Kapag ang mga tao ay nagtitipong kasama Ko, ang puso Ko ay puno ng kagalakan. Agad-agad, Aking ipinagkakaloob ang mga pagpapala na nasa Aking kamay sa gitna ng tao, upang ang mga tao ay makipagtipon sa Akin, at huwag maging mga kaaway na sumusuway sa Akin kundi mga kaibigan na Aking kasúndô. Sa gayon, Ako ay taos-puso rin tungo sa tao. Sa Aking gawain, ang tao ay nakikita bilang isang kasapi ng isang mataas-na-antas na samahan, kaya pinag-uukulan Ko siya ng higit na pansin, sapagka’t siya ay palaging nananatiling ang pinag-uukulan ng Aking gawain. Naitatag Ko na ang Aking kinalalagyan sa mga puso ng mga tao upang ang kanilang mga puso ay makatingin sa Akin—gayunman sila ay nananatiling ganap na mangmang tungkol sa kung bakit Ko ginagawa ito, at walang ginagawa kundi maghintay. Bagaman mayroong pagkakalagyan na naitatag Ko sa mga puso ng mga tao, hindi nila kinakailangan na manahan Ako roon. Sa halip, sila ay naghihintay para sa “Banal na Isa” sa kanilang mga puso na biglang darating. Sapagka’t ang Aking pagkakakilanlan ay masyadong mababa, hindi Ako nakakatapat sa mga hinihingi ng mga tao at sa gayon ay inaalis nila. Sapagka’t ang nais nila ay ang “Ako” na mataas at makapangyarihan—samantalang noong Ako ay dumating, hindi Ako nagpakita bilang ganito sa tao, kaya sila ay nanatiling naghahanap sa malayo, naghihintay para sa isa na nasa kanilang mga puso. Noong dumating Ako sa harap ng mga tao, tinanggihan nila Ako sa harap ng karamihan. Maaari lamang Akong tumáyô sa isang tabi, naghihintay para sa “sentensya” ng tao, nagmamasid kung ano ang magiging pasya ng mga tao na gagawin sa Akin, ang di-ganap na “produktong” ito. Hindi Ako tumitingin sa mga peklat ng mga tao, kundi sa bahagi nila na walang peklat, at mula rito Ako ay nasisiyahan. Sa mga mata ng mga tao, Ako ay isang “maliit na bituin” na bumaba mula sa kalangitan, Ako lamang ang pinakamababa sa langit, at ang Aking pagdating sa lupa ngayon ay pagsusugo ng Diyos. Bilang resulta, ang mga tao ay nakabuo ng marami pang mga pakahulugan sa mga salitang “Ako” at “Diyos,” lubhang natatakot na ihalo ang Diyos sa Akin. Sapagka’t ang Aking larawan ay hindi nagtataglay ng pagpapakita ng Diyos, ang mga tao ay naniniwalang lahat na Ako ay isang lingkod na hindi mula sa pamilya ng Diyos, at sinasabi na ito ay hindi ang larawan ng Diyos. Marahil ay may mga tao na nakakita sa Diyos—nguni’t dahil sa kawalan Ko ng pananaw sa lupa, ang Diyos ay hindi kailanman “nagpakita” sa Akin. Marahil napakaliit ng Aking “
pananampalataya,” kaya’t nakikita Ako ng mga tao na mababa. Naguguni-guni ng mga tao na kung ang isa ay tunay na Diyos, tiyak na siya ay magiging bihasa sa wika ng tao, sapagka’t ang Diyos ang Manlilikha. Nguni’t ang mga katunayan ay eksaktong ang kasalungat: Hindi lamang Ako di-bihasa sa wika ng tao, kundi may mga pagkakataon na hindi Ko man lamang “maipagkaloob” ang kanyang mga “kakulangan.” Bilang resulta, nakakadama Ako ng kaunting “pagkabagabag,” sapagka’t hindi Ako kumikilos ayon sa “hinihingi” ng tao, kundi naghahanda lamang ng mga materyales at gumagawa ayon sa kanilang “kakulangan.” Hindi Ako humihingi ng malaki sa tao, gayunman ay kabaligtaran ang paniniwala ng mga tao. Sa gayon, ang kanilang “kapakumbabaan” ay nabunyag sa bawa’t galaw nila. Sila ay laging may pananagutan na lumakad sa unahan Ko pinangungunahan Ako sa daan, lubhang natatakot na Ako ay maliligaw, nahihintakutan na Ako ay gagala tungo sa matandang mga kagubatan sa kaloob-looban ng mga kabundukan. Bunga nito, lagi Akong napapangunahan ng mga tao pasulong, takót na takót na Ako ay lalakad tungo sa madilim na bilangguan. Mayroon Akong tila “kasiya-siyang impresyon” hinggil sa pananampalataya ng mga tao, sapagka’t nagpakahirap sila para sa Akin nang hindi nag-iisip para sa pagkain o pagtulog, hanggang sa punto na ang kanilang mga paggawa para sa Akin ay nagsanhi sa kanila na hindi matulog araw at gabi at namútî na ang buhok—na sapat upang ipakita na “nalampasan” ng kanilang pananampalataya ang mga sansinukob, at “nahigitan” ang mga apostol at mga propeta sa buong mga kapanahunan.
Hindi Ako pumapalakpak sa tuwa dahil sa malaking kasanayan ng mga tao, ni tinitingnan Ko sila nang malamig dahil sa kanilang mga pagkukulang. Ginagawa Ko lamang yaong nasa Aking mga kamay, hindi Ako nagtatangi ng sinuman, kundi gumagawa lamang ayon sa Aking plano. Gayunman ang mga tao ay hindi nakababatid ng Aking kalooban at patuloy na nananalangin para sa mga bagay-bagay mula sa Akin, na para bang ang mga kayamanang naipagkaloob Ko sa kanila ay walang kakayahang katagpuin ang kanilang mga pangangailangan, na para bang nahihigitan ng kinakailangan ang tustos. Subali’t sa panahon ngayon, nadarama ng lahat ng mga tao na mayroong “implasyon”—at dahil dito, ang kanilang mga kamay ay punô ng mga naibigay Ko sa kanila para tamasahin. Dahilan dito kaya sila ay nanghihinawà sa Akin, kaya’t ang kanilang mga buhay ay punô ng kaguluhan, at sila ay mangmang tungkol sa kung ano ang dapat at hindi dapat na kanilang kainin. Ang iba ay mahigpit pang hinahawakan ang mga bagay-bagay na naibigay Ko sa kanila para tamasahin, matamang minamasdan ang mga iyon. Dahil ang mga tao ay nahirati sa pagtitiis ng kagutuman, at hindi isang madaling bagay para sa kanila na sumapit sa mga pagtatamasa ng kasalukuyan, silang lahat ay “walang-hanggan ang pasasalamat,” at nagkaroon na ng kaunting pagbabago sa kanilang pakikitungo sa Akin. Lagi silang umiiyak sa harap Ko; dahil napakarami ng naibigay Ko sa kanila, sa harap Ko lagi nilang hinahawakan ang Aking kamay at nagpapaabot ng “mga tunog ng pasasalamat.” Gumagalaw Ako sa ibabaw ng mga sansinukob, at habang Ako ay naglalakad pinagmamasdan Ko ang mga tao sa buong sansinukob. Sa kalagitnaan ng mga kumpol ng mga tao sa lupa, hindi nagkaroon kailanman ng sinuman na akma para sa Aking gawain o na tunay na nagmamahal sa Akin. Sa gayon, sa sandaling ito Ako ay naghihinagpis sa pagkadismaya, at ang mga tao ay kaagad na naghihiwahiwalay, upang hindi na muling magtipon, takót na takót na sila ay Aking “mahuhuling lahat sa isang lambat.” Ginagamit Ko ang pagkakataong ito upang lumapit sa gitna ng tao, upang gawin ang Aking gawain—gawaing akmâ—sa gitna ng naghiwahiwalay na mga taong ito, pinipili yaong mga maaaring pag-ukulan ng gawain. Hindi Ko inaasam na “pigilin” ang mga tao sa gitna ng Aking pagkastigo, na hindi kailanman tatakas. Ginagawa Ko lamang ang dapat Kong gawin. Pumarito Ako upang hingin ang “tulong” ng tao; dahil ang Aking pamamahala ay kulang sa mga gawa ng tao, hindi posibleng matagumpay na matapos ang Aking gawain, na humahadlang upang ang Aking gawain ay magpatuloy nang mabisa. Umaasa lamang Ako na ang mga tao ay may paninindigan na makipagtulungan sa Akin. Hindi Ko hinihingi na ipagluto nila Ako ng masarap na pagkain, o ayusin saanman ang maaari Kong mahimlayan ng Aking ulo, o igáwâ Ako ng magagandang damit—wala Ako ni munti mang pagnanais sa mga bagay na ito. Kapag ang mga tao ay nauunawaan ang Aking kalooban at nakakasulong na kasama Ko, magkaagapay, masisiyahan Ako sa Aking puso.
Sino sa lupa ang kahit kailan ay tinanggap Ako ng kanilang puso? Sino ang kahit kailan ay minahal Ako ng kanilang puso? Ang pag-ibig ng mga tao ay palaging malabnaw, kahit Ako ay “hindi nakaaalam” kung bakit ang kanilang pag-ibig ay hindi maaaring matuyô at lumapot. Sa gayon, marami ring “mga hiwaga” na tinataglay sa loob ng tao. Sa gitna ng mga nilalang, ang tao ay nakikita bilang ang isa na “mahiwaga” at “di-matarok,” kaya’t siya ay may “mga kakayahan” sa harap Ko, na para bang siya ay kapantay ang estado sa Akin—subali’t wala siyang nakikitang kakaiba tungkol sa “estado” niyang ito. Dito, hindi naman sa hindi Ko tinutulutan ang mga tao na tumayo sa posisyong ito at tamasahin ito, kundi Aking inaasam na sila ay magkaroon ng wastong asal, para hindi nila ipalagay ang kanilang mga sarili na napakataas; may pagkakalayo sa pagitan ng langit at lupa, di man sabihin na iyan ay sa pagitan ng Diyos at tao. Hindi ba mayroong higit na mas malaking pagkakalayo sa pagitan nila? Sa lupa, ang tao at Ako ay “nasa iisang bangkâ,” at aming “binábatáng magkasama ang bagyo.” Ang Aking pagkakakilanlan ay hindi nagpapalaya sa Akin mula sa pagdanas ng kahirapan ng pantaong mundo, at dahil dito kaya ngayon Ako ay nasadlak sa kalagayang ito. Kailanman ay hindi Ako nagkaroon ng isang dako upang mapayapang manirahan sa lupa, kaya sinasabi ng mga tao, “ang Anak ng tao ay hindi kailanman nagkaroon ng isang dako na paghihimlayan ng Kanyang ulo.” Bunga nito, ang mga tao ay umiyak din ng mga luha ng kahabagan para sa Akin at naglaan ng ilang sampu-sampung yuan para sa isang “tulong na pondo” para sa Akin. Dahil lamang dito kaya mayroon Akong isang dakong pahingahan; kung hindi sa “tulong” ng mga tao, sinong nakaaalam kung saan Ako pupulutin!
Kapag ang Aking gawain ay magwawakas, hindi Ko na hahanapin itong “tulong na pananalapi” mula sa tao; sa halip, Aking gagampanan ang Aking likas na tungkulin, at ibababâ ang lahat ng “mga bagay-bagay ng Aking bahay” sa mga tao para kanilang kasiyahan. Ngayon, bawa’t isa ay sinusubukan sa gitna ng Aking mga pagsubok. Kapag ang Aking kamay ay pormal na dumating sa gitna ng tao, hindi na Ako titingnan ng mga tao nang may paghanga, kundi kamumuhian Ako, at sa sandaling ito ang kanilang mga puso ay agad Kong dudukutin para magsilbing isang halimbawa. Aking sinusuri ang puso ng tao sa ilalim ng isang “mikroskopyo”—wala roong tunay na pag-ibig para sa Akin. Sa loob ng maraming taon, dinadaya na Ako at niloloko ng mga tao—lumalabas na ang kanilang kaliwang bahagi at kanang bahagi ng puso ay kapwa nagtataglay ng lason ng pagkamuhi tungo sa Akin, at hindi nakapagtataka, kung gayon, na may ganoon Akong pakikitungo sa kanila. At gayunman sila ay nananatiling lubos na mangmang tungkol dito, ni kinikilala man nila ito. Kapag ipinakikita Ko sa kanila ang mga resulta ng Aking imbestigasyon, hindi pa rin sila nagigising; ito ay para bang, sa kanilang mga isipan, ang mga ito ay mga bagay lahat ng nakaraan, at hindi na dapat pang muling ungkatin ngayon. Sa gayon, ang mga tao ay tumitingin lamang sa “resulta ng laboratoryo” nang walang-pakialam. Ibinabalik nila ang papel at lumalakad paláyô. Higit sa rito, nagsasalita sila ng mga bagay-bagay gaya ng, “Ang mga ito ay hindi mahalaga, walang anumang epekto ang mga iyon sa aking kalusugan.” Sila ay bahagyang ngumingiti nang may panunuyâ, pagkatapos ay may bahagyang tingin ng pagbabantâ sa kanilang mga mata, na parang ipinahihiwatig na Ako ay hindi dapat maging masyadong seryoso, na dapat ay maging mas mababaw Ako. Para bang ang Aking pagbubunyag ng kanilang panloob na mga lihim ay nakasira sa “mga batas” ng tao, kaya’t nadagdagan pa ang pagkamuhi nila sa Akin. Doon Ko lamang nakita ang pinagmumulan ng pagkamuhi ng mga tao. Ito ay dahilan sa kapag Ako ay nakamasid, ang kanilang dugo ay dumadaloy, at pagkatapos dumaan sa mga ugat sa kanilang mga katawan ito ay pumapasok sa puso, at sa sandaling ito lamang Ako nagkakaroon ng isang bagong ““natuklasan.” Gayunman ay hindi ito iniisip ng mga tao. Sila ay ganap na pabáyâ, hindi nila iniisip ang kanilang tutubuin o magiging kalugihan, na sapat para ipakita ang kanilang diwa ng “di-makasariling” pag-aalay. Hindi nila isinasaalang-alang ang katayuan ng kanilang sariling kalusugan, at “nag-aabala” para sa Akin. Ito rin ang kanilang “katapatan,” at kung ano ang “kapuri-puri” tungkol sa kanila, kaya Ako ay minsan pang nagpapadala ng liham ng “papuri” sa kanila, upang sila ay mapasaya nito. Subali’t kapag binasa nila ang “liham” na ito, sila ay kaagad na bahagyang naiinis, sapagka’t lahat ng ginagawa nila ay natanggihan ng Aking tahimik na liham. Palagi Kong naididirekta ang mga tao sa kanilang pagkilos, gayunman ay tila inaayawan nila ang Aking mga salita; sa gayon, sa sandaling ibuka Ko ang Aking bibig, sila ay pumipikit at tinatakpan ng kanilang mga kamay ang kanilang mga tainga. Hindi nila Ako tinitingnan nang may paggalang dahil sa Aking
pag-ibig, kundi kailanman ay kinasuklaman Ako, dahil tinutukoy Ko ang kanilang mga kakulangan, inilalantad ang lahat ng mga bagay na kanilang pag-aari, at sa gayon ay nalugi sila sa kanilang negosyo, nawala ang kanilang ikinabubuhay. Sa gayon, ang kanilang pagkamuhi para sa Akin ay lalo pang nadagdagan makaraan iyon.
Abril 14, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Ang Pagbabalik ng Panginoong
Jesus
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang
Ebanghelyo ?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento