Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ikalawang pagdating ni Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ikalawang pagdating ni Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 30, 2019

Paano Natutupad ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon


Nagbalik na ang Panginoon:Paano Natutupad ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon


Minamahal na mga kapatid:

Kamusta sa lahat, masayang masaya akong makita kayo rito. Una, pasalamatan natin ang Diyos sa paghahanda ng pagkakataong ito para sa atin, at nawa’y gabayan tayo ng Diyos at kumilos Siya sa atin.

Mga kapatid, pagkatapos ng muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ng ating Panginoong Jesus, lahat tayong naniniwala sa Panginoon ay nagnanais na bumalik Siya sa lalong madaling panahon nang sa gayon ay matupad ang ating mga hinihiling sa loob ng maraming taon, at nang sa gayon ay matanggap natin ang Kanyang pangako at matamasa ang Kanyang mga pagpapala. Lalo na sa mga huling araw, ang pagnanais nating makita ang pagbabalik ng Panginoon ay higit pang mahalaga. Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus ay halos naisakatuparan na sa ngayon, at nakita at narinig na nating lahat ang madalas na pagdating ng lahat ng uri ng sakuna sa lahat ng bansa sa mundo. Higit pa, ang mga ito ay hindi pa nangyari sa kasaysayan, at mayroong mga sakuna sa lahat ng dako, gaya ng mga pagbaha, tagtuyot, lindol, epidemya, at digmaan. Nasa matinding kaguluhan rin ang mundo, at madalas na mayroong mga giyera at pag-atake ng terorismo. Dagdag pa, ang mga sermon ng mga pastor at pinuno sa simbahan ay pawang mga lumang kasabihang hindi nagtataglay ng bagong liwanag. Maraming mananampalataya ang nakakarinig ng mga sermon na ito at hindi nakakaramdam ng pagkaaliw, at napapalitan ng desolasyon ang kanilang pananampalataya at pag-ibig. Hindi ba’t ito ang tiyak na sitwasyon kung kailan maisasakatuparan ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus?

Set 13, 2019

Ang 5 Propesiya sa Biblia Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Jesus ay Naganap na


Nagbalik na ang Panginoon:Ang 5 Propesiya sa Biblia Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Jesus ay Naganap na



Nalalapit na tayo sa katapusan ng mga huling araw, at marami sa ating mga kapatid na matiyagang naniniwala sa Diyos at naghihintay sa Kanyang muling pagbabalik ay malamang na iniisip ang tanong na ito: Ang sabi ng Panginoong Jesus sa Kabanta 22 bersikulo 12 ng Apocalipsis, “Narito, ako’y madaling pumaparito.” Ipinangako sa atin ng Panginoon na darating Siyang muli sa mga huling araw, kung ganoon ay nagbalik na ba Siya? Lubhang napakahalaga ng katanungan na ito sa ating mga Kristiyano, kaya paano nga ba natin eksaktong malalaman kung nagbalik na talaga ang Panginoon o hindi? Ang totoo, sinabi na sa atin ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng mga propesiya sa Biblia, at hangga’t napagsasama natin ang mga katotohanan at taimtin iyong pinagninilayan, kung ganoon ay makikita natin ang sagot.

Peb 12, 2019

Mga Movie Clip - Ang Muling Pagkakatawang-Tao ng Panginoon ay Tumutupad sa mga Propesiya sa Biblia



Nagbalik na ang Panginoon - Ang Muling Pagkakatawang-Tao ng Panginoon ay Tumutupad sa mga Propesiya sa Biblia


Tungkol sa kung paano babalik ang Panginoon sa mga huling araw, sabi ng Panginoong Jesus, "Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating" (Lucas 12:40). "Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon di naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). Ano ang tagong kahulugan ng "ang Anak ng tao ay darating" at "gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan" tulad ng binanggit sa mga talatang ito? Kung nagbabalik ang Panginoon sakay ng mga ulap, para "magbata ng maraming bagay" at "itakuwil ng lahing ito," paano ito nararapat unawain?

Dis 31, 2018

Tanong 1: Pinatotohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Imposible! Sinasabi sa Biblia, “Datapuwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:29-30). Kung talagang nagbalik na ang Panginoon, dapat ay nagawa na Niya nang may malaking kaluwalhatian habang bumababa sakay ng ulap. Bukod diyan, nayanig sana ang langit at lupa, at hindi na nagliwanag ang araw at buwan. Sa ngayon hindi pa nakikita ang gayong tanawin, kaya paano nila nasabi na nagbalik na ang Panginoon? Ano ba talaga ang nangyayari?

           Sagot: Sa paghihintay na sumalubong sa pagbalik ng Panginoon, lahat tayo’y nagkamali. Hinihintay lang natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiya ng Kanyang pagbaba sakay ng ulap, pero nakaligtaan natin ang iba pang mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Malaking pagkakamali ito! Maraming bahagi ng Biblia ang naglalaman ng mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Halimbawa, ang mga propesiya ng Panginoon: “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15). “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Binabanggit sa mga propesiyang ito ang pagbalik ng Panginoon na “gaya ng magnanakaw,” ang pagdating ng Anak ng tao, na nagsasalita Siya sa mga tao habang kumakatok sa pinto, at iba pa. ‘Di ba nito ipinapakita na sa pagbabalik ng Panginoon, maliban sa pagbaba Niya sa madla na sakay ng ulap, palihim din Siyang bababa? Kung naniniwala tayo na darating lang ang Panginoon na sakay ng ulap, paano matutupad ang mga propesiya na lihim Siyang darating? Pag-isipan mo ‘yan. Kapag bumaba ang Panginoon sakay ng ulap, may mga tanda. ‘Di na magliliwanag ang araw at buwan, mahuhulog ang mga bituin sa langit, at mayayanig at langit at lupa. Nakakayanig talaga ang tagpong ‘yon, at makikita at malalaman ‘yon ng lahat. Kung gayon paano matutupad ang mga propesiya na darating ang Panginoon “gaya ng magnanakaw”, at tatayo sa labas at kakatok sa pinto? Pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap, makikita ‘yon ng lahat. Kailangan bang may magpatotoo na: “Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya”? Sinabi rin ng Panginoong: “Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.” Paano matutupad ang propesiyang ‘yon?

Okt 1, 2018


Tagalog Christian Movie | The Lord Has Returned "Kumakatok sa Pintuan" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)


Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20).

Set 18, 2018

Napakagandang Tinig | "Wala bang mga Salita o Gawain ng Diyos sa Labas ng Biblia?"


Napakagandang Tinig | "Wala bang mga Salita o Gawain ng Diyos sa Labas ng Biblia?"


Naniniwala ang karamihan sa mga tao sa mga relihiyon na lahat ng salita ng Diyos ay nasa Biblia, at anumang wala sa Biblia ay hindi naglalaman ng Kanyang gawain at mga salita. Hindi nila hinahanap sa labas ng Biblia ang Kanyang mga binanggit sa Kanyang pagbalik.

Set 14, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Unang bahagi)


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Unang bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao.