Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Kakanyahan at Pagkakakilanlan ng Tao
Sa katunayan, sila ay hindi nabigo, at sila ay nagbabantay na sa nagáwâ na sa loob ng huling anim-na-libong taon magpahanggang ngayon, sapagka’t hindi Ko sila tinalikuran. Sa halip, dahil kinain ng kanilang mga ninuno ang “bunga”mula sa punò ng kaalaman ng mabuti at masámâ na ipinakita ng diyablo, tinalikuran nila Ako para sa kasalanan. Ang mabuti ay nabibilang sa Akin, samantalang ang masámâ ay nabibilang sa diyablo na nanlilinlang sa Akin alang-alang sa kasalanan. Hindi Ko sinisisi ang mga tao, ni winawasak Ko sila nang walang-awa o isinasailalim sila sa walang-awang pagkastigo, sapagka’t ang masama ay hindi orihinal na nabibilang sa sangkatauhan. Samakatuwid kahit na ang mga Israelitang yaon ay ipinako Ako sa krus sa publiko, sila, na naghihintay sa Mesias at
Jehova at naghahangad para sa Tagapagligtas na si Jesus, ay hindi nakakalimot sa Aking pangako. Ito ay sa kadahilanang hindi Ko sila pinababayaan. Matapos ang lahat, ginamit Ko ang dugo bilang katibayan para sa tipan na itinatag Ko sa mga tao. Ang katunayang ito ay naging ang “dugo ng tipan” na iniukit sa mga puso ng mga kabataan at inosenteng mga tao, na parang ito ay itinatak, at gaya ng walang-hanggang kapwa-pag-iral ng
langit at lupa. Hindi Ko kailanman dinaya ang mga malulungkot na kaluluwang yaon na Aking tinubos, natamo, at umiibig sa Akin nang higit kaysa sa diyablo pagkatapos Kong italaga at piliin sila. Samakatuwid, sila ay nananabik na inaasahan ang Aking pagbabalik at nananabik na hinihintay ang pakikipagtagpo sa Akin. Yamang hindi Ko kailanman binura ang tipan na itinatag Ko sa kanila sa pamamagitan ng dugo, hindi nakakagulat na sila ay sabik na naghihintay. Muli Kong huhulihin ang mga tupang ito na nawala nang maraming taon, sapagka’t palagi Kong minamahal ang mga tao. Dahil sa mga elemento ng kasamaan na naidagdag sa kabutihan ng tao, bagaman makakamit Ko ang mga kawawang kaluluwa na nagmamahal sa Akin at siyang minamahal Ko na, paano Ko maaaring dalhin sa Aking bahay ang mga masasamang yaon na hindi kailanman nagmahal sa Akin at kumilos na parang mga kaaway? Hindi Ko dadalhin sa Aking kaharian ang mga inapo ng diyablo at ahas na namumuhi, sumasalungat, lumalaban, sumasalakay, at sumusumpa sa Akin sa Aking kaharian, kahit na itinatag Ko ang tipan sa mga tao sa pamamagitan ng dugo. Dapat mong malaman kung bakit at para kanino Ko isinasakatuparan ang gawain. Ito ba ay mabuti o masama sa iyong pag-ibig? Kilala mo ba Ako talaga tulad ng pagkakilala nina David at Moises? Tunay ka bang naglilingkod sa Akin gaya ni Abraham? Totoo na ginagawa Kitang perpekto, subali’t dapat mo itong malaman: Sinong kakatawanin mo? Sino ang magkakaroon ng kapareho mong kinalabasan? Sa iyong buhay, mayroon ka bang masaya at masaganang ani sa pamamagitan ng pagkakaranas sa Akin? Ito ba ay masagana at mabunga? Dapat mong suriin ang iyong sarili. Sa maraming taon gumagawa ka para sa Aking kapakanan, nguni’t kahit kailan ba ay may nakuha kang anuman? Nababago ka ba o nakakatamo ng anuman? Bilang kapalit ng iyong karanasan sa paghihirap, nagiging katulad ka ba ni Pedro na napako sa krus, o gaya ni Pablo na pinabagsak at nakatanggap ng isang dakilang “liwanag”? Dapat mong mamalayan ang mga ito. Ako ay hindi patuloy na nagsasalita at nag-iisip tungkol sa iyong buhay na mas maliit pa kaysa buto ng mustasa, na kasinglaki ng isang butil ng buhangin. Sa tapat na pagsasalita, ang sangkatauhan ang Aking pinamamahalaan. Gayunpaman, hindi Ko isinasaalang-alang ang buhay ng tao, na minsan Ko nang kinamuhian nguni’t sa dakong huli ay pinulot Kong muli, bilang isang mahalagang bahagi ng Aking pamamahala. Dapat kang maging malinaw tungkol sa kung ano talaga ang inyong dating pagkakakilanlan at sinong pinaglingkuran ninyo bilang mga alipin. Samakatuwid, Ako ay hindi gumagamit ng mga mukha ng mga tao gaya ni Satanas bilang mga kagamitang panangkap upang pamahalaan sila, sapagka’t ang mga tao ay hindi mahahalagang mga bagay. Dapat ninyong maalala ang Aking pagtingin sa inyo sa pasimula, at ang tawag Ko sa inyo sa panahong iyon na kung saan ay hindi walang praktikal na kabuluhan. Dapat mong malaman na ang “mga sombrero” sa inyong mga ulo ay hindi walang batayan. Aking ipinalalagay na alam ninyong lahat na kayo ay hindi orihinal na nabibilang sa Diyos, subali’t kayo ay nahuli ni Satanas noong matagal na ang nakalipas at nagsilbi sa tahanan nito bilang matapat na mga tagapaglingkod. Matagal na ninyo Akong nakalimutan, dahil matagal na kayong nasa labas ng Aking bahay nguni’t nasa mga kamay ng diyablo. Yaong Aking inililigtas ay yaong Aking itinalaga matagal na ang nakalipas at natubos sa pamamagitan Ko, samantalang kayo ay kaawa-awang mga kaluluwa na inilagay sa gitna ng mga tao bilang isang naibukod sa panuntunan. Dapat ninyong malaman na hindi kayo kabilang sa bahay ni David o ni Jacob, kundi doon kay Moab, na siyang mga kasapi ng isang tribong Gentil. Sapagka’t hindi Ko itinatag ang isang tipan sa inyo, subali’t isinakatuparan lamang ang gawain at nagsalita sa gitna ninyo, at pinangunahan kayo. Ang Aking dugo ay hindi ibinuhos para sa inyo. Isinakatuparan Ko lamang ang Aking gawain sa gitna ninyo alang-alang sa Aking patotoo. Hindi ba ninyo nalaman iyan? Ang Akin bang gawain ay talagang gaya nang kay Jesus na nagdurugo hanggang kamatayan para sa inyo? Hindi ito katumbas ng halaga na nakayanan Ko ang gayong kalaking kahihiyan para sa inyo. Ang Diyos, na ganap na walang kasalanan, sa katunayan ay dumating sa isang lugar na gaya ng lugar para sa mga aso at mga baboy na sukdulang kasumpa-sumpa at nakakainis, at hindi maaaring tirahan ng mga tao. Gayunman, tiniis Ko ang lahat ng mga malupit na kahihiyang ito para sa kaluwalhatian ng Aking Ama at para sa walang-hanggang patotoo. Dapat ninyong malaman ang inyong asal at makita na kayo ay hindi mga anak na isinilang sa “mayayaman at makapangyarihang mga pamilya” kundi maralitang anak lamang ni Satanas. Kayo ay hindi mga tagapagtatag sa gitna ng mga tao, at kayo ay walang karapatang pantao o kalayaan. Kayo sa orihinal ay walang bahaging anuman sa mga pagpapala mula sa alinman sa sangkatauhan o sa kaharian ng langit. Ito ay dahil sa kayo ay nasa kailaliman ng mga tao sa sangkatauhan, at hindi Ko kailanman napag-isipan ang inyong kinabukasan. Samakatuwid, kahit na ito ay orihinal na bahagi ng Aking plano na ngayon ay magkakaroon Ako ng pananampalataya upang gawin kayong perpekto, ito ay isang wala pang nakagagawang gawain, sapagka’t ang inyong estado ay napakababa at sa orihinal ay wala kayong bahagi sa sangkatauhan. Hindi ba ito isang pagpapala sa mga tao?