Salita ng Diyos|Si Jesus ay Kumakain ng Tinapay at Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan Pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay
(Lu 24:30–32) At nangyari, nang siya’y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila. At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya’y nakilala nila; at siya’y nawala sa kanilang mga paningin. At sila-sila’y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo’y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?
(Lu 24:36–43) At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.
Sunod nating titingnan ang mga talata ng kasulatan sa itaas. Ang unang talata ay isang paglalahad sa Panginoong Jesus na kumakain ng tinapay at ipinaliliwanag ang mga kasulatan pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, at ang ikalawang talata ay isang pagsasalaysay sa Panginoong Jesus na kumakain ng isdang inihaw. Anong uri ng tulong ang inilalaan ng dalawang talatang ito para sa pagkilala sa disposisyon ng Diyos? Naiisip ba ninyo ang larawan na inyong makukuha mula sa mga paglalarawan sa Panginoong Jesus na kumakain ng tinapay at pagkatapos ay inihaw na isda? Naiisip ba ninyo, kung ang Panginoong Jesus ay nakatayo sa harapan ninyo na kumakain ng tinapay, ano kaya ang maaari ninyong maramdaman? O Siya ay kumakain kasama ninyo sa iisang mesa, kumakain ng isda at tinapay kasama ng mga tao, anong uri ng pakiramdam ang magkakaroon ka sa sandaling iyon? Kung maramdaman mo na ikaw ay magiging masyadong malapit sa Panginoon, na Siya ay masyadong malapit sa iyo, kung gayon ang pakiramdam na ito ay tama. Ito mismo ang bunga na gustong ibunga ng Panginoong Jesus mula sa pagkain ng tinapay at ng isda sa harap ng napakarami pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Kung ang Panginoong Jesus ay nagsalita lamang sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, kung hindi nila madama ang Kanyang laman at mga buto, ngunit nadama na Siya ay isang hindi maabot na Espiritu, ano ang kanilang mararamdaman? Hindi ba sila madidismaya? Kapag ang mga tao ay nadidismaya, hindi ba nila madadama na sila ay iniwanan? Hindi ba nila madadama ang agwat sa Panginoong Jesus? Anong uri ng negatibong epekto ang malilikha ng agwat na ito sa kaugnayan ng mga tao sa Diyos? Ang mga tao ay tiyak na matatakot, na hindi sila nangahas na mapalapit sa Kanya, at sa gayon ay magkakaroon sila ng saloobin ng paglalagay sa Kanya sa isang angkop na distansya. Magmula noon, puputulin nila ang kanilang malapit na kaugnayan sa Panginoong JesuKristo, at magbabalik sa isang kaugnayan sa pagitan ng sangkatauhan at ng Diyos na nasa langit, gaya noong una sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang espirituwal na katawan na hindi nahihipo o nadadama ng mga tao ay magreresulta sa paglalaho ng kanilang pagiging malapit sa Diyos, at gagawin din nito na ang malapit na kaugnayan na iyan—na itinatag sa panahon na ang Panginoong Jesus ay nasa katawang-tao, na walang agwat sa pagitan Niya at ng mga tao—na tumigil sa pag-iral. Ang mga pakiramdam ng mga tao tungo sa espirituwal na katawan ay mga takot lamang, pag-iwas, at ang isang walang imik na pagtitig. Hindi sila nangangahas na mapalapit o makipag-usap sa Kanya, lalo na ang sundin, pagtiwalaan, o magkaroon ng pag-asa sa Kanya. Ang Diyos ay bantulot na makita ang ganitong uri ng damdamin na mayroon ang mga tao para sa Kanya. Ayaw Niyang makita ang mga tao na iniiwasan Siya o ang pag-aalis sa kanilang mga sarili mula sa Kanya; gusto lamang Niyang maintindihan Siya ng mga tao, maging malapit sa Kanya, at maging Kanyang pamilya. Kung ang iyong sariling pamilya, nakita ka ng iyong mga anak ngunit hindi ka nakilala at hindi nangahas na lumapit sa iyo ngunit palaging iniiwasan ka, kung hindi mo magawang makamit ang kanilang pagkaunawa para sa lahat ng iyong ginawa para sa kanila, paano kaya ang mararamdaman mo? Hindi ba ito magiging masakit? Hindi ba magdurugo ang iyong puso? Iyan mismo ang nadarama ng Diyos kapag iniiwasan Siya ng mga tao. Kaya, pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, nagpakita pa rin ang Panginoong Jesus sa mga tao sa Kanyang anyo ng laman at dugo, at kumain at uminom kasama nila. Itinuturing ng Diyos na pamilya ang mga tao at nais din Niya ang sangkatauhan na makita Siya sa gayong paraan; sa ganitong paraan lamang tunay na matatamo ng Diyos ang mga tao, at tunay na maiibig at mapaglilingkuran ng mga tao ang Diyos. Ngayon nauunawaan ba ninyo ang Aking layunin sa pagkuha sa dalawang talatang ito ng kasulatan kung saan ang Panginoong Jesus ay kumakain ng tinapay at ipinaliliwanag ang mga kasulatan, at binigyan Siya ng mga disipulo ng inihaw na isda para kainin pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay?
Maaaring sabihin na ang mga serye ng mga bagay na sinabi at ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay mapag-alaala, at ginawa sa mabubuting mga hangarin. Sila ay puno ng kabutihan at pagmamahal na pinanghahawakan ng Diyos tungo sa mga tao, at puno ng pagpapahalaga at metikulosong pangangalaga na mayroon Siya para sa malapit na kaugnayan na Kanyang itinatag sa tao sa Kanyang panahong nasa katawang-tao. Higit pa rito, sila ay puno ng pagbabalik sa nakaraan at ang pag-asa na nagkaroon Siya sa buhay ng pagkain at pamumuhay kasama ng Kanyang mga tagasunod sa Kanyang panahon na nasa katawang-tao. Kaya, ayaw ng Diyos na makadama ang mga tao ng pagiging malayo sa pagitan ng Diyos at ng tao, ni hindi gustong ilayo ng sangkatauhan ang kanilang mga sarili mula sa Diyos. Higit pa rito, ayaw ng Diyos na madama ng sangkatauhan na ang Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay hindi na ang Panginoon na totoong malapit sa mga tao, na hindi na Siya kasama ng sangkatauhan sapagkat Siya ay nagbalik na sa espirituwal na mundo, nagbalik na sa Ama na hindi kailanman magagawang makita o maabot ng mga tao. Ayaw Niyang maramdaman ng mga tao na mayroong pagkakaiba sa kalagayan sa pagitan Niya at ng sangkatauhan. Kapag nakikita ng Diyos ang mga tao na gustong sumunod sa Kanya ngunit inilalagay Siya sa isang angkop na distansiya, ang Kanyang puso ay nagdurusa sapagkat nangangahulugan ito na ang kanilang mga puso ay masyadong malayo sa Kanya, nangangahulugan ito na magiging masyadong mahirap para sa Kanya na makamit ang kanilang mga puso. Kaya kung Siya ay nagpakita sa mga tao sa isang espirituwal na katawan na hindi nila magawang makita o mahipo, ito ang maglalayong muli sa tao mula sa Diyos, maaaring ito ang mag-akay sa sangkatauhan na maling makita si Cristo pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay bilang naging napakataas, naiiba ang uri kaysa sa mga tao, at yaong hindi na makikiupo sa mesa at kakain kasama ng tao sapagkat ang mga tao ay makasalanan, marumi, at hindi kailanman magiging malapit sa Diyos. Upang maalis ang ganitong mga maling akala ng sangkatauhan, ang Panginoong Jesus ay gumawa ng maraming mga bagay na madalas Niyang ginagawa sa katawang-tao, gaya nang nakatala sa Biblia, “kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila.” Ipinaliwanag din Niya ang mga kasulatan sa kanila, gaya ng nakagawian Niyang gawin. Ang lahat ng ito na ginawa ng Panginoong Jesus ang nagpadama sa bawat taong nakakita sa Kanya na ang Panginoon ay hindi nagbago, na Siya pa rin ang dating Panginoong Jesus. Bagamat Siya ay ipinako sa krus at naranasan ang kamatayan, Siya ay nabuhay muli, at hindi iniwanan ang sangkatauhan. Siya ay nagbalik upang pumagitna sa mga tao, at ang lahat sa Kanya ay hindi nagbago. Ang Anak ng tao na nakatayo sa harapan ng mga tao ay ang dati pa ring Panginoong Jesus. Ang Kanyang pagkilos at ang Kanyang pakikipag-usap sa mga tao ay ramdam na kilalang kilala. Siya ay puno pa rin ng kagandahang-loob, biyaya, at pagpapaubaya—Siya pa rin ang dating Panginoong Jesus na minahal ang iba gaya ng pag-ibig Niya sa Sarili Niya, na makapagpapatawad sa sangkatauhan ng makapitumpung pito. Gaya ng dati, Siya ay kumaing kasalo ng mga tao, ipinaliwanag ang mga kasulatan sa kanila, at higit na mas mahalaga, kagaya lamang noong una, Siya ay yari sa laman at dugo at maaaring mahipo at makita. Ang Anak ng tao sa ganitong paraan ay nagtutulot sa mga tao na madama ang pagiging malapit ang loob, upang mapanatag, at upang madama ang kagalakan ng pagbawi sa isang bagay na nawala, at nadama rin nila ang kapanatagan na sapat upang buong tapang at buong pagtitiwala na simulang umasa at tingalain ang Anak ng taong ito na makapagpapatawad sa sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan. Nagsimula rin silang manalangin sa pangalan ng Panginoong Jesus nang walang mga pag-aalinlangan, manalangin upang makamit ang Kanyang biyaya, ang Kanyang pagpapala, at upang magtamo ng kagalakan at kapayapaan mula sa Kanya, upang makamit ang pangangalaga at pag-iingat mula sa Kanya, at simulan ang pagsasagawa ng mga pagpapagaling at pagpapalayas ng mga demonyo sa pangalan ng Panginoong Jesus.
Sa panahong gumawa ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, ang karamihan sa Kanyang mga tagasunod ay hindi magawang ganap na matiyak ang Kanyang pagkakakilanlan at ang mga bagay na Kanyang sinabi. Nang Siya ay umakyat sa krus, ang saloobin ng Kanyang mga tagasunod ay yaong naghihintay; nang Siya ay ipinako sa krus hanggang sa Siya ay inilagak sa libingan, ang saloobin ng mga tao tungo sa Kanya ay pagkadismaya. Sa panahong ito, ang mga tao ay nagsimula nang kumilos sa kanilang mga puso mula sa pagdududa hanggang sa pagkakaila sa mga bagay na sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang panahon na nasa katawang-tao. At nang Siya ay lumabas mula sa libingan, at nagpakita sa mga tao isa-isa, ang karamihan sa mga tao na nakakita sa Kanya sa kanilang sariling mga mata o nakarinig sa balita ng Kanyang muling pagkabuhay ay unti-unting nagbago mula sa pagkakaila hanggang sa pag-aalinlangan. Nang panahong mapadaiti ng Panginoong Jesus ang kamay ni Tomas sa Kanyang tagiliran, nang panahong ang ating Panginoong Jesus ay nagpuputol-putol ng tinapay at kinain ito sa harap ng madla pagkatapos na Siya ay muling mabuhay, at pagkatapos noon ay kinain ang inihaw na isda sa harap nila, noon lamang nila tunay na natanggap ang katotohanan na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo sa katawang-tao. Maaari ninyong masabi na parang ang espirituwal na katawan na ito na may katawan at dugo na nakatayo sa harap ng mga taong iyon noon ay ginigising ang bawat isa sa kanila mula sa isang panaginip: Ang Anak ng tao na nakatayo sa kanilang harapan ay Yaong umiiral na nang napakatagal na panahon. Mayroon Siyang isang anyo, at laman at mga buto, at Siya ay namuhay na at nakasamang kumain ng sangkatauhan sa mahabang panahon…. Sa panahong ito, naramdaman ng mga tao na ang Kanyang pag-iral ay talagang totoo, tunay na nakamamangha; sila din ay talagang nagagalak at maligaya, at kasabay nito ay napuno ng emosyon. At ang Kanyang muling pagpapakita ay nagtulot sa mga tao na tunay na makita ang Kanyang kababaang loob, upang madama ang Kanyang pagiging malapit, at ang Kanyang pananabik, ang Kanyang pagkagiliw para sa sangkatauhan. Ang maigsing muling-pagkikita na ito ang nagbigay-daan sa mga taong nakakita sa Panginoong Jesus na madama na parang isang habambuhay na ang nakalipas. Ang kanilang ligaw, nalilito, natatakot, nababahala, naghahangad at manhid na mga puso ay nakasumpong ng kaaliwan. Hindi na sila nag-aalangan o nadidismaya sapagkat naramdaman nila na ngayon ay mayroon ng pag-asa at isang bagay na maasahan. Ang Anak ng tao na nakatayo sa harapan nila ay nasa likod nila magpakailanman, Siya ang kanilang magiging matatag na tore, kanilang kanlungan sa lahat ng oras.
Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong maliliit na mga bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat.
Bagamat ang panahon ng paggawa ng Panginoong Jesus sa katawang-tao ay puno ng kahirapan at pagdurusa, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa Kanyang espirituwal na katawan ng laman at ng dugo, Kanyang nakumpleto at natupad nang perpekto ang Kanyang gawain sa katawang-tao na tubusin ang sangkatauhan. Sinimulan Niya ang Kanyang ministeryo sa pamamagitan ng pagiging katawang-tao, at tinapos Niya ang Kanyang ministeryo sa pamamagitan ng pagpapakita sa sangkatauhan sa Kanyang makalamang anyo. Ipinahayag Niya ang Kapanahunan ng Biyaya, Sinimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya sa pamamagitan ng Kanyang pagkakakilanlan bilang Kristo. Sa pamamagitan ng Kanyang pagkakakilanlan bilang Kristo, pinatupad Niya ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya at pinatatag Niya at pinangunahan ang lahat ng Kanyang mga tagasunod sa Kapanahunan ng Biyaya. Maaaring sabihin na sa gawain ng Diyos tinatapos Niya talaga ang anumang sinisimulan Niya. Mayroong mga hakbang at isang plano, at ito ay puno ng karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging makapangyarihan, at ang Kanyang mga kahanga-hangang mga gawa. Ito ay puno din ng pag-ibig at habag ng Diyos. Mangyari pa, ang pinakadiwa na nagpapagana sa lahat ng gawain ng Diyos ay ang Kanyang malasakit sa sangkatauhan; ito ay nagingibabaw sa Kanyang pagmamalasakit na hindi Niya maisasantabi kailanman. Sa mga talatang ito ng Biblia, sa bawat isang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, ang nabunyag ay ang hindi nagmamaliw na mga pag-asa at pag-aalala ng Diyos sa sangkatauhan, gayundin ang metikulosong pangangalaga ng Diyos at ang pagpapahalaga sa mga tao. Hanggang sa ngayon, walang anuman dito ang nagbago—nakikita ba ninyo ito? Kapag inyong nakikita ito, hindi ba kaagad-agad lamang na napapalapit ang inyong puso sa Diyos? Kung kayo ay nabubuhay sa kapanahunang iyon at ang Panginoong Jesus ay nagpakita sa inyo pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, sa isang nasasalat na anyo para inyong makita, at kung Siya ay umupo sa harapan ninyo, kumain ng tinapay at isda at ipinaliwanag ang mga kasulatan sa inyo, nakipag-usap sa inyo, kung gayon ano ang mararamdaman ninyo? Makararamdam ba kayo ng kaligayahan? Paano kung nagkasala? Ang nakaraang mga maling pagkaunawa at pag-iwas sa Diyos, ang mga pakikipag-alitan sa at mga pag-aalinlangan sa Diyos—hindi ba sila basta na lamang maglalaho lahat? Hindi ba magiging mas angkop ang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng tao?
Sa pamamagitan ng pagpapakahulugan sa limitadong mga kabanatang ito ng Biblia, nakatuklas ba kayo ng anumang mga kapintasan sa disposisyon ng Diyos? Nakatuklas ba kayo ng anumang pagbabanto sa pag-ibig ng Diyos? Nakatuklas ba kayo ng anumang panlilinlang o kasamaan sa pagiging makapangyarihan sa lahat o karunungan ng Diyos? Siguradong hindi! Ngayon masasabi ba ninyo nang may katiyakan na ang Diyos ay banal? Masasabi ba ninyo nang may katiyakan na ang mga damdamin ng Diyos ay pagbubunyag lahat ng Kanyang diwa at disposisyon? Umaasa Ako na pagkatapos ninyong mabasa ang mga salitang ito, kung ano ang inyong naintindihan mula rito ay makatutulong sa inyo at makapagbibigay sa inyo ng mga pakinabang sa inyong paghahangad ng isang pagbabago sa disposisyon at isang pagkatakot sa Diyos. Umaasa din ako na ang mga salitang ito ay magkakabunga sa inyo na lumalago araw-araw, sa gayon sa panahon ng paghahangad na ito na unti-unti kayong mapapalapit sa Diyos, unti-unti kayong mapapalapit sa mga pamantayan na kinakailangan ng Diyos, nang upang hindi na kayo maiinip sa paghahangad ng katotohanan at hindi na ninyo mararamdaman na ang paghahangad sa katotohanan at ang pagbabago sa disposisyon ay isang napakagulo o isang bagay na hindi na kailangan. Ito ay, sa halip, ang pagpapahayag ng tunay na disposisyon ng Diyos at ang banal na diwa ng Diyos na nag-uudyok na masabik sa liwanag, upang masabik sa katarungan, at upang nasain na hangarin ang katotohanan, upang hangarin ang pagpapalugod sa kalooban ng Diyos, at upang maging isang tao na nakamit ng Diyos, upang maging isang totoong tao.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento