Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)
Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; isa lamang siyang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kasunod ng bautismo ni Jesus, “ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya tulad ng isang kalapati.” Sinimulan na Niya ang Kanyang gawain, iyon ay, sinimulan Niyang isagawa ang ministeryo ni Cristo. Iyon ang dahilan kung bakit ginampanan Niya ang katauhan ng Diyos, sapagkat Siya ay nagmula sa Diyos. Anuman ang katayuan ng Kanyang pananampalataya bago ito—marahil kung minsan ito ay mahina, o kung minsan ito ay malakas—iyon lamang ang Kanyang normal na buhay bilang tao bago Niya ginanap ang Kanyang ministeryo. Pagkatapos Siyang binautismuhan (pahiran), agad Siyang nagkaroon ng kapangyarihan at ng kaluwalhatian ng Diyos, at sa gayon ay nagsimulang ganapin ang Kanyang ministeryo.