Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pananampalataya sa diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pananampalataya sa diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 29, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


        Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang susi sa pagtalima sa Diyos ay ang pagpapahalaga sa bagong liwanag, at makayang tanggapin ito at maisagawa. Ito lamang ang tunay na pagtalima. … Ang hindi pagiging kuntento sa pamumuhay sa gitna ng mga biyaya ng Diyos, pagiging laging nauuhaw para sa katotohanan, at paghahanap para sa katotohanan, at paghahabol na maging pag-aari ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng maingat na pagtalima sa Diyos: ito ang eksaktong uri ng pananampalatayang gusto ng Diyos."

Okt 19, 2019

Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos

Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng tao ay yaong nauunawaan nila ang katotohanan nguni’t hindi ito maisasagawa. Ang isang salik ay yaong ayaw ng tao na magbayad ng halaga, at ang isa pa ay yaong masyadong di-sapat ang pagtalos ng tao; hindi niya kayang makakita nang lampas sa marami sa mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may napakaliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong pag-unawa ng katotohanan, hindi niya kayang lutasin ang mga paghihirap na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay mananampalataya sa Diyos sa salita lamang, gayunpaman hindi niya kayang dalhin ang Diyos sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Sa ibang salita, ang Diyos ay Diyos, at ang buhay ay buhay, para bagang ang tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanyang buhay. Iyan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao. Ang ganitong pamamaraan ng pananampalataya sa Diyos ay hindi magpapahintulot sa tao na makamit at maperpekto Niya sa realidad. Sa katotohanan, hindi sa hindi ganap ang salita ng Diyos, bagkus ay na hindi lang sapat ang kakayahan ng tao upang tanggapin ang Kanyang salita. Masasabi na halos walang isa mang tao na kumikilos ayon sa mga hangarin ng Diyos. Sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling mga intensyon, naitatag na mga relihiyosong pagkaunawa, at mga kaugalian. Kakaunti ang mga sumasailalim sa pagbabago kasunod ng pagtanggap ng salita ng Diyos at nagsisimulang kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Sa halip, nagpipilit sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang tao ay nagsisimulang maniwala sa Diyos, ginagawa niya ito batay sa nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikipag-ugnayan sa iba na lubusang batay sa kanyang sariling pilosopiya sa buhay. Iyan ang kalagayan ng siyam sa bawat sampung tao. Napakakaunti ang mga nagbubuo ng isa pang plano at nagpapanibagong simula pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Walang nagpapalagay o nagsasagawa ng salita ng Diyos bilang ang katotohanan.

Set 9, 2019

Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya


Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at walang anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa iyo? Para ano at mahal mo ang Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon?

May 30, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos


Ngayon, sa inyong paghanap sa pag-ibig at pagkilala sa Diyos, sa isang banda dapat ninyong tiisin ang hirap at pagpipino, at sa ibang banda, kailangan ninyong magbigay ng kabayaran. Walang leksiyon na mas malalim kaysa sa turo ng maibiging Diyos, at maaaring sabihing ang leksiyong natututunan ng mga tao sa panghabambuhay na paniniwala ay kung paano mahalin ang Diyos. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Diyos dapat mong mahalin ang Diyos.

Mar 17, 2019

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan.

Mar 10, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Pagsasagawa (8)

Napakarami ng tungkol sa mga tao ang lihis at mali, hindi nila kailanman magagawang maunawaan sa kanilang mga sarili, at kaya kailangan pa ring gabayan sila sa pagpasok sa tamang landas; sa ibang pananalita, nagagawa nilang ayusin ang kanilang mga buhay pantao at mga buhay espirituwal, ilagay ang parehong mga aspeto sa pagsasagawa, at walang pangangailangan para sa kanila na palaging sinusuportahan at ginagabayan. Tanging sa gayon nila tataglayin ang tunay na tayog. Ang ganito ay mangangahulugan na, sa hinaharap, kapag walang sinuman para gabayan ka, makararanas ka pa rin sa sarili mo. Sa kasalukuyan, kung makarating ka sa pagkaunawa sa kung ano ang mahalaga at hindi, sa hinaharap, magagawa mong makapasok sa katotohanan. Sa kasalukuyan, kayo ay inaakay patungo sa tamang landas, tinutulutan kayo na maunawaan ang maraming katotohanan, at sa hinaharap magagawa ninyong mas lumalim pa. Maaaring sabihin na ang ipinauunawa sa mga tao ngayon ay ang pinakadalisay na paraan. Sa kasalukuyan, ikaw ay dinadala sa tamang landas—at kung, isang araw, walang sinuman ang gagabay sa iyo, magsasagawa ka at susulong nang mas malalim alinsunod sa pinakadalisay sa lahat ng mga landas. Ngayon, ipinauunawa sa mga tao kung ano ang tama, at kung ano ang lihis, at pagkatapos maunawaan ang mga bagay na ito, sa hinaharap ang kanilang mga karanasan ay lalalim. Sa kasalukuyan, ang mga bagay na hindi ninyo nauunawaan ay binabaligtad, at ang landas ukol sa positibong pagpasok ay ibinubunyag sa inyo, pagkatapos ay magwawakas ang yugto ng gawaing ito, at sisimulan ninyong lakaran ang landas na nararapat sa inyong mga tao. Sa panahong iyon, ang Aking gawain ay matatapos, at mula sa puntong iyon pasulong hindi na kayo makikipagkita sa Akin. Sa kasalukuyan, ang inyong tayog ay masyado pang maliit. Maraming mga paghihirap na mga bagay ukol sa sangkap at kalikasan ng tao, at kaya, pati, mayroong ilang mga bagay na naka-ugat nang malalim na hindi pa nahuhukay. Hindi ninyo nauunawaan ang mas maliliit na detalye ng sangkap at kalikasan ng mga tao, at kailangan pa rin Ako para banggitin ang mga ito; kung hindi, hindi ninyo malalaman. Kapag ito ay nakaabot sa isang partikular na punto at ang mga bagay sa loob ng inyong mga buto at dugo ay nailalantad, ito ang kilala bilang pagkastigo at paghatol. Kapag ang Aking gawain ay ganap at lubos na naipatupad saka Ko lamang wawakasan ito.

Peb 1, 2019

Mga Movie Clip | Tagalog Christian Movies | Bakit Pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos (6)



Mga Movie Clip | Tagalog Christian MoviesBakit Pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos (6)


Ang Chinese Communist Party ay isang napakasamang rehimen na talagang galit sa katotohanan at sa Diyos. Alam nito na nag-iisa ang Makapangyarihang Diyos sa mundo na makapagpapahayag ng katotohanan. Ang Makapangyarihang Diyos ay nasa proseo ng pagliligtas sa mga huling araw. Kung ipinalalaganap ang salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga tao, lahat ng nagmamahal sa katotohanan ay babalik sa Kanya. Ilalantad ang Chinese Communist Party na mukhang demonyo, ang tunay na mukha nito, na galit sa katotohanan at kumakalaban sa Diyos. Sa gayo'y tatalikuran ng buong sangkatauhan ang Chinese Communist Party. Hindi na rin ito mapanghahawakan sa China. Hindi na rin nito magagawang tiwali at mabibitag ang mga mamamayan sa mundo.

Ene 2, 2019

Salita ng Diyos | Tungkol sa Biblia (3)

Hindi lahat ng nasa Biblia ay isang talaan ng mga salitang personal na sinabi ng Diyos. Isinasaad lang ng Biblia ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung saan ang isang bahagi ay isang talaan ng mga hula ng mga propeta, at ang isang bahagi ay mga karanasan at kaalamang isinulat ng mga taong ginamit ng Diyos sa nagdaang mga panahon. Ang mga karanasan ng tao ay nabahiran ng mga opinyon at kaalaman ng tao, na hindi maiiwasan. Nasa marami sa mga aklat ng Biblia ang mga pagkaintindi ng tao, mga pagkiling ng tao, at mga kakatwang pakahulugan ng tao. Siyempre, karamihan ng mga salita ay resulta ng pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at tama ang mga pakahulugang iyon—pero hindi pa rin masasabi na sila ay tamang-tama na mga pagpapahayag ng katotohanan. Ang kanilang mga pananaw tungkol sa ilang bagay ay walang iba kundi ang kaalamang nagmula sa personal na karanasan, o ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Ang mga hula ng mga propeta ay personal na itinagubilin ng Diyos: Ang mga propesiya nina Isaias, Daniel, Ezra, Jeremias, at Ezekiel ay nagmula sa direktang tagubilin ng Banal na Espiritu, ang mga taong ito ay mga tagakita, natanggap nila ang Espiritu ng propesiya, lahat sila ay propeta ng Lumang Tipan. Noong Kapanahunan ng Kautusan ang mga taong ito, na nakatanggap ng inspirasyon ni Jehova, ay nagsalita ng maraming propesiya, na direktang itinagubilin ni Jehova. At bakit kumilos si Jehova sa kanila? Sapagkat ang bayan ng Israel ay ang piniling bayan ng Diyos: Kinailangang gawin ang gawain ng mga propeta sa gitna nila, at naging marapat sila na tumanggap ng gayong mga pahayag. Sa katunayan, hindi nila mismo naunawaan ang mga pahayag ng Diyos sa kanila. Sinabi ng Banal na Espiritu ang mga salitang iyon sa pamamagitan ng kanilang bibig upang maunawaan ng mga tao sa hinaharap ang mga bagay na iyon, at makita na ang mga iyon ay talagang gawa ng Espiritu ng Diyos, ng Banal na Espiritu, at hindi nagmula sa tao, at mabigyan sila ng pagpapatibay ng gawain ng Banal na Espiritu. Noong Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus Mismo ang gumawa ng lahat ng gawaing ito kahalili nila, kaya nga hindi na nagsalita ng propesiya ang mga tao.

Nob 2, 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos



Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang sanhi ay ayaw magbayad ng halaga ang tao, at ang isa pa, masyadong di-sapat ang pang-unawa ng tao; hindi niya kayang makita ang nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong pang-unawa ng katotohanan, hindi niya kayang malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay naglilingkod sa salita lamang sa kanyang
pananampalataya sa Diyos , gayunpaman hindi nakikita ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay.

Okt 25, 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Masama ay Dapat Parusahan


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Masama ay Dapat Parusahan


Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan.

Okt 7, 2018

Ang Intensiyon ng CCP sa Paggamit ng Pyudal na Pamahiin sa Paghatol sa mga Relihiyosong Paniniwala


Ttagalog Dubbed MoviesAng Intensiyon ng CCP sa Paggamit ng Pyudal na Pamahiin sa Paghatol sa mga Relihiyosong Paniniwala


Iniisip ng Partido Komunista ng Tsina na ang paniniwala sa relihiyon ay sumibol mula sa takot at pagsamba sa pwersa ng kababalaghan ng tao na napag-iwanan na ng kaalaman sa syensya, at sinasabi nilang isang pamahiin lamang ang relihiyon

Set 12, 2018

Christian Variety Show | "Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon" (Tagalog Skit 2018)


Christian Variety Show | "Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon" (Tagalog Skit 2018)


Si Zheng Xinming na may edad nang halos pitumpo, ay isang matapat na Kristiyano. Dahil sa kanyang pananampalataya sa Panginoon, nadetine at nabilanggo siya, at nahatulan ng walong taon.

Set 6, 2018

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

New Tagalog Songs Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao


I
Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.
Hinanap ko'y estado at kasikatan.
Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.

Abr 12, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang lahat ng mga kilos at mga gawa ni Satanas ay nakikita sa tao. Ngayon ang lahat ng mga kilos at mga gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos. Ang tao ang sagisag ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang mga tao ay may mabuting karakter; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng naturang karakter ng mga tao at ang gawain na kanilang ginagawa ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ngunit ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang gawain ng Diyos na ginagawa Niya sa kanila ay kumikilos lamang at lumalawak sa kung ano na ang umiiral sa loob. Maging sa mga propeta o ang mga taong ginamit ng Diyos mula sa mga nakaraang panahon, walang sinuman ang maaaring direktang kumatawan sa Kanya."