Ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao ng mga huling araw; puno sila ng lason ni Satanas. Ang kanilang mga opinyon, prinsipyo ng kaligtasan, pananaw sa buhay, mga pagpapahalaga, atbp. ay laban sa katotohanan at sa Diyos. Lahat ng tao’y gustung-gusto ng kasamaan at nagiging kaaway ng Diyos. Pag hindi dumanas ang sangkatauhang puno ng tiwali at napakasamang disposisyon, ng paghatol at pagkastigo at pagsunog at paglilinis ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pa’no sila maghihimagsik kay Satanas at makakalaya sa impluwensya nito? Pa’no sila magpipitagan sa Diyos, iiwas sa kasamaan, at susunod sa kalooban ng Diyos? Nakikita natin na maraming tao ang matagal nang nananalig sa Panginoong Jesus, pero sa kabila ng masigasig nilang pagpapatotoo na si Jesus ang Tagapagligtas at matagal nilang pagsisikap, ang kabiguan nilang malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos at magpitagan sa Kanya ay dahilan pa rin para hatulan at tuligsain nila ang gawain ng Diyos at tanggihan at ayawan ang pagbalik Niya pag isinagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Muli pa nilang ipapako sa krus si Cristo pagbalik Niya sa mga huling araw. Sapat na ‘to para ipakita na pag hindi tinanggap ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hinding-hindi malulutas ang pinagmumulan ng kasalanan at likas na kasamaan ng mga tao. Ipapahamak sila ng pagkalaban nila sa Diyos. Hindi ‘yan maikakaila ninuman! Sa mga nananalig, ang mga tapat na tumatanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay magtatamo ng katotohanan bilang buhay, gagawin ang kalooban ng Ama sa langit, at makikilala ang Diyos at magiging kasundo Niya. Sila ang magiging karapat-dapat na makibahagi sa pangako ng Diyos at madala sa Kanyang kaharian.
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento