Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking naipahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao ay maaaring maging kaayon sa Akin. Ngunit kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na kaayon sa Akin, at kaya Aking sinasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi kaayon sa Akin. Sa paraang ito, ang gawaing Aking ginagawa ay hindi lamang upang Ako ay sambahin ng tao; ang mas mahalaga, ito ay upang maging kaayon sa Akin ang tao. Ang mga taong nagawang masama, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Araw-araw silang naghahanap ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong nakatatagpo ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang mga kasulatan.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkilala kay Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkilala kay Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ago 23, 2019
Mar 25, 2019
Pagkilala kay Cristo|Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?
Pagkilala kay Cristo|Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa” (Juan 14:6, 10-11).
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)