Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karunungan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karunungan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 14, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Sa Ilalim ng Awtoridad ng Maylalang, Perpekto ang Lahat ng mga Bagay


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Sa Ilalim ng Awtoridad ng Maylalang, Perpekto ang Lahat ng mga Bagay


Ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, kasama na ang mga nakagagalaw at mga di nakagagalaw, tulad ng mga ibon at isda, tulad ng mga puno at mga bulaklak, at kasama ang mga hayop, mga insekto, at mga mababangis na hayop na ginawa noong pang-anim na araw—maganda ang lahat ng mga ito sa Diyos, at, dagdag pa rito, sa mga mata ng Diyos, ang mga bagay na ito, ayon sa Kanyang plano, ay umabot lahat sa rurok ng pagka-perpekto, at narating ang mga pamantayan na nais makamit ng Diyos.

Hun 2, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Sa Pang-anim na Araw, Nagsalita ang Maylalang, at ang Bawat Uri ng Buhay na Nilalang sa Kanyang Isipan ay Lumitaw, nang Isa-isa


Pagpapahayag ng Makapangyarihang DiyosSa Pang-anim na Araw, Nagsalita ang Maylalang, at ang Bawat Uri ng Buhay na Nilalang sa Kanyang Isipan ay Lumitaw, nang Isa-isa


Hindi namalayan, nagpatuloy ang paggawa ng Manlilikha sa lahat ng mga bagay nang limang araw, kasunod agad na sinalubong ng Manlilikha ang pang-anim na araw ng Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay. Panibagong simula na naman ang araw na ito, at panibagong pambihirang araw. Ano, ngayon, ang plano ng Maylalang sa bisperas ng bagong araw na ito? Anong mga bagong nilalang ang Kanyang ilalabas, lilikha ba Siya? Makinig, iyan ang boses ng Maylalang….

Mar 6, 2019

Tanong 1: Naniniwala ako na kung tayo ay magiging tapat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa paraan ng Panginoon at hindi tatanggapin ang panlilinlang ng bulaang Cristo at mga bulaang propeta, kung tayo ay alerto habang tayo ay naghihintay, kung gayon ang Panginoon ay tiyak na magbibigay sa atin ng mga rebelasyon kapag Siya ay dumating. Hindi natin kailangang makinig sa boses ng Panginoon upang tayo ay dalhin. Sabi ng Panginoong Jesus, “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan: ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:23-24). Hindi n’yo ba nakikita ang panlilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta? Kaya nga, naniniwala kami na lahat ng nagpapatotoo sa pagdating ng Panginoon ay tiyak na bulaan. Hindi na natin kailangang maghanap at magsiyasat. Dahil pagdating ng Panginoon, maghahayag Siya sa atin, at tiyak na hindi Niya tayo pababayaan. Naniniwala ako na ito ang tamang pagpapatupad. Ano sa tingin ninyong lahat?

Sagot: Tunay ngang sinabi ng Panginoong Jesus na magkakaroon ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta sa mga huling araw. Ito’y katotohanan. Ngunit malinaw na nagpropesiya din ang Panginoong Jesus nang maraming beses na Siya ay babalik. Pinaniniwalaan ba natin ito? Kapag sinisiyasat ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus, maraming tao ang nagbibigay prayoridad sa pagiging maingat sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. At hindi man lang iniisip kung paano sasalubong sa pagdating ng kasintahang lalaki, at kung paano makikinig sa tinig ng kasintahang lalake. Ano ba ang isyu rito? Hindi ba’t ito’y kaso ng hindi pagkain dahil sa takot na mabulunan, ng pagiging maingat tungkol sa mga bagay na walang halaga at pagbabalewala sa mga bagay na mahalaga? Sa katunayan, gaano man tayo kahigpit mag-ingat laban sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, kung hindi natin tatanggapin ang pagbabalik ng Panginoon, at hindi tayo madadala sa harapan ng trono ng Diyos, tayo’y mga hangal na birhen na pinaalis at itinakwil ng Diyos, at ang paniniwala natin sa Panginoon ay isang lubos na kabiguan! Ang susi sa kung matatanggap natin ang pagbabalik ng Panginoon o hindi ay kung naririnig natin ang tinig ng Diyos o hindi. Hangga’t ating kinikilala na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, hindi tayo mahihirapang tukuyin ang tinig ng Diyos. Kung hindi natin mabatid ang katotohanan, at nakatuon lamang sa mga tanda at kababalaghan ng Diyos, tiyak na malilinlang tayo ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Kung hindi natin hahanapin at sisiyasatin ang tamang daan, hindi natin maririnig ang tinig ng Diyos kailanman. Hindi ba natin hinihintay ang kamatayan, at magdadala ng sarili nating pagkawasak? Naniniwala kami sa mga salita ng Panginoon, naririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos. Yaong mga tunay na may talino, at kalibre, at nakakarinig sa tinig ng Diyos ay hindi malilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta.

Peb 13, 2019

Tanong 1: Sa mga taon ng pananampalataya ko, kahit alam kong ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos, Hindi ko naintindihan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao. Kung ang pagpapakita ng Panginoon sa ikalawang pagdating ay katulad ng kung paano nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus bilang ang Anak ng tao para gawin ang Kanyang gawain, hindi natin makikilala ang Panginoong Jesus, hindi tayo makakasalubong sa pagdating ng Panginoon. Naniniwala ako na ang pagkakatawang-tao ay malaking hiwaga. Iilan lamang ang tunay na nakauunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. pag-usapan natin ang bagay na ito, kung ano nga ba ang pagkakatawang-tao.

Sagot: Ang pagkakatawang-tao ay tunay na kamangha-manghang hiwaga. Sa loob ng libu-libong taon, ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ay hindi naunawaan ng lahat. Ngayon lamang na dumating ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at personal na ibinunyag ang hiwaga ng pagkakatawang-tao Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng katawang-tao. Kaya, para maging tao ang Diyos, Siya ay dapat munang magkatawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat magkatotoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao.

Peb 9, 2019

Mga Pagsasalaysay | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (2)



Mga Pagsasalaysay | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (2)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang pagbabawal sa Kanyang gawain, at hindi ito masisira ng sinumang tao, bagay, o kaganapan, at hindi ito maaaring guluhin ng anumang mga puwersa ng kaaway. Sa Kanyang bagong gawain, Siya ay palaging nagwawaging Hari, at ang anumang mga puwersa ng kaaway at ang lahat ng mga erehiya at mga panlilinlang mula sa sangkatauhan ay bumagsak lahat sa ilalim ng Kanyang tuntungan. Kahit na alinman sa Kanyang gawain ang Kanyang tinutupad, ito ay dapat na malinang at palawakin sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at ito ay dapat na ipatupad nang walang kahadlangan sa buong daigdig hanggang sa ang Kanyang dakilang gawain ay mabuo.

Peb 5, 2019

Tanong 1: Malinaw itong nasusulat sa banal na kasulatan: “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Hebreo 13:8). Kaya nga, ang pangalan ng Panginoon ay di maaaring magbago! sinasabi nila na ang pangalan ni Jesus ay nagbabago sa mga huling araw. Paano mo ito ipaliliwanag?

Sagot: Mga kapatid, sinasabi sa Biblia, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Hebreo 13:8). Tinutukoy nito ang katotohanan na ang disposisyon ng Diyos at ang kanyang diwa ay walang-hanggan at di nagbabago. Hindi ibig sabihin nito na hindi magbabago ang Kanyang pangalan. Tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? … at ang mga salitang “Ang Diyos ay hindi magbabago” ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehovah, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.

Ene 9, 2019

Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Unang bahagi)


Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Unang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Pagkaunawa sa Awtoridad ng Diyos mula sa Pangmalawakan at Pangmaliitang mga Perspektibo Ang Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Di Maihihiwalay mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha