngayo’y nagpupuri sa’Yo sapagkat kami’y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

Mar 8, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Sa Pamamagitan Lamang ng Pag-alam sa Aktwal na mga Gawa ng Diyos Maaari Mong Makilala ang Diyos

Buhay, paniniwala, katotohanan, Salita ng Diyos, Biyaya



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Sa Pamamagitan Lamang ng Pag-alam sa Aktwal na mga Gawa ng Diyos Maaari Mong Makilala ang Diyos

I
Ang gawain ng Diyos ngayon ay magsalita, walang mga palatandaan, ni mga kababalaghan. Hindi ito Kapanahunan ng Biyaya. Ang Diyos ay normal at totoo. Sa huling mga araw, hindi Siya si Hesus na higit sa karaniwan, ngunit isang praktikal na Diyos sa katawang tao, walang pinagkaiba sa tao. Kaya ang paniniwala ng tao sa Diyos ay dahil sa Kanyang maraming mga gawain, mga salita at gawa. Oo, ito ay pagbigkas ng Diyos na lupigin at gawing perpekto ang tao. Ang mga palatandaan at kababalaghan ay hindi ang ugat ng kanilang pananampalataya. Oo, mga gawa ng Diyos na Siya’y makilala ng tao.

Dis 31, 2017

Kristianong Awitin – Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal

I
Nilikha ng Diyos ang tao; naging masama man ito o sumunod man sa Kanya, Itinatanging nilikha, pinakamamahal pa rin ng Diyos. Ang tao’y ‘di laruan para sa Kanya.
II
Diyos ang Tagapaglikha at ang tao’y Kanyang nilikha. Tila iba ang hanay, ngunit lahat ng gawa ng Diyos ay higit pa sa kanilang ugnayan. Mahal ng Diyos ang tao, laging alaga’t malasakit binibigay. Walang kapaguran, Siya’y nagbibigay, hindi ramdam ang kalabisan, o na kailangan Niya ng pagkilala.

Dis 29, 2017

Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (1)

Ang Banal na Espiritu, Biyaya, kalooban, kaluwalhatian, Kaalaman

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (1)

    Sa buong buhay nila, walang tao ang nakaaalam kung anong uri ng mga kabiguan ang kanilang makakatagpo, ni nalalaman nila kung sa anong uri ng pagpipino sila mapapasailalim. Para sa ilan ito ay sa kanilang gawain, para sa ilan ito ay sa kanilang mga pagkakataon sa hinaharap, para sa ilan ito ay sa kanilang pamilyang pinagmulan, at para sa ilan ito ay sa kanilang pag-aasawa. Nguni’t ang kaibahan mula sa kanila ay na ngayon tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay nagdurusa para sa salita ng Diyos. Iyan ay, bilang isang naglilingkod sa Diyos, sila ay nagdusa ng mga kabiguan sa landas ng paniniwala sa Kanya, at ito ang landas na dinaraanan ng lahat ng mga mananampalataya at ito ang daan na tinatapakan ng lahat ng ating mga paa. Mula sa puntong ito ay opisyal nating sinisimulan ang ating landasin ng paniniwala sa Diyos, itinataas ang kurtina sa ating mga buhay bilang mga tao, at pumapasok tungo sa tamang landas ng buhay. Iyan ay, ito ang kung kailan pumapasok tayo tungo sa tamang landas na ang Diyos ay namumuhay kaagapay ng tao, na dinaraanan ng normal na mga tao. Bilang isa na tumatayo sa harap ng Diyos at naglilingkod sa Kanya, bilang isa na nagsusuot ng mga balabal ng isang saserdote sa templo, na may dibinong dignidad at awtoridad at kamahalan ng Diyos, Aking ginagawa ang sumusunod na pahayag sa lahat ng mga tao. Upang ipahayag ito nang mas malinaw: Ang maluwalhating mukha ng Diyos ang Aking kaluwalhatian, ang Kanyang plano ng pamamahala ang Aking sentro. Ako ay hindi naghahanap na magtamo ng makaisandaang ulit na mas marami sa mundong darating, nguni’t upang isakatuparan lamang ang kalooban ng Diyos sa mundong ito upang maaari Niyang matamasa ang isang maliit na bahagdan ng Kanyang kaluwalhatian sa lupa sanhi ng maliliit na mga pagsisikap na Aking ginagawa sa katawang-tao. Ito lamang ang Aking nasà. Sa Aking palagay, ito lamang ang Aking espirituwal na pagtutustos; Ako ay naniniwala na ang mga ito ang dapat na maging huling mga pananalita ng isa na namumuhay sa katawang-tao at siyang punô ng emosyon. Ito ang landas na tinatapakan ng Aking mga paa ngayon. Ako ay naniniwala na ang pananaw Kong ito ay ang Aking huling mga pananalita sa katawang-tao, at Ako ay umaasa na ang mga tao ay walang ibang mga paniwala o kaisipan tungkol sa Akin. Bagaman naibigay Ko na rito ang Aking lahat-lahat, hindi Ko pa rin nabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos sa langit. Ako ay labis-labis na nalulungkot—bakit ito ang nilalaman ng katawang-tao? Kaya, dahil sa mga bagay-bagay na Aking nagawa sa nakaraan gayundin ang gawain ng paglupig na naisakatuparan ng Diyos sa Akin, ngayon lamang Ako nakatamo ng mas malalim na pagkaunawa hinggil sa nilalaman ng sangkatauhan. Simula lamang doon Ako nakapagtakda ng pinakapangunahing pamantayan para sa Aking Sarili: ang hanapin lamang na maisakatuparan ang kalooban ng Diyos, ang ibigay rito ang Aking lahat-lahat, at mawalan ng anumang pabigat sa Aking konsensya. Hindi mahalaga sa Akin kung ano ang mga kinakailangan na itinalaga sa kanilang mga sarili ng iba na naglilingkod sa Diyos. Sa madaling salita, itinalaga Ko ang Aking puso sa pagsasakatuparan ng Kanyang kalooban. Ito ang Aking pagkukumpisal bilang isa sa Kanyang nilikha na naglilingkod sa harap Niya—isa na nailigtas at minamahal ng Diyos, at nakapagdusa ng Kanyang mga pagpalò. Ito ang pagkukumpisal ng isa na nababantayan, naiingatan, minamahal, at mabisang ginagamit ng Diyos. Mula ngayon, magpapatuloy Ako sa landas na ito hanggang maganap Ko ang mahalagang gawain na ipinagkatiwala sa Akin ng Diyos. Nguni’t sa Aking palagay, ang katapusan ng daan ay nakikita na dahil ang Kanyang gawain ay naganap na, at hanggang sa ngayon nagawa ng mga tao ang lahat ng kaya nilang gawin.

Dis 11, 2017

Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos

Ang Diyos ay may 6,000-taong plano ng pamamahala,
nahati sa tatlong yugto na tinawag na kapanahunan.
Una'y Kapanahunan ng Kautusan, saka Kapanahunan ng Biyaya,


at Kapanahunan ng Kaharian ang huling yugto.
Kahit magkakaiba mga gawain ng Diyos, lahat nauukol sa kailangan ng tao,
para mas tumpak, ukol sa mga panlilinlang ni Satanas sa paglaban sa Kanya.

Nob 25, 2017

Ang Ikadalawampung Pagbigkas

Biyaya, trono, kaluwalhatian, kagalakan, biyaya

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Ikadalawampung Pagbigkas

    Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mga yaong tinitingnan Ko, wala kahit isa ang kailanma’y kusa at direktang naghanap sa Akin. Lumalapit silang lahat sa harap Ko sa panghihikayat ng iba, sumusunod sa karamihan, at ayaw nilang bayaran ang halaga o gumugol ng oras para pagyamanin ang kanilang mga buhay. Samakatuwid, walang sinuman sa gitna ng tao ang namuhay kailanman sa katotohanan, at namumuhay ang lahat ng mga tao ng mga buhay na walang kahulugan. Dahil sa mga gawi at kaugalian ng tao na matagal nang umiiral, umalingasaw ang amoy ng lupa sa mga katawan ng lahat ng mga tao. Bilang resulta, naging manhid ang tao, walang pandama sa kalagiman ng mundo, at sa halip ay nagpapakaabala siya sa gawain ng pagtatamasa sa sarili sa malamig na mundong ito. Walang kahit kaunting init ang buhay ng tao, at walang kahit anong pantaong lasa o liwanag—gayunma’y sinanay niya ang kanyang sarili dito, nanatili siya sa habambuhay na kawalan ng halaga kung saan nagmamadali siyang gumagawa nang walang anumang napapala. Sa isang kisapmata, lumalapit ang araw ng kamatayan, at namamatay ang tao ng isang mapait na kamatayan. Kailanman, wala siyang natupad na anuman, o napalang anuman sa mundong ito—nagmamadali lamang siyang dumarating, at nagmamadaling umaalis. Sa Aking paningin wala sa mga yaon ang nakapagdala kailanman ng anuman, o nakakuha ng anuman, kung kaya nararamdaman ng tao na hindi patas ang mundo. Gayunman walang may gustong magmadali. Hinihintay lamang nila ang araw kung kailan ang Aking pangako mula sa langit ay biglang darating sa gitna ng tao, magpapahintulot sa kanila, sa panahon kung kailan sila ay naligaw, na minsan pa ay makita ang daan ng walang-hanggang buhay. Kaya, nakatutok ang tao sa bawa’t gawa at kilos Ko upang tingnan kung talagang natupad Ko ang pangako Ko sa kanya. Kapag siya ay nasa kalagitnaan ng kadalamhatian, o sa matinding sakit, o pinalilibutan ng mga pagsubok at malapit nang mahulog, isinusumpa ng tao ang araw ng kanyang kapanganakan upang mas mabilis niyang matakasan ang mga problema niya at makalipat sa mas magandang lugar. Nguni’t kapag lumipas na ang mga pagsubok, napupuno ng kagalakan ang tao. Ipinagdiriwang niya ang araw ng kapanganakan niya sa mundo at hinihiling na pagpalain Ko ang araw ng kanyang kapanganakan; sa panahong ito, hindi na binabanggit ng tao ang mga pangako ng nakaraan, malalim ang takot niya na sa ikalawang pagkakataon darating muli sa kanya ang kamatayan. Kapag itinataas ng mga kamay Ko ang mundo, sumasayaw sa kagalakan ang mga tao, hindi na sila nalulungkot, at umaasa silang lahat sa Akin. Kapag tinatakpan Ko ng Aking mga kamay ang Aking mukha, at itinutulak ang mga tao sa ilalim ng lupa, agad silang nahihirapan sa paghinga, at bahagya na silang makapanatiling buhay. Lahat sila ay sumisigaw sa Akin, takot na lilipulin Ko sila, sapagka’t gusto nilang lahat na makita ang araw kung kailan Ako ay maluluwalhati. Itinuturing ng tao ang araw Ko bilang pangunahin ng kanyang pag-iral, at ito ay dahil lamang sa mahigpit na pagnanais ng mga tao para sa araw kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay darating kaya nakapanatiling buhay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Ang pagpapalang ipinahayag ng Aking bibig ay na yaong mga ipinanganganak sa panahon ng mga huling araw ay napakapalad na makita ang buo Kong kaluwalhatian.