Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ANG LGLESIA NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS -MGA VIDEO. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ANG LGLESIA NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS -MGA VIDEO. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 22, 2017

Kayang Kilalanin ng Matalinong Birhen ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Tunay na Cristo at mga Bulaang Cristo

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kayang Kilalanin ng Matalinong Birhen ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Tunay na Cristo at mga Bulaang Cristo

Nahaharap sa ikalawang pagdating ng Panginoon, masyado ka bang matatakot sa mga bulaang Cristo na isasara mo ang pinto upang protektahan ang iyong sarili at maghintay para sa pagbubunyag ng Panginoon, o kikilos ka tulad ng matalinong birhen, at dinggin ang tinig ng Diyos at batiin ang pagbabalik ng Panginoon? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano salubungin ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Nob 21, 2017

Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Tayo Dapat “Mag-abang at Maghintay” para sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon?

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Tayo Dapat “Mag-abang at Maghintay” para sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon?

Sa muling pagdating ng Panginoon, bababa kaya Siya na nasa mga alapaap, o darating kaya Siya nang palihim na tulad ng isang magnanakaw? Paano mo haharapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Masyado ka bang natatakot na iligaw ng isang huwad na Cristo na tatanggi ka nang hanapin Siya, o gagawin mo ang bahagi ng matalinong birhen at maingat na dinggin ang tinig ng Diyos? Paano ba tayo dapat “mag-abang at maghintay” upang magagawa nating salubungin ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik? Panoorin ang maikling video na ito!

Ago 21, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon


Matapos itakwil ng mga kapatiran sa isang pulungan ng iglesia ni Elder Liu Zhizhong ang mga kadena ng Biblia, binasa nila online ang tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sila ay binusog ng nabubuhay na tubig ng buhay, at nagawa nilang ibalik ang kanilang orihinal na pananampalataya at pagmamahal at kumpirmahin sa kanilang mga puso na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Nang makita itong nangyari ni Elder Liu Zhizhong, nagawa ba niyang ibaba ang Biblia at hinangad na siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Mangyaring panoorin ang maikling video na ito!

Ago 19, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | “Sino Ang Aking Panginoon”



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | “Sino Ang Aking Panginoon


Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

Ago 17, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na
Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?

Ago 15, 2017

Ang himno ng Salita ng Makapangyarihang Diyos | Siya Ang Ating Diyos


Ang ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Himno ng Salita ng Diyos | Siya Ang Ating Diyos


Siya lang ang may alam ng ating iniisip.
Uri't diwa natin ay talos N'ya, tulad ng palad N'ya.
Tanging S'ya ang hukom sa taong tiwali at suwail.
Tanging S'ya ang magsasabi't gagawa sa atin sa ngalan ng Diyos.
S'ya lang ang nag-aangkin ng kapangyariha't dunong ng Diyos.
Tanging S'ya lamang ang nag-aangkin ng dangal ng Diyos.
Ang disposisyon ng Diyos at kung ano S'ya at mayro'n S'ya
ay ganap na hayag sa buo, sa buo Niyang katawan.
S'ya lang ang makapagdadala ng liwanag sa atin.
S'ya lang ang makapagtuturo ng tamang daan.
S'ya lang maghahayag mga hiwagang di-hayag ng Diyos,
Di-hayag ng Diyos mula sa paglikha hanggang ngayon.
S'ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas,
at mula sa tiwali ng ating, ng ating disposisyon.
S'ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas,
at sa tiwaling disposisyon, ng ating disposisyon.

Ago 11, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kung ang Biblia ay Kinasihan ng Diyos



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kung ang Biblia ay Kinasihan ng Diyos
Sa dalawang libong taon, ang relihiyosong mundo ay umasa sa kung ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa Biblia na kinasihan ng Diyos at laging naniwala na “Ang Biblia ay mga salita ng Diyos,” at “Ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon.” Tama ba ang mga ideyang ito? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!