Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Peb 26, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo | 22. Ano ang pagsunod sa tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

8. Ang mga taong naniniwala sa Diyos ay dapat sumunod sa Diyos at sumamba sa Kanya. Hindi ninyo dapat dakilain o tingalain ang sinumang tao; hindi ninyo dapat isauna ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ikatlo ang inyong sarili. Walang sinuman ang dapat lumuklok sa inyong puso, at hindi mo dapat isaalang-alang ang mga tao—lalo na ang inyong mga iginagalang—upang maging pantay sa Diyos, upang maging Kanyang kapantay. Ito ay hindi-matitiis ng Diyos.

mula sa “Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang ibang tao ay di nagagalak sa katotohanan, lalo na ang paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at kayamanan, ang mga taong ito ay pinaniniwalaang mga magpagmataas na tao. Hinahanap lamang nila ang mga sekta sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng paraan ng katotohanan, mananatili silang may pagaalinlangan at hindi nila mailalaan ang kanilang mga sarili nang lubusan. Sila ay nagsasalita ng pagsasakripisyo para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatitig sa mga dakilang pastor at mga guro, at si Kristo ay isinantabi. Ang kanilang mga puso ay napupuno ng kasikatan, kayamanan at karangalan. Talagang di sila naniniwala na ang isang ganoong kahinang tao ay may kakayahan ng panlulupig sa karamihan, na ang isang di kapansin-pansin ay may kakayahang gawing mabuti ang mga tao. Hindi sila naniniwala sa anumang paraan na itong mga walang saysay na taong kabilang sa mga alikabok at mga tambak na dumi ay ang mga taong pinili ng Diyos. Sila ay naniniwala na kung ang mga tulad ng mga taong ito ang layunin ng kaligtasan ng Diyos, kung ganon ang langit at lupa ay magkakabalibaliktad at lahat ng tao ay magkakatawanan. Sila ay naniniwala na kung pinili ng Diyos ang gayong walang saysay na mga tao na maging perpekto, kung ganon ang mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang kanilang mga pananaw ay nababahiran ng kawalan ng pananampalataya, sa katunayan, malayo mula sa kawalan ng pananampalataya, sila ay hibang na mga halimaw. Sapagkat ang tanging pinahahalagahan lamang nila ay posisyon, reputasyon at kapangyarihan, kanilang pinanghahawakan ang mataas na pagsasaalang-alang sa mga malalaking grupo at mga sekta. Talagang wala silang pagsasaalang-alang para sa mga pinangungunahan ni Kristo, sila ay mga traydor lamang na tumalikod kay Kristo, sa katotohanan, at sa buhay.

Hindi ang kababaang-loob ni Kristo ang iyong hinangaan, kundi ang mga huwad na pastol na may prominenteng katayuan. Hindi mo minahal ang kagandahan o karunungan ni Kristo, kundi ang mga walang pusong nauugnay sa malaswang mundo. Tinatawanan mo ang mga pasakit ni Kristo na walang lugar para pagpatungan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan ang mga bangkay na kumakamkam ng mga pag-aalay at namumuhay sa panunulsol. Ikaw ay hindi handang magdusa sa tabi ni Kristo, kundi masayang pumupunta sa mga braso ng mga walang ingat na mga antikristo bagama’t tinutustusan ka lamang ng laman, mga letra at pagkontrol. Kahit ngayon, tumatalima patungo sa mga ito ang iyong puso, sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan sa puso ng mga Satanas, sa kanilang impluwensya, at sa kanilang awtoridad, ngunit patuloy kang nagkakaroon ng saloobin ng paglaban at hindi pagtanggap sa gawain ni Kristo. Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabi na wala kang pananampalataya ng pagkilala kay Kristo. Ang dahilan ng pagsunod mo sa Kanya magpahanggang ngayon ay sa kadahilanang ikaw ay pinilit. Namumukod magpakailanman sa puso mo ang matatayog na mga larawan, di mo makalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, maging ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at gawa. Nasa puso ninyo sila, kataas-taasan magpakailanman at mga bayani magpakailanman. Ngunit ito ay hindi para sa Kristo sa panahong ito. Siya ay walang kabuluhan magpakailanman sa iyong puso at di-karapat-dapat sa paggalang magpakailanman. Sapagka’t Siya ay napakalayo sa ordinaryo, may lubhang napakaliit na impluwensya, at malayo sa karangalan.

mula sa “Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

May ilang mga tao na madalas ay nalilinlang ng mga taong sa panlabas ay mukhang espirituwal, mukhang kagalang-galang, mukhang may matayog na mga imahe. Para sa mga tao na may kakayahang magpaliwanag ng mga liham at mga doktrina, at ang pananalita at pagkilos ay lumalabas na karapat-dapat para sa paghanga, hindi kailanman tumingin ang mga tagahanga nila sa diwa ng kanilang mga pagkilos, sa mga prinsipyo sa likod ng kanilang mga gawa, ano ang kanilang mga layunin. At hindi sila kailanman tumingin sa kung tunay ba na sumusunod sa Diyos ang mga taong ito, at kung tunay ba silang may takot sa Diyos at iniiwasan ang kasamaan o hindi. Hindi nila kailanman naunawaan ang substansya ng pagkatao ng mga taong ito. Sa halip, mula sa unang antas ng pagkakilala, unti-unti, sila’y humanga sa mga taong ito, iginalang ang mga taong ito, at sa katapusan naging mga diyos-diyosan nila ang mga taong ito. Dagdag pa rito, sa isip ng ilang mga tao, ang mga diyos-diyosan na kanilang sinasamba, na pinaniniwalaan nila na kayang iwanan ang kanilang mga pamilya at mga trabaho, at kunwari’y nakahandang magdusa—ang mga diyos-diyosan na ito ang tunay na makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos, ang mga talagang makatatanggap ng isang magandang kalalabasan at isang mahusay na hantungan. Sa kanilang mga isip, ang mga diyos-diyosan na mga ito ay ang mga taong pinupuri ng Diyos. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng mga tao ng ganitong uri ng paniniwala? Ano ang diwa ng suliranin na ito? Ano ang mga kahihinatnan na maaari nitong kahantungan? Ang unang bagay na ating tatalakayin ay ang diwa nito.

... Mayroon lamang isang pinakasanhi na nagdudulot sa mga tao para gawin ang mga ignoranteng pagkilos, mga ignoranteng pananaw, o mga isahang-panig lamang na pananaw at mga gawi, at ibabahagi Ko sa inyo ngayon ang tungkol dito. Ang dahilan nito ay bagaman maaaring sundin ng mga tao ang Diyos, manalangin sa Kanya araw-araw, at basahin ang salita ng Diyos araw-araw, hindi nila talaga nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Ito ang ugat ng problema. Kung may nakauunawa sa puso ng Diyos, nakauunawa sa mga gusto ng Diyos, kung ano ang kinasusuklaman ng Diyos, kung ano ang mga kagustuhan ng Diyos, kung ano ang tinatanggihan ng Diyos, anong uri ng tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng tao ang ayaw ng Diyos, kung anong uri ng pamantayan ang sumasaklaw sa mga hinihingi Niya sa tao, kung anong uri ng pamamaraan ang ginagamit Niya sa pagperpekto sa tao, maaari pa rin bang magkaroon ang taong iyan ng pansariling mga ideya? Maaari ba silang basta na lang pumunta at sambahin ang ibang tao? Puwede ba na ang isang ordinaryong tao ay maging diyos-diyosan nila? Kung nauunawaan ng isang tao ang kalooban ng Diyos, ang kanilang pananaw ay mas makatwiran kaysa diyan. Hindi nila sasambahin nang basta na lang ang isang tiwaling tao, at habang naglalakad sila sa landas ng pagsasagawa sa katotohanan, hindi rin sila maniniwala na kapantay ng pagsasagawa sa katotohanan ang basta na lang sumusunod sa ilang simpleng alituntunin o prinsipyo.

mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Makabubuti para sa mga taong yaon na nagsasabi na sumusunod sila sa Diyos na buksan ang kanilang mga mata at tingnang mabuti nang makita kung sino talaga ang pinaniniwalaan nila: Ang Diyos ba talaga ang iyong pinaniniwalaan, o si Satanas? Kung nalalaman mo lang na hindi ang Diyos ang iyong pinaniniwalaan kundi ang iyong sariling mga diyus-diyosan, kung gayon mas makabubuting huwag sasabihing ikaw ay isang sumasampalataya. Kung talagang hindi mo alam kung sino ang iyong pinaniniwalaan kung gayon, uli, mas makabubuting huwag sasabihing ikaw ay isang sumasampalataya. Ang sabihin yaon ay kalapastanganan! Walang sinuman ang pumipilit sa iyo na maniwala sa Diyos. Huwag sasabihin na kayo ay naniniwala sa Akin, sapagkat sapat na ang Aking narinig sa mga salitang yaong matagal na panahon na ang nakararaan at ayaw Kong marinig ulit ang mga iyan, sapagkat ang inyong pinaniniwalaan ay ang mga diyos-diyosan sa inyong mga puso at ang lokal na mga tampalasang ahas sa gitna ninyo. Yaong mga inaalog ang kanilang mga ulo kapag narinig nila ang katotohanan, na ngumingiti nang maluwang kapag nakarinig sila ng mga usapan ng kamatayan ay mga lahi ni Satanas, at ang mga bagay lahat na aalisin. Umiiral sa iglesia ang maraming mga tao na walang pagkaunawa, at kapag ang isang mapanlinlang na bagay at nangyari maninindigan lamang sila sa panig ni Satanas. Kapag sila ay tinatawag na mga utusan ni Satanas nadadama nila na masyado silang minamasama. Sinasabing wala silang pagkaunawa, ngunit palagi silang naninindigan sa panig ng walang katotohanan. Wala ni isang mahalagang sandali na sila’y nanindigan sa panig ng katotohanan, wala ni isang pagkakataon nang sila’y nanindigan at nakipagtalo para sa katotohanan, kaya wala ba talaga silang pagkaunawa? Bakit palagi silang naninindigan sa panig ni Satanas? Bakit hindi sila kailanman nagsasabi ng isang salita na makatarungan o makatuwiran para sa katotohanan? Ang kalagayan bang ito ay talagang nilikha ng kanilang panandaliang pagkalito? Kung mas kaunti ang pagkakaunawa ng isang tao, lalo silang hindi makapanindigan sa panig ng katotohanan. Ano ang ipinakikita nito? Hindi ba nito ipinakikita na yaong mga walang pagkaunawa ay umiibig sa kasamaan? Hindi ba nito ipinakikita na yaong mga walang pagkaunawa ay mga tapat na anak ni Satanas? Bakit ba palagi silang nakapaninindigan sa panig ni Satanas at sinasalita ang kaparehong wika nito? Ang kanilang bawat salita at gawa, at ang kanilang mga pagpapahayag ay pinatutunayang husto na sila ay hindi anumang uri ng mangingibig ng katotohanan, ngunit sa halip sila ay mga taong namumuhi sa katotohanan. Na nakapaninindigan sila sa panig ni Satanas ay nagpapatunay nang husto na iniibig talaga ni Satanas ang mga maliliit na diablong ito na nakikipaglaban para sa kapakanan ni Satanas sa buong buhay nila. Ang lahat ng mga katotohanang ito ay hindi ba napakalinaw? Kung ikaw ay talagang isang tao na umiibig sa katotohanan, kung gayon bakit hindi ka magkaroon ng anumang paggalang sa kanila na nagsasagawa ng katotohanan, at bakit mo kaagad sinusunod yaong hindi nagsasagawa ng katotohanan sa sandaling magkaroon sila ng isang maliit na pagbabago ng mukha? Anong uri ng suliranin ito?

mula sa “Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Pagbabahagi ng Tao:

Ano ang ibig sabihin nang sumusunod sa mga tao? Ang pagsunod sa mga tao ay nangangahulugan na ang isa ay sumusunod sa mga manggagawa o mga pinuno na kanilang sinasamba. Ang Diyos ay walang gaanong lugar sa kanilang mga puso; nakapagbitin na lamang sila ng isang karatula na nagsasabing sila’y naniniwala sa Diyos, at sa lahat ng ginagawa nila ginagaya nila o kinokopya ang mga tao. Lalo na kapag ito’y isang pangunahing bagay,hinahayaan nilang ang mga tao na magpasiya, hinahayaan nila ang mga tao na manduhan ang kanilang kapalaran, sila mismo’y hindi naghahanap sa pakahulugan ng Diyos, at hindi nila makakayanang intindihin ang mga salitang sinasabi ng mga tao. Habang ang napapakinggan nila ang mga mahusay na pangangatwiran, samakatuwid hindi alintana kung ito ay sumasang-ayon sa katotohanan tatanggapin pa rin nila ito at pakikinggan ito. Ang mga ito ang mga pagpapakitang pagsunod sa mga tao. Ang ganoong paniniwala ng mga tao sa Diyos ay walang mga prinsipyo,walang katotohanan sa kanilang mga pagkilos, nakikinig sila sa sinumang nagsasalitanang may katinuan, at kahit na ang kanilang mga idolo ay maling landas ang tinatahak, sila’y sumusunod sa kanila hanggang sa pinakadulo. Kung kinokondena ng Diyos ang kanilang mga diyus-diyusan, samakatuwid sila’y magkakaroon ng mga pagkaintindi sa Diyos, at mahigpit na kakapit sa kanilang mga diyus-diyusan. Ang kanilang mga katuwiran ay na “dapat tayong makinig sa sinumang namumuno sa atin; ang mas malapit na kapangyarihan ay mas mainam kaysa sa mas mataas na kapangyarihan.” Ito ay kahabag-habag na pangangatuwiran, dalisayat simple, ngunit ganoon ang kalokohan ng mga yaong sumusunod sa mga tao. Yaong mga sumusunod sa mga tao ay walang katotohanan. Tanging yaong mga sumusunod sa Diyos ang tunay na naniniwala sa Diyos; yaong mga sumusunod sa mga tao ay sumasamba sa mga diyus-diyusan, sila’y nadaya ng mga tao, at sa mga puso nila aywalang alinmang Diyos ni ang katotohanan. May ilang kakatwang mga tao na nagsasagawa ng labis na pagkiling kaugnay sa usaping ito. Naniniwala sila na dahil sila ay sumusunod sa Diyos hindi sila dapat nakikinig sa mga tao. “Hindi alintana kung gaano man karami sa sinasabi ng namumuno ang naayon sa katotohanan, hindi namin susundin at tatanggapin ito.” Ganitong uri ng labis sa pagkiling ang isinasagawa ng mga kakatwang tao. Hindi nila nauunawaan kung ano ang kahulugan ng paghahangad sa mga layunin ng Diyos, at hindi nila magawang makita ang kaibahan kung ang isang bagay ay nagmumula sa Diyos at kaayon ng katotohanan. Dapat tayong magsagawa ng mahigpit na pagkakilala tungkol sa pagsunod sa Diyos at hindi ang pagsunod sa mga tao, at hindi tayo dapat magsagawa ng labis na pagkiling. Sinumang tao ang may kakayahan na tumanggap ay pangangasiwaan ito nang tama. Hangga’t dinadagdagan nila ang mga pagsisikap na makakilala, hindi sila magkakamali. Tandaan ang aral na karamihan sa mga sumasampalataya sa iba’t-ibang mga denominasyon at sekta ay kinokontrol ng mga tao at nabibigong lakaran ang tunay na daan dahil sa pagtalima sa mga tao, pagpapasakop sa mga tao, at pagsunod sa mga tao. Ang pangunahing dahilan ng kanilang kabiguan ay ang sila ay naniniwala sa Diyos subalit sumusunod sa mga tao. Sa kasalukuyan maraming mga tao pa rin ang humaharap sa ganitong uri ng panganib.

mula sa Ang Paliwanag mula sa Itaas

Sinumang sinasamba ng mga tao sa kanilang mga puso ay kanilang diyus-diyusan; sinumang sumasamba sa kanilang mga pinuno ay isang tao na sumasamba sa mga diyus-diyusan. Ang isa na sinasamba ng mga tao ay isa na may lugar sa kanilang mga puso, at isa na siyang hindi maiiwasangmagmamay-ari sa kanila at gagawin silang kanilang mga alipin. Sa panahon ng gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, natutuklasan natin na ang mga tao mula sa iba’t-ibang sekta at denominasyon ay lahat sumasamba sa mga diyus-diyusan, lahatay kontrolado ng kanilang mga pinuno, na ni hindi nila lakas-loob na tanggapin ang katotohanan. Sila ay tulad ng nakakaawang mga alipin. Ang mga taong sumasamba sa kanilang mga pinuno ay yaong mga sumasamba sa mga diyus-diyusan, ang kanilang mga puso ay hindi mapapag-alinlanganang walang katotohanan, at hindi nila kilalaman lang ang Diyos; sa gayon, ang Diyos ay walang lugar sa kanilang mga puso, at sila’y kinasuklaman at sinumpa ng Diyos. Ang Diyos ay isang makatarungang Diyos, Siya ay isang selosong Diyos, at kinamumuhian Niya nang walang hihigit pa kapag ang mga tao’y sumasamba sa mga diyus-diyusan. Walang mas hihigit sa kalapastanganan sa Diyos kaysa sa pagturing sa mga pinuno bilang kapantay ng Diyos. Sa katunayan, sa mga puso ng yaong mga bumalik sa harap ng Diyos, doon dapat lamang ang Diyos. Walang ibang dapat na magkaroon ng lugar sa kanilang puso. Para sa ganoong mga bagay na matampok sa kanilang mga kaisipan at mga ideya ay marumi at tiwali, at kinasusuklaman at kinamumuhian ng Diyos. Sa bagay na ito, karamihan sa mga tao ay di-malinis, at sa mas mataas o mas mababang lawak, yaong kanilang sinasamba ay may lugar sa kanilang mga puso. Pagdating sa disposisyon ng Diyos, hindi katanggap-tanggap na ang mga tao ay may bahagyang lugar para sa tao sa kanilang mga puso, at kapag hindi nila maaaring makamit ang isang kadalisayan mula simula hanggang katapusan, samakatuwid sila ay makokondena.

May tiyak na mga palatandaan sa lahat ng mga sumasamba sa kanilang mga pinuno sa kanilang mga puso. Sila ay nakikilala bilang sumusunod: Kapag ang iyong pagtalima sa iyong pinuno ay mas higit kaysa sa iyong pagtalima sa Diyos, samakatuwid ikaw ay sumasamba sa mga diyus-diyusan; kapag minimithi at hinahangad mo ang mga taong sinasamba mo nang higit kaysa sa pagmithi at paghangad mo sa Diyos, samakatuwid sumasamba ka sa mga diyus-diyusan; kapag ikaw ay mas taimtim sa iyong pinuno kaysa sa Diyos, samakatuwid sumasamba ka sa mga diyus-diyusan; kapag, sa puso mo, malapit ka sa mga sinasamba mo at malayo sa Diyos, samakatuwid sumasamba ka sa diyus-diyusan; kapag, sa inyong puso, yaong sinasamba mo aynakahanay kapantay ng Diyos, samakatuwid ito ay mas higit pang katibayan na tinatrato mo ang mga taong sinasamba mo tulad ng Diyos; at kapag, anuman ang mangyari sa iyo, nahahanda kang makinig sa iyong pinuno, at hindi ka nahahandang lumapit sa harap ng Diyos upang hanapin ang katotohanan, samakatuwid ito ay sapat na upang patunayan na hindi ka naniniwala sa Diyos, kundi sa mga tao. May ilang mga tao,marahil, ang ipagtatanggol ang kanilang mga sarili, at sasabihin: “Talagang hinahangaan ko si ganoon-at-ganito, sila’y talagang may lugar sa aking puso. Hindi napagtatanto ito, napalayo ako nang kaunti sa Diyos sa aking pakikipag-ugnayan sa Kanya.” Ang mga katagang ito ang nagpapakita ng katotohanan ng bagay; sa sandaling ang isang tao ay may lugar sa puso ng tao, ang taong iyon ay nagiging malayo sa Diyos. Ito ay mapanganib, datapwat may ilang mga tao na dinadala ito nang basta-basta, wala silang kaunting malasakit, na kung saan ipinapakita na hindi nila alam ang disposisyon ng Diyos. ... ang pagsamba ng mga tao ay napaka-mangmang at bulag, ito ay tiwali at masama. Ang pagsamba sa mga tao ay pagsamba kay Satanas at mga demonyo, ito ay pagsamba sa mga antikristo, at yaong sumasamba sa mga tao ay wala ni katiting ng katotohanan. Ang mga taong ganito ay tiyak na nawalan pati na ng bahagyang kaalaman sa Diyos; sila ay mga masasamang tao na sinumpa ng Diyos. Ano ang masasabi mo, ang mga katotohanan ay hindi ba gayon?

mula sa Ang Paliwanag mula sa Itaas

Ang paniniwala ng ilang tao sa Diyos ay masyadong kakaunti: Hindinila kailanman ipinapalagay ang Diyos bilang makapangyarihan sa lahat, at sa gayon kapag may nangyari sa kanila, madali para sa kanila ang mawalan ng kanilang pananampalataya. At saka, madali din para sa kanila ang sumamba at tumingala sa mga tao, at ito ay para bang ginagamit upang punan ang mga bahagi ng Diyos na hindi sapat para sa kanila. Dahilan sa palagi silang tumitingala at sumasamba sa mga tao, wala silang kaalam-alam na ang lugar ng Diyos sa kanilang mga puso ay nagiging higit na mas maliit, at ang lugar ng mga taong kanilang sinasamba ay nagiging higitna mas malaki. Sa bandang huli, sila'y hindi sinasadyang nagiging yaong mga naniniwala sa Diyos sa pangalan lamang, yaong sa realidad ay naniniwala sa mga tao, sumusunod sa mga tao, sumasamba sa mga tao, at tumitingala sa mga tao. Tulad ng yaong sa relihiyon, ang paniniwala nila sa Diyos ay naturingan lang; sa realidad, lahat ng pinaniniwalaan nila at sinusundan ay mga pastor, at mga pastor lamang ang kanilang Panginoon at Diyos. Mula sa landas ng paniniwala sa Diyos, sila'y dumadausdus sa pagsunod at pagtalima sa mga tao-hindi ba ito ubod ng sama? Ang ganoong mga tao ba ay nag-aangkin ng tunayna pananampalataya sa Diyos? Sila'y hindi. Sa gayon, sa lahat ng bagay hindi sila umaasa sa Diyos, ngunit tumitingala at sumasamba sa mga tao. Palagi silang naghahanap ng pahiwatig mula sa iba, naghihintay sila ng kanilang hudyat mula sa iba sa paghahanap ng landas, palagi silang nakikinig sa kung ano ang sinasabi ng mga tao at tumitingin sa kung ano ang kanilang ginagawa, at ang bawat salita nila at pagkilos ay hindi maihihiwalay sa mga tao. Hindi napapagtanto ito, sila ay nagiging yaong mga naniniwala at sumusunod sa mga tao. Totoo na sabihin na lahat ng mga labis na mapitagan at masambahin sa mga tao ay talagang naniniwala at sumusunod sa mga tao.

mula sa “Ang Sampung Realidad ng mga Salita ng Diyos na Kailangang Pasukin para Maligtas at Magawang Perpekto” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (IV)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento