Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na propesiya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na propesiya. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 31, 2018

Tanong 1: Pinatotohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Imposible! Sinasabi sa Biblia, “Datapuwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:29-30). Kung talagang nagbalik na ang Panginoon, dapat ay nagawa na Niya nang may malaking kaluwalhatian habang bumababa sakay ng ulap. Bukod diyan, nayanig sana ang langit at lupa, at hindi na nagliwanag ang araw at buwan. Sa ngayon hindi pa nakikita ang gayong tanawin, kaya paano nila nasabi na nagbalik na ang Panginoon? Ano ba talaga ang nangyayari?

           Sagot: Sa paghihintay na sumalubong sa pagbalik ng Panginoon, lahat tayo’y nagkamali. Hinihintay lang natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiya ng Kanyang pagbaba sakay ng ulap, pero nakaligtaan natin ang iba pang mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Malaking pagkakamali ito! Maraming bahagi ng Biblia ang naglalaman ng mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Halimbawa, ang mga propesiya ng Panginoon: “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15). “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Binabanggit sa mga propesiyang ito ang pagbalik ng Panginoon na “gaya ng magnanakaw,” ang pagdating ng Anak ng tao, na nagsasalita Siya sa mga tao habang kumakatok sa pinto, at iba pa. ‘Di ba nito ipinapakita na sa pagbabalik ng Panginoon, maliban sa pagbaba Niya sa madla na sakay ng ulap, palihim din Siyang bababa? Kung naniniwala tayo na darating lang ang Panginoon na sakay ng ulap, paano matutupad ang mga propesiya na lihim Siyang darating? Pag-isipan mo ‘yan. Kapag bumaba ang Panginoon sakay ng ulap, may mga tanda. ‘Di na magliliwanag ang araw at buwan, mahuhulog ang mga bituin sa langit, at mayayanig at langit at lupa. Nakakayanig talaga ang tagpong ‘yon, at makikita at malalaman ‘yon ng lahat. Kung gayon paano matutupad ang mga propesiya na darating ang Panginoon “gaya ng magnanakaw”, at tatayo sa labas at kakatok sa pinto? Pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap, makikita ‘yon ng lahat. Kailangan bang may magpatotoo na: “Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya”? Sinabi rin ng Panginoong: “Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.” Paano matutupad ang propesiyang ‘yon?

Dis 14, 2018

Ebangheliyong pelikula | Mga Movie Clip (2) | "Anong mga Kamalian ang Pinakamadaling Nagagawa sa Pagsalubong sa Panginoon?"



Ebangheliyong pelikula | Mga Movie Clip (2) | "Anong mga Kamalian ang Pinakamadaling Nagagawa sa Pagsalubong sa Panginoon?"


    Maraming mga mananampalataya sa mga grupo ng relihiyon ang naniniwala sa sinasabi ng mga pastor at elder na, “Nasa Biblia ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos. Imposibleng mawala sa Biblia ang kahit na ano sa mga salita ng Diyos.” May matibay bang basehan sa Biblia ang pahayag nilang ito? Sinabi ba ng Panginoong Jesus ang mga salitang ito? Sa Pahayag, ilang beses iprinoposiya na, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia."

Nob 18, 2018

Tanong 3: Ng sabi sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Pagkatapos mabuhay muli ng ang Panginoong Jesus, ang Kanyang espirituwal na katawan ang bumangon at umakyat sa langit. Sa pagbabalik ng Panginoon, dapat ang Kanyang espirituwal na katawan ang bababa sa ibabaw ng ulap. Gayunman, nagpapatotoo kayo na nagkatawang-tao ang Diyos---ang Anak ng tao---muli para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Halatang hindi ito ayon sa Biblia. Madalas na sinasabi ng mga pastor at elder na anumang patotoo ukol sa pagdating ng Panginoon na pagkakatawang-tao ay mali. Kaya iniisip kong imposibleng bumalik ang Panginoon sa katawang-tao. Hindi ko matatanggap ang inyong patotoo. Hihintayin ko na lang na bumaba ang Panginoon sa ulap at dalhin kami sa kaharian ng langit. Tiyak na hindi ito isang pagkakamali!


Sagot :
Sinasabi ninyong imposibleng bumalik ang Panginoon sa anyong-tao, tama ba? Nakasulat sa Biblia na babalik ang Panginoon sa anyong-tao. Ibig n’yo bang sabihin hindi ninyo ito matagpuan? Maraming propesiya ang nasusulat sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kung saan ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa anyong-tao ay napakalinaw. Halimbawa, noong sinabi ng ang Panginoong Jesus na, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Paulit-ulit na nagpropesiya ang Panginoong Jesus na Siya ay magbabalik bilang ang Anak ng tao. Ang Anak ng tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao, tulad ng Panginoong Jesus sa katawang-tao na kamukha ng karaniwan, normal na tao sa labas, na kumakain, umiinom, natutulog at lumalakad gaya ng normal na tao.

Nob 13, 2017

Pambungad

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos  – Pambungad

    Ang “Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob” ay mga pagbigkas na ipinahayag ni Cristo, kung saan ay tinataglay Niya ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Saklaw ng mga ito ang panahon mula Pebrero 20, 1992 hanggang Hunyo 1, 1992, at binubuo sa kabuuan ng apatnapu’t pitong mga pagbigkas. Sa bahaging ito ng mga pagbigkas, ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita mula sa pananaw ng Espiritu. Ang paraan ng Kanyang pagsasalita ay hindi maaabot ng nilikhang sangkatauhan. Bukod dito, ang bokabularyo at estilo ng Kanyang mga salita ay maganda at nakakaantig, at walang anyo ng panitikan ng tao ang maaaring humalili sa mga ito. Ang mga salitang pinanglalantad Niya sa tao ay tumpak, ang mga ito ay hindi mapapasinungalingan ng anumang pilosopiya, at dinadala nila ang lahat ng tao sa pagpapasakop. Tulad ng matalas na tabak, ang mga salitang pinanghahatol Niya sa tao ay tumatagos nang diretso sa kailaliman ng mga kaluluwa ng mga tao, hanggang wala na silang lugar na mapagtaguan. Ang mga salitang pinang-aaliw Niya sa mga tao ay nagtataglay ng awa at kagandahang-loob, magiliw ang mga ito na tulad ng yakap ng isang mapagmahal na ina, at ipinaparamdam ng mga ito sa mga tao na ligtas sila higit kailanman. Ang kaisa-isang pinakadakilang katangian ng mga pagbigkas na ito ay, sa yugtong ito, hindi na nangungusap ang Diyos gamit ang pagkakakilanlan ni Jehova o ni Jesucristo, ni si Cristo ng mga huling araw. Sa halip, gamit ang Kanyang likas na pagkakakilanlan-ang Manlilikha – Siya ay nagsasalita at nagtuturo sa lahat ng mga taong sumusunod sa Kanya at susunod pa sa Kanya. Makatarungang sabihin na ito ang unang pagkakataon mula sa paglikha na kinausap ng Diyos ang buong sangkatauhan. Hindi kailanman nangusap ang Diyos sa nilikhang sangkatauhan na ganito kadetalyado at napakaayos. Syempre, ito rin ang unang pagkakataon na nangusap Siya nang napakarami, at ng napakahaba, sa buong sangkatauhan. Ito ay ganap na walang katulad. Ano pa, ang mga pagbigkas na ito ang unang teksto na ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan na kung saan ay inilantad Niya ang mga tao, ginabayan sila, hinatulan sila, at nagsalita ng puso-sa-puso sa kanila at kaya, ito rin ang unang mga pagbigkas na kung saan ay ipinaalam ng Diyos sa mga tao ang Kanyang mga yapak, ang lugar kung saan Siya ay namamalagi, ang disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ang mga kaisipan ng Diyos, at ang pag-aalala Niya para sa sangkatauhan. Maaaring sabihin na ang mga ito ay ang mga unang pagbigkas na ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan na nagmula sa ikatlong langit mula noong paglikha, at ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang Kanyang likas na pagkakakilanlan upang magpakita at ipahayag ang Kanyang tinig sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga salita.

Okt 11, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ikaw Ba’y Nabuhay?

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ikaw Ba’y Nabuhay?

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ikaw Ba’y Nabuhay?


  Kapag nakamit mo na ang pagsasabuhay sa labas ng normal na pagkatao, at ginawa ka nang perpekto, bagaman hindi mo magagawang magsalita ng propesiya o ng anumang misteryo, ang larawan ng isang tao ang isasabuhay at ibubunyag mo. Nilikha ng Diyos ang tao, pagkatapos ay sinira ni Satanas ang tao, at ginawang mga patay na katawan ang mga tao ng katiwalian na ito—kaya, matapos kang magbago, magiging iba ka mula sa mga patay na katawang ito. Ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga espiritu ng tao at nagdudulot ng kanilang muling magising, at kapag nagising muli ang mga espiritu ng tao, nabuhay na silang muli. Ang pagbanggit ng “patay” ay tumutukoy sa mga walang espiritung bangkay, sa mga taong ang kanilang espiritu ay namatay na. Kapag binigyang buhay ang espiritu ng mga tao, nabubuhay silang muli. Ang mga santo na pinag-usapan noon ay tumutukoy sa mga tao na nabuhay, ang mga nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas ngunit dinaig si Satanas. Natiis ng mga napiling mamamayan ng Tsina ang malupit at di-makataong pag-uusig at panlalansi ng malaking pulang dragon, na iniwan silang pinsala ang pag-iisip at wala man lang kakaunting lakas ng loob upang mabuhay. Kaya, dapat magsimula ang pagkabuhay ng kanilang mga espiritu kasama ng kanilang substansya: Unti-unti, dapat buhayin ang kanilang espiritu sa kanilang substansya. Kapag isang araw ay nabuhay na sila, wala nang magiging sagabal pa, at lahat ay magpapatuloy nang maayos. Sa ngayon, nananatili itong hindi makakamtan. Karamihan sa mga taong nagsasabuhay ay naglalaman ng maraming pakiramdam ng kamatayan, nababalot sila ng aura ng kamatayan, at masyadong marami ang kanilang kakulangan. May dalang kamatayan ang mga salita ng ilang tao, may dalang kamatayan ang kanilang pagkilos, at kamatayan ang halos karamihan sa kanilang isinasabuhay. Kung magpapatotoo ngayon sa publiko ang mga tao tungkol sa Diyos, ang gawaing ito ay mabibigo kung gayon, dahil kailangan na muna nilang mabuhay muli nang ganap, at masyadong marami ang patay sa inyo. Ngayon, nagtatanong ang ilang tao kung bakit hindi nagpapakita ng ilang hudyat at himala ang Diyos upang mabilis Niyang maipalaganap ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil. Hindi maaaring magpatotoo ang patay tungkol sa Diyos; ang buhay ang maaari, ngunit karamihan sa mga tao ngayon ay patay, masyadong marami sa kanila ang namumuhay sa kulungan ng kamatayan, namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, at hindi kayang magtagumpay—kaya paano sila makakapagpatotoo tungkol sa Diyos? Paano nila maipapalaganap ang gawain ng ebanghelyo?