Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nagbalik na ang Panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nagbalik na ang Panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 16, 2019

Maikling Dula | "Makakapasok Ba Tayo sa Kaharian ng Langit Kung Makakamit Natin ang Kaligtasan?"


Maikling Dula | "Makakapasok Ba Tayo sa Kaharian ng Langit Kung Makakamit Natin ang Kaligtasan?"


      Si Zhang Mude ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia, at naniniwala siya na "Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas" (Roma 10:10). Iniisip niya na dahil naniniwala siya sa Panginoong Jesus, ang tawag na sa kanya ay matuwid, na nagtamo na siya ng kaligtasan, at na pagbalik ng Panginoon, tuwiran siyang madadala sa kaharian ng langit. Isang araw, nagbalik ang kanyang anak na babae mula sa gawaing misyonero sa ibang mga rehiyon at nagduda sa pananaw na ito, na maraming taon niyang pinanghawakan. Mula noon, nagsimula ang matinding pagtatalo sa tatlong magkakapamilyang ito tungkol sa kung ang pagtatamo ng kaligtasan ay magtutulot sa isang tao na makapasok sa kaharian ng langit, kung anong klaseng mga tao ang makakapasok sa kaharian ng langit, at mga paksang kaugnay nito …

Rekomendasyon: Filipino Variety Show

Set 13, 2019

Ang 5 Propesiya sa Biblia Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Jesus ay Naganap na


Nagbalik na ang Panginoon:Ang 5 Propesiya sa Biblia Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Jesus ay Naganap na



Nalalapit na tayo sa katapusan ng mga huling araw, at marami sa ating mga kapatid na matiyagang naniniwala sa Diyos at naghihintay sa Kanyang muling pagbabalik ay malamang na iniisip ang tanong na ito: Ang sabi ng Panginoong Jesus sa Kabanta 22 bersikulo 12 ng Apocalipsis, “Narito, ako’y madaling pumaparito.” Ipinangako sa atin ng Panginoon na darating Siyang muli sa mga huling araw, kung ganoon ay nagbalik na ba Siya? Lubhang napakahalaga ng katanungan na ito sa ating mga Kristiyano, kaya paano nga ba natin eksaktong malalaman kung nagbalik na talaga ang Panginoon o hindi? Ang totoo, sinabi na sa atin ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng mga propesiya sa Biblia, at hangga’t napagsasama natin ang mga katotohanan at taimtin iyong pinagninilayan, kung ganoon ay makikita natin ang sagot.

Ago 16, 2019

Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.

Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).

Hul 14, 2019

Christian Movie | "Bakit Tinaglay ng Nagbalik na Panginoon ang Pangalan ng Makapangyarihang Diyos?"


Tagalog Christian Movie | "Bakit Tinaglay ng Nagbalik na Panginoon ang Pangalan ng Makapangyarihang Diyos?"


Nakahula sa Biblia, "at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan" (Pahayag 3:12). "Ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ni Jehova" (Isaias 62:2). Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita sa sangkatauhan sa pangalang "Makapangyarihang Diyos," ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa pamilya ng Diyos at ibinubunyag ang Kanyang matuwid, maharlika at puno ng poot na disposisyon. Malaki ang saklaw ng kahalagahan ng pangalang "Makapangyarihang Diyos"; alam ba ninyo ang kahalagahan ng pangalang ito? Ibibigay sa inyo ng video na ito ang sagot.

Hun 10, 2019

Tagalog Christian Movie | "Ang Sandali ng Pagbabago" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Tagalog Christian Movie | "Ang Sandali ng Pagbabago" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya.

May 31, 2019

Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Tagalog Christian Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Si Yu Fan  ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit.

May 14, 2019

Pagkakatawang-tao ng Diyos|Tanong 5: Noong Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao para maging alay sa pagtubos ng kasalanan at pasanin ang kasalanan ng tao. May katwiran ang lahat ng ito. Ang Panginoong Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at naging Anak ng tao upang tubusin ang sangkatauhan sa Kanyang katawan na walang kasalanan. Sa paggawa niyon lamang napahiya si Satanas. Sa mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol. Nakita nating tunay na nangyari ito. Ito ang gusto kong itanong. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay medyo magkaiba, ang una ay sa Judea, at ang pangalawa ay sa Tsina. Ngayon, bakit kailangang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan? Ano ang tunay na kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos?

Sagot: Bakit kailangang dalawang beses magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan? Linawin muna natin: Tungkol sa kaligtasan ng sangkatauhan, ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay may malalim at malawak na kahulugan. Dahil ang gawain ng kaligtasan, ito man ay tungkol sa pagtubos o sa paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, ay hindi maisasagawa ng tao.

Abr 14, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo|Tanong 1: Nagpapatotoo kayo sa katunayan na ang Panginoong Jesus ay nagbalik at nagkatawang-tao na para gawin ang Kanyang gawain. Hindi ko ito maintindihan. Alam nating lahat na ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Nang makumpleto ang Kanyang gawain, Siya ay ipinako sa krus at pagkatapos ay nabuhay muli, nagpapakita sa lahat ng Kanyang mga disipulo at Siya ay umakyat sa langit sa Kanyang maluwalhating espirituwal na katawan. Gaya ng nakasaad sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Kaya nga, pinagtitibay ng Biblia na sa muling pagdating ng Panginoon, ang Kanyang muling nabuhay na espirituwal na katawan ang magpapakita sa atin. Sa mga huling araw, bakit nagkakatawang-tao ang Diyos sa laman ng Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol? Ano ang pagkakaiba ng muling nabuhay na espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus at ng Kanyang pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao?


Sagot: Karamihan sa matatapat ay naniniwala na ang nagbalik na Panginoon ay magpapakita sa kanila sa Kanyang espirituwal na katawan, ibig sabihin, ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus kung saan Siya nagpakita sa tao sa loob ng apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Malinaw ito sa ating mga mananampalataya.

Abr 7, 2019

Upang Mapag-aralan ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos


Tagalog Dubbed Movies | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono (3) | "Upang Mapag-aralan ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos" 


Nagkatotoo na ang halos lahat ng propesiyang binanggit sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Naramdaman ng karamihan ng tao na nagbalik na ang Panginoon, kaya paano natin sisiyasatin ito para makatiyak tungkol sa kung ang Makapangyarihang Diyos nga ba ang nagbalik na Panginoong Jesus? Dapat ba tayong gumawa ng paghatol batay sa mga propesiya sa Biblia o dapat ba nating direktang siyasatin ang salita at gawain ng Makapangyarihang  Diyos?

Abr 4, 2019

Filipino Variety Show | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Filipino Variety Show | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap". Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15).

Mar 30, 2019

Tagalog Christian Movies| Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit


Tagalog Christian Movies| "Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit"


Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit?  Nais mo bang maging isang matalinong birhen na kayang sumabay sa mga yabag ng Diyos upang makamit ang mga biyaya sa kaharian ng langit? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.

Mar 18, 2019

Tagalog Christian Movies | "Bakit Isinasagawa ng Diyos ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw?"



Tagalog Christian Movies | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono (4) | "Bakit Isinasagawa ng Diyos ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw?"



Mar 13, 2019

17. Ang Panginoong Jesus ay isang maawain at mapagmahal na Diyos. Hangga’t pinaninindigan natin ang Kanyang pangalan at nananatili tayo sa Kanyang landas, naniniwala kami na pagbalik Niya, hindi Niya tayo pababayaan, at tuwiran tayong madadala sa kaharian ng langit.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23).

Mar 4, 2019

Mga Movie Clip | May Batayan ba sa Biblia ang Pagbalik ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao?(2)



Pagbabalik ng Panginoon |  May Batayan ba sa Biblia ang Pagbalik ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao?(2)



Maraming tao sa pagtanggap sa ikalawang pagparito ng Panginoon ang nagpapahalaga lang sa propesiya sa Kasulatan na bababa ang Panginoon mula sa mga ulap para pumaritong muli habang kinaliligtaan ang propesiya na paparitong muli ang Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao. Sinasabi nila na mali ang anumang paraan ng pagpapatotoo sa ikalawang pagparito ng Panginoon bilang Diyos na naging tao. Nakaayon ba sa Kasulatan ang kanilang pag-unawa at pamumuhay?

Peb 8, 2019

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Kabanata 36

Ang Makapangyarihang totoong Diyos, Haring nasa trono, ay namumuno sa buong sansinukob, hinaharap ang lahat ng mga bansa at lahat ng mga bayan, at lahat ng nasa silong ng langit ay sumisikat sa luwalhati ng Diyos. Makikita ng lahat ng nabubuhay sa mga kadulu-duluhan ng sansinukob. Ang mga bundok, ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga lupain, ang mga karagatan at lahat ng nabubuhay na nilalang, sa liwanag ng mukha ng tunay na Diyos ay nagbukas ng kanilang mga pantabing, napanumbalik, parang nagising mula sa isang panaginip, umuusbong pasibol sa lupa!

Peb 6, 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip | Bakit Hinahatulan ng mga Pastor at Elder ang Kidlat ng Silanganan



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip | Bakit Hinahatulan ng mga Pastor at Elder ang Kidlat ng Silanganan


Bakit kinakalaban at hinahatulan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Makapangyarihang Diyos? Kasi galit sila at hindi nila matanggap ang katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Kaya tinatanggihan, hinahatulan at kinakalaban nila si Cristo. Inilalantad nito ang napakasamang diwa nila na galit sa katotohanan. Ang katotohanang ipinapahayag ni Cristo ay lubhang makapangyarihan at may awtoridad. Mapupukaw at maililigtas nito ang sangkatauhan at matutulungan din ang mga tao na makaalpas sa lahat ng puwersa ni Satanas at makabalik sa Diyos.

Ene 30, 2019

Awit at Papuri | Isang Ilog ng Tubig ng Buhay



Awit at PapuriIsang Ilog ng Tubig ng Buhay


I
Isang ilog ng tubig ng buhay, singlinaw ng kristal,
umaagos mula sa trono ng Diyos at ng Kordero.
Sa kabilaang bahagi ng ilog ay naroon ang puno ng buhay,
na may labindalawang uri ng bunga,
at nahihinog bawat buwan.
Ang mga dahon ng puno ay sa pagpapagaling ng mga bansa.
Mawawala na ang sumpa, wala nang sumpa.
Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay lalagi na sa lungsod.
Ang mga lingkod Niya'y maglilingkod sa Kanya,
at makikita nila ang Kanyang mukha,
makikita ang Kanyang mukha.
Ang pangalan Niya'y ilalagay sa kanilang mga noo.
At mawawala na ang gabi; di kailangan ang kandila,
walang kandila, o ng liwanag ng araw;
dahil ang Panginoong Diyos
ang nagbibigay sa kanila ng liwanag.
Sila'y maghahari magpakailanman.
Sila'y maghahari magpakailanman.

Ene 20, 2019

Tanong 1: Lahat ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naglilingkod sa Diyos sa iglesia. Tama lang sabihing pagdating sa pagbalik ng Panginoon, dapat silang magmasid at maghintay, at saka mag-ingat. Pero ba’t ‘di lang nila hinahanap o sinisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, sa halip, tinutuligsa nila ang Makapangyarihang Diyos, at hinihigpitan ang nananalig sa tunay na daan?

Sagot: Hindi naman talaga kakaiba ang tanong na ‘yan. No’ng pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, naharap Siya agad sa pagtutol at pagtuligsa ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ng mga relihiyon sa mundo, at ipinako nila Siya sa krus sa huli. Makasaysayang pangyayari ‘yan. Kaya naman, isipin nating lahat, bakit ipinako sa krus ng mga relihiyoso ang Panginoong Jesus? Kung mauunawaan natin ang mga tanong na ‘to, hindi magiging mahirap unawain kung ba’t ipinako ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Lahat ng ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, at lahat ng ginagawa Niya ay mismong paghatol ng Diyos, pero nahaharap Siya sa matinding pagtuligsa at paglapastangan ng mga elder at pastor. Talagang nakakapagtaka ‘yon. Ang ganitong pagtuligsa sa Diyos ay paglapastangan sa Espiritu Santo. Tulad ‘yon ng pagpapako sa krus sa Cristo ng mga huling araw. Kaya napakabigat ng problemang ito. Hindi lang talaga ‘to maintindihan ng ilan, at sinasabi nila na ang lahat ng pastor at elder ay naglilingkod sa Diyos, pero ba’t ‘di nila hinahanap at sinisiyasat ang tunay na daan, sa halip tinutuligsa ‘yon? may kaugnayan ‘to sa kanilang pagkatao. Alam nating lahat na ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ay naglingkod sa Diyos sa mga templo. Nang maglingkod sa kanila ang Panginoong Jesus, maraming tumanggap na may awtoridad nga at kapangyarihan ang Kanyang gawain at mga salita. Pero ba’t ipinako pa rin nila sa krus ang Panginoong Jesus?

Ene 4, 2019

Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (5) | "Kumakatok ang Panginoon sa Pinto: Nakikilala Mo ba ang Kanyang Tinig? (2)"



Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (5) | "Kumakatok ang Panginoon sa Pinto: Nakikilala Mo ba ang Kanyang Tinig? (2)"


Sinabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig" (Juan 10:27). Malinaw na nagsasalita ang Panginoon upang hanapin ang Kanyang tupa sa Kanyang pagbabalik. Ang pinakamahirap na gagawin ng mga Kristiyano habang hinihintay nila ang pagdating ng Panginoon ay ang paghahangad na marinig ang tinig ng Panginoon.