Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Persecution. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Persecution. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 27, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"


Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.

Si Yu Congguang ay isang evangelista na gagawa ng mapanganib na pagtakas mula sa isang maramihang pag-aresto ng CCP. Pagkatapos niyon, pupunta siya sa bahay ng Kristiyanong si Chen Song'en ng Three-Self Patriotic Movement. Gigibain ng CCP ang simbahan ng Three-Self Patriotic Movement ni Chen Song'en, at ipagdarasal ng ilan sa simbahan, matapos makinig sa mga turo ng kanilang mga pastor at elder, ang rehimeng CCP, sa paniwalang sa paggawa nito, sinusunod nila ang mga salita ng Panginoong Jesus na, "Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig" (Mateo 5:44). Gayunman, maraming nananalig ang nalilito, dahil sa kabila ng katotohanan na matagal na nilang ipinagdarasal na mapagpala ang CCP, hindi lamang hindi nagsisi ang CCP, kundi giniba pa ang kanilang simbahan. Nagtaka sila: Talaga bang naaayon sa kalooban ng Diyos ang pagdarasal para sa CCP? Magtatalo ang kongregasyon tungkol sa tanong na ito pero hindi sila magkakasundo. Kalaunan, sa pagbasa sa mga salita ng Diyos at pagbabahagi ni Yu Congguang at ng kanyang kasamahan, malalaman ni Chen Song'en at ng iba pa ang tunay na kahulugan ng turo ng Panginoong Jesus na "ibigin ang inyong mga kaaway." Mahihiwatigan din nila ang kademonyohan ng CCP, na labanan ang Diyos at kamuhian ang katotohanan, at malinaw nilang makikita ang mapanganib na mga bunga ng pagsunod sa mga pastor at elder sa Three-Self church at pag-asa sa proteksyon ng isang napakasamang namumunong kapangyarihan …

      Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/videos/after-the-church-falls-movie.html

Set 19, 2019

Maikling Dula | "Bantayan ang Bahay na Ito" | Why Are Christians Treated Like This?


Maikling Dula | "Bantayan ang Bahay na Ito" | Why Are Christians Treated Like This?


Sa China, inuusig ng CCP ang mga Kristiyano hanggang sa mahirapan na silang umuwi, kaya madalas ay kung saan-saan na lang sila nakatira. Sa dulang ito, isang mag-asawang Kristiyano, na nainis na sa pag-monitor sa kanila sa nayon nila dahil sa paniniwala sa Diyos, ang nagpasiyang lumipat sa lungsod at mangupahan sa apartment, pero hindi nagtagal, ang pulis ng CCP, miyembro ng neighborhood committee, security guard, at isang walang-modong kapitbahay ang nagsimulang bumisita nang sunod-sunod para "tulungan ang matandang mag-asawa na bantayan ang apartment nila." Muling nainis sa pagmamanman, nagpasiya ang mag-asawa na mag-impake at muling lumipat …


Rekomendasyon: Filipino Variety Show

May 17, 2019

Christian Maiikling Dula | "Mga Pakana ng mga Pulis" | The CCP's New Tricks for Persecuting Christians


Maikling Dula | "Mga Pakana ng mga Pulis" | The CCP's New Tricks for Persecuting Christians


Para maalis ang mga paniniwala sa relihiyon, madalas magsagawa ang ateistang gobyerno ng CCP ng mga hakbang para bantayan ang mga Kristiyano gaya ng pagmamanman at pagsunod sa kanila sa tangka nitong malinis at maalis ang mga ito. Ang palabas na Mga Pakana ng mga Pulis ay tungkol sa pagsasabwatan ng mga nagpapanggap na opisyal ng CCP at ng katulong na opisyal, na isang asno sa balat ng leon, na nagmamanman para maaresto ang mga Kristiyanong nagpupulong sa bahay ni Zhao Yuzhi. Paano haharapin ni Zhao Yuzhi at ng kanyang pamilya ang masamang panlalansi ng pulisya ng Tsina? Anong gulo ang sasapitin nila?   

May 3, 2019

Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon | "Sino ang Nagtulak sa Kanya sa Dulo ng Landas"


Tagalog Christian Movies | "Sino ang Nagtulak sa Kanya sa Dulo ng Landas"


Mula noong naluklok ito sa kapangyarihan sa kalakhang lupain ng China noong 1949, walang-humpay na ang Chinese Communist Party sa pang-uusig nito sa pananampalatayang panrelihiyon. Parang baliw nitong inaresto at pinatay ang mga Kristiyano, pinatalsik at inabuso ang mga misyonerong nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang hindi mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at sinira ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang lipulin ang lahat ng tahanang iglesia.

Abr 17, 2019

Ebangheliyong pelikula | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Tagalog Christian Movies | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia.