Nob 27, 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo|Dapat Wasakin ng Diyos ang Sodoma
Mar 6, 2019
Tanong 1: Naniniwala ako na kung tayo ay magiging tapat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa paraan ng Panginoon at hindi tatanggapin ang panlilinlang ng bulaang Cristo at mga bulaang propeta, kung tayo ay alerto habang tayo ay naghihintay, kung gayon ang Panginoon ay tiyak na magbibigay sa atin ng mga rebelasyon kapag Siya ay dumating. Hindi natin kailangang makinig sa boses ng Panginoon upang tayo ay dalhin. Sabi ng Panginoong Jesus, “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan: ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:23-24). Hindi n’yo ba nakikita ang panlilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta? Kaya nga, naniniwala kami na lahat ng nagpapatotoo sa pagdating ng Panginoon ay tiyak na bulaan. Hindi na natin kailangang maghanap at magsiyasat. Dahil pagdating ng Panginoon, maghahayag Siya sa atin, at tiyak na hindi Niya tayo pababayaan. Naniniwala ako na ito ang tamang pagpapatupad. Ano sa tingin ninyong lahat?
Peb 15, 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo | Kabanata 42
Peb 5, 2019
Tanong 1: Malinaw itong nasusulat sa banal na kasulatan: “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Hebreo 13:8). Kaya nga, ang pangalan ng Panginoon ay di maaaring magbago! sinasabi nila na ang pangalan ni Jesus ay nagbabago sa mga huling araw. Paano mo ito ipaliliwanag?
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? … at ang mga salitang “Ang Diyos ay hindi magbabago” ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehovah, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.