Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ene 29, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Ika-tatlumpu’t dalawang Pagbigkas

Ano ang liwanag? Sa nakaraan totoong ipinalagay ninyo na ang pagbabago ng gawain ng Banal na Espiritu bilang liwanag. May totoong liwanag sa lahat ng oras, na kinabibilangan ng pagtamo ninyo kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng paglapit sa Akin at pakikisama sa Akin; pagkakaroon ng kabatiran sa mga salita ng Diyos at pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita—iyon ay, habang kumakain at umiinom, nadarama ninyo ang Espiritu ng mga salita ng Diyos at tinatanggap ang salita ng Diyos sa loob ng inyong sarili; inuunawa kung ano Siya habang nararanasan at tinatanggap ang pagpapalinaw ng Diyos habang nakikipag-usap sa Kanya; at naliliwanagan din at nagkakaroon ng bagong kabatiran sa mga salita ng Diyos sa lahat ng oras habang nagmumuni-muni at nagbubulay-bulay. Kung nauunawaan ninyo ang salita ng Diyos at nararamdaman ang bagong liwanag, kung gayon hindi ba kayo magkakaroon ng kapangyarihan sa iyong paglilingkod? Talagang nababahala kayo sa inyong mga sarili sa inyong paglilingkod! Dahil iyan sa hindi ninyo nahahawakan ang katunayan, wala kayong tunay na karanasan o kabatiran. Kung nagkaroon ka ng tunay na kabatiran, kung gayon hindi mo ba malalaman kung papaano maglingkod? Kapag sumasapit sa’yo ang ilang usapin, dapat masigasig mong maranasan ang mga ito. Kung, sa isang madali at maginhawang kapaligiran, maaaring mabuhay ka rin sa liwanag ng mukha ng Diyos, pagkatapos makikita mo ang mukha ng Diyos araw-araw. Kung nakita mo ang mukha ng Diyos at nakipag-usap sa Diyos, hindi ka ba magkakaroon ng liwanag? Hindi kayo pumapasok sa katunayan, at palagi kayong nasa labas naghahanap; bunga nito wala kayong natatagpuan at naaantala ang inyong pag-unlad sa buhay.


Huwag magtuon sa labas; kung lalapit lang kayo sa Diyos sa loob, makikipag-usap nang sapat na lalim, at hinahanap ang kalooban ng Diyos, kung gayon hindi ba kayo magkakaroon ng landas ng paglilingkod? Kailangang masigasig kayong magbigay-pansin at sumunod. Kung ginagawa ninyo lang ang lahat ng bagay ayon sa Aking mga salita at pumapasok sa mga landas na itinuturo Ko, kung gayon hindi ba kayo magkakaroon ng landas? Kung matatagpuan mo ang landas upang makapasok sa katunayan, kung gayon mayroon ka ring landas para maglingkod sa Diyos. Simple ito! Mas lumapit sa presensiya ng Diyos, mas magbulay-bulay sa mga salita ng Diyos, at makakamtan mo ang iyong kakulangan. Magkakaroon ka rin ng bagong kabatiran at magkakaroon ka ng liwanag.


Rekomendasyon:

8. Paano uunawain na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento