Sagot: Karamihan sa matatapat ay naniniwala na ang nagbalik na Panginoon ay magpapakita sa kanila sa Kanyang espirituwal na katawan, ibig sabihin, ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus kung saan Siya nagpakita sa tao sa loob ng apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Malinaw ito sa ating mga mananampalataya.
Sa ibabaw, ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus pagkatapos Siyang mabuhay na muli ay nagpapakita sa gayunding imahe ng Kanyang laman na nagkatawang-tao, ngunit ang espirituwal na katawan ay hindi nililimitahan ng materyal na daigdig, espasyo, at lugar. Maaari itong magpakita at maglaho kung gugustuhin nito, naiiwang nagugulat at namamangha ang tao. Nakatala ang mga kuwentong ito sa Biblia. Bago ipinako sa krus ang Panginoong Jesus, Siya ay nagsasalita at gumagawa sa normal na pagkatao sa katawan. Siya man ay nagpapahayag ng katotohanan, nakikisalamuha sa mga tao, o gumagawa ng mga himala, nadama ng mga tao na Siya ay normal sa lahat ng paraan. Ang nakita ng mga tao ay ang katawang-tao na ito at tunay na gumagawa at tunay at talagang dumaranas ng pahirap at binabayaran ang halaga. Sa huli, ang katawang-tao na ito ang ipinako sa krus bilang alay para sa kasalanan ng tao, sa gayo’y nakukumpleto ang gawain ng pagtubos ng Diyos. Alam ito ng lahat. Isipin sandali: Kung ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ang gumagawa ng gawain, magagawa ba Niyang makisalamuha at makikipag-usap nang normal sa mga tao? Talaga bang daranas Siya ng mga pahirap at babayaran ang halaga? Maipapako ba Siya sa krus? Hindi Niya magagawa ang alin man sa mga ito. Kung ang Kanyang espirituwal na katawan ang kumikilos, madali ba Siyang makakasalamuha ng mga tao? Pagtataksilan ba natin ang ating tiwaling mga disposisyon? Bubuo ba tayo ng mga pagkaintindi tungkol sa Kanya? Mangangahas ba tayong magrebelde at kusang-loob na hahatulan ang Diyos? Imposible iyan! Ang mga tao ay puspos ng normal na pagkatao, silang lahat ay nakapailalim sa mga pagpipigil ng materyal na daigdig, espasyo, at lugar. Ang proseso ng pag-iisip ng tao ay normal din. Kung mararanasan ng tao ang gawain ng espirituwal na katawan, sila’y magugulat at matataranta. Ang kanilang kaisipan ay magiging magulo at mababaliw. Kapag naharap sa ganitong situwasyon, mahihirapan ang Diyos na magtagumpay sa Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatuhan. Kaya, ang epektong nakakamit sa paggawa nang ayon sa kayang normal na pagkatao ay higit kaysa sa makakaya ng espirituwal na katawan. Sa paglipas ng panahon, ang mga piling tao ng Diyos ay di kailanman naranasan ang gawain ng espirituwal na katawan ng Diyos. Tiyak na hindi magiging angkop sa espirituwal na katawan na direktang ipahayag ang katotohanan, makisalamuha sa mga tao at gabayan ang mga iglesia. Ang gawain ng paghatol na isinasagawa ng Diyos sa ikalawang pagdating sa mga huling araw ay ginagamit ang pagpapahayag ng salita upang dalisayin, iligtas, at gawing perpekto ang tao, layon din nitong ilantad at alisin ang mga tao, siyasatin ang tao, bawat isa ayon sa kanyang uri, at ginagantimpalaan ng mabuti habang pinarurusahan ang masasama. Kung ang Diyos ay magpapakita sa tao sa anyo ng Kanyang espirituwal na katawan, lahat ng tao, mabuti o masama, ay magpapatirapa sa Kanyang harapan, kaya paano Niyang ihihiwalay ang mabuti sa masama? At, kung magpapakita ang Diyos sa Kanyang espirituwal na katawan, ang tao ay matataranta, at magkakagulo sa buong mundo. Kung gayon ang sitwasyon, paano normal na isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Paano rin maisasakatuparan ng Diyos ang Kanyang plano na pagkumpleto sa isang grupo ng mga tao na ayon sa kalooban ng Diyos bago dumating ang mga kalamidad? Kaya, sa mga huling araw, kailangan pa ring magkatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao na may normal na pagkatao. Sa ganitong paraan lamang Siya makagagawa at makapamumuhay sa daigdig ng tao, at tanging sa paraang ito Niya maipapahayag ang katotohanan at mahahatulan, madadalisay ang tao sa praktikal na paraan upang ang tao ay maagaw mula sa mga impluwensya ni Satanas, mailigtas ng Diyos, at maging mga tao ng Diyos. Ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ay kumilos sa normal na pagkatao para makamit ang pagtubos ng sangkatauhan. Ang nabuhay na muling espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ay nagpakita sa tao para patunayan lamang na ang Panginoong Jesus ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ginawa ito para palakasin ang pananampalataya ng tao. Kaya’t ang espirituwal na katawan ng Diyos ay dumating para magpakita lamang sa tao, hindi para gawin ang gawain. Ang katawang-tao ng Diyos ay kailangang mayroong normal na pagkatao para makagawa sa gitna ng tao at makamit ang pagtubos at kaligtasan ng sangkatauhan. Kaya, kung gustong lubusang iligtas ng Diyos ang sangkatauhan sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kailangan Siyang magkatawang-tao at gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao upang makamit ang pinakamagandang epekto. Tiyak na hindi Siya magpapakita sa tao bilang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ito ang bagay na kailangang maging malinaw sa ating mananampalataya.
Para magkaroon ng mas malawak na pagkaunawa sa kahulugan ng pagkakatawang-tao, magbasa tayo mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Siya ay nagiging laman dahil ang laman ay maaari ding magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng tao sa isang praktikal na paraan, na nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay mas makatotohanan kaysa anumang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil sa ang Kanyang katawang-tao ay nakakapagsalita at nakakagawa ng gawain sa isang praktikal na paraan; ang panlabas na anyo ng Kanyang laman ay walang awtoridad at maaaring lapitan ng tao. Ang Kanyang sangkap ay nagtataglay ng awtoridad, nguni’t walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi magawa ng tao na matalos ang pag-iral ng Kaniyang awtoridad; ito ay mas kanais-nais sa Kanyang aktwal na gawain. … Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pag-itan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isa sa mga nilalang at gumawa ng Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay maaaring parehong umakyat sa pinakamataas na lugar at ibaba ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang taong nilikha, gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaaring umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Samakatuwid, ang Diyos ay dapat maging laman upang isakatuparan ang Kanyang gawain” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Ang ilang bagay tungkol sa nagkatawang-taong Diyos ay iba sa iniisip ng mga tao na ito ay mahiwaga, di nakikita o nahahawakan; at nalalaman niya ang mga bagay nang di nahahadlangan ng lugar o heograpiya. Kung gayon, hindi yan katawang-tao kundi espirituwal na katawan. Pagkatapos mapako sa krus at muling mabuhay si Jesus, nagagawa niyang tumagos sa pintuan, ngunit yan yung muling nabuhay na Jesus. Bago muling mabuhay si Jesus di Niya nagagawang tumagos sa pader; di Niya kaya ito. Nalimitahan Siya ng lugar, heograpiya, at oras. Yan ang normal na aspeto ng katawang-tao” (Paano Mauunawaan ang Kaisahan ng Katawang-tao at Espiritu ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).
“Dahil ang tao ang siyang hahatulan, ang tao sa laman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang direktang hahatulan, ang gawain ng paghatol ay hindi tutuparin sa espirituwal na mundo. datapuwa’t sa gitna ng tao. Walang sinuman ang mas angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. Kung ang paghatol ay isinasagawa nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay para sa lahat. Bukod dito, ang gayong gawain ay magiging mahirap para sa tao na tanggapin, sapagka’t ang Espiritu ay hindi kayang lumapit nang harap-harapan sa tao, at dahil dito, ang mga epekto ay hindi magiging agaran, lalong hindi makikita ng tao ang hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos nang lalong malinaw. Lubos lamang na matatalo si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. … Kung ang gawain na ito ay ginawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay hindi magiging tagumpay laban kay Satanas. Ang Espiritu ay likas na higit na mabunyi kaysa may kamatayang mga nilalang, at ang Espiritu ng Diyos ay likas na banal, at matagumpay sa laman. Kung direktang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng pagsuway ng tao, at hindi maaaring ibunyag ang lahat ng hindi pagkamatuwid ng tao. Sapagka’t ang gawain ng paghatol ay natupad din sa pamamagitan ng mga pagkaintindi ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga pagkaintindi sa Espiritu, at sa gayon ang Espiritu ay hindi kaya ang mas mainam na pagbunyag sa hindi pagkamatuwid ng tao, lalong hindi kayang ganap na pagsisiwalat ng hindi pagkamatuwid. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kaaway ng lahat ng mga tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga pagkaintindi ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay mas kitang-kita kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan ay hindi natupad nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu, ngunit ito ay gawain ng nagkatawang-taong Diyos” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Tanging sa pamamagitan ng pagiging laman magagawa Niyang personal na ihatid ang Kanyang mga salita sa mga pandinig ng lahat upang ang lahat ng may mga pandinig ay maaaring makarinig ng Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Gayon lamang ang resulta na nakamit sa pamamagitan ng Kanyang salita, sa halip na ang paglitaw ng Espiritu na tumatakot sa tao para magpasakop. Sa pamamagitan lamang ng gayong praktikal at hindi-pangkaraniwang gawain maaaring lubusang maibunyag ang lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ito ng tao at mabago ito. Ito ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao; Siya ay nagsasalita at nagsasagawa ng paghatol sa isang praktikal na paraan upang makamit ang mga resulta ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay malinaw na nagpapaliwanag sa pagkakaiba ng gawain ng Diyos sa espirituwal na katawan at sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Lubusan din nitong ibinubunyag ang ibig sabihin ng gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakatawang-tao. Kahit na totoong ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ay maaaring magpakita sa tao at makipagharapan sa kanila, ang espirituwal na katawan ay tila mahiwaga at di pa rin maarok at di maunawaan ng tao. Pinupukaw niya ang takot at pag-aalala sa kanilang mga puso at nagiging sanhi para lumayo sila. Dahil ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ay hindi kayang makisalamuha nang normal sa tao at hindi makagagawa at makapagsasalita nang normal sa mga tao, ibig sabihin hindi Niya kayang iligtas ang sangkatauhan. Gayunman, ang Diyos na nagkatawang-tao ay kaiba. Kaya Niyang makasalamuha ang tao sa praktikal at tunay na paraan. Kaya Niyang diligan at tustusan ang tao tulad ng Panginoong Jesus, na namuhay na kasama ang mga tao, na nagawang ipahayag ang katotohanan upang matustusan ang tao, anumang oras at saan man. Madalas ay kasama Niyang nakaupo ang Kanyang mga alagad, nakikinig sa Kanyang mga turo at dibdibang nakikipagtalakayan sa Kanya. Direkta nilang natanggap ang Kanyang pagdidilig at pagpapastol. Anuman ang makaharap nilang mga problema o hirap, tinulungan sila ng Panginoong Jesus na malutas ito. Pinagkalooban sila ng napakaraming panustos ng buhay. Nalaman nilang ang Diyos ay palakaibigan at kaibig-ibig. Dahil dito, nagawa nilang tunay na mahalin at sundin ang Diyos. Tanging kapag dumating ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mundo ng tao tayo magkakaroon ng pagkakataong makasalamuha, maranasan at makilala ang Diyos. Noon lamang mismong makikita ng ating mga mata ang pagiging kahanga-hanga at ang karunungan ng Diyos at ang praktikal na pagliligtas sa sangkatauhan. Ito ay isang aspeto ng kahalagahan at praktikal na halaga ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi basta makakamit ng espirituwal na katawan ang epektong ito.
Ginawang napakalinaw sa atin ng pagbabahagi na ito ang isang katotohanan. Tanging sa pagkakatawang-tao bilang ang Anak ng tao at paggawa sa sakop ng normal na pagkatao magagawa ng Diyos na praktikal na hatulan, lupigin at dalisayin ang tao. Hindi makakamit ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ang ganitong epekto sa Kanyang gawain. Sa una, kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga tao, ang magiging pakikitungo nating mga tao sa Diyos ay tulad sa karaniwang tao dahil kailangan pa nating makilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa kung sino Siya talaga. Bubuo pa tayo ng mga paniwala tungkol sa salita at gawain ng Diyos, tatratuhin natin si Cristo nang walang galang at tatangging sumunod sa Kanya. Magsasalita tayo ng mga kamalian para lokohin Siya, hahatulan at kakalabanin at ikokondena pa natin Siya. Ang pagmamataas, pagrerebelde, at pagkalaban nating mga tao ay mahahalata nang lubusan sa harapan ni Cristo. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang tiwaling disposisyon at paghihimagsik at paglaban ng tao ay nailantad kapag nakikita niya si Cristo, at ang paghihimagsik at paglaban na nakalantad sa naturang okasyon ay mas ganap at kumpleto kaysa sa anuman. Ito ay dahil si Cristo ay ang Anak ng tao at nagtataglay ng normal na pagkatao kung saan hindi Siya pinaparangalan o nirerespeto ng tao. Ito ay dahil ang Diyos ay naninirahan sa katawang-tao upang ang paghihimagsik ng tao ay dinadala sa liwanag nang lubusan at buong-linaw. Kaya sinasabi ko na ang pagdating ni Cristo ay hinukay ang lahat ng paghihimagsik ng sangkatauhan at ang kalikasan ng sangkatauhan ay maliwanag na nakikita. Ito ay tinatawag na ‘akitin ang isang tigre pababa ng bundok’ at ‘akitin ang isang lobo palabas ng kuweba’” (“Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang Diyos ay humahatol, naglalantad, nagpupungos at nakikitungo sa tao ayon sa tunay na realidad ng kanilang rebelyon at paglaban. Ang gawain ng Diyos ay tunay na praktikal at talagang nagbubunyag sa kung sino ang mga tao. Kapag nahaharap sa gayong tunay na ebidensya, ang mga tao na nagagawang tanggapin ang katotohanan ay lubusang makukumbinsi at aaminin ang kanilang sariling rebelyon at paglaban. Mababatid din nila ang banal, matwid at hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos at magagawang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos nang may pagpapakumbaba, upang sila ay malupig at mailigtas ng praktikal na gawain ng Diyos. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang nagkatawang-taong Diyos ay kaaway ng lahat ng mga tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga pagkaintindi ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay mas kitang-kita kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan ay hindi natupad nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu, ngunit ito ay gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Ang Diyos sa katawang-tao ay makikita at mahihipo ng tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay maaaring ganap na lupigin ang tao. Sa kanyang relasyon sa Diyos sa katawang-tao, ang tao ay umuusad mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa pagkaintindi patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pag-ibig. Ito ang mga epekto ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Maliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na makikilala Siya sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya sa panahon ng kanyang pagsalungat sa Kanya, at tumatanggap ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kaya, ang tao ay lubusan lamang madadalisay at maliligtas kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ang gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw.
mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento