Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristiyano. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristiyano. Ipakita ang lahat ng mga post

May 17, 2019

Christian Maiikling Dula | "Mga Pakana ng mga Pulis" | The CCP's New Tricks for Persecuting Christians


Maikling Dula | "Mga Pakana ng mga Pulis" | The CCP's New Tricks for Persecuting Christians


Para maalis ang mga paniniwala sa relihiyon, madalas magsagawa ang ateistang gobyerno ng CCP ng mga hakbang para bantayan ang mga Kristiyano gaya ng pagmamanman at pagsunod sa kanila sa tangka nitong malinis at maalis ang mga ito. Ang palabas na Mga Pakana ng mga Pulis ay tungkol sa pagsasabwatan ng mga nagpapanggap na opisyal ng CCP at ng katulong na opisyal, na isang asno sa balat ng leon, na nagmamanman para maaresto ang mga Kristiyanong nagpupulong sa bahay ni Zhao Yuzhi. Paano haharapin ni Zhao Yuzhi at ng kanyang pamilya ang masamang panlalansi ng pulisya ng Tsina? Anong gulo ang sasapitin nila?   

May 4, 2019

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay|3 Malalaking Obra Maestra para sa Pagtatagumpay sa mga Tukso sa Digmaang Espirituwal



Hingzing Hilagang Korea

Mga kapatid,

Sumainyo nawa ang kapayapaan ng Panginoon! Kadalasan, ang lahat ng mga uri ng digmaang espirituwal ay magaganap sa buong panahon ng ating pananampalataya sa at pagsunod sa Diyos. May mga tukso na may kinalaman sa salapi, katayuan at pangalan, at mga tukso sa pagitan ng mga lalaki at mga babae, gayundin ang paninirang-puri ng mga hindi mananampalataya, paghadlang at paniniil mula sa mga mahal sa buhay, gayundin ang pagtugis at pag-uusig ng isang mala-satanas na rehimen.

Dis 3, 2018

Ang Pagsugpo at Pagpapahirap ng Gobyerno ng Tsina sa mga Kristiyano: Ang Matibay na Ebidensya


Pelikulang Kristiyano | Ang Pagsugpo at Pagpapahirap ng Gobyerno ng Tsina sa mga Kristiyano: Ang Matibay na Ebidensya


Simula nang umupo sa kapangyarihan ang ateistang Partido Komunista ng Tsina, ipinagpatuloy nito ang matinding pagkalaban sa Diyos at ang pagiging kaaway Niya. Hindi lamang nila binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang "mga kulto," ngunit tinawag din nila ang Biblia bilang aklat ng kulto, hindi mabilang ang mga kinukuha at winawasak nilang kopya. Walang-awa rin nilang binihag ang mga Kristiyano, dahilan para maaresto at mabilanggo ang halos isang milyong mananampalataya. Sa kanila, umabot na ng halos 10,000 katao ang pinahirapan hanggang sa mamatay.

Okt 14, 2018

Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?


Ttagalog Dubbed Movies | Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?


Alam ng maraming tao ang tungkol sa insidente ng Zhaoyuan sa Shandong ng gumulantang sa Tsina at sa buong mundo, at nagbunga ng maraming hinala tungkol sa insidente.

Set 11, 2018

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)


Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya.

Hun 29, 2018

Tagalog Christian Movie | "Hindi Pa Tapos Ang Partido" A Christian's Experience of Being Persecuted


Si Li Ming’ai ay mula sa mainland China. Isa siyang babaing may mabuting pagkatao, na iginagalang ang kanyang mga biyenan niya, tinutulungan ang asawa niya, at tinuturuan ang kanyang anak at may masaya at mapayapang pamilya . Gayunman, sa China, kung saan ateismo ang may hawak ng kapangyarihan, laging marahas na inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ang mga taong nananalig sa Diyos. Nuong 2006, si Li Ming’ai ay inaresto at pinagpiyansa dahil sa kanyang pananalig sa Diyos. Nuong makauwi na si Li Ming’ai, siya at ang kanyang pamilya ay madalas nang pagbantaan at tinatakot ng mga pulis ng komunistang China, pati ang kanyang pamilya at at sinusubukan siyang hadlangan na ipagpatuloy ang pananalig niya sa Diyos. Isang araw, habang wala sa bahay si Li Ming’ai at nakikipagpulong, ini-report siya ng isang informer. Pumunta ang mga pulis sa kanyang bahay at sinubukan siyang arestuhin. Napilitan siyang lisanin ang tahanan niya, at mula nang oras na iyon, nabuhay si Li Ming’ai na patago-tago sa iba’t ibang lugar at palipat-lipat ng tirahan. Hindi pa rin siya tinantanan ng mga komunistang pulis, palagi pa ring minamanmanan ang kanyang tahanan, at naghihintay ng pagkakataon na arestuhin siya. Isang gabi, palihim na umuwi si Li Ming’ai sa kanyang bahay para makita ang kanyang pamilya, pero agad na nagdatingan ang mga pulis para siya arestuhin. Sa kabutihang palad may nagsabi kay Li Ming’ai, kaya nakatakas siya.

Makalipas ang tatlong taon, habang sinasanay niya ang kanyang pananampalataya at ginagawa niya ang tungkulin niya nang malayo sa kanyang tahanan, sinundan siya at inaresto ng mga Komunistang pulis ng China. Isinagawa ng mga pulis ang hindi makataong pagpapahirap at pananakit kay Li Ming’ai, at ginamit ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya para painan siya. Gumamit sila ng mga pagbabanta gaya ng pagkakait sa kanyang anak ng karapatang makapag-aral, at harangin ang pagkakataon ng bata na makapagtrabaho sa gobyerno sa hinaharap para lang mapilitan siyang talikuran ang kanyang pananampalataya sa Diyos, ipagkanulo ang mga namumuno sa iglesya, at isiwalat ang pondo ng iglesya. Nang panahong iyon, nanalangin si Li Ming’ai at inilagay ang kanyang pananalig sa Diyos. Natagpuan niya sa salita ng Diyos ang kaliwanagan at pamamatnubay. Natiis niya ang pagpapahirap at pananakit ng mga pulis, nakita niya ang mga panlilinlang ni Satanas, at nanindigan na hindi niya pagtataksilan ang Diyos. Matatag siyang nagpatotoo para sa Diyos. Hindi nagbunga ang pagtatanong ng mga pulis, at napahiya sila sa galit. Dinala nila si Li Ming’ai sa sarili niyang bayan nang nakadamit-bilanggo, ipinarada siya para makita ng lahat. Ginawa nila iyon para ipahiya siya, at para hikayatin ang kanyang pamilyana pakiusapan siyang pagtaksilan ang Diyos, at ibenta ang iglesya. Ikinagalit ni Li Ming’ai kung paano isinisisi ng mga komunista ang paghihirap ng kanyang pamilya sa pananalig niya sa Diyos. Puno ng makatwirang galit, isiniwalat ni Li Ming’ai ang masamang katotohanan kung paano inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ng China ang mga Kristiyano. Ipinahayag niya na ang pamahalaang komunista ang tunay na tagapangwasak ng mga pamilyang Kristiyano, na ito ang pusakal na kriminal na nagdadala sa mga tao ng lahat ng uri ng kalamidad. Samakatwid, si Ling Ming’ai ang naghahatid ng lubusan at kahiya-hiyang pagkatalo sa mga komunistang Chinese.



May 14, 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (5)


Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos