Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katanyagan at Pera. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katanyagan at Pera. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 8, 2019

Tagalog Christian Movie 2019 | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Tagalog Christian Movie  | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho. Para kumita ng mas malaki, nagdalawang trabaho si Ding Ruilin. Dahil sa bigat ng kanyang trabaho at pagwawalang-bahala ng mga tao sa kanyang paligid, napagtanto niya ang sakit at kawalan ng kakayahang mabuhay para kumita. Sa gitna ng kanyang pasakit at pagkalito, nakilala niya ang kaklase niya sa high school na si Lin Zhixin. Sa kanilang mga pag-uusap, nakita ni Ding Ruilin na maraming bagay nang nauunawaan si Lin Zhixin dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Sa presensya ng Diyos, nadarama niya ang espirituwal na kapayapaan at kaligayahan at pahingado at maginhawa ang kanyang buhay, kaya ginusto ni Ding Ruilin na maniwala rin sa Diyos. Di naglaon, para kumita ng mas malaki, pumalit si Ding Ruilin at ang kanyang asawa sa isang restawran, ngunit dahil sa pangmatagalang kapaguran ay nagkasakit nang malubha si Ding Ruilin, kaya nanganib siyang maparalisa. Dahil sa hirap ng kanyang karamdaman, nagsimula si Ding Ruilin na magnilay-nilay tungkol sa buhay. Para saan dapat mabuhay ang tao? Sulit bang isakripisyo ang buhay mo para sa kayamanan at katanyagan? Matutulungan ba ng pera ang mga tao na matakasan ang kahungkagan at kalungkutan? Maililigtas ba nito ang mga tao mula sa kamatayan? Sa pagbabahagi ng kanyang mga kapatid na babae ng salita ng Diyos, malinaw na nakita ni Ding Ruilin ang mga sagot sa mga tanong na ito tungkol sa buhay, nalaman niya ang pinakamahalagang bagay na dapat hangarin sa buhay, at sa huli’y natagpuan niya ang espirituwal na paglaya. Sa patnubay na nasa salita ng Diyos, sa wakas ay natuklasan ni Ding Ruilin ang kaligayahan sa buhay…
Rekomendasyon:Filipino Variety Show

Peb 17, 2019

Katanyagan at Pera | Ang Lihim na Payo Upang Lutasin ang Poot

Xiao Wu

Ako ay may sariling pinagkakakitaan. Pangunahing itininda ko ang lahat ng uri ng tela, at gumawa din ako ng mga damit para sa aking mga parokyano bilang pandagdag ng kita. Pagkalipas ng ilang taon, ang aking negosyo ay naging mas kilala at ang mga tao sa paligid ko ay naging lubhang maiingitin. Hindi nagtagal, isang kapitbahay ang nagbukas ng kaparehong uri ng tindahan kagaya ng sa akin at naging katunggali ko. Mangyari pa, ang negosyo sa aking tindahan ay naapektuhan. Sinasabi ng kilalang kawikaan na ang dalawa sa isang kalakalan ay hindi kailanman nagkakasundo, ngunit ang aking kasama ay hindi lamang basta sinuman, ngunit ang aking lubos na pinagkakatiwalaang mag-aaral, si Xiaochen.

Ene 5, 2019

Pananampalataya at Buhay | Nakakapagpalaya ang Pagtapon sa Kapangyarihan ni Satanas

Momo    Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui



Bago ako naniwala sa Diyos, anuman ang ginagawa ko, hindi ko ginustong mapag-iwanan. Handa akong tanggapin ang anumang paghihirap hangga't nangangahulugan ito na maaari akong umangat kaysa kaninuman. Matapos kong tanggapin ang Diyos, nanatiling pareho ang aking saloobin, dahil matibay akong naniwala sa kasabihang, "Walang paghihirap, walang makakamtam," at nakita ko ang aking saloobin bilang patunay ng aking adhikain. Nang ibunyag ng Diyos ang katotohanan sa akin, sa wakas ay nalaman ko na ako ay nabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, nabubuhay sa ilalim ng kaharian nito.