Siya ay ipinako sa krus upang tapusin ang gawain ng pagtubos, upang wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Pinuno”, ang “Alay para sa Kasalanan”, ang “Manunubos”.
Kaya ang gawain ni Jesus ay naiba sa nilalaman mula sa gawain ni Jehova, kahit magkapareho ang mga iyon ng prinsipyo. Inumpisahan ni Jehova ang Kapanahunan ng Kautusan, itinatag ang punong himpilan, iyan ay, ang dakong pinagmulan, ng Kanyang gawain sa lupa, at nagpalabas ng mga kautusan; ang mga ito ay dalawa sa Kanyang mga naisakatuparan, na kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na tinupad ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi upang magpalabas ng mga utos, kundi upang isakatuparan ang mga utos, sa gayon ay inihahatid ang Kapanahunan ng Biyaya at tinatapos ang Kapanahunan ng Kautusan na tumagal nang dalawang libong taon. Siya ang tagatuklas, na dumating upang pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, datapuwa’t ang pagtubos ang pangunahing bahagi ng Kanyang gawain. Kung kaya ang Kanyang mga naisakatuparan ay may dalawa ring bahagi: ang pagbubukas ng isang bagong kapanahunan, at pagkumpleto sa gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa krus. At Siya ay umalis. Sa puntong ito, dumating sa katapusan ang Kapanahunan ng Kautusan at pumasok ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.
Ang gawaing tinupad ni Jesus ay naaayon sa mga pangangailangan ng tao sa kapanahunang iyon. Ang Kanyang gagawin ay tubusin ang sangkatauhan, patawarin ang kanilang mga pagkakasala, kaya’t ang Kanyang disposisyon ay lubos na isa ng kapakumbabaan, pagtitiis, pag-ibig, kabanalan, pagtitiyaga, habag, at kagandahang-loob. Pinagpala Niyang mayaman ang sangkatauhan at dinalhan sila ng masaganang biyaya, at lahat ng mga bagay na maaari nilang tamasahin, Kanyang ibinigay sa kanila para sa kanilang kasiyahan: kapayapaan at kaligayahan, ang Kanyang pagpapaubaya at pag-ibig, Kanyang kaawaan at kagandahang-loob. Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng mga bagay na nagpapasaya: Ang kanilang mga puso ay napayapa at nabigyan ng katiyakan, ang kanilang mga espiritu ay inaliw, at sila ay inalalayan ni Jesus na Tagapagligtas. Na maaari nilang matamo ang mga bagay na ito ay ang kinahinatnan ng kapanahunan kung kailan sila nabuhay. Sa Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay sumailalim sa pagtitiwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa buong sangkatauhan ay nangailangan ng masaganang biyaya, walang-hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan, upang makarating sa bunga nito. Ang nakita lamang ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog na pantakip ukol sa kasalanan ng sangkatauhan, iyan ay, si Jesus. Ang alam lamang nila ay maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at ang nakita lamang nila ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito sa kabuuan ay dahil nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya.
mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos
”
Noong Kanyang unang pagkakatawang-tao, kinakailangan ng Diyos na magpagaling ng maysakit at palayasin ang mga demonyo dahil ang Kanyang gawain ay ang tumubos. Upang tubusin ang buong lahi ng tao, Siya’y kinailangang maging maawain at mapagpatawad. Ang gawain na Kanyang ginawa bago Siya napako sa krus ay ang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, na nagbabadya ng Kanyang pagliligtas sa tao mula sa kasalanan at kadungisan. Dahil ito ay Kapanahunan ng Biyaya, kinailangan Niyang magpagaling ng maysakit, at dahil doon nagpakita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, na kumatawan sa biyaya noong panahong iyon; dahil ang Kapanahunan ng Biyaya ay sumentro sa pagkakaloob ng biyaya, sinagisag ng kapayapaan, kasiyahan, at materyal na mga biyaya, lahat ng palatandaan ng pananampalataya ng mga tao kay Jesus.
mula sa "Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento