Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagsamba. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagsamba. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 19, 2019

Tagalog Christian Music Video | "Purihin ang Diyos Nang Buo ang Puso"


Tagalog praise and worship Songs | "Purihin ang Diyos Nang Buo ang Puso"


Nagdarasal-basa't nakikisalamuha 
nagninilay-nilay't Diyos ay ating hanap.
Buhay sa Kan'yang salita, kitang S'ya'y kaibig-ibig.
Katotohana'y nagpapalaya; 
lasap tunay N'yang pag-ibig.
Pagsamba'y kahanga-hanga't magkakaiba.
Mapapasayaw't awit sa pagpupuri sa Diyos.
Pagpuring walang hadlang, laging malaya,
taos-puso at dala'y ligaya.
Ang mabuhay sa Diyos, ligaya na tunay;
Siya'y iibigi't susundin habambuhay.
Kita ang dakilang pagliligtas ng Diyos,
purihin ang Diyos nang buo ang puso.
Katotohana'y ibinabahagi, Espiritu'y gumagawa,
sa pagsasama natin, buhay lumalago.

Hul 28, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ngalan ng Makapangyarihang Diyos Sinasaksihan sa Lahat ng Bansa sa Mundo



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ngalan ng Makapangyarihang Diyos Sinasaksihan sa Lahat ng Bansa sa Mundo


I
Mula nang Makapangyarihang Diyos,
Hari ng kaharian, nasaksihan na,
lawak ng Kanyang plano ng pamamahala
lumalaganap na sa buong kalawakan.
Pagpapakita ng Diyos nasaksihan na
di lang sa China, kundi sa buong mundo.
Tinatawag nila Kanyang banal na ngalan,
hanap ay makasalamuha ang Diyos kahit paano,

Hul 21, 2019

Tagalog Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" | Napakasayang Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos


Tagalog Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" | Napakasayang Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos


Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan,

para ito sa buong bayan ng Diyos.

Naglalakad at nagsasalita si Cristo sa iglesia

at nabubuhay kasama ng bayan ng Diyos.

Narito ang paghatol at pagkastigo ng Diyos,

gayundin ang gawa ng Banal na Espiritu.

Abr 6, 2019

Awit ng papuri|Nadala na ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon



Awit ng papuri|Nadala na ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon


Gawain ng Diyos ang pumapatnubay
sa buong sansinukob at, higit pa rito,
ang kidlat ay direktang kumikislap
mula Silangan hanggang Kanluran.

Peb 26, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo | 22. Ano ang pagsunod sa tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

8. Ang mga taong naniniwala sa Diyos ay dapat sumunod sa Diyos at sumamba sa Kanya. Hindi ninyo dapat dakilain o tingalain ang sinumang tao; hindi ninyo dapat isauna ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ikatlo ang inyong sarili. Walang sinuman ang dapat lumuklok sa inyong puso, at hindi mo dapat isaalang-alang ang mga tao—lalo na ang inyong mga iginagalang—upang maging pantay sa Diyos, upang maging Kanyang kapantay. Ito ay hindi-matitiis ng Diyos.


mula sa “Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang ibang tao ay di nagagalak sa katotohanan, lalo na ang paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at kayamanan, ang mga taong ito ay pinaniniwalaang mga magpagmataas na tao. Hinahanap lamang nila ang mga sekta sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng paraan ng katotohanan, mananatili silang may pagaalinlangan at hindi nila mailalaan ang kanilang mga sarili nang lubusan.

Peb 19, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Kabanata 47

Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—ang Makapangyarihan! Lubusang walang natatago sa Iyo. Ang isa at bawa’t hiwaga mula pa noong unang panahon hanggang sa kawalang-hanggan, na hindi kailanman naibubunyag ng mga tao, sa Iyo ay namamalas at pawang malinaw. Hindi na namin kailangan pang maghanap at mangápâ, dahil ngayon ang Iyong persona ay hayagang namamalas namin, Ikaw ang hiwagang nabubunyag, at Ikaw ang buháy na Diyos Mismo, at sa ngayon dumating Ka nang mukhaan sa amin, at para sa amin ang makita ang Iyong persona ay ang makita ang bawa’t hiwaga ng espirituwal na kinasasaklawan. Ito ay tunay na isang bagay na hindi maguni-guni ng sinuman! Narito Ka sa aming kalagitnaan ngayon, nasa loob pa nga namin, talagang napakalapit sa amin; hindi ito kayang ilarawan at ang hiwagang nakapaloob dito ay walang katapusan!

Peb 8, 2019

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Kabanata 36

Ang Makapangyarihang totoong Diyos, Haring nasa trono, ay namumuno sa buong sansinukob, hinaharap ang lahat ng mga bansa at lahat ng mga bayan, at lahat ng nasa silong ng langit ay sumisikat sa luwalhati ng Diyos. Makikita ng lahat ng nabubuhay sa mga kadulu-duluhan ng sansinukob. Ang mga bundok, ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga lupain, ang mga karagatan at lahat ng nabubuhay na nilalang, sa liwanag ng mukha ng tunay na Diyos ay nagbukas ng kanilang mga pantabing, napanumbalik, parang nagising mula sa isang panaginip, umuusbong pasibol sa lupa!

Ene 9, 2019

Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Unang bahagi)


Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Unang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Pagkaunawa sa Awtoridad ng Diyos mula sa Pangmalawakan at Pangmaliitang mga Perspektibo Ang Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Di Maihihiwalay mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

Ene 3, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII" (Ikalawang Bahagi)




Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII" (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan ay ang Diyos ay namumuno sa lahat ng mga bagay at nagbibigay-buhay sa lahat ng mga bagay. Ang Diyos na pinagmulan ng lahat, at ang sangkatauhan ay nagtatamasa ng lahat ng mga bagay habang ang Diyos ang nagbibigay ng mga ito. Sa madaling sabi, nasisiyahan ang tao sa lahat ng mga bagay kapag tinatanggap niya ang buhay na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Tinatamasa ng sangkatauhan ang mga bunga ng paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay, samantalang ang Diyos ang Panginoon. Tama? Kung gayon, mula sa perspektibo ng lahat ng mga bagay, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan?Nakikitanang malinaw ng Diyos ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay, at kinokontrol at pinangingibabawan ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay.

Dis 28, 2018

Makapangyarihang Diyos | Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ikaapat na bahagi)


Makapangyarihang Diyos | Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ikaapat na bahagi)


        Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Hindi Mapipigilan ang Awtoridad ng Maylalang sa pamamagitan ng Oras, Espasyo, Heograpiya, at ang Awtoridad ng Maylalang ay Hindi Masusukat Ang Katotohanan ng Kontrol at Kapangyarihan ng Maylalang sa Lahat ng mga Bagay at mga Buhay na Nilalang ay Naghahayag ng Tunay na Pag-iral ng Awtoridad ng Maylalang Di-Nagbabago at Di-Nasasaktan ang Awtoridad ng Maylalang

Dis 24, 2018

Tagalog Christian Songs | "Kakanyahan ng Diyos Tunay na Umiiral" (Tagalog Song)



Tagalog Christian Songs | "Kakanyahan ng Diyos Tunay na Umiiral" (Tagalog Song)


I
Ang kakanyahan ng D'yos ay 'di huwad.
Ang kariktan ng D'yos ay hindi huwad.
Ang kakanyahan ng D'yos ay umiiral; 'di ito nadadagdagan ng iba,
at tiyak na 'di nagbabago sa mga panahon, oras at lugar.
II
Ang mga bagay na ginagawa ng D'yos
na masyadong maliit para banggitin,
na 'di masyadong mahalaga sa mga mata ng tao,
na sa mga isipan ng tao ay 'di kailanman magagawa ng D'yos,
ang mga maliliit na mga bagay na 'to ang talagang nagpapakita
ng pagkatotoo ng D'yos at kariktan N'ya.

Dis 20, 2018

Tagalog Christian Songs | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"



Tagalog Christian Songs | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"


Naririnig ko ang Iyong mabait na tawag,
bumabalik ako sa Iyong harapan.
Sa Iyong mga salita naliliwanagan,
nakikita ko ang aking katiwalian.
I
Madalas akong malamig sa Iyo, sinaktan at pinalungkot Ka,
matigas ang puso, nagrebelde, iniwan Kang mag-isa.
Bakit ang Iyong pagmamahal sa tao ay nasuklian ng sakit?
Napopoot ako sa aking matigas na puso
at malalim na kasamaan.
Marumi, hindi karapat-dapat na makita Ka,
ng Iyong pagmamahal.
Ako'y isang mapanghimagsik na tao,
paano ko malalaman ang Iyong puso,
makita ang Iyong pagmamahal?
Ang Iyong pag-ibig ay totoong tunay,
malaki ang utang na loob ko sa'Yo.
Palaging kasama kita kapag ako'y kinastigo.
Sumasakit ang Iyong puso sa pag-ibig kapag ako'y nadalisay.
Kapag ako'y nalulungkot, Ikaw ay naroroon.
Pagkukulang ko'y binibigay Mo.
Hinaharap ko ang Iyong pag-ibig, nais ng puso kong mabasag.
Ang pag-ibig Mo'y tinunaw ang matigas kong puso,
at ngayon ako'y nagkakaroon na ng pagbabago ng puso.

Okt 24, 2018

Pag-bigkas ng Diyos-Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikatlong Bahagi)


Pag-bigkas ng Diyos-Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikatlong Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Paano Itinatatag ng Diyos ang Kalalabasan ng Tao at ang Pamantayan ng Pagtatatag Niya sa Kalalabasan ng Tao Isang Praktikal na Tanong na Nagdadala ng Lahat ng Uri ng Kahihiyan sa mga Tao

Okt 7, 2018

Ang Intensiyon ng CCP sa Paggamit ng Pyudal na Pamahiin sa Paghatol sa mga Relihiyosong Paniniwala


Ttagalog Dubbed MoviesAng Intensiyon ng CCP sa Paggamit ng Pyudal na Pamahiin sa Paghatol sa mga Relihiyosong Paniniwala


Iniisip ng Partido Komunista ng Tsina na ang paniniwala sa relihiyon ay sumibol mula sa takot at pagsamba sa pwersa ng kababalaghan ng tao na napag-iwanan na ng kaalaman sa syensya, at sinasabi nilang isang pamahiin lamang ang relihiyon

Set 27, 2018

Tagalog Christian Music Video | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)

Tagalog Christian Music Video | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)


I
Diyos na nagkakatawang tao'y tinatawag na Cristo,
ang Cristong makapagbibigay ng katotohana'y Diyos.
Hindi kalabisang sabihin nang gayon.
Dahil angkin N'ya ang diwa ng Diyos.
Angkin N'ya ang disposisyon ng Diyos at dunong sa gawa N'ya,
na di-maabot ng tao.

Set 15, 2018

Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikatlong Bahagi)


Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao.

May 4, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kristianong Awitin | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan

kapalaran, pagsamba, Diyos, Mga Biyaya, Mga Himno MP3,

  • I
  • Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
  • lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
  • Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
  • bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
  • gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
  • ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
  • pahintulutan ang buong sangkatauhan na
  • mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
  • tulad ng mga inapo ni Abraham
  • ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
  • tulad ng nilikha ng Diyos na
  • sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

  • II
  • Ang gawain ng Diyos ay tulad ng napakalakas na alon;
  • walang makakaantala sa Kanya
  • o makapagpapatigil sa Kanyang mga paa.
  • Sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa Kanyang salita
  • at sa pagsunod sa Kanya
  • maaaring masundan ang Kanyang mga yapak
  • at matanggap ang pangako.
  • Ang lahat ng iba pa ay dapat harapin ang ganap na paglipol
  • at tanggapin ang nararapat na kaparusahan.
  • Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
  • lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
  • Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
  • bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan.
  • Magbigay-pansin sa kapalaran ng sangkatauhan.
  •  
  • mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  • Rekomendasyon:
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal




Ene 15, 2018

Awit ng Papuri - Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos

Diyos, Pananampalataya, paniniwala, pagsamba, ebanghelyo


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Awit ng Papuri – Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos

I
Maraming tao’ng naniniwala, ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos, paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso. Maraming may alam sa mga salitang “Diyos” at “gawain ng Diyos,” ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya. Kaya pananalig nila’y bulag. Sila’y di seryoso dito dahil ito’y kakaiba. Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos. Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N’ya, angkop ka bang gamitin N’ya? Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?

Ene 11, 2018

Awit ng Papuri – Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos

panginoon, Jesus, ebanghelyo, Ang manlilikha, Pagsamba

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Awit ng Papuri – Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos

I
Sa mga gawain ng Diyos, sinumang tunay ang pagdanas may galang at takot sa Kanya, mas mataas kaysa paghanga. Kastigo’t paghatol N’ya tao’y kita disposisyon N’ya, sa puso nila’y igalang S’ya. Diyos ay dapat sambahin at sundin, dahil anyo’t disposisyon Niya kaiba sa mga nilalang, higit sa mga nilalang. Diyos lang marapat sambahin at pasakop.

Dis 6, 2017

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon – Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon – Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?

Sa dalawang libong taon, tayo ay naniwala sa Panginoon ayon sa Biblia, at napakarami sa atin ang naniniwalang “Ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos.” Tama ba ang mga ideyang ito? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos? Ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Biblia? Ano ang relasyon sa pagitan ng Biblia at Diyos? Nangangahulugan ba na ang bulag na pananampalataya at pagsamba sa Biblia ay ang paniniwala at pagsamba ninyo sa Diyos? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!
Rekomendasyon
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?