Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kabanalan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kabanalan. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 8, 2019

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus | Pagsasagawa (2)

Sa mga panahong nakalipas, sinanay ng mga tao ang kanilang mga sarili na “makasama ang Diyos at mabuhay sa gitna ng espiritu sa bawat sandali,” kung saan, kung ihahambing sa pagsasagawa sa kasalukuyan, ay simpleng pagsasanay na espiritwal lamang. Ang gayong pagsasagawa ay dumarating bago ang pagpasok ng mga tao sa tamang landas ng buhay, at ito ang pinakamababaw at pinakasimple sa lahat ng mga pamamaraan ng pagsasagawa. Ito ang pagsasagawa sa pinakamaagang mga yugto ng pananampalataya ng mga tao sa Diyos. Kung ang mga tao ay palaging mabubuhay sa ganitong pagsasagawa, magkakaroon sila ng napakaraming mga damdamin, at hindi makapapasok sa mga karanasan na malalim at totoo. Masasanay lamang nila ang kanilang mga espiritu, pinananatili nila ang kanilang mga puso na nagagawang normal na mapalapit sa Diyos, at palaging nakasusumpong ng matinding kagalakan sa pagiging kasama ng Diyos. Sila ay lilimitahan sa isang maliit na mundo ng pagsasamahan kasama ng Diyos, hindi mauunawaan kung ano ang nasa pinakamalalim ng kailaliman. Ang mga tao na nabubuhay lamang sa loob ng ganitong mga hangganan ay hindi makagagawa ng anumang malaking pagsulong. Anumang oras, maaari silang umiyak, “Ah! Panginoong Jesus. Amen!” Kapag sila ay kumakain, isinisigaw nila, “O Diyos! Kakain ako at kumain Kayo….” At ito ay kagaya nito nang halos araw-araw. Ito ang pagsasagawa sa mga panahong nakalipas, ito ang pagsasagawa ng pamumuhay sa espiritu sa bawat sandali. Hindi ba ito mahalay? Sa kasalukuyan, kapag oras na upang bulayin ang mga salita ng Diyos, dapat mo silang bulayin, kapag oras na ng pagsasagawa sa katotohanan dapat kang magsagawa, at kapag oras na upang gampanan ang iyong tungkulin, dapat mo itong gampanan. Ang pagsasagawa na kagaya nito ay totoong malaya, pinakakawalan ka nito. Hindi ito kagaya kung paano nananalangin at nagdarasal bago kumain ang mga matatanda ng relihiyon. Mangyari pa, noong una, ganito dapat magsagawa ang mga tao na naniniwala sa Diyos—ngunit ang palaging pagsasagawa sa ganitong paraan ay masyadong paurong. Ang pagsasagawa sa nakaraan ay ang batayan ng pagsasagawa sa kasalukuyan. Kung mayroong isang landas sa pagsasagawa sa mga panahong nakalipas, ang pagsasagawa sa kasalukuyan at magiging mas madali. Kaya nga, sa araw na ito, kapag pinag-uusapan ang ukol sa “pagdadala sa mga salita ng Diyos sa iyong totoong buhay,” anong aspeto ng pagsasagawa ang tinutukoy?

Mar 3, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Anong Saloobin ang Mayroon Ka Tungo sa Labintatlong mga Sulat

Nilalaman ng Bagong Tipan ng Biblia ang labintatlong mga sulat ni Pablo. Ang labintatlong mga sulat na ito ay isinulat lahat ni Pablo sa mga iglesia na naniwala kay Jesu-Cristo sa panahon ng Kanyang gawain. Iyon ay, isinulat niya ang mga sulat pagkatapos na si Jesus ay umakyat sa langit at siya ay ibinangon. Ang kanyang mga sulat ay mga patotoo ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus at pag-akyat sa langit pagkatapos ng Kanyang kamatayan, at ipinangangaral ang daan para magsisi ang mga tao at pasanin ang krus. Mangyari pa, ang mga paraang ito at mga patotoo ay para lahat sa pagtuturo sa mga kapatid sa iba’t-ibang mga dako ng Judea sa panahong iyon, sapagkat sa panahong iyon si Pablo ay lingkod ng Panginoong Jesus, at siya ay ibinangon upang sumaksi sa Panginoong Jesus. Iba’t-ibang mga tao ang ibinabangon upang gampanan ang Kanyang iba’t-ibang gawain sa bawat panahon ng gawain ng Banal na Espiritu, iyon ay, para gawin ang gawain ng mga apostol upang ipagpatuloy ang gawain na tinatapos ng Diyos Mismo. Kung ito ay tuwirang ginawa ng Banal na Espiritu at walang mga taong ibinangon, kung gayon magiging mahirap para sa gawain na maipatupad. Dahil dito, si Pablo ay naging yaong pinabagsak sa daan papuntang Damasco at pagkatapos ay ibinangon upang maging isang saksi ng Panginoong Jesus. Siya ang apostol sa labas ng labindalawang mga disipulo ni Jesus. Maliban sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, ginampanan din niya ang gawaing pagpapastol ng mga iglesia sa iba’t-ibang mga dako, na pangangalaga sa mga kapatid sa mga iglesia, iyon ay, pag-aakay sa mga kapatid sa Panginoon. Ang kanyang patotoo ay upang ipaalam ang katotohanan ng muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ng Panginoong Jesus, at upang turuan ang mga tao na magsisi at mangumpisal at lakaran ang daan ng krus. Siya ay isa sa mga saksi ng Panginoong Jesus sa panahong iyon.

Peb 23, 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Dumako sa Sion na may pagpupuri


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Dumako sa Sion na may pagpupuri



I
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Nagpakita na ang tahanan ng Diyos.
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Inaawitan ng lahat banal Niyang pangalan; ito'y lumalaganap.
Makapangyarihang Diyos!
Hari ng Sansinukob, Huling Cristo,
aming maliwanag at nagniningning na Araw,
sumikat mula
sa pinaka-marilag na Bundok ng Sion sa sansinukob.
Makapangyarihang Diyos!
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Kami'y nagsasaya para sa Iyo,
umaawit at umiindak.
Ikaw nga ang aming Tagapagligtas
at ang Panginoon ng sansinukob.

Peb 22, 2019

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Kabanata 45

Hayagan ninyong hinahatulan ang inyong mga kapatid na parang wala lang. Talagang hindi ninyo alam ang mabuti sa masama; wala kayong kahihiyan! Hindi ba’t lubhang pangahas, padalos-dalos na pag-uugali ito? Nalilito at nabibigatan ang puso ng bawa’t isa sa inyo; dinadala ninyo ang napakaraming dala-dalahan at walang Akong puwang sa’yo. Mga bulag na tao! Napakalupit ninyo—kailan ito matatapos?

Kinakausap Ko kayo mula sa Aking puso nang paulit-ulit at ibinibigay sa inyo ang lahat na mayroon Ako, pero napaka-maramot ninyo at nagkukulang sa kahit katiting na pagkatao; talagang di-maintindihan ito. Bakit kayo nangunguyapit sa inyong sariling mga pagkaunawa? Bakit hindi mo mahayaang magkaroon Ako ng isang lugar sa’yo? Papaano Ko kayo maaaring masaktan? Hindi kayo dapat magpatuloy na gumagawi nang ganito—talagang di-nalalayo ang araw Ko mula ngayon. Huwag magsalita nang walang-ingat, gumawi nang padalus-dalos, o lumaban at lumikha ng kaguluhan; anong mabuti ang madadala nito sa inyong buhay? Sinasabi Ko sa inyo nang totohanan, kahit wala ni isang tao ang maligtas kapag dumating ang Aking araw, aasikasuhin Ko pa rin ang mga bagay-bagay ayon sa Aking plano. Dapat malaman mo na Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat! Walang bagay, walang tao, walang pangyayari ang nangangahas na humadlang sa Aking mga hakbang na pasulong. Hindi ninyo dapat iniisip na wala Akong paraan upang isagawa ang Aking kalooban na hindi kayo kasama. Masasabi Ko sa’yo na kung pinakikitunguhan mo ang sarili mong buhay sa ganitong negatibong paraan, ipapahamak mo lang ang iyong sariling buhay at hindi Ko papansinin ito.

Peb 17, 2019

Katanyagan at Pera | Ang Lihim na Payo Upang Lutasin ang Poot

Xiao Wu

Ako ay may sariling pinagkakakitaan. Pangunahing itininda ko ang lahat ng uri ng tela, at gumawa din ako ng mga damit para sa aking mga parokyano bilang pandagdag ng kita. Pagkalipas ng ilang taon, ang aking negosyo ay naging mas kilala at ang mga tao sa paligid ko ay naging lubhang maiingitin. Hindi nagtagal, isang kapitbahay ang nagbukas ng kaparehong uri ng tindahan kagaya ng sa akin at naging katunggali ko. Mangyari pa, ang negosyo sa aking tindahan ay naapektuhan. Sinasabi ng kilalang kawikaan na ang dalawa sa isang kalakalan ay hindi kailanman nagkakasundo, ngunit ang aking kasama ay hindi lamang basta sinuman, ngunit ang aking lubos na pinagkakatiwalaang mag-aaral, si Xiaochen.

Peb 13, 2019

Tanong 1: Sa mga taon ng pananampalataya ko, kahit alam kong ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos, Hindi ko naintindihan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao. Kung ang pagpapakita ng Panginoon sa ikalawang pagdating ay katulad ng kung paano nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus bilang ang Anak ng tao para gawin ang Kanyang gawain, hindi natin makikilala ang Panginoong Jesus, hindi tayo makakasalubong sa pagdating ng Panginoon. Naniniwala ako na ang pagkakatawang-tao ay malaking hiwaga. Iilan lamang ang tunay na nakauunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. pag-usapan natin ang bagay na ito, kung ano nga ba ang pagkakatawang-tao.

Sagot: Ang pagkakatawang-tao ay tunay na kamangha-manghang hiwaga. Sa loob ng libu-libong taon, ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ay hindi naunawaan ng lahat. Ngayon lamang na dumating ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at personal na ibinunyag ang hiwaga ng pagkakatawang-tao Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng katawang-tao. Kaya, para maging tao ang Diyos, Siya ay dapat munang magkatawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat magkatotoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao.

Peb 4, 2019

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus | Ang Ika-tatlumpu’t-limang Pagbigkas

Pitong kulog ang lumalabas mula sa trono, nililiglig ang sansinukob, ibinabaligtad ang langit at lupa, at umaalingawngaw sa buong himpapawid! Lubhang tumatagos ang tunog kaya’t ang mga tao ay hindi makatakas ni makatago mula rito. Ang mga guhit ng kidlat at mga dagundong ng kulog ay ipinadadala, dinadala sa katapusan ang langit at lupa sa isang saglit, at ang mga tao ay nasa bingit ng kamatayan. Pagkatapos, isang marahas na bagyong ulan ang humahagupit sa buong kalawakan na singbilis ng kidlat, bumabagsak mula sa himpapawid! Sa pinakamalalayong sulok ng lupa, tulad sa isang pagbuhos na umaagos tungo sa bawa’t kasuluk-sulukan at piták-piták, walang naiiwan kahit isang mantsa, at habang hinuhugasan nito ang lahat mula ulo hanggang daliri ng paa, walang anumang natatago mula rito ni matatakpan ang sinumang tao mula rito. Ang mga dagundong ng kulog, gaya ng nakakapanindig-balahibong liwanag ng mga guhit ng kidlat, ay nagpapanginig sa mga tao sa takot!

Nob 12, 2018

Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Nakarating na ang Milenyong Kaharian”

Kaharian, kabanalan, pagkamatuwid, buhay, Pag-bigkas ng Diyos

Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Nakarating na ang Milenyong Kaharian


Paano ninyo nakikita ang pangitain ng Milenyong Kaharian? Masyadong nag-iisip ang ilang tao tungkol dito, at sinasabi na ang Milenyong Kaharian ay magtatagal ng isang libong taon sa lupa, kaya’t kung ang mga nakatatandang miyembro ng iglesia ay hindi pa nakakapag-asawa, dapat ba silang magpakasal na? Ang aking pamilya ay walang pera, dapat ba akong magsimulang kumita ng pera? … Ano ang Milenyong Kaharian? Alam ba ninyo? Ang mga tao ay malabo ang mata, at nagdurusa ng mahigpit na pagsubok. Sa katunayan, ang Milenyong Kaharian ay hindi pa opisyal na dumating. Sa panahon ng yugto ng paggawang perpekto sa mga tao, ang Milenyong Kaharian ay maliit lamang na daigdig; sa panahon ng Milenyong Kaharian na binigkas ng Diyos, ang mga tao ay nagawa nang perpekto. Sa nakaraan, sinabi na ang mga tao ay magiging tulad ng mga banal at maninindigang matatag sa lupain ng Sinim.

Nob 10, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalawang Bahagi)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalawang Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Bagaman Nakatago ang Galit ng Diyos at Nakalihim sa Tao, Hindi Nito Kinukunsinti ang Pagkakasala Ang Galit ng Diyos ay Isang Pananggalang sa Lahat ng Makatarungang mga Puwersa at Lahat ng Positibong mga Bagay Bagaman si Satanas ay Mukhang Makatao,

Okt 24, 2018

Pag-bigkas ng Diyos-Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikatlong Bahagi)


Pag-bigkas ng Diyos-Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikatlong Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Paano Itinatatag ng Diyos ang Kalalabasan ng Tao at ang Pamantayan ng Pagtatatag Niya sa Kalalabasan ng Tao Isang Praktikal na Tanong na Nagdadala ng Lahat ng Uri ng Kahihiyan sa mga Tao

Set 15, 2018

Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikatlong Bahagi)


Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao.

Nob 27, 2017

Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas

kagalakan, Paghatol, kabanalan, buhay, Diyos

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas

    Nahuhulog ang tao sa kalagitnaan ng Aking liwanag, at mabilis siyang nakakabangon dahil sa Aking kaligtasan. Noong dinala Ko ang kaligtasan sa buong sandaigdigan, sinusubukan ng tao na hanapin ang mga paraan upang makapasok sa daloy ng Aking pagpapanumbalik, ngunit marami ang mga natangay nang walang bakas sa malakas na agos ng panunumbalik na ito; marami ang mga nalunod at nilamon ng malakas na agos ng mga tubig; at marami rin ang nanatili sa gitna ng malakas na agos, na hindi kailanman nawalan ng kanilang diwa ng direksiyon, at sumunod sa malakas na agos hanggang ngayon. Humahakbang Ako kasabay ng tao, ngunit hindi pa rin niya Ako nakikilala; alam lamang niya ang mga panlabas Kong kasuotan, at wala siyang kaalam-alam sa mga kayamanan na nakatago sa Aking kaloob-looban. Kahit na tinutustusan Ko ang tao at nagbibigay Ako sa kanya sa bawat araw, wala siyang kakayahang tanggapin ang lahat ng mga kayamanang ibinibigay Ko. Wala sa katiwalian ng tao ang nakakaiwas sa Aking paningin; para sa Akin, ang panloob na mundo niya ay katulad ng maliwanag na buwan sa tubig. Hindi Ako nakikipaglaro sa tao, ni hindi basta nakikisabay lang sa kanya; wala lang talagang kakayahan ang tao na panagutan ang kanyang sarili, at dahil dito palaging ubod ng sama ang buong sangkatauhan, at kahit ngayon nananatili siyang walang kakayahang lumaya mula sa naturang kasamaan. Kaawa-awa, kalunus-lunos na sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, ngunit hindi niya kayang sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu? Talaga bang hindi Ko ibinunyag ang Aking Sarili sa sangkatauhan? Talaga bang hindi nakita kailanman ng sangkatauhan ang Aking mukha? Maaari kayang masyadong maliit ang awa na Aking ipinakita sa sangkatauhan? O ang mga rebelde ng buong sangkatauhan! Dapat silang mawasak sa ilalim ng Aking talampakan, dapat silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at dapat, sa araw ng pagkakumpleto ng Aking dakilang plano, ay maitataboy sila mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang makita ng buong sangkatauhan ang pangit nilang pagmumukha. Bihirang makita ng tao ang Aking mukha o bihira niyang marinig ang Aking tinig dahil masyadong nakalilito ang buong mundo, at masyadong malakas ang ingay nito, at dahil dito naging masyadong tamad ang tao na hanapin ang Aking mukha at subukang unawain ang Aking puso. Hindi ba ito ang dahilan ng katiwalian ng tao? Hindi ba dahil dito kaya nangangailangan ang tao? Ang buong sangkatauhan ay palaging nasa gitna ng Aking pagtustos; kung di gayon, kung hindi Ako maawain, sino ang mabubuhay hanggang ngayon? Ang mga kayamanan na nasa Akin ay walang kapantay, ngunit ang lahat ng mga kalamidad ay nandito rin sa Aking mga kamay—at sino ang makaliligtas mula sa kalamidad kung kailan nila gusto? Ang mga panalangin ba ng tao ang magpapahintulot sa kanya upang gawin ito? O ang mga luha sa puso ng tao? Hindi kailanman tunay na nanalangin ang tao sa Akin, at dahil dito walang kahit isa sa buong sangkatauhan ang ganap na namuhay sa gitna ng liwanag ng katotohanan, at namuhay lamang ang mga tao sa gitna ng pasumpung-sumpong na paglitaw ng liwanag. Ito nga ang nagdulot sa pangangailangan ng sangkatauhan ngayon.