Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ene 16, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ika-tatlumpung Pagbigkas

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ika-tatlumpung Pagbigkas


Gising, mga lalaking kapatid! Gising, mga babaeng kapatid! Hindi maaantala ang Aking araw; ang oras ay buhay, at ang samantalahin ang panahon ay nakapagliligtas-buhay! Hindi na malayo ang oras! Kung kumukuha kayo ng pagsusulit para makapasok sa kolehiyo at hindi makapasa, maaaring sumubok uli at magkukumahog para sa pagsusulit. Gayunman, hindi magkakaroon ng ganoong pagkaantala ang Aking araw. Tandaan! Tandaan! Inuudyukan Ko kayo sa pamamagitan ng mabubuting salitang ito. Inilaladlad ang katapusan ng mundo sa harap ng mismong mga mata ninyo, matuling nagsisilapit ang malalaking sakuna; mahalaga ba ang buhay ninyo o mahalaga ang inyong pagtulog, pagkain, pag-inom, at kasuotan? Nakarating na ang oras para timbangin ninyo ang mga bagay na ito. Huwag maging nagdududa pa at huwag umiwas sa pagiging sigurado!

Kahabag-habag! Napakadukha! Napakabulag! Napakalupit ng sangkatauhan! Talagang nagbibingi-bingihan sa Aking salita—nagsasalita ba Ako sa inyo nang walang saysay? Napakapabaya ninyo pa rin, bakit? Bakit gayon? Hindi ba ninyo kailanman naisip ang tungkol diyan dati? Para kanino Ko sinasabi ang mga bagay na ito? Maniwala sa Akin! Ako ang inyong Tagapagligtas! Ako ang inyong Makapangyarihan Diyos! Magbantay! Magbantay! Ang nasayang na oras ay hindi na kailanman darating muli, tandaan ito! Wala saanman sa daigdig kung saan makabibili ng gamot na makapagpapaginhawa sa pagsisisi! Kaya papaano Ko sasabihin ito sa inyo? Hindi ba karapat-dapat ang Aking salita sa inyong maingat na pagsasaalang-alang at paulit-ulit na pagbubulay-bulay? Napakapabaya ninyo sa Aking mga salita at napaka-di-mapakakatiwalaan sa buhay; papaano Ko pagtitiisan ito? Papaano Ko magagawa?

Bakit napakatagal para sa inyo ang magkaroon ng wastong buhay iglesia? Dahil ito sa kulang kayo ng pananampalataya, hindi ninyo gustong magbayad ng halaga, hindi kayo handang ihandog ang inyong mga sarili, at hindi nais na gugulin ang inyong mga sarili sa harapan Ko. Gising, mga anak Ko! Maniwala sa Akin, mga anak Ko! Aking minamahal, bakit hindi mo makayang isaalang-alang kung ano ang nasa puso Ko?

Rekomendasyon:

8. Paano uunawain na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento