“Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo; datapwat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay parehong may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa laman, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagpapatupad sa mga gawain ng Diyos Mismo” (“Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Ang Cristo na may karaniwang pagkatao ay ang katawang-tao kung saan ang Espiritu ay naging totoo, nagtataglay ng karaniwang pagkatao, normal na katinuan, at pag-iisip ng tao. Ang ibig sabihin ng ‘naging totoo’ ay ang Diyos ay nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging laman; upang palinawin ito, ito’y kapag ang Diyos Mismo ay nananahan sa laman na may karaniwang pagkatao, at sa pamamagitan nito ay ipinahahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o maging katawang-tao” (“Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Sapagkat Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, Siya ay nasa itaas ng sinumang nilikhang tao, sa itaas ng sinumang tao na kayang gawin ang gawain ng Diyos. Kaya, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagmamay-ari ng katauhan, tanging Siya lang ang nagkatawang-taong Diyos Mismo— lahat ng iba pa ay nilikha bilang tao. Kahit lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao ay walang iba kundi tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang katauhan ang mayroon Siya kundi higit pang mas mahalaga ay ang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang katawang-tao at sa Kanyang araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap makita. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi bilang higit sa karaniwan na naiisip ng tao na maging, ito ay lubhang mahirap para sa mga tao na makita. … Yamang ang Diyos ay nagkatawang-tao, ang Kanyang diwa ay isang kombinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyon na ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa” (“Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos nakikita natin na ang pagkakatawang-tao ay ang Espiritu ng Diyos na nadamitan ng katawang-tao, ibig sabihin, ang Espiritu ng Diyos ay nagkatotoo sa katawang-tao na may normal na pagkatao at normal na pag-iisip ng tao, at sa gayon ay nagiging karaniwan at normal na tao na kumikilos at nagsasalitang kasama ng mga tao. Ang katawang-tao na ito ay may normal na pagkatao, ngunit mayroon ding ganap na kabanalan. Bagaman sa panlabas na anyo ang Kanyang katawang-tao ay tila karaniwan at normal, nagagawa Niya ang gawain ng Diyos, naipapahayag ang tinig ng Diyos, at ginagabayan at inililigtas ang sangkatauhan. Ito ay dahil mayroon Siyang ganap na pagka-Diyos. Ang ibig sabihin ng ganap na pagka-Diyos ay lahat ng taglay ng Espiritu ng Diyos—ang likas na disposisyon ng Diyos, ang banal at matuwid na diwa ng Diyos, lahat ng mayroon ang Diyos at kung ano Siya, ang pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos, at awtoridad at kapangyarihan ng Diyos—lahat ng ito’y nagkatotoo sa katawang-tao. Ang katawang-tao na ito ay si Cristo, ang praktikal na Diyos na narito sa lupa para gumawa at iligtas ang sangkatauhan. Sa Kanyang panlabas na anyo, si Cristo ay isang karaniwan at normal na Anak ng tao, ngunit malaki ang Kanyang ipinagkaiba sa alinmang nilikhang nilalang. Ang taong nilikha ay mayroon lamang pagkatao, wala siya ni kaunting bakas ng banal na diwa. Gayunman, si Cristo ay hindi lamang mayroong normal na pagkatao; mas mahalaga, Siya ay may ganap na pagka-Diyos. Kaya, mayroon Siyang diwa ng Diyos, kaya Niyang katawanin ang Diyos nang lubusan, ipinapahayag ang lahat ng katotohanan bilang Diyos Mismo, ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at pinagkakalooban ang tao ng katotohanan, daan, at buhay. Walang taong nilikha na kaya ang gayong mga dakilang gawa. Si Cristo ay gumagawa at nagsasalita, ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos, at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos sa Kanyang katawang-tao. Gaano man Niya ipinapahayag ang salita ng Diyos at ginagawa ang gawain ng Diyos, palagi Niyang ginagawa ito sa saklaw ng normal na pagkatao. Siya ay may normal na katawang-tao, walang anumang kahima-himala tungkol sa Kanya. Patunay ito na ang Diyos ay dumating sa katawang-tao, Siya ay naging karaniwang tao na. Itong karaniwan at normal na katawang-tao ay nagsakatuparan sa katunayan ng “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.” Siya ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao. Dahil si Cristo ay may ganap na pagka-Diyos, kaya Niyang katawanin ang Diyos, ipahayag ang katotohanan, at iligtas ang sangkatauhan. Dahil si Cristo ay may ganap na pagka-Diyos, kaya Niyang ipahayag nang direkta ang salita ng Diyos, hindi lamang ihatid o ipasa ang salita ng Diyos. Kaya Niyang ipahayag ang katotohanan anumang oras at saan man, tinutustusan, dinidiligan, at pinapastol ang tao, ginagabayan ang buong sangkatauhan. Dahil si Cristo ay may ganap na pagka-Diyos, at nagtataglay ng pagkakakilanlan at diwa ng Diyos, masasabi nating Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, ang praktikal na Diyos Mismo.
Ang pinakamalaking hiwaga ng pagkakatawang-tao ay may kaunting kinalaman sa kung malaki ang katawang-tao ng Diyos o katulad ng sa karaniwang tao. Sa halip ito ay may kinalaman sa katotohanan na ang ganap na pagka-Diyos ay natatago sa normal na katawang-tao na ito. Walang taong may kakayahang matuklasan o makita itong natatagong pagka-Diyos. Tulad nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, kung walang nakarinig sa Kanyang tinig at dumanas ng Kanyang salita at gawa, wala sanang nakakilala na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos. Kaya’t ang pagkakatawang-tao ng Diyos ang pinakamainam na paraan para Siya makababa nang lihim sa mga tao. Noong dumating ang Panginoong Jesus, wala ni isang makapagsabi batay sa Kanyang panlabas na anyo na Siya ang Cristo, ang Diyos na nagkatawang-tao, at wala ni isang makakita sa pagka-Diyos na nakatago sa Kanyang pagkatao. Matapos lamang maipahayag ng Panginoong Jesus ang katotohanan at nagawa ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, natuklasan ng tao na ang Kanyang salita ay may awtoridad at kapangyarihan, at noon lamang nagsimulang sumunod sa Kanya ang mga tao. Nang magpakita lamang ang Panginoong Jesus sa mga tao matapos Siyang mabuhay na muli, nila natanto na Siya ang nagkatawang-taong Cristo, ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi Niya ipinahayag ang katotohanan at ginawa ang Kanyang gawain, wala sanang sumunod sa Kanya. Kung hindi Siya sumaksi sa katotohanan na Siya ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos, wala sanang nakakilala sa Kanya. Dahil naniniwala ang tao na kung Siya talaga ang Diyos na nagkatawang-tao, ang Kanyang katawan ay dapat mayroong kahima-himalang mga katangian, dapat higit ang nagagawa Niya kaysa karaniwang tao, na may malawak, makapangyarihang tindig, at napakataas na presensya, Hindi lamang Siya dapat magsalita nang may awtoridad at kapangyarihan, kundi dapat magpakita rin ng mga palatandaan at kababalaghan saanman Siya magpunta--ganito dapat ang Diyos na nagkatawang-tao. Kung Siya ay karaniwan sa panlabas na anyo, tulad ng sinumang karaniwang tao, at may normal na pagkatao, kung gayon tiyak na hindi Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Muli nating gunitain, nang ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao upang magsalita at gawin ang gawain, kahit gaano Niya ipahayag ang katotohanan at ang tinig ng Diyos, walang sinumang nakakilala sa Kanya. Nang marinig ang isang taong sumasaksi sa Panginoong Jesus sinabi pa nilang: Hindi ba’t ito ang anak ni Jose? Hindi ba’t ito ay isang Nazareno? Bakit ganito manalita ang mga tao tungkol sa Kanya? Dahil ang Panginoong Jesus ay nagkaroon ng normal na pagkatao sa panlabas na anyo. Siya ay normal, katamtamang tao, at wala Siyang malakas, napakataas na presensya, kaya’t walang tumanggap sa Kanya. Katunayan, yamang Siya ang pagkakatawang-tao, dapat Siyang magkaroon ng normal na pagkatao ayon sa depinisyon, dapat Niyang ipakita sa mga tao na ang katawang-tao ng Diyos Mismo ay isang karaniwan at normal na katawang-tao, nagpapakita Siya tulad ng isang normal na tao. Kung ang Diyos ay nag-anyo sa katawan ng isang higit pa sa tao, hindi isang taong may normal na pagkatao, ang buong kahulugan ng pagkakatawang-tao ay mawawala. Kaya si Cristo ay kailangang magkaroon ng normal na pagkatao. Sa ganitong paraan lamang mapatutunayan na Siya ang Verbo na nagkatawang-tao.
Basahin pa natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na ang isang ordinaryo at normal na tao ay ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo; iyon ay, na ang Diyos ay ginagawa ang Kanyang banal na gawain sa pagkatao at sa gayong paraan talunin si Satanas. … Kung, noong panahon ng Kanyang unang pagdating, ang Diyos ay hindi nagkaroon ng karaniwang pagkatao bago ang edad ng dalawampu’t siyam— kung sa sandali na Siya ay ipinanganak ay nakagagawa na Siya ng mga himala, kung sa sandali na Siya ay natutong magsalita Siya ay nakapagsalita ng wika ng langit, kung sa sandali ng unang pagtapak Niya sa lupa ay naintindihan agad Niya ang makamundong bagay, nababatid ang bawat pag-iisip at mga intensyon ng bawat tao— sa gayon ay hindi Siya matatawag na normal na tao, at ang Kanyang katawang-tao ay hindi matatawag na katawang-tao. Kung ito ay ang kaso na kalakip ni Cristo, samakatwid ang kahulugan at diwa ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay mawawala. Na Siya ay nagmamay-ari ng karaniwang pagkatao na nagpapatunay na Siya ay Diyos na nagkatawang-tao; sa katunayan na Siya ay sumailalim sa normal na proseso ng pantaong paglaki ay higit pang nagpapatunay na Siya ay normal na katawang-tao; at bukod doon, ang Kanyang gawa ay sapat na patunay na Siya ang Salita ng Diyos, Espiritu ng Diyos, na nagiging laman. Ang Diyos ay nagkakatawang-tao dahil sa mga pangangailangan sa trabaho; sa madaling salita, itong yugto ng gawain ay kailangang maisagawa sa katawang-tao, maisagawa sa karaniwang pagkatao. Ito ang unang kailangan para sa ‘ang Salita ay nagiging katawang-tao,’ para sa ‘ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao,’ at ito ay ang tunay na kuwento sa likod ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos” (“Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Kung mula sa sandali ng Kanyang kapanganakan ang nagkatawang-taong Diyos ay sinimulan ang Kanyang ministeryo nang maalab, gumagawa ng higit sa karaniwan na mga senyales at mga himala, sa gayon Siya ay maaaring walang panlupang diwa. Samakatuwid, ang Kanyang pagiging tao ay umiiral para sa kapakanan ng Kanyang panlupang diwa; walang laman kung walang katauhan, at ang isang tao na walang katauhan ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng katawang-tao ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng katawang-tao ng Diyos. Sa pagsabi na ‘kapag ang Diyos ay nagiging katawang-tao Siya ay ganap na banal, ay hindi talaga tao,’ ay isang kalapastangan sa Diyos, dahil ito ay isang imposibleng makuhang paninindigan, isa na lumalabag sa alituntunin ng pagkakatawang-tao. … Ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ay umiiral para manatili ang karaniwang banal na gawain sa katawang-tao; ang Kanyang karaniwang pantaong pag-iisip ay sinusuportahan ng Kanyang karaniwang pagkatao at lahat ng Kanyang karaniwang panlupang gawain. Maaaring sabihin na ang Kanyang karaniwang pag-iisip bilang tao ay umiiral upang ipagpatuloy ang mga gawain ng Diyos sa katawang-tao. Kung itong katawang-tao ay hindi nagmamay-ari ng isang karaniwang pag-iisip ng tao, ang Diyos ay hindi makakapag-trabaho sa katawang-tao, at ang kailangan Niyang gawin sa katawang-tao ay hindi kailanman magaganap. … Kaya ang nagkatawang-tao na Diyos ay dapat nagmamay-ari ng isang karaniwang pag-iisip ng tao, dapat nagmamay-ari ng karaniwang pagkatao, dahil dapat Niyang isagawa ang Kanyang gawain sa sangkatauhan sa isang karaniwang pag-iisip. Ito ay ang diwa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao” (“Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos malinaw nating nakikita na ang Diyos na nagkakatawang-tao ay kailangang may normal na pagkatao, dahil kung hindi, hindi Siya magiging pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa panlabas na anyo, mukha Siyang karaniwan, normal na tao, at walang kahima-himala tungkol sa Kanyang pagkatao. Kaya’t kung susukatin natin si Cristo gamit ang ating mga pagkaintindi at imahinasyon, hindi natin kailanman kikilalanin o tatanggapin si Cristo. Kikilalanin lamang natin Siya bilang isang propetang isinugo ng Diyos, o isang taong ginagamit ng Diyos. Kung talagang gusto nating makilala si Cristo, kailangan nating pag-aralan ang Kanyang mga salita at gawa para makita kung ang ipinapahayag Niya ay ang sariling tinig ng Diyos, kung ang mga salitang ipinapahayag Niya ay ang mga pagpapamalas ng disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at makita kung ang Kanyang gawa at ang katotohanan na ipinapahayag Niya ay makapagliligtas sa sangkatauhan. Noon lamang natin malalaman, matatanggap, at susundin si Cristo. Kung hindi natin hahanapin ang katotohanan, hindi sinisiyasat ang gawa ng Diyos, kahit marinig natin ang mga salita ni Cristo at makita ang gawa ni Cristo, hindi pa rin natin makikilala si Cristo. Kahit kasama natin si Cristo mula umaga hanggang gabi, tatratuhin pa rin natin Siyang tulad ng karaniwang tao at sa gayon ay lalabanan at ikokondena si Cristo. Katunayan, para kilalanin at tanggapin si Cristo, ang kailangan lang nating gawin ay kilalanin ang tinig ng Diyos at kilalanin na ginagawa Niya ang gawain ng Diyos. Ngunit para malaman ang banal na diwa ni Cristo at sa gayon ay kamtin ang tunay na pagsunod kay Cristo at mahalin ang praktikal na Diyos, kailangan nating matuklasan ang katotohanan sa loob ng mga salita at gawa ni Cristo, makita ang disposisyon ng Diyos at ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, makita ang banal na diwa, pagkamakapangyarihan, at karunungan ng Diyos, makita na ang Diyos ay kaibig-ibig at pahalagahan ang Kanyang marubdob na mga intensiyon. Tanging sa ganitong paraan tunay na susundin ng tao si Cristo at sasambahin ang praktikal na Diyos sa kanyang puso.
Alam nating lahat na mga nananalig na ang landas na ipinangaral ng Panginoong Jesus, ang salitang ipinahayag Niya, ang mga hiwaga ng kaharian ng langit na ibinunyag Niya, at ang mga kahilingan Niya sa tao ay katotohanang lahat, lahat ay sariling tinig ng Diyos, at lahat ay pagpapamalas ng disposisyon ng buhay ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Ang ginawa Niyang mga himala---pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpayapa sa hangin at dagat, pagpapakain ng limang libo gamit ang limang tinapay at dalawang isda, at pagpapabangon ng patay--- lahat ay pagpapamalas ng sariling awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. ang mga naghangad ng katotohanan noong panahong iyon, tulad nina Pedro, Juan, Mateo, at Natanael, ay natanto mula sa salita at gawa ng Panginoong Jesus na Siya ang ipinangakong Mesiyas, at sumunod sa Kanya at tinanggap ang Kanyang kaligtasan. Samantalang ang mga Judiong Fariseo, kahit narinig ang mga sermon ng Panginoong Jesus at nakikita Siyang gumagawa ng mga himala, ay nakita pa rin Siya bilang karaniwang tao, na walang kapangyarihan o mataas na katayuan, Kaya’t buong katigasan nilang kinalaban at kinondena Siya nang walang takot. Sa huli nagawa nila ang pinakamatinding kasalanan sa pagpapako sa krus sa Panginoong Jesus. Ang aral ng mga Fariseo ay nananawagan para sa malalim na pagmumuni! Malinaw na inilalantad nito ang kanilang anticristong kalikasan na namumuhi sa katotohanan at namumuhi sa Diyos, at ibinubunyag ang kahangalan at kamangmangan ng tiwaling sangkatauhan. Sa kasalukuyan, ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos, tulad ng Panginoong Jesus, ay ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo sa loob ng normal na pagkatao. Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan na kailangan ng tiwaling sangkatauhan upang maligtas, at nagsasagawa ng paghatol simula sa bahay ng Diyos sa mga huling araw. Hindi lamang Niya hinahatulan at inilalantad ang mala-satanas na kalikasan ng tiwaling sangkatauhan at ang katotohanan ng kanilang katiwalian, ibinunyag din Niya ang lahat ng hiwaga ng anim na libong taon ng plano ng pamamahala ng Diyos ukol sa pagliligtas sa sangkatauhan, ipinaliwanag ang landas kung saan maaaring makalaya ang sangkatauhan mula sa kasalanan, makamit ang pagdalisay at mailigtas ng Diyos, ibinunyag ang likas na matuwid na disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at ang kakaibang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos… Ang salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na pagpapakilala ng identidad at sangkap ng Diyos Mismo. Sa mga araw na ito, lahat ng sumusunod sa Makapangyarihang Diyos ay narinig ang tinig ng Diyos sa salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, nakita ang pagpapakilala ng salita ng Diyos sa katawang-tao at lumalapit sa luklukan ng Makapangyarihang Diyos, tumatanggap ng pagdadalisay at pagperpekto ng Diyos. Ang mga taong nasa relihiyosong daigdig na nagtatatwa, kumakalaban, at nagkokondena sa Makapangyarihang Diyos ay nakagawa ng pagkakamaling tulad ng mga Judiong Fariseo, na nakikitungo kay Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, na tulad ng iba pang karaniwang tao, na walang kahit kaunting pagsisikap sa paghahanap at pag-aaral ng lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, kaya’t muli nilang ipinapako sa krus ang Diyos at pinapagalit ang disposisyon ng Diyos. Gaya ng makikita, kung panghahawakan ng tao ang kanyang mga pagkaintindi at imahinasyon, at hindi hinahanap at pinag-aaralan ang mga katotohanan na ipinapahayag ni Cristo, hindi niya makikilala ang tinig ng Diyos na ipinahayag ni Cristo, hindi magagawang tanggapin at sundin ang gawain ni Cristo, at hindi kailanman matatanggap ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Kung hindi nauunawaan ng tao ang katotohanan ng pagkakatawang-tao, hindi niya magagawang tanggapin at sundin ang gawain ng Diyos, ikokondena niya si Cristo at kakalabanin ang Diyos, at malamang din na matanggap niya ang parusa at mga sumpa ng Diyos. Kaya’t sa ating pananampalataya, upang maligtas ng Diyos, napakahalaga na hanapin natin ang katotohanan at unawain ang hiwaga ng pagkakatawang-tao!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento