Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban ng diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban ng diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 19, 2019

Sabi sa Biblia, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya sa pamamagitan ng puso;at naghayag ng kaligtasan gamit ang bibig” (Roma 10:10). Naligtas na tayo ng ating pananampalataya kay Jesus. Pag naligtas na tayo, magpasawalang-hanggan na ‘yon. Pagdating ng Panginoon tiyak na makakapasok tayo sa kaharian ng langit.

Sagot: Pag naligtas na tayo, magpakailanman na ‘yon at makakapasok tayo sa kaharian ng langit, ideya at imahinasyon lang ‘yan ng tao. Ni hindi ito ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na makakapasok ang mga tao sa kaharian ng langit kapag naligtas siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Sabi ng Panginoong Jesus, ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ang mga salita lang ng Panginoong Jesus ang may awtoridad at katotohanan. Ang imahinasyon ng tao'y hindi katotohanan at hindi rin pamantayan para makapasok sa kaharian ng langit. Tungkol sa “kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya” na pinag-uusapan natin, ang “kaligtasang” ito ay ang mapatawad lang ang mga kasalanan ng tao, hindi ang mahatulan o maparusahan ng kamatayan ayon sa batas. Hindi nito ibig sabihin na ang taong “naligtas” ay makakatahak sa landas ng Diyos, napawalang-sala, at naging banal na. Hindi nito ibig sabihin na makakapasok siya sa kaharian ng langit. Kahit napatawad na ang ating kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, may kasalanan pa rin tayo. Puwede pa rin tayong magkasala nang madalas at kalabanin ang Diyos. Patuloy tayong nagkakasala sa buhay pagkatapos ay inaamin natin ito. Pa’no makakapasok ang gano’ng mga tao sa kaharian ng langit? Sabi sa Biblia, “At ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Kung sinasabi mo na makakapasok ang mga madalas magkasala sa kaharian ng langit, hindi ‘yan totoo. Sinasabi mo ba, ang marumi at tiwaling mga taong ‘yon na madalas magkasala, maninirahan sa kaharian ng langit? Nakakita ka na ba ng marumi at masamang tao sa kaharian ng langit? Ang Panginoon ay matuwid at banal. Papapasukin ba ng Panginoon ang mga madalas magkasala sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, “At tunay ko ngang sinasabi sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34-35). Kaya nga, nakikita natin na ang mga patuloy na nagkakasala at di nagiging banal ay di makakapasok sa kaharian ng langit. Kung totoo ang sinasabi mo, at makakapasok nga ang mga nagtatamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaharian ng langit, bakit ito sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi lahat ng tumatawag ng Panginoon ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap lang ng kalooban ng Ama Ko sa langit”? Ba’t Niya sinabi na ihihiwalay Niya ang mga kambing sa mga tupa at ang trigo sa mga panirang damo? Kung gayon, hindi totoo na “Yaong mga iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya ay papapasukin sa kaharian ng langit”! Tuwirang kinontra ng mga salita ng Panginoong Jesus ang paniniwalang ‘yan!

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Nob 2, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"


Tagalog Christian Movies | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"



Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit?

May 25, 2019

Gabay sa Pananampalataya | Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?


Ni Junwei, China

Maraming kapatid na lalaki at babae ang napaka-pamilyar sa Panalangin ng Panginoon, at binibigkas natin ito sa tuwing nagdarasal tayo: “Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9–10). Ngunit kahit na madalas nating dasalin ang Panalangin ng Panginoon, bihira naman nating pinagninilay-nilayan ang tunay na kahulugan ng Panalangin ng Panginoon.

Mar 1, 2019

Tanong 35: Naniniwala ang karamihan sa mga tao sa iba’t ibang relihiyon na napili at naitalaga na ng Panginoon ang mga pastor at elder, at na lahat sila ay naglilingkod sa Panginoon sa mga iglesia ng iba’t ibang relihiyon; kung susundin natin ang mga pastor at elder, talagang sinusunod at sinusundan natin ang Panginoon. Tungkol sa kung ano talaga ang kahulugan ng sundin ang tao at sundan ang tao, at ano talaga ang kahulugan ng sundin ang Diyos at sundan ang Diyos, hindi maunawaan ng karamihan sa mga tao ang aspetong ito ng katotohanan, kaya pakipaliwanag ito para sa amin.

Sagot:

Sa relihiyon, iniisip ng ilang tao na ang mga relihiyosong pastor at elder ay napili at itinatag ng Panginoon. Samakatuwid, dapat silang sundin ng mga tao. May batayan ba sa Biblia ang ganitong pananaw? Napatunayan ba ito ng salita ng Panginoon? Mayroon ba itong patotoo ng Banal na Espiritu at kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu? Kung ang lahat ng sagot ay hindi, hindi ba't kung gayon ang paniniwala ng karamihan na ang mga pastor at elder ay lahat pinili at itinatag ng Panginoon ay galing sa paniniwala at imahinasyon ng mga tao? Isipin natin ang tungkol dito. Sa Kapanahunan ng Kautusan, pinili at itinatag ng Diyos si Moises. Nangangahulugan ba ito na ang lahat ng mga pinuno ng Judio sa Kapanahunan ng Kautusanay pinili at itinatag ng Diyos? Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang 12 apostol ng Panginoong Jesus ay personal na pinili at hinirang mismo ng Panginoong Jesus. Nangangahulugan ba ito na lahat ng mga pastor at elder na na sa Kapanahunan ng Biyaya ay personal na pinili at itinatag ng Panginoon? Maraming tao ang gustong sumunod sa mga itinakdang utos at hindi pinakikitunguhan ang mga bagay alinsunod sa katotohanan. Bilang resulta, bulag nilang sinasamba at sinusunod ang mga tao. Ano ang problema rito? Bakit hindi kayang kilalanin ng mga tao ang pagkakaiba ng dalawang bagay na ito? Bakit hindi nila kayang hanapin ang katotohanan sa mga bagay na ito?

Peb 27, 2019

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos

Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob ng iglesia ngayon? Mayroon ka bang nauunawaan sa gayon? Ano ang pinakadakilang mga paghihirap ng mga kapatid? Ano ang pinakakulang sa kanila? Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na negatibo sa gitna ng mga pagsubok, at ang iba sa kanila ay nagrereklamo pa, at ang ilan ay hindi na nagpapatuloy pa sapagkat ang Diyos ay hindi na nagsasalita. Ang mga tao ay hindi nakapasok sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos. Hindi nila kayang mamuhay nang mag-isa, at hindi nila mapanatili ang kanilang sariling buhay espiritwal. May ilang mga tao na sumusunod, taglay ang udyok para sa paghahangad, at nakahanda sa pagsasagawa kapag nagsalita ang Diyos. Ngunit kapag hindi nagsasalita ang Diyos, hindi na sila nagpapatuloy. Hindi pa rin naiintindihan ng mga tao ang kalooban ng Diyos sa loob ng kanilang mga puso at wala kaagad silang pag-ibig para sa Diyos; Ang kanilang pagsunod sa Diyos sa nakaraan ay dahil pinilit sila. Ngayon mayroong ilang mga tao na pagod na sa gawain ng Diyos. Hindi ba sila nasa panganib? Napakarami sa mga tao ang nasa isang kalagayan na kinakaya lamang. Bagamat kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos at nananalangin sa Kanya, lahat ng ito ay pabantulot. Wala silang udyok na taglay nila dati, at ang karamihan sa mga tao ay hindi interesado sa gawain ng Diyos na kapinuhan at pagka-perpekto. Ito ay parang hindi pa sila nagkaroon ng anumang panloob na udyok, at kapag sila ay napagtatagumpayan ng mga pagsalangsang hindi nila nadarama ang utang na loob sa Diyos. Hindi sila nagsisisi sa kanilang mga sarili at hindi nila hinahangad ang katotohanan o iniiwan ang iglesia. Ang hinahangad lamang nila ay mga panandaliang kaaliwan. Ito ang pinakahangal na uri ng mangmang! Kapag dumating ang oras, silang lahat ay itatakwil, wala ni isa man ang maliligtas!

Peb 26, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo | 22. Ano ang pagsunod sa tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

8. Ang mga taong naniniwala sa Diyos ay dapat sumunod sa Diyos at sumamba sa Kanya. Hindi ninyo dapat dakilain o tingalain ang sinumang tao; hindi ninyo dapat isauna ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ikatlo ang inyong sarili. Walang sinuman ang dapat lumuklok sa inyong puso, at hindi mo dapat isaalang-alang ang mga tao—lalo na ang inyong mga iginagalang—upang maging pantay sa Diyos, upang maging Kanyang kapantay. Ito ay hindi-matitiis ng Diyos.


mula sa “Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang ibang tao ay di nagagalak sa katotohanan, lalo na ang paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at kayamanan, ang mga taong ito ay pinaniniwalaang mga magpagmataas na tao. Hinahanap lamang nila ang mga sekta sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng paraan ng katotohanan, mananatili silang may pagaalinlangan at hindi nila mailalaan ang kanilang mga sarili nang lubusan.

Peb 20, 2019

Pagkilala sa Diyos | 21. Ano ang pagsunod sa Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pangunahing kahalagahan ng pagsunod sa Diyos ay na ang lahat ay dapat alinsunod sa totoong mga salita ng Diyos: Maging ikaw ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ang katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa totoong mga salita ng Diyos. Kung ano ang iyong pakikipag-isa at hinahangad ay hindi nakasentro sa palibot ng totoong mga salita ng Diyos, kung gayon isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ukol sa gawain ng Banal na Espiritu.


mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago sa araw-araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pagbubunyag ng bukas ay nagiging mas mataas kaysa sa ngayon, bawat hakbang ay umaakyat nang mas mataas. Ganoon ang gawain kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi kaya ng taong makipagsabayan, kung gayon ay maaari siyang pabayaan sa anumang oras. Kung ang tao ay walang masunuring puso, kung gayon ay hindi siya makasusunod hanggang sa katapusan. Ang lumang kapanahunan ay lumipas na; ngayon ay isang bagong kapanahunan.

Peb 15, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Kabanata 42

Napakadakila ng mga gawa ng Makapangyarihang Diyos! Kamangha-mangha! Kahanga-hanga! Tumutunog ang pitong trumpeta, ipinadadala ang pitong kulog, ibinubuhos ang pitong mangkok—kaagad itong hayagang ipapamalas at hindi maaaring magkaroon ng pagdududa. Dumarating sa atin araw-araw ang pag-ibig ng Diyos at tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa atin; kahiman nakakatagpo tayo ng kasawian o nakakatanggap ng pagpapala ay lubusang dahil sa Kanya, at tayong mga tao ay walang paraan na pagpasyahan ito. Yaong mga buong-pusong inaalay ang kanilang mga sarili sa Diyos ay tiyak na pagkakalooban ng malaking pagpapala, habang yaong mga hinahanap na pangalagaan ang kanilang buhay ang mawawalan ng kanilang buhay; nasa mga kamay ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng bagay at lahat ng usapin. Huwag nang ihinto ang mga hakbang. Dumarating ang malaking pagbabago sa langit at lupa; walang paraan ang tao para magtago at mayroon lang mapait na paghagulgol, walang ibang pagpipilian. Sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, dapat malinaw sa loob ng sarili niya ang bawat tao tungkol sa hakbang kung saan naisusulong ang Kanyang gawain, hindi na kinakailangan ang paalalahanan ng iba.

Ene 29, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Ika-tatlumpu’t dalawang Pagbigkas

Ano ang liwanag? Sa nakaraan totoong ipinalagay ninyo na ang pagbabago ng gawain ng Banal na Espiritu bilang liwanag. May totoong liwanag sa lahat ng oras, na kinabibilangan ng pagtamo ninyo kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng paglapit sa Akin at pakikisama sa Akin; pagkakaroon ng kabatiran sa mga salita ng Diyos at pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita—iyon ay, habang kumakain at umiinom, nadarama ninyo ang Espiritu ng mga salita ng Diyos at tinatanggap ang salita ng Diyos sa loob ng inyong sarili; inuunawa kung ano Siya habang nararanasan at tinatanggap ang pagpapalinaw ng Diyos habang nakikipag-usap sa Kanya; at naliliwanagan din at nagkakaroon ng bagong kabatiran sa mga salita ng Diyos sa lahat ng oras habang nagmumuni-muni at nagbubulay-bulay. Kung nauunawaan ninyo ang salita ng Diyos at nararamdaman ang bagong liwanag, kung gayon hindi ba kayo magkakaroon ng kapangyarihan sa iyong paglilingkod? Talagang nababahala kayo sa inyong mga sarili sa inyong paglilingkod! Dahil iyan sa hindi ninyo nahahawakan ang katunayan, wala kayong tunay na karanasan o kabatiran.