Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 23, 2019

Ang Pagpapala ng Diyos kay Noe Matapos ang Baha


Gen 9:1–6 At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila’y sinabi, Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa. At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa’t hayop sa lupa, at sa bawa’t ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay. Bawa’t gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo. Nguni’t ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin. At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay; sa kamay ng bawa’t ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng bawa’t kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao. Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka’t sa larawan ng Dios nilalang ang tao.
……

Matapos tanggapin ni Noe ang mga tagubilin ng Diyos at gawin ang malaking barko at mabuhay sa pagdaan ng mga araw na gumamit ang Diyos ng baha upang gunawin ang mundo, nakaligtas ang kanyang pamilyang walong katao. Bukod sa pamilya ni Noe na walong katao, ang lahat ng sangkatauhan ay nalipol, at ang lahat ng nabubuhay sa daigdig ay nalipol. Kay Noe, binigyan siya ng Diyos ng mga pagpapala, at may mga sinabi sa kanya at sa kanyang mga anak na lalaki. Ang mga bagay na ito ang ibinigay ng Diyos sa kanya at mga pagpapala rin ng Diyos sa kanya. Ito ang pagpapala at pangakong ibinibigay ng Diyos sa isang taong makapakikinig sa Kanya at makatatanggap ng Kanyang mga tagubilin, at ang paraan rin kung paano nagpapabuya ang Diyos sa mga tao. Ang ibig sabihin, kung si Noe man ay isang perpektong tao o isang matuwid na tao sa mata ng Diyos, at gaano man karami ang kaalaman niya tungkol sa Diyos, sa madaling salita, si Noe at ang kanyang tatlong anak na lalaki ay nakinig lahat sa mga salita ng Diyos, nakipagtulungan sa gawain ng Diyos, at ginawa ang dapat nilang gawin alinsunod sa mga tagubilin ng Diyos. Ang bunga nito, natulungan nila ang Diyos sa pagpanatili ng mga tao at iba’t ibang mga nabubuhay na bagay matapos ang pagkagunaw ng mundo sa pamamagitan ng baha, at sa gayon ay nakapag-ambag nang malaki sa susunod na hakbang ng plano ng pamamahala ng Diyos. Dahil sa lahat ng kanyang nagawa, pinagpala siya ng Diyos. Marahil para sa mga tao sa kasalukuyan, ang ginawa ni Noe ay ni hindi karapat-dapat banggitin. Baka iniisip pa ng ilan: Walang ginawa si Noe; nakapagpasya na ang Diyos na ingatan siya, kaya tiyak na mapapangalagaan siya. Ang Kanyang pagkaligtas ay hindi sa kanyang kapurihan. Ito ang gusto ng Diyos na mangyari, dahil ang tao ay walang-kibo. Nguni’t hindi ito ang iniisip ng Diyos. Para sa Diyos, kung ang tao man ay dakila o hamak, basta’t makikinig sila sa Kanya, makasusunod sa Kanyang mga tagubilin at sa Kanyang mga ipinagkakatiwala, at maaaring makipagtulungan sa Kanyang gawain, sa Kanyang kalooban, at sa Kanyang plano, upang matupad nang maayos ang Kanyang kalooban at ang Kanyang plano, ang asal na iyon ay karapat-dapat para sa Kanyang pagkilala at karapat-dapat na makatanggap ng Kanyang pagpapala. Pinahahalagahan ng Diyos ang ganitong mga tao, at tinatangi Niya ang kanilang mga gawa at ang kanilang pag-ibig at paggiliw para sa Kanya. Ito ang saloobin ng Diyos. Kaya bakit pinagpala ng Diyos si Noe? Dahil ganito pakitunguhan ng Diyos ang mga ganoong paggawa at pagsunod ng tao.

Tungkol sa pagpapala ng Diyos kay Noe, sasabihin ng ilan: “Kung ang tao ay makikinig sa Diyos at bibigyang-saya ang Diyos, kung gayon nararapat na pagpalain ng Diyos ang tao. Di ba’t hindi na kailangang banggitin iyan?” Maaari ba nating sabihin iyan? Sabi ng ilang tao: “Hindi.” Bakit hindi natin maaaring sabihin iyan? Sabi ng ilang tao: “Ang tao ay hindi karapat-dapat magtamasa ng pagpapala ng Diyos.” Hindi ito lubusang tama. Dahil kapag ang isang tao ay tumanggap ng mga ipinagkakatiwala ng Diyos, may pamantayan ang Diyos sa paghusga kung ang mga pagkilos ng isang tao ay mabuti o masama at kung ang taong iyan ay sumunod, at kung ang taong iyan ay nakatupad sa kalooban ng Diyos at kung ang kanilang ginagawa ay pasado. Ang mahalaga sa Diyos ay ang puso ng tao, hindi ang panlabas nilang mga ginagawa. Hindi ito isang kaso na dapat pagpalain ng Diyos ang isang tao basta gumagawa sila, hindi alintana kung paano man sila gumawa. Ito ang maling pagkaunawa ng tao sa Diyos. Hindi lamang tumitingin ang Diyos sa huling resulta ng mga bagay, nguni’t mas nagbibigay-diin sa kung ano ang kalagayan ng puso ng tao at kung ano ang saloobin ng tao sa pagpapatuloy ng mga bagay, at nakatingin kung may pagsunod, pagsasaalang-alang, at kagustuhang magbigay-saya sa Diyos sa kanilang puso. Gaano karami ang kaalaman ni Noe tungkol sa Diyos noong panahong iyon? Kasindami ba ng mga doktrinang alam na ninyo ngayon? Sa mga aspeto ng katotohanan tulad ng mga konsepto at kaalaman sa Diyos, nakatanggap ba siya ng kasindaming pagdidilig at pagpapastol tulad ninyo? Hindi! Nguni’t may isang katunayang hindi maikakaila: Sa mga kamalayan, mga isipan, at kahit sa kailaliman ng mga puso ng mga tao sa kasalukuyan, ang kanilang mga konsepto at saloobin sa Diyos ay malabo at di-tiyak. Maaari ninyo pa ngang sabihin na may mga taong negatibo ang saloobin tungkol sa pag-iral ng Diyos. Nguni’t sa puso ni Noe at sa kanyang kamalayan, ang pag-iral ng Diyos ay ganap at walang alinlangan, at kaya ang kanyang pagsunod sa Diyos ay walang halo at kayang tumayo sa pagsubok. Ang kanyang puso ay malinis at bukas sa Diyos. Hindi niya kailangan ng masyadong maraming kaalaman sa mga doktrina upang makumbinsi ang sarili niyang sumunod sa bawat salita ng Diyos, ni hindi rin niya kailangan ng maraming katunayan upang patunayan ang pag-iral ng Diyos, upang matanggap niya kung ano ang ipinagkatiwala ng Diyos at makayang gawin ang anumang ipinagagawa sa kanya ng Diyos. Ito ang mahalagang pagkakaiba ni Noe at ng mga tao sa kasalukuyan, at ito rin ang tiyak na tunay na kahulugan ng kung ano ang isang perpektong tao sa mata ng Diyos. Ang nais ng Diyos ay mga taong tulad ni Noe. Siya ang uri ng taong pinupuri ng Diyos, at tiyak din na uri ng taong pinagpapala ng Diyos. May natanggap ba kayong anumang kaliwanagan mula rito? Ang mga tao ay tumitingin sa mga tao mula sa labas, samantalang ang tinitingnan ng Diyos ay ang mga puso ng mga tao at ang kanilang diwa. Hindi pinapayagan ng Diyos ang sinumang magkaroon ng anumang pagkakahati ng puso o alinlangan tungo sa Kanya, ni hindi rin Niya pinapayagan ang mga taong maghinala o subukin Siya sa anumang paraan. Kaya kahit na ang mga tao sa kasalukuyan ay harap-harapan sa salita ng Diyos, o maaari ninyo pang sabihing harap-harapan sa Diyos, dahil sa anumang bagay na nasa kailaliman ng kanilang mga puso, ang pag-iral ng kanilang tiwaling diwa, at ang kanilang mapanlaban na saloobin sa Kanya, sila ay nahahadlangan sa kanilang tunay na paniniwala sa Diyos, at nahaharangan sa kanilang pagsunod sa Kanya. Dahil dito, napakahirap para sa kanilang maabot ang pagpapalang tulad ng ipinagkaloob ng Diyos kay Noe.

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon: Ang mga aklat ng ebanghelyo sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ibubunyag ang lahat ng mga misteryo ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan para sa iyo.

Peb 27, 2019

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos

Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob ng iglesia ngayon? Mayroon ka bang nauunawaan sa gayon? Ano ang pinakadakilang mga paghihirap ng mga kapatid? Ano ang pinakakulang sa kanila? Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na negatibo sa gitna ng mga pagsubok, at ang iba sa kanila ay nagrereklamo pa, at ang ilan ay hindi na nagpapatuloy pa sapagkat ang Diyos ay hindi na nagsasalita. Ang mga tao ay hindi nakapasok sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos. Hindi nila kayang mamuhay nang mag-isa, at hindi nila mapanatili ang kanilang sariling buhay espiritwal. May ilang mga tao na sumusunod, taglay ang udyok para sa paghahangad, at nakahanda sa pagsasagawa kapag nagsalita ang Diyos. Ngunit kapag hindi nagsasalita ang Diyos, hindi na sila nagpapatuloy. Hindi pa rin naiintindihan ng mga tao ang kalooban ng Diyos sa loob ng kanilang mga puso at wala kaagad silang pag-ibig para sa Diyos; Ang kanilang pagsunod sa Diyos sa nakaraan ay dahil pinilit sila. Ngayon mayroong ilang mga tao na pagod na sa gawain ng Diyos. Hindi ba sila nasa panganib? Napakarami sa mga tao ang nasa isang kalagayan na kinakaya lamang. Bagamat kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos at nananalangin sa Kanya, lahat ng ito ay pabantulot. Wala silang udyok na taglay nila dati, at ang karamihan sa mga tao ay hindi interesado sa gawain ng Diyos na kapinuhan at pagka-perpekto. Ito ay parang hindi pa sila nagkaroon ng anumang panloob na udyok, at kapag sila ay napagtatagumpayan ng mga pagsalangsang hindi nila nadarama ang utang na loob sa Diyos. Hindi sila nagsisisi sa kanilang mga sarili at hindi nila hinahangad ang katotohanan o iniiwan ang iglesia. Ang hinahangad lamang nila ay mga panandaliang kaaliwan. Ito ang pinakahangal na uri ng mangmang! Kapag dumating ang oras, silang lahat ay itatakwil, wala ni isa man ang maliligtas!

Peb 15, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Kabanata 42

Napakadakila ng mga gawa ng Makapangyarihang Diyos! Kamangha-mangha! Kahanga-hanga! Tumutunog ang pitong trumpeta, ipinadadala ang pitong kulog, ibinubuhos ang pitong mangkok—kaagad itong hayagang ipapamalas at hindi maaaring magkaroon ng pagdududa. Dumarating sa atin araw-araw ang pag-ibig ng Diyos at tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa atin; kahiman nakakatagpo tayo ng kasawian o nakakatanggap ng pagpapala ay lubusang dahil sa Kanya, at tayong mga tao ay walang paraan na pagpasyahan ito. Yaong mga buong-pusong inaalay ang kanilang mga sarili sa Diyos ay tiyak na pagkakalooban ng malaking pagpapala, habang yaong mga hinahanap na pangalagaan ang kanilang buhay ang mawawalan ng kanilang buhay; nasa mga kamay ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng bagay at lahat ng usapin. Huwag nang ihinto ang mga hakbang. Dumarating ang malaking pagbabago sa langit at lupa; walang paraan ang tao para magtago at mayroon lang mapait na paghagulgol, walang ibang pagpipilian. Sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, dapat malinaw sa loob ng sarili niya ang bawat tao tungkol sa hakbang kung saan naisusulong ang Kanyang gawain, hindi na kinakailangan ang paalalahanan ng iba.

Peb 11, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Kabanata 39

Buksan ang mga mata at tingnan at makikita ang dakilang kapangyarihan Ko sa lahat sa dako! Makatitiyak kayo sa Akin sa lahat ng dako. Pinalalaganap ng sansinukob at kalawakan ang Aking dakilang kapangyarihan. Nagkakatotoong lahat ang mga salitang nasabi Ko na sa pag-init ng panahon, pagbabago ng klima, katiwalian ng mga tao, kaguluhan sa kalagayan ng lipunan, at ang panlilinlang sa mga puso ng mga tao. Pumuputi ang araw at pumupula ang buwan; nasa kaguluhan ang lahat. Hindi ninyo pa ba nakikita ang mga ito?

Dito ibinubunyag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Walang dudang Siya ang iisang totoong Diyos—ang Makapangyarihan—na naitataguyod ng mga tao sa maraming taon! Sino ang nagsasalitang pauna at pagkatapos nakapangyayari ng mga bagay? Tanging ang ating Makapangyarihang Diyos. Kaagad lumilitaw ang katotohanan sa sandaling nagsasalita Siya. Papaanong hindi masasabing Siya ang totoong Diyos?

Dis 27, 2018

Tagalog Praise Songs | Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos




Tagalog Praise SongsTungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos



I
Yaong ipinagkakaloob sa inyo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na
ang inyong patotoo ay malampasan ang kay Moises
at ang inyong mga salita ay higit sa kay David.
Binibigyan kayo ng Diyos ng makasandaan,
kaya naman hinihiling Niya sa inyo na tumbasan ninyo rin ito.

Nob 6, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sinisikap lamang ninyong maging kaayon sa malabong Diyos, at naghahanap ng malabong paniniwala, ngunit hindi pa rin kayo kaayon kay Cristo. Hindi ba’t ang inyong paghahangad ng masama ay makatatanggap din ng kaparehong parusa gaya ng sa masama? Sa oras na iyon, inyong mapagtatanto na walang sinumang hindi kaayon kay Cristo ang makatatakas sa araw nang matinding galit, at inyong matutuklasan kung anong uri ng parusa ang nararapat sa mga nakikipag-alitan kay Cristo.

Okt 20, 2018

Naging Isa Bang Biyaya o Sumpa ang Siyensiya sa Sangkatauhan?


Ttagalog Dubbed MoviesNaging Isa Bang Biyaya o Sumpa ang Siyensiya sa Sangkatauhan?


Sa paggamit ng mga argumentong gaya ng materyalismo at ng teorya ng ebolusyon, hindi nag-aksaya ng lakas ang Patido Komunista ng Tsina sa pagkontra sa pag-iral ng Diyos at sa pamumuno Niya.

Okt 13, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaanim na Bahagi)


Ang Gawain ng Diyos , ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaanim na Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Ang Patotoo ni Job ay Nagdulot ng Kaginhawahan sa Diyos Bagama’t ang Diyos ay Hindi Ibinunyag ang Sarili Niya kay Job, Si Job ay Naniniwala sa Dakilang Kapangyarihan ng Diyos Ang Pananampalataya ni Job sa Diyos ay Hindi Nayayanig Dahil Nakatago ang Diyos sa Kanya Pinagpapala ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Nag-iisip ng Pagpapala o Kapahamakan Bagaman ang Diyos ay Nakatago Mula sa Tao,

Set 8, 2018

Tagalog Christian Music Video "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"


Tagalog Christian Music Video "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"


I
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita.
Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain,
ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita.
Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos
sa Kapanahunan ng Salita.

Hul 25, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita

Diyos, Kristiyanismo, pananalig, Mga Biyaya





Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita

  • I
  • Hanap ng Diyos yaong mga uhaw sa Kanyang pagpapakita.
  • Yaong mga di tumututol, masunuring tulad ng mga paslit.
  • Hanap ng Diyos ang may kaya,
  • kayang dinggin ang Kanyang mga salita,
  • wag limutin Kanyang habilin, ialay katawan at puso sa Kanya.
  • Kung walang makakayanig,
  • walang makakayanig sa'yong panata sa Diyos,
  • mamasdan ka Niya, mamasdan ka Niya nang may pabor, oh …
  • Igagawad Niya pagpapalang dapat sa 'yo, sa 'yo,
  • igagawad Niya pagpapalang dapat sa 'yo!

Hun 7, 2018

Tagalog Christian Gospel Videos | "Suwerte at Kasawian" Christian Testimony


Dahil siya ay nagmula sa dukhang pamilya, mula pa sa pagkabata determinado na si Du Juan na yumaman at magkaroon ng mas magandang buhay. Para magkatotoo ang mithiing ito, tumigil siya sa pag-aaral para magtrabaho, anuman ang kaya niyang gawin para magkapera. Hindi siya nagreklamo kapag mahirap at nakakapagod ang trabaho. Gayunman, hindi niya nakuha ang hangad niyang resulta. Gaano man siya nagpakasipag, hindi niya natamo ang buhay na gusto niya para sa kanyang sarili. Noong 2008, kimkim ang pangarap na yumaman, nagpunta sila ng kanyang asawa sa Japan para magtrabaho. Pagkaraan ng ilang taon, hinimatay siya sa pagod dahil sa dami ng mabibigat na gawain at sobrang haba ng pagtatrabaho. Nalungkot siya nang husto dahil sa mga resulta ng mga imbestigasyon sa ospital, ngunit para makamit ang kanyang mga pangarap, hindi sumuko si Du Juan. Patuloy siyang nagtrabaho, sa kabila ng kanyang karamdaman, na determinadong magsikap. Kalaunan, napilitan siyang tumigil sa pagpapayaman dahil sa labis na paghihirap sa kanyang kalagayan. Sa gitna ng kanyang sakit, nagsimula siyang magnilay-nilay: Sa kabila ng lahat, bakit nabubuhay ang tao? Nararapat bang isapalaran ang buhay ng tao alang-alang sa pera? Masaya ba ang maging mayaman? Patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang mga pagdududang ito. Di nagtagal, dumating sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nalaman niya ang pinagmumulan ng pasakit sa buhay ng tao, at naunawaan din niya kung bakit nabubuhay ang tao, at paano mabuhay bago maging makabuluhan ang kanyang buhay …. Tuwing iisipin niya ang karanasang ito, napapabuntong-hininga si Du Juan: Ang karamdamang ito ay talagang nagbigay sa kanya ng pagpapala mula sa kapighatian!

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan






May 4, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kristianong Awitin | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan

kapalaran, pagsamba, Diyos, Mga Biyaya, Mga Himno MP3,

  • I
  • Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
  • lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
  • Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
  • bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
  • gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
  • ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
  • pahintulutan ang buong sangkatauhan na
  • mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
  • tulad ng mga inapo ni Abraham
  • ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
  • tulad ng nilikha ng Diyos na
  • sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

  • II
  • Ang gawain ng Diyos ay tulad ng napakalakas na alon;
  • walang makakaantala sa Kanya
  • o makapagpapatigil sa Kanyang mga paa.
  • Sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa Kanyang salita
  • at sa pagsunod sa Kanya
  • maaaring masundan ang Kanyang mga yapak
  • at matanggap ang pangako.
  • Ang lahat ng iba pa ay dapat harapin ang ganap na paglipol
  • at tanggapin ang nararapat na kaparusahan.
  • Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
  • lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
  • Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
  • bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan.
  • Magbigay-pansin sa kapalaran ng sangkatauhan.
  •  
  • mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  • Rekomendasyon:
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal