Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Relasyon sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Relasyon sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 19, 2019

The bible tagalog movies | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kumakatawan sa Paniniwala sa Diyos?



The bible tagalog moviesAng Paniniwala ba sa Biblia ay Kumakatawan sa Paniniwala sa Diyos?


Nanghahawakan ang mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga salita ni Pablo sa Biblia na nagsasabing "Ang lahat ng mga kasulatan [ay] kinasihan ng Dios," na naniniwala na ang Biblia ay puro salita ng Diyos at ginagawa nila ang lahat para purihin at patotohanan ang Biblia, na ipinapantay ang Biblia sa Diyos. Naniniwala sila na ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon at na ang pananalig sa Panginoon ay pananalig sa Biblia. Kaya talaga bang ibinigay ang buong Biblia sa inspirasyon ng Diyos? Ang gawain ba ng Diyos ang nagpasimula sa Biblia, o ang Biblia ang nagpasimula sa gawain ng Diyos?

Ene 15, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang bahagi)


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos na direktang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehova, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehova. Kaya gaano man karami ang gawaing kanilang isinagawa, gaano man kadakila ang mga himalang kanilang ginawa, sila pa rin ay mga nilalang lamang ng Diyos, at walang kakayahang kumatawan sa Espiritu ng Diyos.

Set 21, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kahulugan ng Dasal" (Tagalog songs)


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kahulugan ng Dasal" (Tagalog songs)


I
Ang panalangin ay isa sa mga paraan
kung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,
upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng Diyos.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag.