Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kung ang tao ay tinatawag ang kanyang sarili na Diyos nguni’t hindi kayang ipahayag ang kabuuan ng pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, siya ay walang-alinlangang hindi Diyos, dahil wala sa kanya ang esensya ng Diyos, at yaong likas na kayang makamit ng Diyos ay hindi umiiral sa loob niya.
mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ang tao ay tinatawag ang kanyang sarili na Diyos nguni’t hindi kayang ipahayag ang kabuuan ng pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, siya ay walang-alinlangang hindi Diyos, dahil wala sa kanya ang esensya ng Diyos, at yaong likas na kayang makamit ng Diyos ay hindi umiiral sa loob niya.
mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bukod kay Cristo, silang mga may kabulaanang nag-aangking sila ay si Cristo ay wala ng mga katangian Niya. Kapag ikinumpara laban sa mga mapagmataas at mapagmapuring disposisyon niyaong mga huwad na Cristo, nagiging mas malinaw kung ano ang klase ng katawang-tao ng tunay na Cristo. Mas huwad sila, mas lalong ipinagyayabang ng gayong mga huwad na Cristo ang kanilang mga sarili, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga palatandaan at mga kagila-gilalas na mga bagay upang linlangin ang tao.Ang mga huwad na Cristo ay walang mga katangian ng Diyos; si Cristo ay hindi nabahiran ng kahit anong katangiang mayroon ang mga huwad na Cristo.
mula sa “Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
mula sa “Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
May ilang naaangkin ng masasamang espiritu at paulit-ulit na sumisigaw ng, “Ako ay Diyos!” Nguni’t sa katapusan, hindi nila kayang manatiling nakatayo, sapagka’t kumikilos sila sa ngalan ng maling persona. Kinakatawan nila si Satanas at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay nilikhang kabuuan pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. Kailanman hindi ako sumisigaw, Ako ay Diyos, Ako ang sinisintang Anak ng Diyos! Nguni’t ang gawaing ginagawa Ko ay gawain ng Diyos. Kailangan Ko bang sumigaw? Hindi kailangan ang pagpaparangal. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain Mismo at hindi kailangan ng tao na bigyan Siya ng isang katayuan o kagalang-galang na pamagat, at sapat na ang Kanyang gawa upang kumatawan sa Kanyang pagkakakilanlan at katayuan. Bago ang Kanyang bautismo, hindi ba si Jesus ang Diyos Mismo? Hindi ba Siya ang nagkatawang-taong laman ng Diyos? Tiyak na hindi maaaring sabihin na naging tanging Anak ng Diyos lamang Siya pagkatapos Niyang napatotohanan? Matagal na panahon bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain wala bang isang tao na may pangalang Jesus? Hindi ka maaaring maghatid ng mga bagong landas o kumatawan sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang gawain ng Espiritu o ang mga salita na sinasabi Niya. Hindi mo kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo o yaong sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang karunungan, himala, at pagiging-hindi-maarok ng Diyos, o ang lahat ng mga disposisyon sa pagkastigo ng Diyos sa tao. Hindi mahalaga ang iyong mga paulit-ulit na pag-angkin na ikaw ang Diyos; mayroon ka lamang pangalan at wala niyaong sangkap. Dumating ang Diyos Mismo, nguni’t walang nakakakilala sa Kanya, nguni’t patuloy Siya sa Kanyang gawain at ginagawa ang gayon sa pagkatawan sa Espiritu. Kahit tawagin mo Siyang tao o Diyos, ang Panginoon o Cristo, o tawagin Siyang kapatid na babae, ayos lamang lahat ng ito. Nguni’t ang gawaing ginagawa Niya ay yaong sa Espiritu at kumakatawan sa gawain ng Diyos Mismo. Wala siyang pakialam tungkol sa pangalan na itinatawag sa Kanya ng tao. Puwede bang matukoy ng pangalang iyan ang Kanyang gawain? Hindi alintana kung ano ang tawag mo sa Kanya, mula sa pananaw ng Diyos, Siya ay ang nagkatawang-taong laman ng Espiritu ng Diyos; kinakatawan Niya ang Espiritu at pinahintulutan Niya. Hindi ka makakagawa ng daan para sa isang bagong kapanahunan, at hindi mo maaaring dalhin ang luma sa katapusan at hindi maaaring maghatid ng isang bagong kapanahunan o gumawa ng bagong gawain. Samakatuwid, hindi ka maaaring tawaging Diyos!
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, at kayang palayasin ang mga demonyo, at magpagaling, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila ang pagdating ni Jesus, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at ang Diyos ay hindi na kailanman magsasagawa ng yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao; halimbawa, hinulaan na ng Lumang Tipan ang pagdating ng Mesiyas, nguni’t ang nangyari ay dumating si Jesus, kung kaya’t hindi tama na dumating ang isa pang Mesiyas. Dumating na nang minsan si Jesus, at ito ay magiging mali kapag si Jesus ay darating pang muli sa panahong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawa’t kapanahunan, at bawa’t pangalan ay inilalarawan ng kapanahunan. Sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay dapat na laging magpakita ng mga tanda at kababalaghan, dapat laging magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at dapat laging maging katulad ni Jesus, nguni’t sa panahon ngayon ang Diyos ay hindi na katulad noon. Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga tanda at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling—kung ginawa Niya nang eksakto ang ginawa ni Jesus—kung gayon, uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging kabuluhan o silbi. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawa’t panahon. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, ito ay agad na ginagaya ng mga masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundan ang yapak ng Diyos, ang Diyos ay nagpapalit ng pamamaraan; kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ito ay ginagaya ng mga masasamang espiritu. Kailangan ninyong maging malinaw tungkol sa mga bagay na ito.
mula sa “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Pagbabahagi ng Tao:
Alam mo na ba ngayon kung ano ang bulaang Cristo? Ang mga bulaang Cristo ay mga tao na nagpapanggap na maging Cristo. Sinasabi nila na sila si Cristo, na sila’y ipinadala ng Diyos, na sila’y si Cristo, ang Anak ng Diyos, na mayroon silang Espiritu ng Diyos sa kanilang kalooban, at nandito sila ngayon para magsagawa ng bagong gawain. Nagpapanggap silang Cristo, sa katunayan wala silang anumang diwa ng kabanalan, at sila’y mga bulaang Cristo.
mula sa “Paano Tumayong Saksi at Magpatotoo sa Kabila ng mga Kalamidad at Pagsubok” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (V)
Tayong lahat na nakaranas na ng Gawain ng Diyos sa huling mga araw ay malinaw na nakita ang isang katotohanan: Sa bawat oras na gumagawa ng bagong yugto ng gawain ang Diyos, sumusunod si Satanas at ang iba’t ibang masasamang espiritu sa Kanyang paanan, ginagaya at pinasisinungalingan ang Kanyang Gawain para linlangin ang mga tao. Nagpagaling si Jesus, at nagpalayas ng mga demonyo, at nagpapagaling at nagpapalayas din ng mga demonyo si Satanas at ang masasamang espiritu; binigyan ng Banal na Espiritu ang tao ng kaloob na mga wika, at pinagsasalita rin ng masasamang espiritu ang tao ng “mga wika” na walang nakakaunawa. Gayunman, bagama’t gumagawa ang masasamang espiritu ng iba’t ibang bagay na nagbubuyo sa mga pangangailangan, at nagsasagawa ng ilang kahima-himalang mga bagay para linlangin siya, dahil walang taglay ni katiting na katotohanan si Satanas ni ang masasamang espiritung ito, hindi nila maibibigay ang katotohanan sa tao kailanman. Mula sa puntong ito pa lamang possible nang tukuyin ang kaibahan ng tunay na Cristo sa mga huwad na Cristo.
… Dahil naging tao, nagsasagawa ng gawain ang Espiritu ng Diyos nang mapagkumbaba at palihim, at nararanasan ang lahat ng pasakit ng tao nang walang anumang reklamo. Bilang Cristo, hindi nagpasikat, o nagyabang, ang Diyos kailanman ni iniluklok ang Kanyang sarili sa katungkulan, o naging mapagmagaling, na lubos na nagpapakita ng karangalan at kabanalan ng Diyos. Ipinapakita nito ang napakarangal na diwa ng buhay ng Diyos, at na Siya ang sagisag ng pagmamahal. Ang gawain ng mga huwad na Cristo at masasamang espiritu ang mismong kabaligtaran ng gawain ni Cristo: Bago ang anupaman, laging ipinagsisigawan ng masasamang espiritu na sila ang Cristo, at sinasabi nila na kung hindi ka makikinig sa kanila ay hindi ka makakapasok sa kaharian. Ginagawa nila ang lahat para makilala sila ng mga tao, nagmamalaki sila, at nagpapasikat, at nagyayabang, o di kaya’y nagsasagawa ng ilang palatandaan at kababalaghan para linlangin ang mga tao—at matapos malinlang ang mga taong ito at tanggapin nila ang kanilang gawain, tahimik silang bumabagsak dahil matagal na silang nabigyan ng katotohanan. Napakaraming halimbawa nito. Dahil ang mga huwad na Cristo ay hindi ang katotohanan, ang daan, o ang buhay wala silang landas na tinatahak, at sa malao’t madali ay mapapahiya ang mga sumusunod sa kanila—ngunit pagdating ng oras na iyon ay huli na ang lahat para bumalik. Kaya nga, ang pinakamahalaga ay kilalanin na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Tiyak na wala sa mga huwad na Cristo at masasamang espiritu ang katotohanan; gaano man karami ang sinasabi nila, o gaano man karami ang mga aklat na isinusulat nila, ni katiting ay walang nakapaloob ditong katotohanan. Tiyak na tiyak ito. Tanging si Cristo ang may kakayahang ipahayag ang katotohanan, at ito ang susi para masabi ang kaibhan sa pagitan ng tunay na Cristo at mga huwad na Cristo. Bukod pa rito, hindi pinilit ni Cristo ang mga tao kailanman na tanggapin o kilalanin Siya. Para sa mga naniniwala sa Kanya, mas lalong lumilinaw ang katotohanan, at ang daan na kanilang tinatahak ay mas lalong nagliliwanag, na nagpapatunay na tanging si Cristo ang may kakayahang magligtas sa mga tao, sapagkat si Cristo ang katotohanan. Magagaya lamang ng mga huwad na Cristo ang ilang salita, o masasabi ang mga bagay na ginagawang puti ang itim. Wala sa kanila ang katotohanan, at maghahatid lamang sa mga tao ng kadiliman, pagkawasak, at gawain ng masasamang espiritu.
mula sa “Paunang Salita” sa Pagsusuri ng mga Usapin sa Panlilinlang ng mga Bulaang Cristo at Anticristo
Ang sinumang gumaganap sa mga salita ni Cristo upang linlangin ang mga tao isang bulaang Cristo. Lahat ng mga bulaang Cristo ay inaalihan ng masasamang espiritu at nagsasalita upang linlangin ang mga tao. Paano mo dapat makita ang kaibhan ng isang bulaang Cristo na nagpapatuloy sa pagsasalita upang linlangin ang mga tao? Kung basta ka na lamang titingin sa ilang mga salita ng bulaang Cristo, magkakamot ka ng iyong ulo at hindi makikita nang malinaw kung ano ang totoong gustong gawin ng masamang espiritu. Kung patuloy mong tutuntunin ang masamang espiritu na ito at isasaalang-alang ang lahat ng sinabi nito, napakadaling makita kung ano talaga ito, kung ano ang ginagawa nito, kung ano ang talagang sinasabi nito, kung anong binabalak nitong gawin sa mga tao at kung anong landas ang iniaalok nito sa mga tao—ang mga bagay na ito ang magbibigay-daan upang maunawaan nang napakadali ang masamang espiritu na ito. Nakikita natin ang maraming magkakatulad na mga katangian sa mga bagay na sinasabi ng masasamang espiritu. Maaari lamang gayahin ng mga ito ang mga salita ng Diyos, ngunit hindi makukuha ang pinakadiwa ng mga salita ng Diyos. Ang layunin at epekto sa kalaunan ng mga pagbigkas ay napakalinaw at makikita mo ang awtoridad at ang kapangyarihan sa mga salita ng Diyos. Maaaring antigin ng mga ito ang puso ng isa at makikilos ang kaluluwa ng isa. Subalit ang mga salita ng masasamang espiritu at ni Satanas ay walang kaugnay na kahulugan at walang epekto. Kagaya lamang ng mga ito ang isang lawa ng tubig na di-umaagos. Nakadarama ng pagkabagot ang mga tao sa kanilang mga puso pagkatapos nilang basahin ang mga ito at walang matatamong anuman. Kaya ang masasamang espiritu sa lahat ng mga uri nito ay walang taglay na anumang mga katotohanan at tiyak na malabo at madilim sa loob. Ang salita ng mga ito ay hindi makapagdala ng liwanag sa mga tao at hindi maaaring maipakita sa mga tao ang landas na dapat nilang sundin. Hindi sinasabi nang malinaw ng masasamang espiritu kung ano ang kanilang layunin o kung ano ang nais nilang ipaliwanag at walang binabanggit na anuman na may kaugnayan sa pinakadiwa at ugat ng katotohanan. Halos walang anuman. Walang anumang dapat maunawaan at makuha ng mga tao ang masusumpungan sa mga salita ng masasamang espiritu. Kung gayon, ang mga salita ng masasamang espiritu ay nakalilito lamang sa mga tao at ginagawa ang mga tao na malabo at madilim sa loob. Walang maitutustos na anuman ang mga ito sa mga tao. Nakikita natin mula rito na ang likas na kalikasan ng masasamang espiritu ay masama at madilim. Wala silang buhay subalit puno ng hininga ng kamatayan, Sila ay talagang negatibo at dapat sumpain. Walang anumang katotohanan sa pananalita ng masasamang espiritu. Ito ay ganap na walang kabuluhan at nagpapadama sa mga tao ng nakaduduwal, nakasusuklam at parang nasusuka, na parang nakakain sila ng patay na mga langaw. Kung hinahangad ng tao ang katotohanan at taglay ang kakayahang tanggapin ang mga salita ng Diyos, makikita nila ang kaibhan ng mga salita ng masasamang espiritu pagkatapos nilang basahin ang mga ito. Yaong mga hindi nauunawaan ang mga usaping espirituwal at walang taglay na kakayahan na tanggapin ang mga salita ng Diyos ay tiyak na malilinlang ng mga salita ng masasamang espiritu. Likas na makikita ang kaibhan ng lahat niyaong mga tao na niliwanagan at pinaliwanag ng Banal na Espiritu, na taglay ang pagkaunawa ukol sa mga salita ng Diyos at nauunawaan ang ilang mga katotohanan ang kasinungalingan ng masasamang espiritu. Hindi taglay ng mga ito kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ni taglay ng mga ito ang katiting na kapangyarihan o awtoridad. Napakalayo ng kanilang mga salita mula sa mga salita ng Diyos. Upang gamitin ang isang mas angkop na metapora, ang mga salita ng masasamang espiritu ay halos iisa ang tema ng mga salita ng isang di-makatuwirang tao na walang tinataglay na mga katotohanan. Ang mga ito ay pawang mga kasinungalingan at walang saysay.
mula sa “Paano Mahiwatigan ang Makademonyong Pananalita at mga Kamalian ng Masasamang Espiritu, mga Bulaang Cristo at mga Anticristo” sa Mga Piling Salaysay tungkol sa mga Isinaayos na Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento