Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Tagapagligtas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Tagapagligtas. Ipakita ang lahat ng mga post

Peb 23, 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Dumako sa Sion na may pagpupuri


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Dumako sa Sion na may pagpupuri



I
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Nagpakita na ang tahanan ng Diyos.
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Inaawitan ng lahat banal Niyang pangalan; ito'y lumalaganap.
Makapangyarihang Diyos!
Hari ng Sansinukob, Huling Cristo,
aming maliwanag at nagniningning na Araw,
sumikat mula
sa pinaka-marilag na Bundok ng Sion sa sansinukob.
Makapangyarihang Diyos!
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Kami'y nagsasaya para sa Iyo,
umaawit at umiindak.
Ikaw nga ang aming Tagapagligtas
at ang Panginoon ng sansinukob.

Ene 16, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ika-tatlumpung Pagbigkas

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ika-tatlumpung Pagbigkas


Gising, mga lalaking kapatid! Gising, mga babaeng kapatid! Hindi maaantala ang Aking araw; ang oras ay buhay, at ang samantalahin ang panahon ay nakapagliligtas-buhay! Hindi na malayo ang oras! Kung kumukuha kayo ng pagsusulit para makapasok sa kolehiyo at hindi makapasa, maaaring sumubok uli at magkukumahog para sa pagsusulit. Gayunman, hindi magkakaroon ng ganoong pagkaantala ang Aking araw. Tandaan! Tandaan! Inuudyukan Ko kayo sa pamamagitan ng mabubuting salitang ito. Inilaladlad ang katapusan ng mundo sa harap ng mismong mga mata ninyo, matuling nagsisilapit ang malalaking sakuna; mahalaga ba ang buhay ninyo o mahalaga ang inyong pagtulog, pagkain, pag-inom, at kasuotan? Nakarating na ang oras para timbangin ninyo ang mga bagay na ito. Huwag maging nagdududa pa at huwag umiwas sa pagiging sigurado!