Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (4)
Ang kapayapaan at kagalakan na Aking sinasalita sa kasalukuyan ay hindi kagaya ng mga pinaniniwalaan mo at nauunawaan. Iniisip mo dati na ang kapayapaan at kagalakan ay nangangahulugan ng pagiging masaya buong araw, sa kawalan ng sakit at kasawian sa iyong sambahayan, palaging nagagalak sa iyong puso, nang walang mga pakiramdam ng kalungkutan, at isang hindi mailarawan na kagalakan sa loob mo maging anuman ang lawak ng iyong sariling buhay. Iyon ay karagdagan sa umento sa sahod ng iyong asawa at ang iyong anak na lalaki na papasok lang sa pamantasan. Sa pag-iisip sa mga bagay na ito, nanalangin ka sa Diyos, nakita mo na ang biyaya ng Diyos ay napakadakila, ikaw ay napakasaya na umaabot ang iyong ngiti sa magkabilang tainga, at hindi mo mapigilan ang pagpapasalamat sa Diyos. Ang gayong kapayapaan at kagalakan ay hindi tunay na kagalakan at kapayapaan, ni hindi ito ang kapayapaan at kagalakan sa pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu. Ito ang kapayapaan at kagalakan ng kasiyahan ng iyong laman. Dapat mong maunawaan kung ano na ang kapanahunan sa kasalukuyan; ngayon ay hindi ang Kapanahunan ng Biyaya, at hindi na ang panahon nang ang hinahanap mo ay punuin ang iyong tiyan ng tinapay. Maaaring umaapaw ang iyong galak sapagkat maayos ang lahat sa iyong sambahayan, ngunit ang iyong buhay ay naghihingalo--at kung gayon, hindi alintana kung gaano man katindi ang iyong kagalakan, ang Banal na Espiritu ay hindi sumasaiyo. Ang pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu ay simple: gawin mo ang dapat mong gawin nang maayos, gampanan ang tungkulin at ginagawa ng tao nang mabuti, magawang sangkapan ang iyong sarili ng mga bagay na iyong kailangan at punan ang iyong mga pagkukulang. Kung ikaw ay palaging mayroong kabigatan sa iyong buhay, at masaya sapagkat nakakita ka ng isang katotohanan o naintindihan ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan, ito ay totoong pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu. Maaaring ikaw ay masakop ng kabalisahan kapag ikaw ay nakasasagupa ng isang bagay na hindi mo nalalaman kung paano mararanasan, o kapag hindi mo magawang makita ang isang katotohanan na ibinahagi--pinatutunayan nito na ang Banal na Espiritu ay kasama mo; ito ay karaniwang kalagayan sa karanasan sa buhay. Kailangan mong maintindihan ang pagkakaiba sa pagitan ng pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu at ang hindi pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu, at hindi dapat maging masyadong karaniwan ang iyong pananaw ukol dito.