Sagot: Sa paghihintay na sumalubong sa pagbalik ng Panginoon, lahat tayo’y nagkamali. Hinihintay lang natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiya ng Kanyang pagbaba sakay ng ulap, pero nakaligtaan natin ang iba pang mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Malaking pagkakamali ito! Maraming bahagi ng Biblia ang naglalaman ng mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Halimbawa, ang mga propesiya ng Panginoon: “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15). “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Binabanggit sa mga propesiyang ito ang pagbalik ng Panginoon na “gaya ng magnanakaw,” ang pagdating ng Anak ng tao, na nagsasalita Siya sa mga tao habang kumakatok sa pinto, at iba pa. ‘Di ba nito ipinapakita na sa pagbabalik ng Panginoon, maliban sa pagbaba Niya sa madla na sakay ng ulap, palihim din Siyang bababa? Kung naniniwala tayo na darating lang ang Panginoon na sakay ng ulap, paano matutupad ang mga propesiya na lihim Siyang darating? Pag-isipan mo ‘yan. Kapag bumaba ang Panginoon sakay ng ulap, may mga tanda. ‘Di na magliliwanag ang araw at buwan, mahuhulog ang mga bituin sa langit, at mayayanig at langit at lupa. Nakakayanig talaga ang tagpong ‘yon, at makikita at malalaman ‘yon ng lahat. Kung gayon paano matutupad ang mga propesiya na darating ang Panginoon “gaya ng magnanakaw”, at tatayo sa labas at kakatok sa pinto? Pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap, makikita ‘yon ng lahat. Kailangan bang may magpatotoo na: “Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya”? Sinabi rin ng Panginoong: “Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.” Paano matutupad ang propesiyang ‘yon?
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na itsura. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na itsura. Ipakita ang lahat ng mga post
Dis 31, 2018
Tanong 1: Pinatotohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Imposible! Sinasabi sa Biblia, “Datapuwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:29-30). Kung talagang nagbalik na ang Panginoon, dapat ay nagawa na Niya nang may malaking kaluwalhatian habang bumababa sakay ng ulap. Bukod diyan, nayanig sana ang langit at lupa, at hindi na nagliwanag ang araw at buwan. Sa ngayon hindi pa nakikita ang gayong tanawin, kaya paano nila nasabi na nagbalik na ang Panginoon? Ano ba talaga ang nangyayari?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)