Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 25, 2019

Tagalog Christian Songs|Hinahatulan at Pineperpekto ng Diyos ang Tao Gamit ang Kanyang mga Salita sa mga Huling Araw



Tagalog Christian Songs|Hinahatulan at Pineperpekto ng Diyos ang Tao Gamit ang Kanyang mga Salita sa mga Huling Araw



Naging tao ang Diyos
sa mga huling araw para magsalita,
para ipakita sa tao,
kailangan niya't dapat pasukan,
ang Kanyang mga gawa't kapangyarihan,
pagiging kamangha-mangha't karunungan.
Kita sa maraming paraan ng pagbigkas ng Diyos,
ang Kanyang paghahari't kadakilaan,
pagkatago at kapakumbabaan,
pagpapababa ng kataas-taasang Diyos.

Set 25, 2019

Tungkol sa mga Hakbang ng Gawain ng Diyos

Mula sa labas, tila natapos na ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa kasalukuyang yugtong ito, at parang naranasan na ng sangkatauhan ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at pagpipino ng Kanyang mga salita, at tila sumailalim na sila sa mga hakbang kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo, ang pagpipino sa mga panahon ng pagkastigo, ang pagsubok ng kamatayan, ang pagsubok ng mga hambingan, at ang mga panahon ng[a] pag-ibig sa Diyos. Bagamat sumailalim ang mga tao sa matinding pagdurusa sa bawat hakbang hindi pa rin nila naunawaan ang kalooban ng Diyos. Kagaya ng pagsubok ng mga taga-serbisyo, kung ano ang natamo ng mga tao mula roon, kung ano ang naunawaan nila mula rito, at kung ano ang resultang gusto ng Diyos na makamit sa pamamagitan niyon—nananatili pa ring hindi malinaw sa mga tao ang tungkol sa mga usaping ito. Tila sa bilis ng takbo ng gawain ng Diyos, na alinsunod sa kasalukuyang tulin ang mga tao ay tiyak na hindi makaaagapay.

Set 7, 2019

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (II)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang Bahagi)"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos:  "Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong mga yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng kaligtasan ng Diyos."


Rekomendasyon: Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

Hul 30, 2019

Ang Himno ng Salita ng Diyos | Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay


Ang Himno ng Salita ng Diyos | Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay

I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana, 
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.

May 22, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang paniniwala sa Diyos at pagsisikap na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito makakamit sa basta pagsasama-sama at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka maaaring magawang perpekto ng damdamin lamang. Dapat mong maranasan, at alamin, at dapat may alituntunin sa iyong mga pagkilos, at makamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu.

May 14, 2019

Pagkakatawang-tao ng Diyos|Tanong 5: Noong Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao para maging alay sa pagtubos ng kasalanan at pasanin ang kasalanan ng tao. May katwiran ang lahat ng ito. Ang Panginoong Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at naging Anak ng tao upang tubusin ang sangkatauhan sa Kanyang katawan na walang kasalanan. Sa paggawa niyon lamang napahiya si Satanas. Sa mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol. Nakita nating tunay na nangyari ito. Ito ang gusto kong itanong. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay medyo magkaiba, ang una ay sa Judea, at ang pangalawa ay sa Tsina. Ngayon, bakit kailangang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan? Ano ang tunay na kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos?

Sagot: Bakit kailangang dalawang beses magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan? Linawin muna natin: Tungkol sa kaligtasan ng sangkatauhan, ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay may malalim at malawak na kahulugan. Dahil ang gawain ng kaligtasan, ito man ay tungkol sa pagtubos o sa paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, ay hindi maisasagawa ng tao.

Abr 19, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao" (Ikatlong bahagi)


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao" (Ikatlong bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ano ang ipinahahayag ng tao ay kung ano ang kanyang nakikita, nararanasan, at kayang maguni-guni. Kahit na ito ay mga turo o mga paniwala, lahat ng mga ito ay kayang abutin ng pag-iisip ng tao. Gaano man kalaki ang gawain ng tao, hindi ito lalampas sa sakop ng karanasan ng tao, kung ano ang nakikita ng tao, o kung ano ang maaaring maguni-guni o maisip ng tao. Kung ano ang ipinahahayag ng Diyos ay kung ano ang Diyos Mismo, at ito ay hindi kayang abutin ng tao, ibig sabihin, lampas sa pag-iisip ng tao."


Abr 16, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao


Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas.

Abr 10, 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)



Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos.

Abr 9, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo|Saan Nagmumula ang Kidlat ng Silanganan?


Karamihan sa mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo ay naririnig ang tungkol sa Kidlat ng Silanganan at mula sa kanilang mga pastor, mga elder, o mga mangangaral, ngunit sa katunayan walang nakakaalam kung saan nagmumula ang Kidlat ng Silanganan. Kapag pinag-uusapan ang pinagmulan ng Kidlat ng Silanganan, bawat isa ay may sariling opinyon: Naniniwala ang ilang tao na ito ay walang iba kundi isang bagong denominasyon sa Kristiyanismo, pinipintasan naman ito ng iba bilang “maling pananampalataya” o isang “masamang kulto.” Ang mga tao ay may ganitong kakatwang mga ideya dahil hindi nila alam ang gawain ng Diyos.

Abr 2, 2019

Salita ng Diyos|Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao


Salita ng Diyos|Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao


Ang lahat ng mga tao ay kailangang makaunawa sa layunin ng Aking gawain sa daigdig, iyan ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito nagiging ganap. Kung, pagkaraang maglakad na kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa nakakaunawa kung tungkol saan ang Aking gawain, kung gayon hindi ba walang-kabuluhan ang paglalakad nilang kasama Ko?

Mar 28, 2019

Bakit Tinawag ng Diyos na Kapanahunan ng Biyaya ang Pangalawang Kapanahunan?


Siya ay ipinako sa krus upang tapusin ang gawain ng pagtubos, upang wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Pinuno”, ang “Alay para sa Kasalanan”, ang “Manunubos”.

Mar 27, 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Unang Bahagi)


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Unang Bahagi) 


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos.

Mar 10, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Pagsasagawa (8)

Napakarami ng tungkol sa mga tao ang lihis at mali, hindi nila kailanman magagawang maunawaan sa kanilang mga sarili, at kaya kailangan pa ring gabayan sila sa pagpasok sa tamang landas; sa ibang pananalita, nagagawa nilang ayusin ang kanilang mga buhay pantao at mga buhay espirituwal, ilagay ang parehong mga aspeto sa pagsasagawa, at walang pangangailangan para sa kanila na palaging sinusuportahan at ginagabayan. Tanging sa gayon nila tataglayin ang tunay na tayog. Ang ganito ay mangangahulugan na, sa hinaharap, kapag walang sinuman para gabayan ka, makararanas ka pa rin sa sarili mo. Sa kasalukuyan, kung makarating ka sa pagkaunawa sa kung ano ang mahalaga at hindi, sa hinaharap, magagawa mong makapasok sa katotohanan. Sa kasalukuyan, kayo ay inaakay patungo sa tamang landas, tinutulutan kayo na maunawaan ang maraming katotohanan, at sa hinaharap magagawa ninyong mas lumalim pa. Maaaring sabihin na ang ipinauunawa sa mga tao ngayon ay ang pinakadalisay na paraan. Sa kasalukuyan, ikaw ay dinadala sa tamang landas—at kung, isang araw, walang sinuman ang gagabay sa iyo, magsasagawa ka at susulong nang mas malalim alinsunod sa pinakadalisay sa lahat ng mga landas. Ngayon, ipinauunawa sa mga tao kung ano ang tama, at kung ano ang lihis, at pagkatapos maunawaan ang mga bagay na ito, sa hinaharap ang kanilang mga karanasan ay lalalim. Sa kasalukuyan, ang mga bagay na hindi ninyo nauunawaan ay binabaligtad, at ang landas ukol sa positibong pagpasok ay ibinubunyag sa inyo, pagkatapos ay magwawakas ang yugto ng gawaing ito, at sisimulan ninyong lakaran ang landas na nararapat sa inyong mga tao. Sa panahong iyon, ang Aking gawain ay matatapos, at mula sa puntong iyon pasulong hindi na kayo makikipagkita sa Akin. Sa kasalukuyan, ang inyong tayog ay masyado pang maliit. Maraming mga paghihirap na mga bagay ukol sa sangkap at kalikasan ng tao, at kaya, pati, mayroong ilang mga bagay na naka-ugat nang malalim na hindi pa nahuhukay. Hindi ninyo nauunawaan ang mas maliliit na detalye ng sangkap at kalikasan ng mga tao, at kailangan pa rin Ako para banggitin ang mga ito; kung hindi, hindi ninyo malalaman. Kapag ito ay nakaabot sa isang partikular na punto at ang mga bagay sa loob ng inyong mga buto at dugo ay nailalantad, ito ang kilala bilang pagkastigo at paghatol. Kapag ang Aking gawain ay ganap at lubos na naipatupad saka Ko lamang wawakasan ito.

Mar 5, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo | 17. Ano ang isang bulaang Cristo?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kung ang tao ay tinatawag ang kanyang sarili na Diyos nguni’t hindi kayang ipahayag ang kabuuan ng pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, siya ay walang-alinlangang hindi Diyos, dahil wala sa kanya ang esensya ng Diyos, at yaong likas na kayang makamit ng Diyos ay hindi umiiral sa loob niya.

mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bukod kay Cristo, silang mga may kabulaanang nag-aangking sila ay si Cristo ay wala ng mga katangian Niya. Kapag ikinumpara laban sa mga mapagmataas at mapagmapuring disposisyon niyaong mga huwad na Cristo, nagiging mas malinaw kung ano ang klase ng katawang-tao ng tunay na Cristo. Mas huwad sila, mas lalong ipinagyayabang ng gayong mga huwad na Cristo ang kanilang mga sarili, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga palatandaan at mga kagila-gilalas na mga bagay upang linlangin ang tao.

Mar 2, 2019

Tagalog Christian Music | Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian


Tagalog Christian Music  | Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian


I
Nang sa mundo ng tao dumating si Jesus,
dinala N'ya panahon ng Biyaya,
tinapos Panahon ng Kautusan.
Muli Diyos naging tao sa mga huling araw.
Dinala N'ya Panahon ng Kaharian,
tinapos Panahon ng Biyaya.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos
aakayin sa Panahon ng Kaharian
at tatanggap ng Kanyang gabay.

Peb 25, 2019

Mga Movie Clip - Ipinagkakaloob ng Makapangyarihang Diyos sa Tao ang Daan Tungo sa Buhay na Walang Hanggan



Mga Movie Clip - Ipinagkakaloob ng Makapangyarihang Diyos sa Tao ang Daan Tungo sa Buhay na Walang Hanggan


Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, kumapit nang mahigpit ang mga Judio sa kanilang batas at ayaw nilang tanggapin ang gawain ng Panginoong Jesus, na nagsadlak sa kanila sa kadiliman at pagkawala ng pagliligtas ng Diyos. Ngayon sa mga huling araw, pinananatili lang ng lahat ng relihiyon ang pangalan ng Panginoong Jesus at ayaw nilang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, kaya naging mas lalo itong naging mapanglaw at tigang na lugar. Bakit nga ba nagkagayon? Iyo’y dahil ang Diyos lamang ang bukal ng tubig ng buhay at Siya ang piangmumulan ng buhay ng lahat ng bagay. Sa pagsunod lamang sa gawain ng Diyos natatamo ng sangkatauhan ang buhay na tubig ng buhay, at natatamo ang katotohanan at buhay.

Peb 24, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Pag-alpas sa Ulap upang Makita ang Liwanag

Faith China

Isa akong karaniwang manggagawa. Noong katapusan ng Nobyembre 2013, nakita ng isa kong kasamahan sa trabaho na ako at ang aking asawa ay laging nag-iingay tungkol sa maliliit na bagay, na araw-araw ay nababalisa at namimighati kami, kaya ipinasa niya sa amin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, natutunan namin na nilikha ng Diyos ang mga langit at lupa at lahat ng bagay, at ang buhay ng tao ay ipinagkaloob sa kanya ng Diyos. Naunawaan din namin ang katotohanan ng misteryo ng anim na libong taon na plano ng pamamahala, ang misteryo ng pagkakatawang-tao, ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, ang kahalagahan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at iba pang bagay. Naisip ko at ng aking asawa na isang malaking pagpapala ang pagtuklas sa pagdating ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan sa ating buong buhay. Malugod naming tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at humantong sa isang buhay sa iglesia. Sa ilalim ng patnubay ng salita ng Diyos, pareho kaming nagsikap na makamit ang katotohanan at baguhin ang aming mga sarili, at kapag may nangyaring isang bagay at nagsimula kaming magtalo, hindi na lang kami maghahanap ng kapintasan sa isa’t isa gaya ng dati naming ginagawa, ngunit sa halip ay magninilay kami sa aming mga sarili at susubukang makilala ang aming sarili. Pagkatapos nun, kumilos kami sa isang paraan na tinalikuran ang laman alinsunod sa mga kahilingan ng Diyos, at naging lalong mas mabuti ang aming relasyon bilang mag-asawa, at naging mapayapa at panatag ang aming mga puso. Nadama namin na tunay na mabuti ang paniniwala sa Diyos. Gayunman, habang maligaya at masaya kami sa pagsunod sa Diyos, habang tinatamasa namin ang pinagpalang buhay, naharap kami sa isang marahas na pag-atake na nagmumula sa aming mga pamilya.... Nang nawawala ako sa aking landas, ang salita ng Diyos ang gumabay sa akin upang makita ang plano ni Satanas, at upang lumusot sa ulap at pumasok sa nagliliwanag at tamang landas ng buhay.

Peb 22, 2019

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Kabanata 45

Hayagan ninyong hinahatulan ang inyong mga kapatid na parang wala lang. Talagang hindi ninyo alam ang mabuti sa masama; wala kayong kahihiyan! Hindi ba’t lubhang pangahas, padalos-dalos na pag-uugali ito? Nalilito at nabibigatan ang puso ng bawa’t isa sa inyo; dinadala ninyo ang napakaraming dala-dalahan at walang Akong puwang sa’yo. Mga bulag na tao! Napakalupit ninyo—kailan ito matatapos?

Kinakausap Ko kayo mula sa Aking puso nang paulit-ulit at ibinibigay sa inyo ang lahat na mayroon Ako, pero napaka-maramot ninyo at nagkukulang sa kahit katiting na pagkatao; talagang di-maintindihan ito. Bakit kayo nangunguyapit sa inyong sariling mga pagkaunawa? Bakit hindi mo mahayaang magkaroon Ako ng isang lugar sa’yo? Papaano Ko kayo maaaring masaktan? Hindi kayo dapat magpatuloy na gumagawi nang ganito—talagang di-nalalayo ang araw Ko mula ngayon. Huwag magsalita nang walang-ingat, gumawi nang padalus-dalos, o lumaban at lumikha ng kaguluhan; anong mabuti ang madadala nito sa inyong buhay? Sinasabi Ko sa inyo nang totohanan, kahit wala ni isang tao ang maligtas kapag dumating ang Aking araw, aasikasuhin Ko pa rin ang mga bagay-bagay ayon sa Aking plano. Dapat malaman mo na Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat! Walang bagay, walang tao, walang pangyayari ang nangangahas na humadlang sa Aking mga hakbang na pasulong. Hindi ninyo dapat iniisip na wala Akong paraan upang isagawa ang Aking kalooban na hindi kayo kasama. Masasabi Ko sa’yo na kung pinakikitunguhan mo ang sarili mong buhay sa ganitong negatibong paraan, ipapahamak mo lang ang iyong sariling buhay at hindi Ko papansinin ito.

Peb 21, 2019

Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train | Ang mga Bungang Natamo ng Gawain ng Diyos na Nagkatawang-Tao


Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train | Ang mga Bungang Natamo ng Gawain ng Diyos na Nagkatawang-Tao


Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw, ang trigo ay ihihiwalay sa panirang damo, ang tupa sa mga kambing, at ang mabubuting alipin sa masasamang alipin. Alam mo ba kung paano natupad ang mga propesiyang ito? Gusto mo bang malaman kung paano hinihiwalay ng Diyos ang bawat isa sa kauri nila sa mga huling araw? Kung nais mong magtamo ng mas detalyadong pag-unawa, panoorin lamang ang maikling videong ito!