Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kalayaan ng Paniniwala sa Relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kalayaan ng Paniniwala sa Relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 27, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"


Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.

Si Yu Congguang ay isang evangelista na gagawa ng mapanganib na pagtakas mula sa isang maramihang pag-aresto ng CCP. Pagkatapos niyon, pupunta siya sa bahay ng Kristiyanong si Chen Song'en ng Three-Self Patriotic Movement. Gigibain ng CCP ang simbahan ng Three-Self Patriotic Movement ni Chen Song'en, at ipagdarasal ng ilan sa simbahan, matapos makinig sa mga turo ng kanilang mga pastor at elder, ang rehimeng CCP, sa paniwalang sa paggawa nito, sinusunod nila ang mga salita ng Panginoong Jesus na, "Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig" (Mateo 5:44). Gayunman, maraming nananalig ang nalilito, dahil sa kabila ng katotohanan na matagal na nilang ipinagdarasal na mapagpala ang CCP, hindi lamang hindi nagsisi ang CCP, kundi giniba pa ang kanilang simbahan. Nagtaka sila: Talaga bang naaayon sa kalooban ng Diyos ang pagdarasal para sa CCP? Magtatalo ang kongregasyon tungkol sa tanong na ito pero hindi sila magkakasundo. Kalaunan, sa pagbasa sa mga salita ng Diyos at pagbabahagi ni Yu Congguang at ng kanyang kasamahan, malalaman ni Chen Song'en at ng iba pa ang tunay na kahulugan ng turo ng Panginoong Jesus na "ibigin ang inyong mga kaaway." Mahihiwatigan din nila ang kademonyohan ng CCP, na labanan ang Diyos at kamuhian ang katotohanan, at malinaw nilang makikita ang mapanganib na mga bunga ng pagsunod sa mga pastor at elder sa Three-Self church at pag-asa sa proteksyon ng isang napakasamang namumunong kapangyarihan …

      Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/videos/after-the-church-falls-movie.html

Ago 18, 2019

Tagalog Christian Skit | "Tagamanman ng Komunidad" | Why Does the CCP Closely Monitor Christians?


Tagalog Christian Skit | "Tagamanman ng Komunidad" | Why Does the CCP Closely Monitor Christians?


Ang Chinese Communist Party, upang puksain ang pananampalatayang pang-relihiyon, ay gumagamit ng mga kumite sa komunidad at iba't ibang tao para mahigpit na manmanan ang mga Kristiyano at pinatutupad ang sistemang "pabuya sa pagsusumbong" sa pagtatangkang mahuli ang bawat Kristiyano. Ang maikling dula na pinamagatang "Tagapagmanman ng Komunidad" ay sumusuri kung paanong ang Kristiyanong si Lin Min, nang dahil sa reputasyon nang pananalig sa Diyos, ay palihim na sinubaybayan ng opisyal ng kumite sa komunidad. Isang araw, dalawang kapatid sa pananampalataya ang pumunta sa bahay niya, at matapos mag-imbistiga ang direktor ng kumite sa pamamagitan ng iba't ibang paraan, tumawag ito agad sa pulisya ng CCP. Sa harap ng ganitong napakahirap na pangyayari, paano pa nagagawang magtiwala si Lin Min sa Diyos at nagtitiis? Sa bandang huli, magagawa kaya niya at ng kanyang mga kapatid sa pananampalataya na matakasan ang mga pulis ng CCP?


Rekomendasyon:Tagalog Christian Movies

Peb 1, 2019

Mga Movie Clip | Tagalog Christian Movies | Bakit Pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos (6)



Mga Movie Clip | Tagalog Christian MoviesBakit Pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos (6)


Ang Chinese Communist Party ay isang napakasamang rehimen na talagang galit sa katotohanan at sa Diyos. Alam nito na nag-iisa ang Makapangyarihang Diyos sa mundo na makapagpapahayag ng katotohanan. Ang Makapangyarihang Diyos ay nasa proseo ng pagliligtas sa mga huling araw. Kung ipinalalaganap ang salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga tao, lahat ng nagmamahal sa katotohanan ay babalik sa Kanya. Ilalantad ang Chinese Communist Party na mukhang demonyo, ang tunay na mukha nito, na galit sa katotohanan at kumakalaban sa Diyos. Sa gayo'y tatalikuran ng buong sangkatauhan ang Chinese Communist Party. Hindi na rin ito mapanghahawakan sa China. Hindi na rin nito magagawang tiwali at mabibitag ang mga mamamayan sa mundo.

Ene 13, 2019

Christian Maiikling Dula |  "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes


Christian Maikling Dula |  "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes


Ikinukuwento ng maikling dula na Ang Mayor ng Barrio ang tunay na kuwento ng isang mag-asawang Kristiyano na napilitang tumakas dahil sa pang-uusig ng pamahalaang CCP. Hinatulan ng CCP ang Kristiyanong si Liu Ming'en ng pitong taong pagkabilanggo dahil sa paniniwala sa Diyos. Maging noong nakalabas na siya sa bilangguan, nanatili siyang target ng masidhing paniniktik ng CCP. Ginagamit ng mayor ng barrio ang sistemang pananagutan ng limang-sambahayan, mga camerang pang-seguridad, pagdalaw sa bahay, at iba pang mga paraan para mapigilan si Liu Ming'en at ang asawa niya na sumampalataya sa Diyos, ngunit hindi nakamit ng mga ito ang inaasam na epekto. Ngayon, nakatanggap na naman ang mayor ng prayoridad na sulat mula sa Sentral na Partido, matapos nito sinusubukan niyang mag-isip ng mga paraan para puwersahin si Liu Ming'en at ang asawa niya na pumirma ng sulat na nangangakong itigil ang paniniwala sa Diyos.