Napakadakila ng mga gawa ng Makapangyarihang Diyos! Kamangha-mangha! Kahanga-hanga! Tumutunog ang pitong trumpeta, ipinadadala ang pitong kulog, ibinubuhos ang pitong mangkok—kaagad itong hayagang ipapamalas at hindi maaaring magkaroon ng pagdududa. Dumarating sa atin araw-araw ang pag-ibig ng Diyos at tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa atin; kahiman nakakatagpo tayo ng kasawian o nakakatanggap ng pagpapala ay lubusang dahil sa Kanya, at tayong mga tao ay walang paraan na pagpasyahan ito. Yaong mga buong-pusong inaalay ang kanilang mga sarili sa Diyos ay tiyak na pagkakalooban ng malaking pagpapala, habang yaong mga hinahanap na pangalagaan ang kanilang buhay ang mawawalan ng kanilang buhay; nasa mga kamay ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng bagay at lahat ng usapin. Huwag nang ihinto ang mga hakbang. Dumarating ang malaking pagbabago sa langit at lupa; walang paraan ang tao para magtago at mayroon lang mapait na paghagulgol, walang ibang pagpipilian. Sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, dapat malinaw sa loob ng sarili niya ang bawat tao tungkol sa hakbang kung saan naisusulong ang Kanyang gawain, hindi na kinakailangan ang paalalahanan ng iba. Ngayon lumapit nang mas madalas sa Makapangyarihang Diyos, at humingi sa Kanya ng lahat. Tiyak na liliwanagan ka Niya sa loob mo at ipagsasanggalang ka Niya sa mga kritikal na panahon. Huwag matakot! Pag-aari na Niya ang iyong buong pagkatao at nasa Kanyang pagsasanggalang at pangangalaga, ano ang dapat mong katakutan? Malapit na ngayon ang tagumpay ng kalooban ng Diyos, sinumang matatakutin ay malamang mawalan. Hindi kalokohan ang sinasabi Ko sa’yo. . Buksan ang mga espirituwal na paningin, at magbabago ang langit sa isang iglap. Ano ang dapat ikatakot? Sa isang banayad na kilos ng Kanyang kamay, kaagad nawawasak ang langit at lupa. Anong pakinabang ng pagkabalisa ng tao? Hindi ba’t nasa kamay ng Diyos ang lahat ng bagay? Kung sinasabi Niya na babaguhin ang langit at lupa, kung gayon magbabago ang mga ito. Kung sinasabi Niya na gagawing tayong ganap, kung gayon magiging ganap tayo. Hindi kailangan para sa tao ang maging balisa, dapat mahinahon siyang magpatuloy. Gayunpaman, dapat lubusang magbigay-pansin siya at maging napaka-mapagbantay. Maaaring magbago ang langit sa isang iglap! Maaaring ibuka nang maluwang ang mismong mga mata ng tao at gayunma’y hindi makayang makakita ng anuman. Dagliang maging mapagbantay, naisasakatuparan na ang kalooban ng Diyos, nagaganap na ang Kanyang panukala, nagtatagumpay na ang Kanyang plano, nakararating na lahat ng Kanyang mga anak sa Kanyang trono, at hinahatulan nila na kasama ang Makapangyarihang Diyos ang lahat ng bansa at lahat ng tao . Yaong mga nang-uusig ng iglesia, at malupit na pinipinsala ang mga anak ng Diyos, ay matinding parurusahan, tiyak iyan! Yaong mga totoong ipinagkakaloob ang kanilang sarili sa Diyos, at itinataguyod ang lahat, tiyak na mamahalin silang lahat ng Diyos sa buong walang hanggan, na hindi kailanman nagbabago!
Rekomendasyon:
Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus
Rekomendasyon:
Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento