Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Hun 1, 2019

Paano Isinasagawa ng Diyos ang Kanyang Gawain ng Paghatol at Pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian?



Tingnan natin kung paanong isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian; kinakailangan dito na banggitin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang patunayan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.

mula sa “Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos”

"Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos. Kung hindi mo pinag-uukulan ang mga katotohanang ito ng pagpapahalaga at palaging iniisip ang pag-iwas sa mga ito o paghahanap ng isang bagong paraan bukod sa mga ito, kung gayon sinasabi Kong lubha kang makasalanan. Kung mayroon kang pananampalataya sa Diyos, nguni’t hindi mo hinahanap ang katotohanan o ang kalooban ng Diyos, ni hindi mo iniibig ang daan na nagdadala sa iyo nang mas malapit sa Diyos, kung gayon sinasabi Kong ikaw ay isa na sinusubukang iwasan ang paghatol, at na isa kang sunud-sunuran at taksil na tumatakas mula sa dakilang puting luklukan. Hindi patatawarin ng Diyos ang isa man sa mga mapanghimagsik na tumatakas sa ilalim ng Kanyang mga mata. Ang gayong mga tao ay makatatanggap ng lalo pang mas mabigat na kaparusahan."

mula sa 'Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan"

"Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay magawang malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng mga karumihan, mga paniwala, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag."

mula sa "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)"

"Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung wala ang Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi malalaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi nagpapahintulot ng kasalanan, at hindi maaaring ilipat ang kanyang mga lumang kaalaman ng Diyos patungo sa panibago. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, isinasa-publiko Niya ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay daan sa tao na makamit ang kaalaman ng Diyos, at baguhin ang kanyang disposisyon, at gumawa ng umuugong na patotoo sa Diyos sa pamamagitan ng pampublikong pagpapakita ng Diyos. Nakakamit ang pagbabago sa disposisyon ng tao sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang nasabing pagbabago sa disposisyon ng tao, hindi magagawang magbigay ng patotoo ng tao sa Diyos, at hindi maaaring makuha ang puso ng Diyos. Ang mga pagbabago sa katangian ng tao ay tanda na pinalaya ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas, pinalaya ang kanyang sarili mula sa impluwensya ng kadiliman, tunay na naging isang modelo at halimbawa ng gawain ng Diyos, at tunay na naging isang saksi ng Diyos at isang tao na nagnanais ng puso ng Diyos. Ngayon, dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawa sa lupa, at Kanyang hinihingi sa tao na makamit ang kaalaman tungkol sa Kanya, pagsunod sa Kanya, patotoo sa Kanya—malaman ang Kanyang praktikal at normal na gawain, sundin ang lahat ng Kanyang mga salita at gawa na hindi ayon sa mga pagkaintindi ng tao, at magpatotoo sa lahat ng gawain ng pagliligtas Niya sa tao, at ang lahat ng mga gawa Niya na lupigin ang tao. Yaong mga nagpapatotoo sa Diyos ay dapat magkaroon ng kaalaman sa Diyos; ang ganitong uri lamang ng patotoo ang tiyak, at totoo, at ang ganitong uri lamang ng patotoo ang maaaring magbibigay kahihiyan kay Satanas. Ginagamit ng Diyos ang mga taong nakakilala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasailalim sa Kanyang paghatol at pagkastigo, pakikitungo at pagpupungos, upang magbigay ng patotoo sa Kanya. Ginagamit Niya yaong mga ginawang tiwali ni Satanas upang magpatotoo sa Kanya, at gayon din ay ginagamit Niya yaong ang mga disposisyon ay nagbago, at kung sino ang nagkamit ng Kanyang mga pagpapala, upang magbigay ng pagpapatotoo sa Kanya. Hindi niya kailangan ng tao na sambahin lamang Siya sa salita, at hindi rin Niya kailangan ang papuri at patotoo ng kauri ni Satanas, na hindi pa Niya naligtas. Tanging yaong mga nakakakilala sa Diyos ang karapat-dapat na magbigay ng pagpapatotoo sa Diyos, at yaon lamang na ang disposisyon ay nagbago ang karapat-dapat na magbigay ng pagpapatotoo sa Diyos, at hindi papayagan ng Diyos ang tao na sadyang magdala ng kahihiyan sa Kanyang pangalan."

mula sa "Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos"

"Dapat mong malaman na ang paggawang perpekto ng mga tao, paggawang ganap ng mga tao, at pagkakamit ng mga tao ay walang dinala maliban sa mga espada at pagdagok para sa kanilang laman, at nagdala ng walang katapusang pagdurusa, ng pagsusunog ng apoy, walang habag na paghatol, pagkastigo, at sumpa, pati na rin walang hanggang mga pagsubok. Gayon ang kasaysayan sa loob at katotohanan ng ng pamamahala ng tao. Gayunpaman, ang lahat ng mga ito ay naglalayon laban sa laman ng tao, at lahat ng mga dulo ng sibat ng poot ay walang awang nakadirekta sa laman ng tao (dahil ang tao ay orihinal na inosente). Ang lahat ng iyon ay para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian at patotoo, at para sa Kanyang pamamahala. Ito ay dahil sa ang Kanyang gawain ay hindi lamang para sa kapakanan ng sangkatauhan, nguni’t ito ay para sa buong plano at upang tuparin ang Kanyang orihinal na kalooban nang Kanyang ginawa ang sangkatauhan. Kaya, marahil siyamnapung porsiyento ng dinadanas ng mga tao ay mga paghihirap at mga pagsubok ng apoy, nguni’t may napakakaunti o wala man lang matatamis o masayang mga araw na ninais ng laman ng tao, at hindi man nila higit na nagawang tamasahin ang masasayang mga sandali sa laman na ginugugol sa magagandang mga gabing kasama ang Diyos. Ang laman ay marumi, kaya ang nakikita o tinatamasa ng laman ng tao ay walang anuman kundi ang pagkastigo ng Diyos na hindi pinapaboran ng tao, at na parang nagkukulang sa normal na dahilan. Ito ay dahil Kanyang ihahayag ang Kanyang makatwirang disposisyon na hindi pinapaboran ng tao, na hindi pinahihintulutan ang mga kasalanan ng tao, at kinapopootan ang mga kaaway. Lantarang ibinubunyag ng Diyos ang lahat ng kanyang disposisyon sa pamamagitan ng anumang mga paraan na kailangan, sa gayong paraan ay tinatapos ang gawain ng Kanyang anim-na-libong taong labanan kay Satanas—ang gawain ng pagliligtas sa lahat ng sangkatauhan at ang pagkawasak sa sinaunang Satanas!"

mula sa "Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan"

"Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba’t ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid."

mula sa "Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)"

"Kailangan ninyong makita na ang kalooban at ang gawa ng Diyos ay hindi kasing payak katulad ng paglikha sa langit at lupa at sa lahat ng mga bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang baguhin ang mga ginawang tiwali na naging labis na manhid, at dalisayin ang mga nilikha saka ginamit ni Satanas, hindi para likhain si Adan o si Eba, lalo na upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng uri ng mga halaman at hayop. Ang Kanyang gawain ngayon ay gawing dalisay ang lahat ng ginawang tiwali ni Satanas upang sila ay Kanyang mabawi at maging Kanyang pag-aari at maging Kanyang kaluwalhatian. Ang ganoong gawain ay hindi kasing payak tulad nang inaakala ng tao, ang paglikha ng langit at ng mundo at ng lahat ng bagay na mangyayari, at hindi rin ito katulad ng gawaing pagsumpa kay Satanas sa hukay na walang-hanggan tulad ng inaakala ng tao. Sa halip, ito ay upang mabago ang tao, upang baguhin ang siyang negatibo sa positibo at upang makamit ang Kanyang pag-aari na hindi naman sa Kanya. Ito ang kuwentong napapaloob sa yugtong ito ng gawain ng Diyos. Kailangan ninyo itong mapagtanto, at hindi dapat pasimplehin nang husto ang mga bagay. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng ibang karaniwang gawain. Ang hiwaga nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi maaaring makamit ng gayon. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga ito. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang gawain nang may matinding kalakhan, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Mula sa mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay napakapayak?"

mula sa "Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?"

"Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naintindihan mo na, kung gayon ay ipinapayo Ko sa iyo na magpasakop nang masunurin sa pagiging hahatulan, kung hindi, hindi ka na magkakaroon pa ng pagkakataon na mapapurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Silang mga tumatanggap lamang ng paghatol subali’t hindi kailanman maaaring madalisay, iyon ay, silang mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay magpakailanmang kamumuhian at itatakwil ng Diyos. Ang kanilang mga kasalanan ay lalong marami, at lalong mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagka’t pinagtaksilan nila ang Diyos at mga rebelde laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat magsagawa ng paglilingkod ay makatatanggap ng mas mabigat na kaparusahan, isang kaparusahan na higit pa ay walang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subali’t ipinagkanulo rin Siya. Matatanggap ng gayong mga tao ang kagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito isang tiyak na pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao at pagbubunyag sa kanya? Dadalhin ng Diyos ang lahat ng gumaganap ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng mga masasamang espiritu, hinahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang mga katawang laman ayon sa kagustuhan. Ang kanilang mga katawan ay mangangamoy-bangkay, at gayon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan nilang mga hindi-tapat at huwad na tagasunod, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; at pagkatapos, kapag tama na ang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng mga maruruming espiritu, hinahayaan ang mga maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa kagustuhan, upang hindi na sila kailanman maaaring muling magkatawang-tao at hindi na kailanman muling makita ang liwanag. Yaong mga ipokrito na nagsipaglingkod minsan nguni’t hindi nakapanatiling tapat hanggang katapusan ay ibinibilang ng Diyos sa mga makasalanan, nang sa gayon lumakad sila sa payo ng makasalanan at maging bahagi ng kanilang magulong karamihan; sa katapusan, wawasakin sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o nag-alay ng anumang pagsisikap, at wawasakin silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, lalong hindi makapapasok tungo sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos nguni’t napilit ng kalagayan sa pakikitungo sa Kanya nang paimbabaw ay ibibilang doon sa mga taong naglingkod para sa Kanyang bayan. Maliit na bilang lamang ng gayong mga tao ang mananatiling buháy, samantalang ang karamihan ay mamamatay kasama ng mga ni hindi kwalipikadong magsagawa man lamang ng paglilingkod. Panghuli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian lahat niyaong kapareho ng isipan ng Diyos, ang mga tao at mga anak-na-lalaki ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Ang gayon ay ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. At para sa mga yaong hindi mapapabilang sa mga kategoryang inilatag ng Diyos, sila ay ibibilang kasama ng mga hindi sumasampalataya. At tiyak na inyong maguguni-guni kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasya kung alin ang landas na inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maintindihan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay para sa sinuman na hindi nakasasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng kaawaan sa sinumang tao."

mula sa "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan"

"Na nagagawa mong tanggapin ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at pagpipino ng mga salita ng Diyos, at, higit sa rito, nagagawang tanggapin ang mga pag-aatas ng Diyos, ay itinalaga ng Diyos sa pasimula ng panahon, at kaya hindi ka dapat masyadong nababagabag kapag ikaw ay kinakastigo. Walang sinuman ang makakaagaw sa gawain na ginawa sa inyo, at sa mga pagpapala na ipinagkaloob sa inyo, at walang sinuman ang makakaagaw sa lahat ng mga ibinigay na sa inyo. Ang mga tao ng relihiyon ay hindi papayag na ihambing sa inyo. Hindi ninyo taglay ang malaking kahusayan sa Biblia, at hindi nasasangkapan ng relihiyosong teorya, ngunit dahil ang Diyos ay gumawa sa inyo, nagkamit kayo nang higit sa kaninuman sa kabuuan ng mga kapanahunan—at kaya ito ang inyong pinakamalaking pagpapala. Dahil dito, lalo kayong dapat magtalaga sa Diyos, at lalo pang maging tapat sa Diyos. Sapagkat ibinangon ka ng Diyos, dapat mong patibayin ang iyong mga pagsisikapat dapat ihanda ang iyong tayog upang tanggapin ang mga pag-aatas ng Diyos. Dapat kang manindigan sa dako na ibinigay sa iyo ng Diyos, hangarin ang pagiging isa sa sambayanan ng Diyos, tanggapin ang pagsasanay ng kaharian, makamit ng Diyos at sa bandang huli ay maging isang maluwalhating tipan sa Diyos. Ilan sa mga katatagang ito ang taglay mo? Kung taglay mo ang gayong mga katatagan, kung gayon sa bandang huli tiyak kang makakamtan ng Diyos, at magiging isang maluwalhating tipan sa Diyos. Dapat mong maunawaan na ang pangunahing pag-aatas ay pagiging nakamtam ng Diyos at pagiging isang maluwalhating tipan sa Diyos. Ito ang kalooban ng Diyos."

mula sa "Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos"

"Sa harap ng kalagayan ng tao at sa kanyang saloobin tungo sa Diyos, ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, pinahihitulutan ang tao na taglayin pareho ang kaalaman ukol sa at pagkamasunurin tungo sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang kapinuhan ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pakikitungo at pagpungos sa kanya, kung wala ito hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at sumaksi sa Kanya. Ang kapinuhan ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa kapakanan ng isang may kinikilingang epekto, ngunit para sa kapakanan ng isang epekto na maraming bahagi. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng kapinuhan sa kanila na nakahandang hangarin ang katotohanan, upang ang paninindigan at pag-ibig ng tao ay gawing perpekto ng Diyos. Sa kanilang mga nakahandang hanapin ang katotohanan, at nananabik para sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o ang mayroong mas malaking maitutulong, kaysa sa kapinuhan na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagkat ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa pagtatapos ng araw, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling maunawaan niyaong ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang paninindigan na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya magdurusa, at hindi pinino o hinatulan, kung gayon ang kanyang paninindigan ay hindi magiging perpekto."

mula sa "Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Kapinuhan Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos"

Mula sa ilang talata ng mga Salita ng Diyos sa itaas, maaari nating makita ng malinaw na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng pagdadalisay sa tao, pagliligtas sa tao, at pagpeperpekto sa tao. Ang unang gawain ng paghatol ay paglupig sa tao at pagkatapos ay pagpeperpekto sa tao. Tunay lamang na makakasunod ang isang tao sa gawain ng Diyos matapos itong malupig, hahangarin ang katotohanan at papasok sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos, at unti-unting gawing perpekto ng Diyos. Tanging ang mga tao lamang na nalupig ng Salita ng Diyos ang tunay na maaaring lumuhod sa harap ng Diyos, magkakaroon ng isang pusong gumagalang sa Diyos at sumusunod sa gawain ng Diyos. Tanging ang mga tao lamang na nalupig ng mga salita ng Diyos ang maaring makaalam na ang disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapalampas sa pagkakasala. Tanging ang ganitong mga tao lamang ang maaaring makaalam na ang katiwalian ng tao ay lumalalim, na sila ang mga tipo na nagrerebelde laban sa Diyos at lumalaban sa Diyos, na sila ay puno ng mala-satanas na disposisyon, at walang humpay at mapusok na nagrerebelde at lumalaban sa Diyos. Tanging ang mga tao lamang na nilupig ng mga salita ng Diyos ang malinaw na nakakakita na ang tiwaling sangkatauhan ay hindi karapatdapat na makatagpo ang Diyos; maaari lamang silang maging matapat at magpakabuti sa pagtanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, upang magtamo ng pagdadalisay at makamit ang kaligtasan. Tanging ang tao lamang na ito ang tunay na lumalapit sa Diyos at sumusunod sa gawain ng Diyos. Tanging pagkatapos lamang na malupig na ang isang tao ay makakapagsimulang maghanap sa katotohanan at sumunod sa gawain ng Diyos upang makapasok sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos, at pagkatapos ay makamtan ang kaligtasan at pagka-perpekto ng Diyos.

mula sa “Paano Malalaman ang Gawain ng Paghatol at Pagkastigo ng Diyos sa mga Huling Araw” sa Koleksyon ng mga Sermon—Panustos para sa Buhay

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento