Sa mga panahong nakalipas, sinanay ng mga tao ang kanilang mga sarili na “makasama ang Diyos at mabuhay sa gitna ng espiritu sa bawat sandali,” kung saan, kung ihahambing sa pagsasagawa sa kasalukuyan, ay simpleng pagsasanay na espiritwal lamang. Ang gayong pagsasagawa ay dumarating bago ang pagpasok ng mga tao sa tamang landas ng buhay, at ito ang pinakamababaw at pinakasimple sa lahat ng mga pamamaraan ng pagsasagawa. Ito ang pagsasagawa sa pinakamaagang mga yugto ng pananampalataya ng mga tao sa Diyos. Kung ang mga tao ay palaging mabubuhay sa ganitong pagsasagawa, magkakaroon sila ng napakaraming mga damdamin, at hindi makapapasok sa mga karanasan na malalim at totoo. Masasanay lamang nila ang kanilang mga espiritu, pinananatili nila ang kanilang mga puso na nagagawang normal na mapalapit sa Diyos, at palaging nakasusumpong ng matinding kagalakan sa pagiging kasama ng Diyos. Sila ay lilimitahan sa isang maliit na mundo ng pagsasamahan kasama ng Diyos, hindi mauunawaan kung ano ang nasa pinakamalalim ng kailaliman. Ang mga tao na nabubuhay lamang sa loob ng ganitong mga hangganan ay hindi makagagawa ng anumang malaking pagsulong. Anumang oras, maaari silang umiyak, “Ah! Panginoong Jesus. Amen!” Kapag sila ay kumakain, isinisigaw nila, “O Diyos! Kakain ako at kumain Kayo….” At ito ay kagaya nito nang halos araw-araw. Ito ang pagsasagawa sa mga panahong nakalipas, ito ang pagsasagawa ng pamumuhay sa espiritu sa bawat sandali. Hindi ba ito mahalay? Sa kasalukuyan, kapag oras na upang bulayin ang mga salita ng Diyos, dapat mo silang bulayin, kapag oras na ng pagsasagawa sa katotohanan dapat kang magsagawa, at kapag oras na upang gampanan ang iyong tungkulin, dapat mo itong gampanan. Ang pagsasagawa na kagaya nito ay totoong malaya, pinakakawalan ka nito. Hindi ito kagaya kung paano nananalangin at nagdarasal bago kumain ang mga matatanda ng relihiyon. Mangyari pa, noong una, ganito dapat magsagawa ang mga tao na naniniwala sa Diyos—ngunit ang palaging pagsasagawa sa ganitong paraan ay masyadong paurong. Ang pagsasagawa sa nakaraan ay ang batayan ng pagsasagawa sa kasalukuyan. Kung mayroong isang landas sa pagsasagawa sa mga panahong nakalipas, ang pagsasagawa sa kasalukuyan at magiging mas madali. Kaya nga, sa araw na ito, kapag pinag-uusapan ang ukol sa “pagdadala sa mga salita ng Diyos sa iyong totoong buhay,” anong aspeto ng pagsasagawa ang tinutukoy? Pangunahing kinakailangan ng “totoong buhay” na taglay ng mga tao ang normal na pagkatao; ang dapat taglayin ng mga tao ay kung ano ang hinihingi ng Diyos sa kanila sa kasalukuyan. Ang pagdadala ng mga salita ng Diyos sa iyong totoong buhay ay ang totoong kahulugan ng “pagdadala sa Diyos sa iyong totoong buhay.” Sa kasalukuyan, pangunahing dapat isangkap ng mga tao sa kanilang mga sarili ang mga sumusunod: Sa isang pagtingin, kailangan nilang mapaunlad ang kanilang kakayahan, maging edukado, pagdaragdag sa kanilang talasalitaan, at paunlarin ang kanilang mga kakayahan sa pagbasa; at sa isa pa, kailangang isabuhay nila ang buhay ng isang normal na tao. Kababalik mo lang sa harap ng Diyos mula sa mundo, at kailangang sanayin mo muna ang iyong espiritu, pagsasanay sa iyong puso na maging payapa sa harap ng Diyos. Ito ang pinakapangunahin, at ito rin ang unang hakbang sa pagtatamo ng pagbabago. Ang ilang mga tao ay marunong makibagay sa kanilang pagsasagawa; binubulay nila ang katotohanan habang nilalabhan nila ang kanilang mga damit, inaalam nila ang mga katotohanan na dapat nilang maintindihan at ang mga panuntunan na dapat nilang isagawa sa katotohanan. Sa isang pagtingin, kailangang magkaroon ka ng isang normal na buhay ng tao, at sa isa pa kailangang magkaroon ng pagpasok sa katotohanan. Ito ang pinakamahusay na pagsasagawa para sa totoong buhay.
Sa nakaraan, ang mga tao ay nagdanas ng maraming kahirapan, ngunit ang ilan rito ay hindi naman talaga kailangan, sapagkat ang ilan ay mga bagay na hindi kailangang isagawa ng tao. Kapag dinadala nila ang Diyos sa kanilang totoong mga buhay, pangunahing hinihingi ng Diyos na sambahin ng mga tao ang Diyos, itaguyod ang kaalaman sa Diyos, at gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos sa gitna ng normal na pagkatao. Hindi mo kailangang manalangin sa Diyos sa sandaling magsimula kang walisin ang sahig, nararamdaman mong may pagkakautang ka sa Kanya kung hindi ka mananalangin. Ang pagsasagawa sa kasalukuyan ay hindi kagaya ng gayon; ito ay maluwag at madali! Hindi hinihingi sa tao na sumunod sa doktrina. Ang bawat isa ay dapat kumilos ayon sa kanilang kani-kaniyang tayog: Kung ang iyong asawang lalaki ay hindi naniniwala, ituring siya bilang isang hindi sumasampalataya, at kung siya ay naniniwala, ituring siya bilang isang sumasampalataya. Huwag magtuon sa pag-ibig at tiyaga, kundi sa karunungan. Ang ilang mga tao ay lumalabas upang bumili ng mga gulay, at habang sila ay naglalakad bumubulong sila: O Diyos! Anong gulay ang itutulot Mo na bilhin ko sa araw na ito? Hinihingi ko ang Iyong patnubay. Dapat ba akong pumili kapag ako ay namimili? Pagkatapos ay iisipin nila: Hindi ako pipili; Hinihingi ng Diyos na luwalhatiin ko Siya, na luwalhatiin ko ang Kanyang pangalan sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga tao ay nagpapatotoo, kaya kung bibigyan ako ng nagtitinda ng isang bagay na luma at tuyo, magpapasalamat pa rin ako sa Diyos—magtitiis ako! Kaming mga naniniwala sa Diyos ay hindi pumipili kung anong mga gulay ang bibilhin. Iniisip mo ba na ang paggawa nito ay pagpapatotoo sa Diyos, at pagkatapos gumugol ng isang yuan upang bumili ng isang inaamag na lumang gulay, nananalangin ka pa rin at sinasabing: O Diyos! Kakainin ko pa rin ang nabubulok na gulay na ito—hangga’t tinatanggap Mo ako, kakainin ko ito. Hindi ba kakatwa ang gayong pagsasagawa? Hindi ba ito pagsunod sa isang doktrina? Noong una, sinasanay ng mga tao ang kanilang mga espiritu at nabubuhay sa espiritu sa bawat sandali, at ito ay may kaugnayan sa gawain na ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang kabanalan, kababaang-loob, pag-ibig, tiyaga, pagbibigay ng pasasalamat para sa lahat ng mga bagay—ang mga ito ang hinihingi sa bawat sumasampalataya sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa panahong iyon, nananalangin ang mga tao sa Diyos sa lahat ng mga bagay; nananalangin sila kapag sila ay bumibili ng mga damit, at kapag nasabihan ukol sa isang pagtitipon, mananalangin din sila at sasabihing: O Diyos! Tutulutan Mo ba akong magpunta o hindi? Kung pahihintulutan Mo akong magpunta, kung gayon maglaan ng isang maayos na landas para sa akin, hayaang maging maayos ang lahat. At kung hindi Mo ako pahihintulutang magpunta, pakiusap hayaan Mo akong matumba. Habang sila ay nananalangin, nagsusumamo sila sa Diyos. Pagkatapos manalangin hindi sila mapakali, at hindi pupunta. Mayroon ding mga kapatid na babae na, sapagkat natatakot silang mabugbog ng kanilang asawa na hindi sumasampalataya pagbalik niya, hindi mapakali kapag sila ay nananalangin—at sapagkat hindi sila mapakali, hindi sila nagpunta sa pagtitipon. Naniniwala sila na ito ang kalooban ng Diyos, gayong ang totoo, kung sila ay nagpunta, wala namang mangyayari. Ang resulta ay lumiban sila sa isang pagtitipon. Ang lahat ng ito ay sanhi ng sariling kamangmangan ng mga tao. Ang mga tao na nagsasagawa sa ganitong paraan ay nabubuhay sa kanilang sariling mga damdamin. Ang ganitong paraan ng pagsasagawa ay mali at kakatwa, wala itong nilalaman kundi kalabuan, at masyadong marami sa kanilang personal na mga damdamin. Kapag ikaw ay sinabihan tungkol sa isang pagtitipon, magpunta kung gayon, at kung hindi, huwag kung gayon; kapag sinabi sa iyo ang ukol rito, hindi na kailangang manalangin sa Diyos. Hindi ba ito ganito kasimple? Kung, sa araw na ito, kailangan mong bumili ng ilang piraso ng damit, kung gayon lumabas kaagad at gawin ito. Huwag mananalangin sa Diyos at sasabihing: O Diyos! Kailangan kong bumili ng ilang piraso ng damit sa araw na ito, hahayaan Mo ba akong umalis o hindi? Anong klaseng damit ang dapat kong bilhin? Paano kung isa sa mga kapatid na babae ay dumating kapag wala na ako? Pananalangin at pagbubulay-bulay, sinasabi nila sa kanilang mga sarili: “Ayaw kong umalis sa araw na ito, baka may dumating na isang kapatid na babae.” Ngunit ang resulta ay, kinagabihan, walang sinuman ang nagpunta, at napakarami nang hindi nila nakita. Maging sa Kapanahunan ng Biyaya, ang ganitong paraan ng pagsasagawa ay mali at hindi tama. At kaya, kung magsasagawa ang mga tao kagaya ng mga panahong lumipas, walang magiging pagbabago sa kanilang mga buhay. Magiging sunud-sunuran lamang sila at hindi papansinin ang pagkakaiba, at walang gagawin kundi sumunod nang walang pasubali at magtiis. Sa panahong iyon, nagtutuon ang mga tao sa pagluwalhati sa Diyos—ngunit hindi nagtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos mula sa kanila, sapagkat hindi sila nagsabuhay ng anumang bagay, at hindi nagbago. Sila ay nagpasupil lamang at nilimitahan ang kanilang mga sarili alinsunod sa kanilang sariling mga pagkaintindi, at maging ang napakaraming mga taon ng pagsasagawa ay hindi nagdala ng pagbabago sa kanilang mga buhay; ang alam lamang nila ay ang magtiis, ang maging mababa ang loob, ang umibig, at magpatawad, at hindi niliwanagan kahit kaunti ng Banal na Espiritu. Paano nila makikilala ang Diyos?
Makapapasok lamang ang mga tao sa tamang landasin ng paniniwala sa Diyos kapag dinala nila ang Diyos sa kanilang totoong mga buhay, at sa kanilang normal na mga buhay bilang tao. Sa araw na ito, aakayin kayo ng mga salita ng Diyos at hindi na kailangan na maghangad at mag-apuhap kagaya sa mga panahong nakalipas. Kung makapagsasagawa ka alinsunod sa mga salitang ito, at makapagsusuri at masusukat mo ang iyong sarili alinsunod sa mga estado na Aking sinabi, kung gayon maaari kang magbago. Hindi ito doktrina, ngunit kung ano ang hinihingi ng Diyos sa tao. Sa araw na ito, sasabihin Ko sa iyo ang mahalagang tandaan: Ituon mo lamang ang iyong sarili sa pagkilos alinsunod sa Aking mga salita. Ang Aking mga kinakailangan sa iyo ay alinsunod sa mga pangangailangan ng mga taong normal, at nasabi Ko na sa iyo iyon; kung magtutuon kang lubos sa pagsasagawa sa ganitong paraan, magagawa mong hangarin ang puso ng Diyos. Ang araw na ito ang panahon ng pamumuhay sa mga salita ng Diyos: Ang lahat ay ipinaliwanag na ng mga salita ng Diyos, ang lahat ay ginawang malinaw, at hangga’t nabubuhay ka sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, maisabubuhay mo ang isang buhay na ganap na malaya at pinalaya. Noong una, noong dinala mo ang Diyos sa iyong totoong mga buhay, nakaranas ka ng sobrang dami ng doktrina at seremonya, nananalangin ka sa Diyos maging sa pinakamaliit na mga bagay, dinadala mo ang malinaw na mga salita sa isang tabi, hindi mo sila binabasa, at inilaan ang lahat ng iyong mga pagsisikap sa paghahanap—sa resulta na walang epekto. Kung ano ang iyong isinusuot, halimbawa: Kapag ikaw ay nananalangin, inilalagay mo ang bagay na ito sa mga kamay ng Diyos, hinihiling na ayusin ng Diyos ang isang bagay na angkop para isuot mo. Narinig ng Diyos ang mga salitang ito at sinabi: “Hinihiling mo na liligaligin Ko ang Sarili Ko sa gayong walang halagang mga detalye? Saan na napunta ang normal na pagkatao at pagiging makatuwiran na Aking nilikha para sa iyo?” May mga pagkakataon, ang sinuman ay gagawa ng isang pagkakamali sa kanilang mga pagkilos, at maniniwala sila na nagkasala sila sa Diyos, at nagsimula sila na magpigil. Ang ilang mga kalagayan ng mga tao ay napakabuti, ngunit kapag gumagawa sila ng isang maliit na bagay sa maling paraan sila ay naniniwala na kinakastigo sila ng Diyos. Sa katunayan, hindi ito ang gawain ng Diyos, ngunit sa sariling mga isip ng mga tao. Kung minsan, walang mali sa kung paano ka nakararanas, ngunit sinasabi ng iba na hindi ka nakararanas nang tama, at kaya ikaw ay nasilo—naging negatibo ka, at nagdilim ang kalooban. Madalas, kapag ang mga tao ay walang kibo sa ganitong paraan, sila ay naniniwala na sila ay kinakastigo ng Diyos, ngunit sinasabi ng Diyos: “Hindi Ko ginagawa ang gawain ng pagkastigo sa iyo, paano mo Ako nasisisi nang ganito?” Ang mga tao ay masyadong negatibo. Madalas din silang masyadong maramdamin at madalas nagrereklamo tungkol sa Diyos. Hindi kinakailangan ng Diyos na magdusa ka, ngunit hinahayaan mo ang iyong sarili na mahulog sa gayong kalagayan. Walang halaga sa pagdurusa na kagaya nito. Sapagkat hindi nalalaman ng mga tao ang gawaing ginawa ng Diyos, sa maraming mga bagay sila ay mangmang, at hindi nakakakita nang malinaw. Sa gayong mga pagkakataon, sila ay nabibitag sa kanilang sariling guniguni, lalong mas nagkakabuhol-buhol. Sinasabi ng ilang mga tao na ang lahat ng mga bagay ay nasa mga kamay ng Diyos—kaya maaari bang hindi alam ng Diyos kapag ang mga tao ay negatibo? Mangyari pa na alam ng Diyos. Kapag ikaw ay nasilo sa iyong mga pagkaintindi, ang Banal na Espiritu ay walang pag-asang gumawa sa iyo. Maraming mga pagkakataon, ang ilang mga tao ay nabibitag sa isang negatibong kalagayan, ngunit nagpapatuloy pa rin Ako sa Aking gawain. Maging ikaw man ay negatibo o maagap, hindi Ako papipigil sa iyo—ngunit dapat mong malaman na ang maraming mga salita na Aking sinasabi at ang napakaraming gawain na Aking ginagawa ay may malapit na kaugnayan sa kalagayan ng mga tao. Kung ikaw ay negatibo, hindi nito mahaharangan ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga panahon ng pagkastigo at kamatayan, ang mga tao ay nabibitag lahat sa isang negatibong kalagayan, ngunit hindi nito napigilan ang Aking gawain; kapag ikaw ay negatibo, ipinagpapatuloy gawin ng Banal na Espiritu kung ano ang kailangang gawin sa iba. Maaari kang manatiling nakapirmi sa loob ng isang buwan, ngunit patuloy Akong gagawa—anuman ang iyong gagawin sa hinaharap o sa kasalukuyan, hindi nito mapipigilan ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang ilang mga negatibong kalagayan ay nagmumula sa kahinaan ng tao; kung ang mga tao ay talagang hindi makagagawa ng anumang bagay o mauunawaan ito, sila ay nagiging negatibo. Halimbawa, sa mga panahon ng pagkastigo, ang mga salita ng Diyos ay nagsasabi ukol sa pag-ibig sa Diyos hanggang sa isang punto sa oras ng pagkastigo—ngunit naniniwala kang hindi mo makakaya, at sa panahon ng kalagayang ito lalo mong nadama ang lungkot at pagdaing, ikinalulungkot mo na ang iyong laman ay masyado nang ginawang tiwali ni Satanas, at ang iyong kakayahan ay masyadong mababa, nararamdaman mong kahabag-habag na ikaw ay isinilang sa ganitong kapaligiran. Nararamdaman ng ilang mga tao na masyado nang huli upang maniwala sa Diyos at makilala ang Diyos, at hindi sila karapat-dapat gawing perpekto. Ang lahat ng mga ito ay normal na mga kalagayan.
Ang laman ng tao ay kay Satanas, ito ay puno ng masuwaying mga disposisyon, ito ay nakakahiya sa karumihan, ito ay isang bagay na hindi malinis. Masyadong iniimbot ng mga tao ang kasiyahan sa laman, mayroong napakaraming mga pagpapakita ng laman, at kaya ang Diyos ay umabot sa puntong hinamak ang laman. Kapag iniwan ng tao ang karumihan, mga tiwaling mga bagay ni Satanas, nakakamit nila ang pagliligtas ng Diyos. Ngunit kung manananatili silang walang kakayahan na alisin sa kanilang mga sarili ang karumihan at katiwalian, kung gayon mananatili pa rin sila sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ang pakikipagsabwatan ng mga tao, panlilinlang, at pandaraya ay mga bagay ni Satanas; sa pagliligtas sa iyo, ihihiwalay ka ng Diyos mula sa mga bagay na ito at ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring magkamali, at ang lahat ay upang iligtas ang mga tao mula sa kadiliman. Kung naniniwala ka sa ilang panahon at magagawang alisin sa iyong sarili ang katiwalian ng laman, at hindi na nakatanikala sa katiwaliang ito, ikaw ay hindi ba sana maliligtas? Kung ikaw ay nabubuhay sa ialim ng sakop ni Satanas wala kang kakayahan na maipakita ang Diyos, ikaw ay isang bagay na marumi, at hindi makatatanggap ng pamana ng Diyos. Sa sandaling ikaw ay malinis at gawing perpekto, ikaw ay magiging banal, at ikaw ay magiging normal, at ikaw ay pagpapalain ng Diyos at kalugud-lugod sa Diyos. Ang gawain na ginagawa sa kasalukuyan ng Diyos ay kaligtasan, at, bukod pa rito, ito ay paghatol, pagkastigo, at sumpa. Ito ay mayroong maraming mga aspeto. Ang ilan ba sa mga salita ng Diyos ay hindi lamang paghatol at pagkastigo, ngunit sumpa din? Ako ay nagsasalita nang upang matamo ang isang epekto, upang makilala ng mga tao ang kanilang mga sarili, at hindi upang ilagay ang mga tao sa kamatayan; ang Aking puso ay para sa inyong mga kapakanan. Ang pagsasalita ay isa sa mga pamamaraan kung paano Ako gumagawa, ginagamit Ko ang mga salita upang ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at upang tulutan kang maunawaan ang kalooban ng Diyos. Maaaring ang iyong laman ay mamatay, ngunit mayroon kang isang espiritu at isang kaluluwa. Kung laman lamang ang mayroon sa mga tao, kung gayon hindi magkakaroon ng kahulugan sa kanilang paniniwala sa Diyos, ni magkakaroon ng anumang kahulugan ang lahat ng gawaing ito na Aking ginawa. Sa araw na ito, magsasalita Ako ukol sa isang bagay at pagkatapos ay sa isa pa, isang sandali Akong masyadong nasusuklam sa mga tao, at sa susunod Ako ay labis na mapagmahal; ginagawa Ko ito upang baguhin ang iyong mga disposisyon, at upang baguhin ang iyong mga pagkaintindi.
Ang mga huling araw ay dumating, at ang mga bansa sa buong mundo ay nasa kaguluhan, mayroong kaguluhang pulitikal, mga taggutom, mga salot, mga pagbaha, at ang mga pagkatuyot ay lumilitaw sa lahat ng dako, mayroong malaking sakuna sa mundo ng tao, at ang kalangitan ay nagpadala ng sakuna. Ito ang mga palatandaan sa mga huling araw. Ngunit sa mga tao, para itong isang mundo ng saya at kaningningan, at isa na nagiging mas higit pa. Kapag ang mga tao ay tumitingin sa mundo, ang kanilang mga puso ay naaakit dito, at marami ang hindi magawang pakawalan ang kanilang mga sarili mula rito; napakalaking bilang ang malilinlang nilang mga nakikibahagi sa panlilinlang at pangkukulam. Kapag hindi ka nagsikap para sa pagsulong, at walang mga mithiin, ikaw ay matatangay nitong makasalanang alon. Ang Tsina ang pinakapaurong sa lahat ng mga bansa, ito ang bayan kung saan nakapulupot ang dakilang pulang dragon, ito ang mayroong pinakamaraming mga tao na sumasamba sa mga diyus-diyosan at nakikibahagi sa pangkukulam, ang may pinakamaraming mga templo, at ito ang lugar kung saan naninirahan ang maruruming mga demonyo. Ipinanganak ka nito, tinatamasa mo ang mga pakinabang nito, at ikaw ay ginawang tiwali at pinahirapan nito, ngunit pagkatapos sumailalim sa pagsisiyasat sa sarili tinalikuran mo ito at lubos na nakamit ng Diyos. Ito ang kaluwalhatian ng Diyos, at kaya ang yugtong ito ng gawain ay may malaking kabuluhan. Ang Diyos ay nakagawa ng gawain sa gayong kalawak na proporsyon, nakapagsalita ng napakaraming mga salita, at sa huli kayo ay lubos Niyang makakamit—ito ay isang bahagi ng gawaing pamamahala ng Diyos, at ang “mga samsam ng tagumpay” ng digmaan kay Satanas. Habang lalong nagiging mas mabuti ang mga taong ito at lalong mas lumalakas ang buhay ng simbahan, lalong mas maninikluhod ang malaking pulang dragon. Ito ay ang mga bagay ng espiritwal na mundo, sila ang mga digmaan ng mga espiritwal na mundo, at kapag ang Diyos ay naging matagumpay, mapapahiya si Satanas at babagsak. Ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay mayroong napakalaking kabuluhan. Ang gawain na ganoon kalawak ay lubos na maililigtas ang gupong ito ng mga tao; tatakas ka mula sa impluwensya ni Satanas, maninirahan ka sa bayang banal, mabubuhay ka sa liwanag ng Diyos, at naroroon ang pangunguna at paggabay ng liwanag, at kung gayon mayroong kahulugan sa iyong pagiging buhay. Kung ano ang inyong kinakain at isinusuot ay kaiba sa kanila, tinatamasa ninyo ang mga salita ng Diyos, at itinataguyod ang isang makabuluhang buhay—at ano ang kanilang tinatamasa? Tinatamasa lamang nila ang pamana ng kanilang mga ninuno at ang “pambansang espiritu.” Wala sila ni katiting na bakas ng pagiging tao! Ang inyong mga damit, mga salita, at mga pagkilos ay kaibang lahat mula sa kanila. Sa bandang huli, lubos ninyong iiwanan ang karumihan, hindi na masisilo sa tukso ni Satanas, at makakamit ang araw-araw na panustos ng Diyos. Dapat kayong maging maingat palagi. Bagamat nabubuhay kayo sa isang maruming lugar kayo ay walang bahid ng karumihan at maaaring mabuhay katabi ng Diyos, tinatanggap ang Kanyang dakilang pag-iingat. Kayo ay pinili sa gitna ng lahat sa dilaw na bayang ito. Hindi ba kayo ang mga taong lubhang pinagpala? Bilang isang nilalang, mangyari pang dapat ninyong sambahin ang Diyos at maghangad ng isang makahulugang buhay. Kung hindi ninyo sasambahin ang Diyos at mabubuhay sa maruming laman, kung gayon hindi ba kayo isang hayop lamang na nakadamit pantao? Bilang isang tao, dapat kang gumugol para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa. Dapat mong tanggapin nang may kagalakan at may katiyakan ang maliit na pagdurusa na iyong pinagdadaanan sa kasalukuyan at isabuhay ang isang makahulugang buhay, kagaya ni Job, kagaya ni Pedro. Sa mundong ito isinusuot ng tao ang pananamit ni Satanas, kinakain ang pagkain na ibinigay ni Satanas, at gumagawa at naglilingkod sa ilalim ng hinlalaki ng diablo, niyurakan sa karumihan nito. Kung hindi mo uunawain ang kahulugan ng buhay o ang tunay na daan, kung gayon ano ang saysay ng iyong buhay? Kayo ay mga tao na naghahangad ng tamang landas, yaong mga naghahangad ng pagsulong. Kayo’y mga tao na naninindigan sa bansa ng malaking pulang dragon, yaong mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento