Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagbabalik sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagbabalik sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 2, 2019

Tagalog Christian Crosstalk | "Paggising" | Wise Virgins Hear the Voice of God and Welcome the Lord


Tagalog Christian Crosstalk | "Paggising" | Wise Virgins Hear the Voice of God and Welcome the Lord


Sina Kagigising at Gigising ay mga mangangaral ng isang sektang Kristiyano na kapwa taimtim na naniniwala sa Panginoon, at sabik na naghihintay sa Kanyang pagbabalik. Pero palagi silang naguguluhan at nalilito tungkol sa kung paano kakatok sa pinto ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik, at ano ang dapat nilang gawin para salubungin Siya. Nang kumatok ang isang sister sa kanyang pinto nang ilang beses para ipangaral ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, nagising rin sa wakas si Kagigising sa katotohanan sa mahabang panahon ng paghahanap at pagsisiyasat. Nang marinig ang karanasan ni Kagigising, nagising din si Gigising mula sa kanyang pagkalito, at nalaman niya na matagal nang dumating nang lihim ang Panginoon, na Siya ay nagkatawang-tao para ipahayag ang Kanyang mga salita, na ginagamit Niya ang Kanyang mga salita sa pagkatok sa puso ng tao at, sa pakikinig nang mabuti sa tinig ng Diyos, nagagawang salubungin ng matatalinong dalaga ang pagbabalik ng Panginoon at sundan ang mga yapak ng Diyos!

        Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/videos/waking-up.html
Rekomendasyon: Filipino Variety Show

Mar 7, 2019

Tagalog Christian Songs | Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan ay Hindi Kailanman Nagbago



Tagalog Christian Songs | Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan ay Hindi Kailanman Nagbago


I
Mula nang nilikha Niya ang tao sa simula,
naghangad ang Diyos ng 'sang grupo,
'sang grupo ng mga mananagumpay,
'sang grupo na lalakad kasama Niya at kayang umintindi,
umunawa, makaalam ng Kanyang disposisyon.
'Di alintana kung gaano pa Siya katagal maghintay,
'di alintana kung gaano kahirap ang daang haharapin,
gaano man kalayo ang mga hinahangad Niyang layunin,
'di nagbago o sumuko ang Diyos sa mga inaasahan Niya sa tao.
Itong hiling ng Diyos ay 'di nagbago kailanman.
Itong hiling ng Diyos ay nananatiling pareho.
Itong hiling ng Diyos ay 'di nagbago kailanman.
Itong hiling ng Diyos,
itong hiling ng Diyos ay 'di kukupas kailanman.

Peb 24, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Pag-alpas sa Ulap upang Makita ang Liwanag

Faith China

Isa akong karaniwang manggagawa. Noong katapusan ng Nobyembre 2013, nakita ng isa kong kasamahan sa trabaho na ako at ang aking asawa ay laging nag-iingay tungkol sa maliliit na bagay, na araw-araw ay nababalisa at namimighati kami, kaya ipinasa niya sa amin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, natutunan namin na nilikha ng Diyos ang mga langit at lupa at lahat ng bagay, at ang buhay ng tao ay ipinagkaloob sa kanya ng Diyos. Naunawaan din namin ang katotohanan ng misteryo ng anim na libong taon na plano ng pamamahala, ang misteryo ng pagkakatawang-tao, ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, ang kahalagahan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at iba pang bagay. Naisip ko at ng aking asawa na isang malaking pagpapala ang pagtuklas sa pagdating ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan sa ating buong buhay. Malugod naming tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at humantong sa isang buhay sa iglesia. Sa ilalim ng patnubay ng salita ng Diyos, pareho kaming nagsikap na makamit ang katotohanan at baguhin ang aming mga sarili, at kapag may nangyaring isang bagay at nagsimula kaming magtalo, hindi na lang kami maghahanap ng kapintasan sa isa’t isa gaya ng dati naming ginagawa, ngunit sa halip ay magninilay kami sa aming mga sarili at susubukang makilala ang aming sarili. Pagkatapos nun, kumilos kami sa isang paraan na tinalikuran ang laman alinsunod sa mga kahilingan ng Diyos, at naging lalong mas mabuti ang aming relasyon bilang mag-asawa, at naging mapayapa at panatag ang aming mga puso. Nadama namin na tunay na mabuti ang paniniwala sa Diyos. Gayunman, habang maligaya at masaya kami sa pagsunod sa Diyos, habang tinatamasa namin ang pinagpalang buhay, naharap kami sa isang marahas na pag-atake na nagmumula sa aming mga pamilya.... Nang nawawala ako sa aking landas, ang salita ng Diyos ang gumabay sa akin upang makita ang plano ni Satanas, at upang lumusot sa ulap at pumasok sa nagliliwanag at tamang landas ng buhay.